Crissa Harris' POV
Gusto kong magtanong nang kung ano-ano. Kung talaga bang, brokenhearted nga talaga sya at sino ba yung walanghiyang babae na nananakit sa kanya ngayon kung sakali. Gustong-gusto kong magtanong pero, parang ayokong marinig yung sagot. Parang ayokong marinig yung OO nya na nagsasabing, brokenhearted nga talaga sya. At parang mas lalong ayokong marinig yung babanggitin nyang pangalan ng babae na nananakit sa kanya.
Ayokong marinig.. Hindi ko alam kung bakit. Basta, ayoko talaga..
Napayuko ako.
"S-sorry sa pagtatanong. Wag mo nalang sagutin.."
"Hindi. Okay lang. Hindi naman ako brokenhearted e. Una naman sa lahat, hindi naman ako dapat nasasaktan dahil wala naman akong karapatan. Haayyy.. Tama na nga. Hindi mo dapat pinoproblema to e. Dahil problema ko to. Nadadamay ka pa.." hinawakan nya yung ulo ko at mahinang ginulo-gulo ang buhok ko. "Sana lang, di mo maranasan yung ganito. Dahil sobrang hirap.."
Bigla akong nakadama ng lungkot. Hindi ko alam kung dahil nadala ako sa sinabi nya o dahil talagang parang naglalakbay papunta sa akin yung sakit ng sinasabi nya. Damang-dama ko. At parang nasasaktan din ako dahil sa sinasabi nya. Hindi ko man magets ng buo dahil sobrang lalim, mukhang tama lang yung naiisip ko.
Nasasaktan sya ngayon dahil sa isang babae.. At kung tama talaga ang hinala ko, mukhang isa sa 3 pang babae sa grupo namin ang dahilan. Wala naman nang iba diba? Dahil wala naman syang ibang nakakasama na babae bukod sa nasa grupo namin ngayon. At kung tamang-tamang-tama talaga ang hinala ko, alam ko na kung sino..
Yung bestfriend ko.
Si Harriette..
Si Harriette na inlove sa ibang lalaki..
Kay Lennon..
Kay Lennon na kasama rin sa grupo namin at malapit na kaibigan na rin nya..
Napahawak ako bigla sa tapat ng puso ko. Damang-dama ko talaga yung sitwasyon ni Tyron no? Bigla rin kasing sumikip at sumakit yung dibdib ko e.
"C-crissa, bakit ka umiiyak?.." hahawakan na dapat nya ang mukha ko pero pinatigil ko agad sya para ako na ang gagawa.
May tulo na nga ng luha sa magkabilang pisngi ko.
"S-sorry kung ako pa ang naiyak ah? Imbes na ikaw. Nalulungkot lang kasi ako para sayo, Tyron. Nagmamahal ka ng taong may mahal ng iba.."
"Oo. Sinabi mo pa." nakipunas na rin sya sa luha na tumutulo mula sa mata ko.
"Sinubukan mo na bang, sabihin man lang sa kanya yung nararamdaman mo?"
"P-para saan pa diba? That won't change a thing. In love na sya sa iba. Ayokong manira ng mga bagay na ayos na ayos na.."
"Kung sabagay, ano pa nga bang laban mo kung sa una palang, talo ka na?.. Sisiksik ka pa ba sa sasakyan na puno na?.. Tatanggalin mo pa ba yung nakabuhol na tali na nagdudugtong sa dalawang bagay?.. Syempre, hindi na. Kasi mas mabuting ikaw na yung masaktan kesa ikaw yung makasakit ng iba. Ganyan ka pala katinding magmahal, Tyron.. Nakakabilib ka. Sayang nga lang at, hindi naman nasusuklian. Maghanap ka na lang kaya ng iba?.." may tumulo nanamang luha sa mata ko. At nang hindi ko naramdaman yung kamay ni Tyron na pinunasan yon, nagpasya na akong lingunin sya.
Pero mas lalo ko lang naramdaman yung parang pagdurog sa puso ko nang deretsahang makita ng mata ko yung pagragasa ng luha pababa sa pisngi nya. Hindi ko alam na umiiyak na rin pala sya. At deretso na rin syang nakatitig sa akin.
Parang may gustong ipahiwatig yung mga mata nya. Pero hindi ko lang makuha dahil, mas nangingibabaw yung lungkot at sakit na nararamdaman ko ngayon.
"Kung pwede lang talaga Crissa. At kung ganon lang din sana kadali. Matagal ko nang ginawa. Pero hindi e, sya talaga.. At kung nalalaman mo lang talaga kung sino sya.." umiwas sya ng tingin.
Nakipagpaligsahan pa yung mga mata ko, sa mga mata nya, sa paglalabas ng luha. Bakit ganito? Bakit ang sakit-sakit? Hindi ako madramang tao pero bakit damang-dama ko talaga?..
Oo, Tyron.. Hindi mo lang alam, alam ko na rin kung sino.. Kilalang-kilala
ko talaga dahil, bestfriend ko yun..
"Nakakaawa ka naman, Ty.. Ano bang pwede kong gawin para, makatulong naman ako sayo kahit konti?.." pinunasan ko yung luha nya gamit ang likod ng palad ko. Pero laking gulat ko naman nang bigla akong hinaltak at niyakap ng sobrang higpit.
"Ganito lang Crissa. Ganito lang pero malaki na ang magagawa.. Hayaan mo lang na yakapin kita. Iisipin ko na kunwari, ako yung mahal nya.. Kahit ngayon lang.. Kahit sandali lang.." bulong nya sa tenga ko.
Naramdaman ko na basang-basa na ang balikat ko dahil sa luha nya pero hinayaan ko nalang na nasa ganoon kaming posisyon. Ayoko namang ipagkait sa kanya yung maliit na pabor na hinihiling nya. Hindi ko alam kung gaano kasakit yung nararamdaman nya kaya kahit hindi ko man kayang alisin, at least man lang makatulong ako kahit kaunti.
Ilang saglit pa ay sya na mismo ang humiwalay sa akin. Madiin nyang pinunasan yung mata nya at matipid syang ngumiti sa akin.
"Salamat sa panandaliang kaligayahan na yon, Crissa.."
"O-okay ka na ba?.."
"Magiging okay din.."
"S-sige.. Kahit kelan ka makaramdam ng lungkot o kaya sakit, lapit ka sakin. Bibigyan kita ng libreng yakap. Anytime.." luminga ako sa paligid at may nakita akong mga undead na nagpapagala-gala. "Pero wag muna ngayon. Dahil baka may ibang mangyakap satin.." biro ko na ikinangiti nya.
"Tara, may alam akong mas makakapagpangiti sayo.." bulong ko uli na mas ikinalapad pa ng ngiti nya.
*****
Parehas na namumugto ang mga mata naming dalawa. At habang palihim ko syang pinagmamasdan, hindi pa rin fully mag-sink in sa akin na ang isang Tyron Matsumoto, matalino, malakas at misteryoso, ay mag-aabalang magkwento sa akin nung mga ganoong klase ng bagay. Lalo pa at lalaki sya. Bihira sa lalaki ang magbukas ng ganoong usapan. Lalo pa at usapang may kinalalaman sa puso. Malihim sila sa ganon. Kung pwedeng habambuhay na lang na itago, gagawin talaga nila.
But well, patunay lang yan na kahit gaano pa kalakas ang personality ng isang tao, dadating pa rin sa punto na manghihina at iiyak sila dahil sa bagay na pinaka nagma-matter sa kanila.
Kung bakit naman kasi, nagmahal ka ng taong may mahal ng iba, Tyron.. Nahihirapan ka tuloy.. At pati rin ako, nahihirapan.. Pakiramdam ko, hindi lang ikaw ang brokenhearted. Pati ako..
At parang alam ko na rin kung bakit.. Ayoko mang isipin na ganun nga, pero napakalaki rin ng posibilidad na ganon nga talaga..
Mahina kong sinapok yung ulo ko. Dapat, wag kong isipin to. Baka lalo pang madagdagan yung malungkot na ambience na pumapalibot samin. Umupo nalang ako sa tabi nya sa couch tapos nilapag ko rin sa center table yung gitara at permanent marker na nakita kong gumugulong-gulong kanina sa ilalim ng isa sa mga couch dito.
Sana mana lang kahit konti, mapangiti sya nito..
Kinuha ko yung gitara at pinatong ko sa lap ko. Dinampot ko rin yung marker at nag-umpisa na akong magsulat. Pero tinakpan ko yung sinusulat ko para hindi nya mabasa.
"Ano yan?.." bulong nya. Mas lalo ko pang tinakpan yung ginagawa ko.
"Basta.. Wait ka lang.."
Nung matapos ako, hindi naman na ako nag-inarte pa at pinakita ko na rin agad sa kanya. Hindi ko magets yung naging reaction nya dahil biglang naging neutral yung mukha nya. Binasa ko naman uli yung ni-lettering ko dun sa gitara ng mabilisan.
TySsa. Tapos sa may bandang ibaba nun, naka-lettering din yung pangalan naming dalawa. Tyron&Crissa.
May mali ba sa isinulat ko para maging ganito yung reaction nya?..
"A-ano yan?.."
"D-diba sabi mo, ikaw unang nakakita nitong gitara? E para f-fair, satin na lang dalawa.." paliwanag ko.
"E, bakit may pangalan n-natin?.."
"Para may p-proof na, tayong dalawa ang may-ari nito.." umiwas ako ng tingin. "B-bakit, ayaw mo ba? S-sorry.. Permanent marker yan kaya hindi na mabubura.."
Dapat pala, di ko nalang sinulatan. Hindi naman sya natuwa. Nababoy pa tuloy yung gitara.
"H-hindi.. Okay nga e. Nakakatuwa. Parang pinagsamang name ng couple. TySsa.."
Nilingon ko sya. Pero nung makita ko yung mukha nya, parang nagsisi ako bigla na lumingon pa ako.
Nakakatuwa daw. Kasi parang pinagsamang pangalan ng couple yung pangalan namin. Pero halata namang hindi talaga sya natutuwa dahil kahit na nakangiti pa sya, kita namang pilit na pilit lang. Syempre naman? Sino ba naman kasing matutuwa kapag naisama yung pangalan mo sa pangalan ng taong hindi mo naman mahal? Wala naman talaga, diba? Hindi naman kami couple e, so anong nga namang karapatan ko para pagsamahin yung pangalan namin? WALA.
TyRiette. Mas matutuwa siguro sya kung yan ang sinulat ko..
Inagaw ko nalang sa kanya yung gitara at nag-fake laugh ako. Dahil kung hindi ko ginawa yun, paniguradong mababasa nya mula sa mata ko yung mga iniisip ko.
Peste. Bakit pakiramdam ko, maiiyak na ako?
Tyron Matsumoto's POV
"H-hindi.. Okay nga e. Nakakatuwa. Parang pinagsamang name ng couple. TySsa.." pilit na sabi ko habang binibigyan din sya ng pilit na ngiti.
Kung alam mo lang talaga, Crissa.. Gustong-gusto kong maiyak sa tuwa at sagutin ng malapad na ngiti yung sinabi mo. Bakit naman ang hindi? E samantalang isa na ata yun sa pinakamagandang sulat na nabasa ng mata ko? Pinagsamang pangalan natin.
Pero mas pinili ko nalang na ngumiti ng pilit. Hindi kasi dapat, at wala naman talaga akong karapatan na matuwa. Parang napakapangit kasing mabasa yung pangalan ko na nakadikit sa pangalan mo kapag dumating na sa point na kayo na ni Sedrick ang gagamit ng gitara na ito. At kayo na rin ang magkasamang kakanta. Sobrang pangit tignan.
Buburahin ko nalang siguro sa susunod..
Napabalik ako sa sarili ko nang kuhanin sakin ni Crissa yung gitara at tumawa sya. Tinignan kong pilit yung mukha nya dahil parang namalik-mata ako na may nakita akong luha doon. At nung makumpirma kong, meron nga talaga, hinawakan ko agad ang mukha nya.
"B-bakit ka umiiyak, ha?.."
Umiwas sya at pinunasan yung luha nya.
"H-hehehehehe.. Wala. Nami-miss ko lang sila Christian. Silang lahat.. Lalo na si Renzo.. Saka si, Sedrick.."
Ako naman ang umiwas ng tingin at napalunok.
Wow. Ganito pala kasakit kapag binanggit mismo ng bibig nya yung pangalan ng taong mahal nya at narinig yun direkta ng tenga mo.. Parang pinupunit yung tenga ko. Tapos yung nasa loob ng kaliwang dibdib ko, parang tinapakan ng mga nagkakandarapang tao na naipit sa stampede.
Durog..
3rd Person's POV
Habang kapwa na sila nilalamon ng katahimikan na bumabalot sa kanilang dalawa, agad naman yung naputol dahil sa sunod-sunod na marahas na katok na narinig nilang nanggagaling sa pintuan sa ibaba.
Mukhang mayroon atang hindi inaasahang bisita sila Tyron at Crissa..