Télécharger l’application
19.67% PHOENIX SERIES / Chapter 72: Admiral

Chapitre 72: Admiral

Chapter 22. Admiral

        

          

MAGKAPANABAY na dumating sa restaurant si Nicolea at ang mga dela Costa, at ang unang hinanap ng kanyang mga mata ay si Jave. Subalit nagkandahaba-haba na ang kanyang leeg ay walang nakasunod na Jave sa mag-asawa.

"Nicolea?" gulat pero nababakas ang tuwa sa tinig ni Mrs. dela Costa. "Ikaw nga! Hiyang mo ang pagta-travel."

Nagmano siya sa mag-asawa at bumeso na rin sa ginang.

"I read your blogs, ang gaganda ng mga lugar na pinupuntahan mo."

Isa sa mga trabahong ibinigay sa kanya ay ang pagba-blog. Pero ang totoo ay hindi talaga siya ang nagsusulat. Nakalagay naman sa mga blogs niya na pictures lang ang kanya, pero ang mga nilalaman ay hindi. But some other people assumed that that was just her strategy so many would read the blogs.

Ang writer sa mga blogs niya ay ang kasa-kasama niyang vlogger at photographer sa tuwing magta-travel siya.

"Maupo na tayo," anang kanyang mama.

Nagkwentuhan agad ang mga ito habang siya'y pasimpleng lumilinga-linga. Sobra kasi ng isang serving ang nasa hapag at umaasa pa rin siyang para kay Jave iyon. Nahihiya naman siyang magtanong, baka sabihin ay hinahabol-habol pa niya ang lalaki kahit matagal na silang walang relasyon.

"Mabuti pa itong si Nicolea, nakakauwi sa inyo. Si Jave ko, tuwing Pasko na lang yata umuuwi. Masyado nang nilamon ng pagse-serbisyo," pagmamaktol ng mama ni Jave. Napakislot siya nang banggitin nito ang lalaki.

"You should be proud of your son, then," sagot ng kanyang Papa.

"I agree with my husband. It only means he's doing his job wholeheartedly."

Bahagya naman siyang tumango.

"Single ka pa, hindi ba?" baling sa kanya ni Tita Junie.

Tumango siya sabay sabing, "Opo."

The latter sighed. "Kung hindi lang sana kayo naghiwalay ng anak ko, siguro'y ang lahat ng leave, gagamitin niya, makauwi lang."

Bahagya siyang nasamid sa sariling laway. Mabuti at hindi siya sumusubo ng pagkain o umiinom ng tubig. "H-Hindi rin naman po kami magkikita, palagi akong wala," katwiran niya.

"I'm sure, he would gladly travel with you. Ay, huwag na nating pag-usapan at baka mailang ka pa."

"Ayos lang po," aniya sa maliit na tinig.

"Nandito na pala siya."

Napakislot siya nang marinig na magsalita si Mr. dela Costa. What did he mean by that? Was Jave already there?

To her dismay, it was not Jave Harold. It's the other dela Costa, his cousin.

"My nephew, Rexton, is here to check on the expansion of the Mall. I hope you won't mind that he'll join for dinner."

"It's fine," ang kanyang Papa.

Bahagyang kumaway ang ginang para makita sila ni Rexton.

Nang makarating ito ay humingi ng paumanhin matapos bumati. Nang makaupo ay ramdam niya ang paninitig nito sa kanya.

"Fancy seeing you here, Nic," bati nito sa kanya.

"I just went home for a vacation."

"For a vacation, huh?" pabulong iyon at hindi napansin ng mga nakatatanda, pwera sa kanya. Nangunot ang noong nag-angat siya ng tingin dito.

Mabuti at dumating ang magse-serve ng main course kaya nalipat ang atensyon nila. Marami silang napag-usapan, at puro oo o hindi lamang ang tugon niya sa tuwing sumasagot ng tanong.

Her phone kept on vibrating for almost fifteen minutes now. Pasimpleng kinuha niya iyon sa handbag at binasa ang text message.

I'm at the same restaurant. Look behind you.

Nanlalaki ang mga mata niyang bumaling sa likuran at nakita niyang prenteng nakaupo si Hugh sa pandalawang mesa malapit sa kanila. Itinaas pa nito ang kaliwang kamay na animo'y kumaway. Mabuti at abala ang iba kaya hindi siya napansin.

Agad na bumaling siya sa cellphone niya para reply-an ito.

How did you know I was here?

Reply sent!

She received another text:

We're partners, Leigh. And you're GPS is activated, too.

GPS or Global Positioning System makes it possible for people with ground receivers to pinpoint their geographic location. In short, nahanap siya nito dahil nakabukas ang location ng cellphone niya.

She replied:

You should've just roamed around and investigate while waiting for my reply.

Sumagot naman agad ito:

You weren't answering your calls. I was worried.

"Why don't you just call him and let him join us?"

Napaangat siya ng tingin kay Rexton, tamad na tamad itong nakatingin sa kanya, at lumipat kay Hugh. Natigilan naman sa pagkukwentuhan ang mga nakatatanda.

"Huh?" her mom.

"I think she has a date," Rexton idly commented and glanced at her.

"Oh, is that why you're uneasy? I'm sorry, I didn't know." Junie dela Costa sincerely uttered.

She was uneasy because she thought she would meet Jave tonight. And now, her uneasiness was because she told Jave mom's a while ago that she's still single. Nahihiya siyang baka isipin nitong nagsinulanging siya. Well, she'd just say she's single in civil status. Tama. Ganoon na nga lang.

"Excuse me lang po." Napapikit siya ng mariin at lumapit kay Hugh. "Umayos ka," she mouthed.

Iginiya niya ito sa pwesto nila at kinakabahang nagsalita. Parang ang sama ng tingin ni Tita Junie at hindi siya sanay, habang si Rexton ay tila naghihintay lang sa sasabihin niya. Ang mga magulang niya ay halata na maraming mga tanong. But they respected not to ask in front of the dela Costas. Marahil ay mamaya, uulanin sila ng mga tanong, lalo na ng kanyang mama.

"This is Dr. Hugh Martinez, m-my boyfriend." Hugh's undercover was a cardiologist.

The older women formed an "O" while impressively looking at Hugh.

"He's handsome..." si Tita Junie.

Dahil walang ibang available na upuan bukod sa tabi ni Rexton ay roon na pinaupo si Hugh.

Hindi siya makatingin ng diretso kay Rexton, pakiramdam niya ay minamata siya nito sa paraan ng pagngisi nito kanina nang ipakilala niya si Hugh.

"Let's take a groupie. I'll post it on my social media." Lahat sila ay wala nang nagawa nang ilabas ni Rexton ang cellphone at kumuha ng dalawang picture, gamit ang front camera. Hindi pa ito nakuntento dahil nagtawag ng waiter para lang magpakuha ng litrato.

Sa buong durasyon ng hapunan ay panaka-nakang tumitingin si Rexton sa cellphone nito habang siya'y panaka-naka ring tumitingin kay Hugh. Mukhang nababasa ng huli kung ano man ang tinitipa ni Rexton sa cellphone.

"Tita, nagvi-video call po si Jave."

She stiffened.

"Oh, sorry about that. Lagi kasi kaming vini-video call ng anak ko kapag may free time siya."

Why did he have to video call at this time?

Napalunok siya. He was not like that before. Or maybe his schedule wasn't as tight as when he was still a student. Or maybe, she was the one who became busy.

"Admiral!" magiliw na bati ni Rexton.

"He's already an admiral?" she murmured in surprised. Not that she didn't want to believe it, it's just that he was still too young.

In the navy, admiral is one of the highest ranks. The military is full of rankings, such as captain, private, major, and corporal. While a captain is in charge of one ship, an admiral leads more than one ship: a bunch of ships, which are called a fleet.

She knew because she googled the information a lot of times before, when she was still dreaming on being a captain.

Bahagyang tinampal ni Tita Junie ang balikat ng pamangkin.

"Baka isiping nagyayabang ka! He's still far from being an admiral."

"Pero papunta na rin iyon doon. Ilang buwan o taon na lang, magiging admiral din itong pinsan ko, Tita. He's already a captain!"

Hindi napigilang mangiti ng mag-asawa. She found herself staring at her parents' proud look as well. They basically saw Jave grew so she's certain they were proud at him as well. Ganoon din ang naramdaman niya. Nahagip ng paningin niya si Hugh na nagtatakang nakatitig sa kanya.

Tumabingi ang ngiti niya't napayuko bigla. Iyon ang pangarap niya rati, ang maging Kapitan ng barko. Bahagyang napakagat-labi siya't pinipigilang maiyak.

Bakit naman ako iiyak? Ako ang pumiling bumitiw sa 'king pangarap, Sarkastikong aniya sa isipan.

Gaya nang pagbitiw mo sa relasyon ninyo ni Jave, hindi ba?

Mabilis na tumayo siya at huli na nang mapagtanto ang ginawa.

"S-Sorry po, m-may kailangan pa pala kaming puntahan ni Hugh. Hahanap po kasi kami ng matitirhan." Kung ano na lang ang namutawi sa kanyang bibig ay hinayaan na niya.

"What do you mean?" her mom asked. Alam niya kung bakit ito nagtataka. Gabi na at hindi kapani-paniwala ang dahilan niya.

"Ipagpabukas n'yo na," her dad.

"Are you two going to settle down?" si Tita Junie.

Saglit na katahimikan ang namayani.

"Who's going to get married, 'Ma?"

Sininok siya nang marinig ang matigas na tinig ni Jave mula sa speaker phone ni Rexton.

"Si Nicolea, pinsan." Why did Rexton sound as if he's laughing?

"Leigh, are you alright?" nag-aalalang tanong ni Hugh.

"Leigh?" kunot-noong tanong ni Jave.

"How sweet, may endearment," ngising-asong komento ni Rexton.

Bakit ba tumahimik ang mga nakatatanda kung kailan kailangan niyang mag-ingay ang mga ito.

"Excuse us, please. My fiancée isn't feeling well. Mauna na ho kami ni Leigh."

Kung sa ibang pagkakataon ay tatawanan niya ang pagiging magalang ni Hugh. Ang gaspang kaya ng ugali ng lalaking nito.

"Are you pregnant, Nicolea?" Hindi na napigilang tanong ng kanyang ina.

Kung pwede sanang lamunin na lang siya ng lupa ay nagpalamon na siya. Napaupo ulit siya para umisip ng dahilan para makapagpaalam na sila.

Bakit ba kasi sinabi ni Hugh na fiancée siya nito? Ang usapan, girlfriend-boyfriend lang.

"I'm sorry, Junie, I think we need to go home. Let's just have another dinner some time," baling ng kanyang ina kay Tita Junie.

Nakauunawang tumango ang mag-asawa.

Wala sa sariling napalingon siya kay Rexton at napansing nakaharap banda sa kanila ang screen ng cellphone nito.

Napakurap-kurap siya nang makita si Jave na nakasuot ng uniform nito at napasinghap nang mapagtantong aksidenteng nakatutok sa kanya ang camera ng cellphone ni Rexton kaya kitang-kita rin niya ang sarili sa maliit na screen, at nasisigurado siyang nakita rin siya ni Jave.


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C72
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous