Crissa Harris' POV
At the latter part of the day, nanatili lang kami sa loob ng bahay nila Renzo. Kain, tour, kwentuhan, lang ang ginawa namin hanggang mag gabi. Nakakatuwa lang dahil hindi sila masyadong nagdamdam ni Renzy kahit na hindi nila nakita na nandito yung parents nila. Nagawa pa rin nilang ngumiti at makipagtawanan samin.
Almost 11pm na pero hindi pa rin ako makatulog. Yung tatlong babae, himbing na sa kwarto ni Renzy. Kaya ako, bumangon muna at pumunta sa rooftop. Kaninang tanghali lang, sobrang cloudy pero ngayon, cleared na at maaliwalas na yung langit. Kitang-kita rin yung mga stars.
"Di ka makatulog, Crissa?"
Lumingon ako sa likod ko at sa tulong ng liwanag ng buwan at bituin, nakita ko kung sino yung biglang nagsalita.
"Uy, Renzo.. Oo e. Dalawang beses kaya akong nakatulog kaninang umaga.." sabi ko nang nakangiti. Dun din kasi sya sa van nakasakay diba, kaya hindi nya alam.
Tumabi sya sakin at nakisandal na rin sa may railings.
"Akala ko, namamahay ka e. Wala na tayo sa mansyon nyo tapos ngayon ka lang din nakapunta dito. Si Christian kasi, madalas dito lalo na kapag may bagong video yung favorite porn star namin na si Mia Khalifa. Nanonood kami sa kwarto ko. Hahahaha!"
"Baliw ka!" sinuntok ko ng malakas yung balikat nya kaya tumigil sya sa mala-demonyong tawa na pinapakawalan nya sa tapat ng tenga ko.
"Hahaha! Sorry na! Joke lang yon. Pinapatawa lang kita.." sabi nya habang pinupunasan yung luha na nasa gilid ng mata nya.
"Ha-Ha-Ha. Nakakatawa. Tsk." inirapan ko sya tapos umupo ako dun sa may railings. Mabilis nya naman akong hinaltak.
"Baka malaglag ka. Papatayin ako ng kakambal mo kapag nagkataon. Mahal na mahal ka nun e." sabi nya. Sumandig nalang uli ako dun sa may railings. At nagulat nalang ako nang akbayan nya ko.
"Para hindi ka na uli makaupo. Alam kong makulit ka e." dagdag pa nya. Nanlambot nanaman tuloy ang puso ko.
Ang bait talaga nito ni Renzo. Oo, maaaring may pagkamalandi at pagkamanyak talaga sya, pero hindi yun yung tunay na magdidikta ng pagkatao nya. Dahil seriously speaking, he's such a sweet and caring man. At parang nakahanap ako ng panibagong Christian Harris sa katauhan nya. Parang maituturing ko na rin syang kakambal ko. And thankful ako dahil nakilala ko at nakakaclose ko na sya sa ngayon. Nung bago kasi mangyari tong outbreak na to, madalas ko lang syang irap-irapan kapag nagkakasalubong kami sa school at kasama nya si Christian.
Inakbayan ko rin sya kahit na malaki ang tangkad nya sakin.
"Ilang taon ka na Renzo?" tanong ko. Gusto ko pa syang makilala e.
"Kaka-18 ko lang nung December. Bakit?.."
"Wala naman. Natanong ko lang. Hmm.. Ilang months lang pala ang tanda mo samin ni Christian.. May 14 kasi birthday namin e."
"Malapit na. January 27 ngayon e. Less than 5 months nalang. Hahahaha! Ano handa nyo?"
"Good question, Renzo. Maraming nagkalat na undead dyan. Okay naman na sa inyo kung sila nalang ang kakainin natin, diba? Aba, kailangan natin silang gantihan. Kinakain nila tayo kaya kainin din natin sila. Hahahaha!"
"Hahahahaha! Good suggestion, Crissa. Basta, alam mo na kung anong parte ang gusto ko ha? Malaman. Okay na legs. Pero mas mainam kung pati yung----" mabilis ko nang tinakpan yung bibig nya bago pa nya makumpleto yung sasabihin nya.
"Peste ka!! Hahaha. Alam ko na kung ano yun!!" sabi ko na tumatawa. Nakitawa nalang din sya sa akin.
Masahol pa kami sa nababaliw na lasing dahil mukha kaming abnormal doon na tumatawa sa ilalim ng maliwanag na buwan. Para kaming nagtatawag ng kampon ng kadiliman dahil sa ginagawa namin. Pero okay na rin to. At least, masaya sya.
Bumitaw na ako sa pagkakaakbay sa kanya dahil nangangawit na ko. Bumitaw na rin sya kaya humarap naman ako sa railings. Pero saktong pagharap ko, may nakita akong undead na naglalakad sa labas ng gate.
"Renzo, tignan mo oh.." itinuro ko yung undead.
Mula sa pagkakangiti, unti-unti syang sumimangot. At ang sumunod na nalang na nakita ko ay ang mabilis nyang pagtakbo paalis. Hindi ko sya mabilis na nasundan dahil bukod sa hindi ko kabisado yung pasikot-sikot ng bahay nila, wala ring kuryente kaya sobrang dilim. Wala pa man din akong dala na flashlight.
Nung makababa ako sa first floor, hindi ko na sya kinailangan pang hanapin dahil narinig ko nalang yung mahinang putok ng baril na may silencer mula sa labas.
Dali-dali akong pumunta roon at naabutan ko nalang si Renzo sa itsura at posisyon na hindi ko inaasahan.
Nakaluhod sya tapat ng gate habang tahimik na umiiyak. Nasa sahig din yung baril nya. At sa may hindi kalayuan, may nakahandusay na katawan ng babaeng undead. Nakasuot pa to ng puting night gown na nabahiran na nang magkahalong itim at pulang kulay na dugo na nanggagaling sa ulo nya.
Hindi ko na kinailangang tanungin pa kung sino yun dahil sa paraan pa lang nang pag-iyak nya, mukhang alam ko na. Nilapitan ko sya at lumuhod din ako para maabot ko sya. Hindi ko alam kung paano ko sya papakalmahin at dadamayan sa nararamdaman nya ngayon. Pero ito lang ang alam kong makakatulong kahit na konti.
Tumulo na rin ang luha ko kasabay ng pagyakap ko sa kanya ng mahigpit. Naramdaman ko nalang din yung pagyakap nya pabalik sakin. Damang-dama ko yung sakit na nararamdaman nya. At sigurado ako na kung gaano kasakit para sakin nung malaman kong undead na sila yaya Nerry, mas matindi yung sakit na nararamdaman nya ngayon. Nanay nila to. At sya pa ang tumapos sa kanya.
Ngayon ko lang nakita na umiyak si Renzo. At nasasaktan din ako na makita sya na ganto.
Naramdaman ko na may biglang dumating kaya dahan-dahan akong lumingon. At doon sa tapat ng pinto, nakatayo si Tyron. Agad syang lumapit sa amin at nung makita nya yung undead na nakahandusay sa harapan namin, malalim na buntung-hininga ang pinakawalan nya.
"Ako nang bahala dito kay Renzo. Tawagin mo nalang si Christian at Renzy doon." pinunasan ko yung luha ko at inakay ko patayo si Renzo. Nakita ko naman na bumalik na rin si Tyron sa loob.
"S-salamat Crissa.." bulong nya habang nakayakap pa rin sakin.
"Sshhh. It's okay.." sabi ko habang hinahaplos-haplos yung likod nya. Buti nalang din kontrolado nya yung bigat nya kaya hindi kami parehas na natumba.
Maya-maya lang din, dumating na si Tyron kasunod si Christian at Renzy. Nagtataka yung mukha ni Renzy habang nakatingin samin ni Renzo. Pero nung makita at matitigan nya yung undead na nasa sahig, bigla nalang syang humagulgol ng iyak at lumapit doon.
"Oh my God.. M-mommy.." yun nalang ang nasabi nya. Nakaluhod sya sa harapan nung mommy nya habang hindi malaman kung yayakapin o hahawakan nya ba yun.
Nabaling ang atensyon ko doon sa may di kalayuan dahil may nakita akong papalapit na undead. Pumorma si Christian na babarilin yun pero agad namang bumitaw si Renzo sakin at lumapit sa kanya.
"A-ako na bahala, pare." dinampot ni Renzo yung baril nya sa sahig tapos tumakbo dun sa papalapit na lalaking undead.
Nakita ko pang umiling sya bago nagpaputok. Kasabay ng paghandusay nung undead sa sahig ay kasabay din ng unti-unting pagluhod ni Renzo sa harapan nun.
"S-sorry.. Daddy.."
Naramdaman ko nanaman ang pagtulo ng mainit na luha sa pisngi ko. Napasakit makita na magkabilaan, may magkapatid na sabay na nagdadalamhati sa pagkawala ng magulang nila.
Habang pinagmamasdan ko silang umiiyak, unti-unti ring nanlambot ang tuhod ko. Buti nalang at may braso na kaagad umalalay sakin.
"T-thanks Tyron.." bulong ko sa kanya.
** kinabukasan..
Day 13 of zombie apocalypse..
Paggising ko, si Alessandra agad ang nakita ko. Nagbibihis sya at nag-aayos ng holster at sheath sa tapat ng salamin.
"S-san kayo pupunta?.." tanong ko. Mabilis namang may tumabi sa akin kaya lumingon ako.
"Pupunta kami ngayon sa village nila Alessandra. Hahanapin namin yung family nila. Ayokong magaya sila dun sa nangyari samin ni kuya kagabi.." mugtong-mugto ang mata ni Renzy pero pilit pa rin syang ngumiti sakin.
Hinawakan ko yung mukha nya.
"O-okay ka na ba?.."
"Hmm.. Tinanggap ko nalang. Wala naman nang mababago kahit umiyak pa ako." inalis nya yung kamay ko na nasa pisngi nya tapos kinumutan nya ako. "Salamat sa pag-aalala at pag-aalaga mo samin, Crissa. Pero kailangan mo ng matinding pahinga ngayon.."
Matinding p-pahinga? Ang ibig bang sabihin nito, m-mamatay na ako?
Hindi na ako nakapagreact pa dahil unti-unti nang bumigat yung mata ko at tuluyan na akong napapikit.
Goodbye world..
Harriette Kobayashi's POV
"Harriette, kayo nang bahala sa kakambal ko ha? Alam nyo kung gano kakulit yan. Bantayan nyong maigi. Magaling tumakas yan. Kahit sa bintana, lulusot yan makatakas lang---"
"Oo na. Oo na. Bilisan nyo na at baka gabihin pa kayo nyan. Kami na bahala kay Crissa." itinulak ko si Christian papasok dun sa sasakyan na dilaw nila Renzy. Kumaway ako sa kanila bago namin isinarado ni Lennon yung gate.
They're heading to Alexander and Alessandra's house para hanapin yung family nila with Christian leading them. And kasama rin nila si Elvis, Sedrick at Renzy. Kami naman nila Lennon, Tyron at Renzo ang naiwan dito para bantayan yung bahay at pati na rin si Crissa. Dahil na rin siguro dun sa maraming nangyari kahapon lalo na kagabi, nilagnat sya kaninang madaling-araw. Patunay lang to na kahit ang pinakamalakas at pinakaastig na babae, nagkakasakit din.
"Harriette, okay ka lang? Sabi ko pasok na tayo sa loob." kumaway-kaway si Lennon sa harap ko kaya bumalik naman ako sa sarili ko.
"Ay, sorry! Iniisip ko si Crissa e. Tara na." sabi ko at nakangiti akong pumasok sa loob.
Umupo ako dun sa may hagdan tapos tumabi sakin si Lennon.
"Tinanggap na talaga ng pinsan mo no? Hindi na rin sya nagvolunteer na magpaiwan dito para maalagaan din si Crissa.. Binigyan nya na talaga ng daan para tuluyan nang makalapit si Tyron kay Crissa.. And that's one of the bravest thing you could ever do. And napakahirap gawin non." bulong ko sa kanya.
"You we're talking about it as if it really happened to you personally. Mind sharing it? Mapagkakatiwalaan ako. Promise." itinaas nya pa yung kanang kamay nya habang nginingitian ako ng matamis.
"Okay, okay. Naniniwala nako. Mukhang pretty boy type ka rin tulad ni Sedrick e. Kaya, magshe-share ako ng kaunti. Ayokong buuin dahil you know, it is so bad.. Nakaka bad vibes."
"Go ahead. I won't mind." nagkamot sya ng batok nya. And I find that so cute.
Huminga ako ng malalim saka ako nag-umpisang magsalita.
"You're right. Naranasan ko na rin yung ganong sitwasyon a couple of years ago. We have a friend named Isabelle. Kaibigan namin sya nila Crissa simula nung highschool kami. And yeah, parehas kaming nagkagusto sa iisang lalaki. To make the long story short, nag-give way ako para hindi mawala yung friendship namin. Pero alam mo kung ano yung nakakasuklam? Yung lalaki palang minahal namin, ginamit lang yung sitwasyon na yun para pag-awayin kami ni Isabelle.. Para sirain kami. Pero hindi rin naman sya nagtagumpay. Dahil nung nalaman namin ni Isabelle ang tungkol dun, nagkaisa pa kaming dalawa para gantihan sya."
"Wow. That was good. Buti maayos pa rin kayo nung Isabelle. But, where is she now?"
Napayuko ako at bahagyang nalungkot dahil sa tanong na yun.
"That's the problem. Nung nagcollege kami, napahiwalay na si Isabelle samin. Nagfocus sya sa showbiz career nya at pati na rin sa pagiging gymnast nya."
"Gymnast and at the same time, artista rin sya? Wait. Are you pertaining to Isabelle Roces?"
"Yep. Kilala mo personally?" tanong ko. Hindi naman nakakapagtaka na kilala nya dahil artista nga si Isabelle diba?
"Nope. Madalas ko lang syang makita dun sa network kung saan ako nag-ojt. Actress sya doon diba? She's very kind, though. Kaibigan nyo pala sya.."
Tumango ako sa kanya at ngumiti. Parehas naman kaming napalingon sa likuran namin nang may marinig kaming yabag ng paa na pababa sa hagdan.
"Oh Ty, saan punta mo?" sabi ko habang umaalis kami ni Lennon sa hagdan.
"I'll cook." seryosong sabi nya.
Ayoko nang itanong kung para kanino dahil alam ko naman na. May itinatago rin palang ka-sweetan to si Tyron. Ipagluluto nya yung babaeng mahal nya. Ayieee. Tagos hanggang lymph nodes ang kiligggg!!!
Pero teka..
"Sanay kang magluto Ty?" tanong ko. Pero nagsisi naman agad ako na nagtanong pa ako dahil bigla nalang akong tinapunan ni Tyron ng tingin na para bang nagsasabing 'Like seriously, you're asking me that stupid question?..'.
Dere-deretso nya tuloy kaming nilagpasan wearing his everyday poker face. Ang tanga ko naman kasi e. Mangangahas ba syang magluto in the first flace kung hindi naman talaga sya sanay? Tapos idagdag pa yung fact na yung babaeng mahal nya pa ang paglulutuan nya?
Napailing nalang ako sa katangahan ko. Kaya siguro hindi ako magkaboyfriend e. Tsk.