magkatulong na naglinis ng bahay si Loida at Arnie habang si JR ay itinuloy ang sinisibak ng tatay nya na pumunta sa ilayang pulo upang manguha ng mga gulay at prutas at manghuli ng manok. kasama n'ya rin si Marcial na kasalukuyang umakyat sa puno ng niyog upang kumuha ng mura (buko)
bandang alas diyes ng umaga dumating si Betty kasabay ang anak na si Lia at manugang na si Yel pati ang dalawang apong si Irene at Chibog, nagkita sila sa baraka habang namimili si Betty .
Si Lia, nakatatandang kapatid ni Arnie, medyo chubby dahil sa magkasunod na pagbubuntis ay mabait at mapagmahal na ate nila Arnie gaya din ng kanilang ate Lilac ( panganay sa magkakapatid) na naninirahan sa America.
nakapag asawa din ng maaga si Lia, kay Yel na tubong Olongapo, at duon na rin naninirahan kasama ang mga biyenan at isang bayaw na binata pa.
ate!!!! tuwang tuwang salubong at yakap ng magkapatid na Arnie at Loida kay Lia, sabay kuha ni Arnie kay Chibog ikalawang anak ni Lia. katatapos lang nilang linisin ang isang kwarto sa itaas na tutuluyan ni ng mag asawang Lia at mga anak.
natutuwang gumanti ng yakap si Lia sa mga kapatid at bumaling kay Arnie na hawak ang anak n'yang si chibog.
LIA; Arnie.... kumusta kana? alalang alala kami ng mabalitaan namin ang nangyari sa'yo ng itawag ni inay sa amin, si ate Lilac man ay nag aalala din.
ayos lang ako ate Lia masayang sagot ni Arnie...
LIA; buti naman kung gano'n, kami'y nag alala ng husto, ang sabi ni itay.....kaunti na laang daw at makukuha kana nang tuluyan ng tikbalang.... mabuti na lang at nakita ka nila bago ang hatinggabi .nag aalalang saad ni Lia...
ARNIE ; huwag kang mag alala ate Lia, ok lang ako. saka magaling naman si ka Tonyo. pag aalo ni Arnie sa kanyang ate.