Chapter 12. Facade
"SORRY, napuwing lang ako." bulalas kay Jinny ni Bree. Napansin niyang agad itong nag-iwas ng tingin at saktong bumukas ang pinto ng elevator. Nasa basement parking na sila at kaagad naman nilang nakita ang hummer ng kuya nito. Lumabas ang lalaki para salubungin sila.
"Baby girl! what's up?" bati ng kuya ni Bree rito. Sa ibang sitwasyon siguro ay umangil na ang kaibigan niya. She didn't want that endearment from her brother. Said that she's always cringing because they're grownups already. Naging pang-asar na raw ng kuya nito iyon dito.
Pagkuwa'y bumaling ang lalaki sa kanya. Halata ang pagkakahawig ng dalawang magkapatid lalo na ang facial features ng mga ito.
"Why didn't you tell me you're with your fri—hey, did you cry? What happened?" Napalitan agad ng pag-aalala ang timbre ng boses ni Brian, ang kuya ni Bree.
"Napuwing nga lang sinabi!" singhal ni Bree na ikinapitlag niya. Mukhang totoo ngang in denial lamang ito kanina nang sabihing ayos lang naman kung sakaling ligawan siya ni Rexton, ah. Nakagat niya ang ibabang labi hanggang sa makasakay na sila sa hummer.
Hindi na umimik ang kuya ni Bree matapos niyon habang si Bree nama'y panay ang paglilitanya. Siya nama'y nakikinig lamang sa kaibigan.
"What if he doesn't really like you? What if he's just attracted to you because you are both single parents? Ganoon naman talaga, hindi ba? And I know him, he likes mature women and iyong mukhang masungit? Hindi ka naman ganoon, kaya feeling ko dahil parehas talaga kayong may anak kaya ka niya gusto."
Tumikhim si Brian pero hindi kumibo. Mukhang may gustong itanong o ikumpirma.
"Hindi naman niya ako gusto," agap niya.
Pagkuwa'y bumusangot ulit si Bree. Para itong iiyak kahit hindi naman. She wanted to laugh because she looked like magdadabog na. She honestly didn't know that her friend had this side. Medyo childish pero hindi naman nakakainis. Ngayon niya napatunayang iba talaga ang nagagawa ng selos. Na mukhang ang pilit na itinatag nitong maging mukhang istrikta, masungit at ang pag-akto nito nang tila mas matured ay unti-unting natitibag. She suddenly realized that Bree wasn't that stiff as she first met her. That those weren't her true personalities.
She suddenly recalled the stages of grief because of Bree's actions: DABDA—denial, anger, bargaining, depression and acceptance. Based on what she learnt before, it's said that these were a part of the framework that made up our learning to live with the one we lost. They're tools to help us frame and identify what we may be feeling.
Parang gusto niyang matawa kung paanong ang bilis naman yata ng five stages sa kaniyang kaibigan? Kanina lang sa lift, in denial ito na kesyo okey lang na pormahan siya ng kababata nito, na makaka-move on din kaagad. Sumunod naman ay nang bigla nitong singhalan ang kuya nito kanina sa basement parking. Tapos iyong paglilitanya nito a loob ng sasakyan mula kanina. Then, she suddenly looked so blue. Sa pananahimik niya ay na-obserbahan na niya kaagad ang kakatwang kilos ng kanyang kaibigan na hindi naman niya ginagawa noon.
"Samahan mo ako mamayang gabi, Jinny, tutal kasalanan mo naman ito!"
"Brianna," her brother in his low tone. Mukhang kilalang-kilala nga ng lalaki ang kapatid nito dahil sumuway na kaagad sa binabalak ng kapatid.
"What? Mag-i-sleepover lang naman kami! I'll call the other girls, too."
"Not that one. You, saying that it's your friend's fault. That's childish."
Sinamaan ng tingin ni Bree ng kuya niya. "Eh, 'di kasalanan ni Rexton!"
"So it's about dela Costa again," pagkukumpirma ni Brian.
Pagkuwa'y yumakap si Bree sa kanyang braso na tila naglalambing. "Sasamahan ko ako, hindi ba?"
Sa totoo lang, may pakiramdam siya kung bakit ganoon umakto ang kaibigan niya. Mukhang sanay na ito, sa ilang taon ba namang pinipilit nito ang sarili na wala itong gusto sa kababata... Maybe, being childish, which was way too different from how she knew Bree, was just her friend's way on coping up with her broken heart so she could accept that Rexton could never be hers. Or maybe, it was really her true self just as she thought a few seconds go. Ewan! Naguguluhan din siya.
"Don't worry, Bree, I won't fall for him," she sounded reassuring.
Her friend sighed. "Huwag mong pigilan kung sa tingin mo magugustuhan mo siya. Totoo ang sinabi kong don't think about me. It's just a phase..."
Magaan man ang pagkakasabi nito roon ay naramdaman niya ang tunay na kalungkutan dito. Mabilis itong kumalas sa kanya at gumaan ulit ang itsura nito.
"Ano? Didiretso na tayo sa amin, ah?" Bree's eyes twinkled and she pouted. She's like those ones from Korean dramas that she's watching before. Kung i-video niya kaya ito at ibenta sa mga fanboy nito? Paniguradong kikita siya lalo pa't very rare ang pagkakataong tila sinasaniban ito't nagiging ibang tao. Irresistibly cute.
She immediately got her phone and turned on the video recorder.
"What are you doing?" kunot-noong tanong ni Bree.
Ay, wala na kaagad ang sinasapiang Brianna? "Recording a video. Ito ang magpapayaman sa akin," she joked around. Mukhang ayaw naman nitong pabigatin ang sitwasyon kaya hindi na rin niya gaanong iisipin ang patungkol doon. Sa ngayon.
"Ah, gano'n?" Tumaas ang isang kilay nito't sinakyan naman ang kalokohan niya. Ginawa nitong muli ang ekspresyon kanina at ngayo'y pinaliit ang boses. "Jinny, samahan mo akong p-um-arty mamaya, ha? Hmm..."
"Jesus! I can't handle this," Brian muttered under his breath and he stepped on the gas while she was cackling. Hindi talaga niya inakalang may ganoon pang ugali ang kaibigan niya.
"Pretty, pretty please..." dagdag pa ni Bree at nag-beautiful eyes ulit habang nakatitig sa cellphone niyang ongoing pa rin ang pagre-record. Paniguradomg ang gulo ng video na 'yon dahil tawa siya nang tawa habang kinukuhanan ito.
"And I thought you're just going to have a slumber party?" Natabunan lang ang tanong ng kuya nito sa lakas ng tawa niya.
"Hmm..." pagpapa-cute pa ni Bree at nanulis ang nguso nito.
Could she decline her adorable friend? Definitely no!
"Don't worry, pagpapaalam kita kina Nanay," dagdag pa nito at inayos na ang sarili.
"Ako na lang."
"Pero okey lang naman kung tumanggi ka. Alam kong gusto mo na ring umuwi kasi miss mo na si cutie Luella."
She, on the other hand, was still smiling because she's still seeing her friend being funny and cute at the same time.
"Nabaliw ka na yata," komento lang nito.
"Ikaw kasi!" paninisi niya. Totoong gusto na niyang makita ang anak niya pero wala namang masama kung sasamahan niya si Bree. She's honestly worried about her. Baka mamaya ay p-um-arty pa itong mag-isa para kalimutan ang mga narinig kanina.
Somehow she felt that what her friend just had shown was just a facade to hide her true feelings. Kahit naguguluhan siya dahil ngayon lang niya nakitang umakto nang ganoon si Bree ay naalala naman niyang muli ang reaksyon nito kanina't hindi na mawaglit sa isipan niya kung paanong mabilis na nangilid ang luha sa mga mata nito nang nasa elevator sila. Idinaan na lang talaga siguro nito sa pagpapa-cute at pagpapatawa para pagaanin ang sitwasyon.
Hindi na lamang niya pinahalata na naiisip pa rin niya ang bagay na iyon at nang mapadako ang tingin niya sa rearview mirror ay nahuli niyang matamang nakatitig si Brian sa kapatid na may matinding pag-alala ang nakarehistro sa mga mata nito. Kaagad nag-iwas ng tingin ang huli at nag-focus sa pagda-drive.
"Kuya, sa bahay tayo!" bulalas ng kaibigan niya nang masigurong pumayag na talaga siyang samahan ito mamayang gabi. And she's so certain that she'd call the girls right away.
Hey, ya! You might want to check Brian's story. Just browse my works and you'll see one of my stand-alone novels, “Winning His Heart” ♥