Chapter 38. Mole
(A Week Ago...)
"KEANE!" pasigaw na bulalas ni Kieffer nang makilala ang babaeng nakapiring at nakatali sa isang upuan. Bakit nandoon ang kapatid niya? She was supposed to be taking her master's degree abroad!
Tinanggal ang piring ng kapatid niya at halos magdilim ang paningin niya nang makitang wala itong malay, at kung paanong ginising ito sa pamamagitan ng pagkuryente. Ang daming mga kung ano-anong mga maninipis na wires ang nakadikit sa iba't ibang parte ng katawan nito.
"T-tama na po!!!" Her words were unclear because her mouth was gagged.
"Putangina!" He muttered a curse under his breath. "Pakawalan ninyo ang kapatid ko!" He could feel his veins protruding out of rage.
As if on cue, a familiar man was shown into the camera.
"Kapatid mo pala ito? Ang ganda, ah. Makinis din. Sayang, wala na ang Casa, ang laki sana ng kikitain ng Phantom sa babaeng ito."
"Gago kang putangina ka! Pakawalan mo ang kapatid ko! Tayo ang magtuos!"
"Aww... I didn't know that Kieffer Sandoval is a loving brother. Were you a loving husband to my best friend, too?"
He cussed out loud and tried to compose himself despite of seeing blood because he wanted to fucking kill Nikolaj Devila.
"I have a proposition to make."
Pumikit siya ng mariin at nang magmulat ay siniguro niyang huwag magpakita ng emosyon.
"Let's form an alliance—No. Just connive with us. I know you're an agent in Phoenix. One of their top agents."
"How did you know?" Their identities were strictly hidden. Ang ilang mga agents ay sinasabi sa mga mahal ng mga ito sa buhay ang trabaho pero kapalit niyon ay ang pagtago ng sikretong iyon sa ibang mga tao.
"I have my ways."
"Pumapayag ako," he said grimly. He couldn't let his sister die.
"Kuya, huwag! Papatayin ka nila!" histeryang nagsisigaw si Kia, ang palayaw ng kanyang kapatid, dahil natanggal ang busal nito sa bibig. Agad itong kinuryente at humiyaw ito sa tindi ng sakit na nadama.
"Pumapayag ako sa kondisyong huwag na huwag n'yo nang sasaktan ang kapatid ko," kaagad na bulalas niya para matigil ang pagpapasakit ng mga ito sa kapatid niya.
Nagtagis ang bagang niya nang umuungol na lang si Kia dahil sa sobrang sakit at lupaypay na ang katawan.
"Patayin n'yo na lang ako... H'wag n'yo nang... idamay si k-kuya..."
Hindi, Kia. Hindi ka mamamatay, Aniya sa isip.
"Dalhin ninyo sa kwarto." Sinundan niya ng tingin ang tauhan nitong nagtanggal ng pagkakatali ni Kia at lumakas lalo ang kabog ng kanyang dibdib. That was something he stopped feeling since...
"Now, you should listen to everything I'm about to say."
Ilang sandali pa ay wala na ang kapatid niya sa madilim na lugar na iyon. He couldn't imagine the torture Kia had experienced. Mapapatay talaga niya ang gagong lalaking iyon kapag natapos na ang lahat.
"Siguraduhin mong ligtas ang kapatid ko."
"Tumutupad ako sa usapan, Sandoval."
"What should I do?" tanong kaagad niya.
"You should had had stopped your investigations after you captured the Manarangs. Pinahihirapan n'yo ako ngayon. Sakit kayo sa ulo ko."
"Just fucking tell me what should I do."
"Continue with your investigations. Pero babaliktad ka sa huli. Sa akin ka papanig."
Umigting ang panga niya pero pumayag pa rin siya. Handa na siyang pagtaksilan ang Phoenix pero napagtanto niyang hindi niya pala kaya.
Si Nikolaj Devila ang nagplano sa lahat ng mga kabalbalang ginawa ng sindikato sa nakalipas na mga taon. Kunwaring ang tito na nito ang namumuno pero ito pa rin ang mas nakikipagsabwatan sa utak ng mga krimeng hinawakan nila noong nakaraan. At imbes na makipagsabwatan nang tuluyan ay pinaniwala niya ang lalaki na totoong kaanib na siya ng mga ito.
But he had a better plan. And Vince Ramos would be a part of it.
(Present Time...)
"Sandoval, naka-standby na ako rito. I'll be needing backup anytime soon." Inayos ni Kieffer ang suot na earpiece. Si Vince iyon at nasa lugar na ito.
He immediately called Arc. Kahit nadamay ito sa pagsabog noon at nagtamo ng matinding pinsala, gumaling na ito at ngayo'y kasa-kasama nilang muli sa trabaho.
"Everything's good. Nailigtas ko na ang kapatid mo. Alam mo na kung saan siya pupuntahan mamaya," masayang balita nito sa kanya.
"Thanks, man!"
Nikolaj would burn the pharmaceutical company in order for the evidences to be buried, too. Iyon ang plano. Pero dahil hindi totoong nakipagsabwatan siya rito ay nakuha na ng mga tauhan nila sa Phoenix ang higit pa sa sapat na mga ebidensyang kakailanganin para madiin ito at ang mga kasabwat nito bago pa man nito masunog nang tuluyan ang VPC. It was the same branch that was burnt before. Halos kalahating taon pa lamang nag-o-operate muli pero heto at nasusunog na naman.
He also learnt that the bombing incident in VPC before was done by the syndicate itself. To turn all the evidences into ashes. Too bad for Phantom because that wouldn't happen the second time around. This time, they would all pay for their crimes. Lalo na ang Nikolaj Devila na iyon.
Ilang sandali pa ay pinuntahan niya si Vince kung saan ito naka-standby subalit mag-isa lamang siya. Halata ang pagkagulat sa mukha nito dahil inaasahan nitong may mga kasama dapat siyang backup.
"Nasaan ang iba?" nagtatakang tanong nito. Naningkit ang mga mata ni Vince nang mapansing walang emosyon siyang nakatingin dito.
He signaled the men to go out. Agad na nagsidatingan ang mga ito, na hindi nila kasamahan sa misyon o sa agency mismo.
Isang putok ng baril ang narinig niya at bahagya siyang nagulat nang tumama iyon sa binti ni Vince.
"I told you to spare his life!" sita niya sa isang tauhan doon. Gusto niya ring barilin ito at patamaan direkta sa puso o utak.
"Ano'ng ibig sabihin nito?" si Vince na nawawalan na ng pasensya. Mukhang gaya niya ay gusto na nitong pagbarilin ang lahat.
"Hawak nila ang kapatid ko," malamig ang boses na bulalas niya. Dahil maituturing na sampid si Vince sa misyon ay hindi nila pinaalam dito ang mga karagdagang detalye sa plano sa pag-raid ng VPC. At ito ang ginawa nilang pain para mabaling ang atensyon nila sa labas, imbes na sa loob, kung nasaan ang ibang mga taga-Phoenix.
Vince scowled and looked like he couldn't believe that he, a top agent, was a mole in the agency.
"I'm sorry..."
Mabilis niya itong itinulak at nagpatihulog naman ito sa isang may kalalimang bangin malapit sa kinalulugaran nila. Sumilip siya sa banda nito at inasinta ang baril, pinatamaan nito ang braso ni Vince nang hindi magduda ang mga kasama niya.
Sorry, man. Don't worry, you will live.
"Burn everything." Sinadya niyang lakasan ang boses para iparinig kay Vince ang utos niya. There was an escape route below. Alam niyang hindi ganoon katanga si Vince para hindi iyon mapansin lalo pa't sisilaban na ang bangin. Nasisiguro niyang hahanap at hahanap ito ng paraan para makatakas, hangga't makakaya nito.
Umalis siya roon para antabayanan ang paglusot nito sa lagusang inihanda nila. Humigit-kumulang tatlumpung minuto ang nakalipas nang mapansin niya ang paggalaw roon.
Ibinaba na nila ang lubid at mabilis na itinali nito iyon sa bandang balakang nito. Ilang sandali ay inangat na nila si Vince.
"I'm sorry, man! I had to do that," salubong niya rito, ngingisi-ngisi. Isa siya sa mga humila at naka-standby na ang medics sa lugar.
Halata sa mukha nito ang halu-halong emosyon. But relief was the most visible one.
"Arc already saved my sister and they caught all of the mastermind's underlings. Nasusunog na ang kuta nila't mabuti na lamang ay nakakuha na ng mga ebidensya sina Timo. Sapat na iyon para madiin ang mga kriminal sa mga kasong kahaharapin." Si Jave ay na-pull out sa misyon dahil may binabantayan ito sa Isla Maharlikha.
"Fuck you!" malutong na mura nito.
"You're welcome," nakangising tugon niya.
Vince must had really thought that Kieffer was a mole. And that he would die at that moment.
"Call your lover. She's been hysterical for hours now."
Pero bago pa man makatawag ay hinimatay ito. Agad na isinugod sa ospital ang huli.
Siya nama'y dumiretso sa safe house kung nasaan ang kapatid niya. May mga medical equipment doon at ginagamot na ang mga tinamong sugat at bugbog. Tinotoo naman na hindi na sasaktan ang kapatid niya dahil naghihilom na ang mga sugat nito. Subalit kahit pagaling na ay nababakas pa rin na dumanas ito sa matinding pagpapakasakit. Nakahinga siya ng maluwang nang malamang hindi ito hinalay. Pero hindi pa rin niya mapapatawad ang ginawa ng Nikolaj Devila na iyon. Sisiguraduhin niyang makukulong ang lalaki sa bilangguan, sampu ng mga kasamahan nitong halang ang bituka sa paggawa ng krimen.