Télécharger l’application
40.43% PHOENIX SERIES / Chapter 148: Late

Chapitre 148: Late

Chapter 10. Late

    

     

NANG madala si Kanon sa clinic ni Dice ay wala naman ang school nurse o doctor doon. May dinaluhan ang mga ito na hinimatay na seventh grade student.

"Hintayin na natin. Saglit lang naman siguro sila. Or I'll just disinfect your wounds."

"Sa bahay ko na lang gagamutin mamaya."

"May klase pa tayo. Infected na ang mga iyan bago mo pa malinisan." Nagpatuloy ito sa paghahanap ng kagamitang kakailanganin.

"Galos lang naman ito," nakangunsong sambit niya.

"Maski na!"

Nang mahanap nito ang lalagyanan ng pangunang lunas ay tumalungko ito para magpantay ang tingin sa kanyang tuhod. Sa gilid ng kama siya naupo nang bitiwan siya nito kanina.

"Ako na lang. Maliit na galos lang naman ito, baka ma-late ka na sa next class."

"Huwag kang malikot! Sinasadya mo ba ito?"

"Bakit ko naman sasadyain na masak—"

"Sinadya mong maglikot para makita ko ang panty mo."

Sa sinabi ay kaagad na pinagdikit niya ang mga legs niya. Gusto niyang sabihing naka-cycling shorts siya pero ayaw na niyang pahabain ang usapan doon.

"So, you wear white bloomer—"

"Ang bastos mo naman!"

"Bakit? Puti ba talaga?"

"Pink!" Natutop niya ang bibig nang may mapagtanto. Hindi nito totoong nakita iyon dahil nga naka-cycling shorts siya.

Tumango-tango ito at ngumisi.

"Ang bata mo pa, ang manyak mo na!"

"Wow! Now, you're accusing me."

Imbes na magsalita ay pinili na lang niya na itikom ang bibig dahil baka kahit hindi siya palamura ay mamura niya ang huli. Nagpatuloy naman ito sa paglinis sa sugat niya at napangiwi siya ng buhusan nito ng alcohol ang galos niya't tahimik na nagpatuloy sa paggawa niyon. Tahimik lang din niya itong minasdan.

"Kumusta ka na?" basag nito sa katahimikan nang matapos. "Patingin ng kamay mo, baka nagasgasan din pala ang mga palad mo."

Sa tanong na iyon ay natigilan siya't hinayaang hawakan nito ang mga kamay niya upang matingnan. Parang time machine namang bumalik ang lahat sa kanya. After the rumor had spread out, they didn't see each other anymore. Maging noong i-examine sila sa ospital ay hindi sila nito nagkita.

Now that she thought of it, she didn't have the chance to apologise to him at all. Naging biktima rin ito ng mga maling paratang at panghuhusga.

"Ikaw... k-kumusta? 'Tsaka bakit may benda iyang braso mo?"

"Just fashion."

Nag-angat ito ng tingin at nakangiting tumitig sa kanya. Bakit ba ito nakangiti? His dimples below his eyes were showing and they're just so appealing, so adorable to look at.

"Hindi ka na kumibo. Nasi-C.R. ka ba?"

She blinked her eyes twice and avoided his gazes as her face reddened. Binawi rin niya ang mga kamay na hawak nito.

"Mukhang kailangan mo na ngang mag-banyo. Go on, take your time. I'll wait for you here," komento pa nito.

"Hind—"

"Don't you know that it's rude to say to a lady to take her time in the bathroom?" anang kapapasok lang na school nurse. Nakilala niya ang huli base sa suot na uniform. Totoo nga ang naririnig niya, maganda ang nurse. Kaya naman pala ang daming mga lalaking estudyante ang nagpupunta ng clinic dahil may kung anong masakit sa mga ito.

"Bakit naman?" tanong ni Dice.

Umiling-iling ang nurse. "Bata ka pa nga."

"Bakit nga, Ai?"

"'Ate', Daisuke. How many times do I have to tell you to call me 'Ate'?"

"Tsk!"

"Ate?" nagtatakang-sabad niya.

Sabay na bumaling ang dalawa sa kanya.

"You must be Kanon," pansin sa kanya ng school nurse. "I'm Dice's sister, Ai."

Hindi niya alam na may ate ito. Buong akala niya'y solong anak ang binata. Lumapit sa kanya ang nurse. Tiningnan nito ang bukung-bukong niya't nakahinga siya ng maluwag nang mapagtantong hindi siya na-sprain.

"Sinong naglagay nito?" pansin nito sa mga benda na nasa magkabilang tuhod niya. Ch-in-eck din ang mga galos niya nang tanggalin ang bandage.  Tumingin siya kay Dice, bumaling naman ito sa binata. "Bakit binendahan mo pa? Maliit na galos lang pala, dapat band-aid na lang."

"Para siguradong hindi ma-impeksyon."

Marahas na bumuga ng hangin ang nurse at binatukan si Dice. "Gumagawa ka lang ng dahilan para makapag-cutting classes, 'no?"

Impit na natawa siya dahil sa ginawa nito. They looked really close. At sa sinabi nito ay naalala niya ang susunod na klase. "Uh, excuse me. Late na po kasi ako," paalam niya't tumayo na.

"Sandali lang, Kan. Be-bendahan ko lang—" Hindi natapos ni Dice ang sasabihin dahil binatukan ulit ito ng ate nito.

"Ate naman!"

"Here, bring these band-aids. Lagyan mo na lang," nakangiting anito at inabot sa kanya ang limang may cute na peach design at pink na band-aids.

Now that she noticed it, the two were much alike. Mas singkit lang ang mga mata ng nakatatandang kapatid pero parehong may dimples sa ilalim ng mata ang magkapatid kapag ngumingiti.

"Salamat po."

Nagmadali na siyang lumakad para makahabol pa sa klase. Halos kinse-minutos na pa man din ang nakalipas at kinakabahan siya dahil baka maparusahan siya sa pagka-late niya.

"Kanon, sandali!"

Nakahabol sa kanya si Dice at sinabayan siya sa paglakad-takbo. Kung hindi lang mahapdi ang galos niya ay tumakbo na siya nang tuluyan.

"Bakit ka ba nagmamadali?"

Hindi siya sumagot.

"Sandali lang kasi. Lalagyan ko ng band-aid iyang mga galos mo."

"Ako na lang mamaya."

"Ako na."

"Maiwan na nga kita riyan!" Tumakbo na siya.

"Tumatakbo ka kapag late ka na?" manghang tanong nito nang makahabol ulit sa kanya.

Hindi na niya ito pinansin.

"Bakit ka pa tumatakbo?"

"Late na nga kasi ako!"

"Kahit mag-ala marathon ka pa riyan, late ka pa rin."

Inismiran niya ito at hindi na kumibo hanggang makarating sa silid-aralan.

"O, del Rio? Ang akala ko ba'y nagpapahinga ka sa clinic?" pansin sa kanya ng guro nang marahan siyang kumatok para ipaalam ang presensya niya. Nagsusulat kasi ito kaya hindi siya kaagad na napansin.

Hinihingal pa siya nang sumagot sa kanyang titser. "Okay na p-po ako, wala naman pong masakit."

He took a glance behind her and back at her. "Sige, maupo ka na sa upuan mo."

"Thank you po, Sir. Sorry po, na-late ako."

Tumango lang ito at nagpatuloy na sa pagsusulat sa white board. Nakita niya rin ang kalabitan at narinig ang mahinang bulungan ng mga kaklase. Kinalabit siya ng isa.

"Are you alright?"

She nodded.

"But I heard you fainted," anang katabi niya.

Umiling siya. "Nadapa lang ako."

"Nasugatan ka? Tinahi raw ang sugat mo, ah?" kuryoso at nag-aalalang tanong ng isa.

Nangunot ang noo niya. Ah, bakit pa ba siya magugulat? Ganoon naman ang tsismis, laging may dagdag-bawas.

"Quiet!" sita ng Math Teacher nila habang nagsusulat sa pisara.

Nagkibit-balikat na lang siya at tahimik na pinakita ang mga tuhod sa mga kaklaseng malapit sa upuan niya.

Napansin niyang tila nakahinga ng maluwang ang mga ito nang masigurong maayos siya.

Ah, why didn't I see this before?

Gumaan ang pakiramdam niya sa napagtanto—hindi siya tuluyang nawalan ng kaibigan dahil nandoon pa rin ang ilang mga kaklase niyang tunay na nagmamalakasakit sa kanya. Nag-angat siya ng tingin sa mga ito at nginitian para iparating kung gaamo siyang nagpapasalamat sa mga ito.

While doing so, she noticed a familiar built on her peripheral vision so she took a glance at it. At laking-gulat niya nang nandoon pa rin si Dice sa may pinto at matamang nakatitig sa kanya.

"Usui, why are you still here? Go to your class now!" Mukhang gaya niya ay napansin din ito ng kanilang guro.

Napakurap-kurap si Dice at tila noon pa lang napagtanto na nakatayo pa rin ito roon. Kinakamot-kamot nito ang batok nang mag-excuse para makapunta na sa klase.


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C148
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous