Télécharger l’application
91.3% UNDEAD: Dawn of the Damned 1 (Tagalog) / Chapter 105: Chapter 103

Chapitre 105: Chapter 103

Crissa's POV

"Subukan n'yo lang na pigilan ako sa pagkakataong 'to. Baka sa inyo ko maibuhos ang galit ko."

Napakagat ako nang madiin sa labi ko nang maalala ko yung matatalim na katagang binitawan ko sa harap ng mga kasama ko; na nagkataong iniwan ko rin sa kampo namin.

Yes, I intended to say that but I didn't mean it. Kahit na kailan, hindi ko sila magagawang saktan sa kahit na paanong paraan dahil ang tanging nasa isip ko lang ngayon ay mapanatili silang buhay. Silang lahat na mga natitirang buhay ngayon.

Pinunasan ko nang mariin ang mga mata ko dahil may tumulo na namang luha.

Nasabi ko lang naman yung mga salitang yun dahil ayaw ko na pakialaman o pigilan pa nila ako. Dahil sa totoo lang, ang tangi ko lang gustong gawin ngayon ay ang ipaghiganti lahat ng buhay na sa isang iglap lang ay kinuha mula samin ng mga demonyo na 'yon. Ayaw kong pigilan pa nila ako o sundan man lang.

Gusto ko, sarili kong kamay ang papatay sa mga demonyong 'yun. Sarili kong lakas ang gagamitin ko para makapaghiganti. Dahil sobrang sakit na ng puso ko ngayon. Gusto ko na..

Gusto ko na ng katarungan..

Mabilis kong tinahak ang daan pabalik sa lugar na pinanggalingan namin ni Renzo wala pang isang oras ang nakakalipas. Dahil sa mga tulo ng dugo galing sa sugat n'ya kanina, nagkaroon ako ng palatandaan kung saan ang dapat kong daanan.

Isipin na nilang lahat na nababaliw na ako, o ako na mismo ang papatay sa sarili ko dahil sa gagawin ko ngayon. Pero wala akong pakialam at hinding-hindi ko hahayaan na mapigilan nila ako.

Dahil sobra na talaga.

Ayaw ko nang madagdagan pa yung buhay na nawala samin.

Ayaw ko nang mawalan pa ng mahal sa buhay.

Tama na yung kanina. Hindi ko na hahayaan na may madagdag pa. Sobra-sobra na 'tong pasakit na 'to. Kaya kung kinakailangan na buhay ko ang isasalay ko sa paghihiganti? Hindi ako magdadalawang isip na isugal 'to. Itotodo ko na 'to.

Si Renzy.

Si Lennon.

Si Lily, Rose, Aurora, at Eudora.

Sila nanay Sonya at Marie, tatay Roger, at ate Romina.

Mahal na mahal ko ang mga tao na 'yun. Mga tao na pamilya ko na at sobrang mahalaga sa amin. Na walang awa rin nilang pinatay at tinanggalan ng karapatang mabuhay.

Maghihiganti ako.

Ipaghihiganti ko sila. Pati na yung tatay nila Lily at Rose. Babawiin ko rin si Alessandra at si Alexander na dinukot nila.

Hinding-hindi ko hahayaan na masasayang itong buhay ko na itataya at isusugal ko. Sisiguraduhin kong bago nila ako mapatay, nabawi ko na ang dapat kong mabawi; naipaghiganti ko na ang dapat kong ipaghiganti.

Humanda sila.

Pikit mata kong nilagpasan yung lugar kung saan huli naming iniwan si Renzy. Sobrang kirot ang biglang dumapo sa dibdib ko nang saglit kong masulyapan na iilang parte nalang ng duguan n'yang kumot ang tanging natirang bakas doon. Maging ang bakas din ng kauna-unahang tao na napatay ko ay hindi ko na rin mahagilap.

Ang sakit sakit sa kalooban ko na hindi man lang namin nabigyan ng disenteng libing si Renzy. Hindi man lang namin s'ya naalayan ng bulaklak at ni hindi man lang namin s'ya naipagluksa nang marangal. Hindi na s'ya nasulyapan kahit sa huling saglit nang mga kasama namin na natitirang buhay doon.

Kaya hindi ako papayag hangga't hindi ko nasisingil ang dahilan ng lahat ng 'to. Buhay ang kinuha mula sa amin, kaya buhay rin ang magiging kapalit nito.

Buhay ni Jade at ng ama n'ya.

Hinawakan ko nang mahigpit ang armas ko at mas inalerto ko pa ang sarili ko. Base sa mga nakikita ko ngayon, na yung kani-kanina lang na lumalapa na undead kay Renzy ay patay na, alam kong nakabalik na sila Jade sa kampo nila. Lahat ng undead na nakahandusay sa lupa ngayon ay kapwa may mga tama ng baril. Hindi lang basta simpleng mga tama kundi tadtad sila ng bala.

Kahit mukhang wala nang threats galing sa mga undead, mas dapat akong magdagdag ng tripleng ingat. Papalapit na ako nang papalapit sa kampo ng mga halimaw na 'yun nang tanging kakarampot na armas lang ang dala ko.

Palipat-lipat akong nagtago sa likod ng mga puno nang matanawan kong may nakaparada nang sasakyan malapit doon sa kampo nila. May dalawa ring lalaki doon na armado ng mataas na kalibre ng baril. Kapwa sila naninigarilyo. Kaya habang busyng-busy silang dalawa doon sa paghithit na ginagawa nila, maingat ko silang inasinta gamit ang baril na may silencer na dala ko.

Tig-isang putok lang ang ibinigay ko at nakita kong napahandusay na silang dalawa sa lupa. Sa ulo ko sila sinadyang patamaan para sigurado akong patay na sila agad. Aalis na sana ako sa likod ng punong pinagtataguan ko nang maramdaman kong may matalim na bagay na bigla nalang dumikit sa leeg ko. Naramdaman kong nasugatan ako dahil bukod sa hapdi na agad na tumama sa parte na iyon, naramdaman ko nalang din ang pagtulo ng malapot na likido mula rito.

"Huli ka. Akin na baril mo." narinig kong may bumulong sa tenga ko kasabay na rin ng pagyapos ng isang braso sa leeg ko.

Wala na kong nagawa kundi bitawan ang baril ko dahil wala rin naman akong balak na manlaban pa. Hindi pa ito ang tamang oras para ibuwis agad ang buhay ko dahil wala pa akong nababawi. Wala pa akong naipaghihiganti. Kaya dapat hayaan ko muna ngayong maging sunud-sunuran ako. Para mamaya, makakaatake ako.

Kung paano? Paano ko yun magagawa kung wala ako naman akong baril? Bahala na.

Basta maghihiganti ako.

Tuluyan nalang akong nagpadala sa kanya nang ipagtulakan n'ya ako para maglakad. Hawak na n'ya ang baril ko at sakal-sakal n'ya ang leeg kong kumikirot. Tinahak namin ang daan papunta sa kampo nila.

Habang papalapit kami nang papalapit, unti-unting namuo ang kaba sa dibdib ko dahil natanawan ko nang parang mas lalo atang dumami ang mga lalaki na nandoon na kapwa may hawak na mga baril. Lalo pa nang unti-unti ring luminaw sa mga mata ko ang pamilyar na pigura ng dalawang lalaki. Dalawang lalaki na nakatali sa magkahiwalay pero magkatapat lang na mga puno.

Hindi ito ang plano ko. Bakit ganito? Bakit pati sila, hawak na rin ng mga 'to?

Ngayon, paano ko magagawang lumaban na masisiguro kong ako lang ang masasaktan, at walang ni isa man sa mga mahal ko ang madadamay?

Wala na akong pakialam sa sarili ko kung mapapahamak ako dahil sa gagawin ko. Basta mabawi ko lang si Alessa at Alex, at maipaghiganti ko lang yung mga namatay na mahal ko.

Pero paano ko na magagawa ang plano ko ngayon? Ngayon na nakita kong hindi lang pala ako ang nandito? Hindi lang si Alessa at Alex ang hawak nila? Yung dalawang lalaki na pinakamahalaga sa buhay ko, andito na rin nadakip na nila?

"Boss.." kasabay ng pagbulong na iyon ng lalaking may hawak sa akin, ay kasabay din ng paghinto namin sa tapat ng isang nakatalikod na babae.

Unti-unti s'yang humarap sa akin. At kung hindi lang may nakahawak sa akin ngayon ay malamang nasunggaban ko na ang babae na 'to para paulanan ng gulpi, bugbog, sapak,at lahat ng nakakamatay na pananakit na pinapangarap kong agad nang ibigay sa kanya.

"Oh, hi! Crissa!" malawak ang ngiti ni Jade na bumati sa akin at talagang nakuha pa n'yang makipagbeso sa sakin.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at kusa nang nagpakawala ng dura ang bibig ko na deretsong lumagpak sa pisngi n'ya. Agad n'yang pinunasan 'yun at mabilis na sinampal ang kaliwang pisngi ko.

"Ganyan ka ba bumati sa ate Jade mo, huh?"

Matalim ko s'yang tinignan nang mata sa mata.

"Ate, ha? Bakit, kapatid ba kita? Para sabihin ko sa'yo, hindi mo deserve tawagin na ate bilang paggalang. Ni hindi mo nga deserve tawagin sa pangalan mo e. Dahil hindi ka tao. Halimaw ka! Demonyo!"

Puno ng galit ang mga kataga kong iyon pero dahil nakakalokong tawa lang ang tangi n'yang reaksyon, mas lalo pa tuloy nagngalit ang poot na nararamdaman ko sa loob ko.

"Whoa! Ang hot mo, Crissa ha. Chill ka lang d'yan. Save mo na lang 'yang mga litanya mo for later. Bago ka mamatay." ngumisi s'ya bago tumalikod pero agad din s'yang humarap sa akin. "But, oh. I almost forgot. Why don't you say hi first sa most beloved ones mo?"

Marahas n'ya akong hinawakan sa braso ko at marahas n'ya rin akong hinaltak at tinulak sa espasyo sa pagitan ng dalawang lalaki na pinakamahalaga sa akin. Napasubsob tuloy ako doon pero agad ko ring binawi at itinayo ang katawan ko.

Kapwa hapong-hapo ang itsura ng kakambal ko at ni Tyron habang nakasandal sila sa puno. Nakatali sila doon at parehas silang may kaunting galos sa gilid ng bibig nila. Hindi rin nakaligtas sa mga mata ko ang pasa sa ilang parte ng mukha nila. Halatang kararating lang nila dito at sariwa pa ang mga sugat at galos nilang 'yon.

Pinasadahan ko ng tingin ang lalaking nasa kanan ko. Ang bilugan n'yang mapupulang labi ay may bahid ngayon ng kulay na lila mula sa pasa. Nang madako ang tingin ko sa mga mata n'yang nangungusap, para bang nagpahiwatig ang mga ito ng matinding pag-aalala. Pag-aalala at pangamba na baka saktan din ako ng mga taong nakapaligid sa amin ngayon.

Nang madako naman ang tingin ko sa kakambal ko na nasa may kaliwa ko, ang kanyang pamosong seryosong ekspresyon ang sumalubong sa akin. Sugatan din ang mukha n'ya pero parang hindi n'ya iniinda iyon. Nang magtama naman ang mga mata namin, binigyan n'ya ako ng isang ngisi na sobrang pamilyar sa akin. Nakikita ko lang 'tong ngisi n'ya na 'to kapag may pinaplano s'yang gawin na isang bagay o di kaya may alam s'yang isang bagay na siguradong-siguradong mangyayari.

Naputol ang pag-iisip ko at agad napabaling ang tingin ko sa halimaw na babae na 'yun nang bigla s'yang magsalita.

"Ngayon Crissa, let us play a game. I will let you choose one from them. Sino ba ang pupuntahan mo? Yung lalaki ba na bago ka pa ipanganak e kasama mo na? O yung lalaki na una mong minahal sa buong buhay mo? Kasi, kung sino yung pipiliin mo, yun ang maliligtas. At yung hindi mo naman pipiliin e..

..mamamatay.."

Matalim ko s'yang tinignan sa mata at ang sumunod nalang na nalaman kong ginawa ko ay sinugod ko s'ya at marahas na kinwelyuhan.

"Subukan mo lang. Subukan mo lang talaga at ikaw na ang susunod na paglalamayan dito." gigil na sabi ko habang 'di na naiwasang manginig ang panga dahil sa sobrang tindi ng galit na nararamdaman ko. Mula sa peripheral view ko ay nakita kong nagsikilos ang ilang mga tao n'ya para lapitan ako.

Hinaltak nila ako palayo sa amo nilang halimaw na ngayon ay tumatawa na. Animo isa s'yang demonyo na isinuka na ng impyerno para maghasik ng lagim sa mundo.

"Whoa, whoa. Crissa, I was just joking. Kalma ka nga muna. Syempre wala munang patayang magaganap dahil hindi ko pa nga kayo pinapahirapan oh.. Just chill. Let's take the time. Darating din tayo d'yan." mapang-inis na sabi n'ya at nagpakawala na naman ng malademonyo n'yang tawa. Kaya pati tuloy yung mga tauhan n'ya ay nakigaya na rin sa pagtawa n'ya.

Mga humal. Intayin n'yong magkaroon ako ng pagkakataon at isa-isa ko ring babarilin 'yang mga mababaho n'yong mga bunganga habang tumatawa kayo. Papasabugin ko mga ngala-ngala n'yo.

Nanlilisik ang mga mata ko habang nakatingin sa kanila. Nakita kong sumenyas si Jade sa mga taong n'yang nakahawak sa akin at hinaltak nila ako papunta dun sa pwesto ko kani-kanina lang. Doon sa space sa pagitan ni Christian at ni Tyron.

"Perfect. Stay there, Crissa. May gustong mangumusta sa inyo e. And they should arrive anytime from now." natigilan s'ya pati na rin kaming lahat nang biglang may dumating na isang tinted na pickup at huminto sa malapit sa kanya. "Speaking of. Ito na sila agad oh.."

Bumukas ang magkabilang pintuan ng pick up sa may harapan at bumaba ang isang babae at isang lalaki na pamilyar na pamilyar sa akin. Hindi ko alam pero nang magtama ang mga mata namin ay gayon nalang ang sakit na naramdaman ko sa dibdib ko. Lalo pa ng bigyan ako ng ngising nung lalaki at irapan naman ako nung babae.

Pakiramdam ko ay muli na naman kaming trinaydor.

"A-auntie Alicia? Uncle Alejo?.." hindi makapaniwalang sabi ko dahil sa nakikita ko sa harapan ko.

Mga magulang nila Alex at Alessa.

Akala namin patay na sila. Hindi namin sila nadatnan sa bahay nila nung mga panahong sinubukan pa namin silang hanapin. Akala namin nakain na sila ng mga naglalakad na halimaw na 'yun. Tapos biglang malalaman namin ngayon, buhay sila parehas? At kasama pa nitong kampo ni Jade?

Mukhang hindi maganda ang nabubuong hinuha sa isip ko.

"Pati ba naman po kayo, kasabwat nitong mga Suarez?" lakas loob na tanong ko.

Tinapunan ako ng masungit na tingin ni Auntie Alicia at bigla na naman akong inirapan habang umiismid.

"I have no time to answer your inquiries, Crissa. Hindi ako ang maghahandle sa inyo.." humarap s'ya kay Jade at bumeso dito. "Good job, Jade. Nasaan ang mga anak ko?"

"Hold on, tita.." ngumisi si Jade at naglakad. Pero bago pa s'ya dere-deretsong pumunta doon sa kubo, saglit pa s'yang nagtungo sa akin at bumulong. "Magugulat ka sa malalaman mo. Magready ka na. Hahahaha."

Gusto kong paliparin ang binti ko para matadyakan ang humal na babaeng 'yun pero mas pinili ko nalang pakalmahin ang sarili ko dahil mas kakailanganin ko ang lakas na 'to para mamaya. Kailangang ipunin ko 'to.

Pinanood ko nalang s'yang maglakad papasok sa kubo. Ilang saglit pa ay lumabas na rin s'ya kasunod ang dalawang malaking lalaki na hawak-hawak si Alex at Alessa na kapwa pumipiglas. Pilit kumakawala sa mga may hawak sa kanila.

Dinala sila ng mga 'yun sa gitna at as soon as makita ng magkapatid 'yung mga magulang nila na nakatayo sa harapan nila, agad silang napasigaw na dalawa.

"M-mom? D-dad?"

"B-buhay kayo?"

Binitawan nung dalawang lalaki yung magkapatid na agad namang sumunggab sa nga magulang nila. Kapwa sila umiiyak na niyakap ang mga magulang nila. Ni wala silang kaide-ideya na magkakasabwat ang mga magulang nila pati na ang mga Suarez sa mga kaguluhang nangyayari samin.

Pero wala nga ba? Wala ba talaga silang ideya? O baka naman kasabwat din sila?

Ginulo ko ang mga thoughts na yun sa isip ko. Imposible. Hinding-hindi magagawa ni Alex at ni Alessa na pagtaksilan kami.

"M-mom.. buti buhay pa kayo. Tulungan n'yo kami. Dinukot nila kami tapos dinamay pa nila yung iba naming kasama.. Pinatay din nila." umiiyak na turan ni Alessa sa nanay n'ya. Pero bumitaw lang ito sa pagkakayakap sa kanya.

"I can never do that.." malumanay na sabi ni Auntie Alicia at sabay namang lumapit si Jade sa kanya. Umakbay ito sa kanya at binigyan si Alessa ng nakakalokong ngiti.

"A-anong ibig sabihin nito, ha?" naguguluhang tanong ni Alessa. Maging si Alex din ay palipat-lipat lang ng tingin sa nanay n'ya at kay Jade. Halatang walang alam sa mga nangyayari ngayon.

Bumitaw si Jade sa pagkakaakbay kay Auntie Alicia at lumapit kay Alessa.

"Ni hindi ba kayo nagtataka? Kung bakit kahit saan kayo pumunta dati, nasusundan pa rin namin kayo? Lagi namin kayong namamatyagan nang hindi n'yo nalalaman?" pinukulan ako ng tingin ni Jade at saka umismid sa akin. Pero agad din s'yang umiwas at may kung ano s'yang kinuha sa tainga ni Alessa.

Itinaas n'ya ang kamay n'ya na hawak-hawak ang isang

kumikinang na bagay.

Yung diamond earrings ni Alessa.


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C105
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous