Télécharger l’application
25% Akala Ko Siya Na / Chapter 4: Akala Ko Siya Na #2

Chapitre 4: Akala Ko Siya Na #2

.Ang kwentong ito ay mula sa isa ko pang kaibigan na babae. Matagal na itong kwento niya.

Sa pagkakaalala ko, nagustuhan niya yung lalaki tapos siya kasi yung tipo nang tao na mahilig sa random chat. Nag random chat siya, sinadya niya talaga na 'kunong' mag random chat siya sa kanyang crush. Pero hindi rin naman napansin.

Agad din namang nawala yung pagkagusto niya sa lalaki matapos ang ilang linggo dahil may nalaman siyang di niya gusto sa ugali nung lalaki. Magkaeskwela silang dalawa pero hindi sila naging magkaklase.

Pagkatapos ng isang taon. Ikalima nang Enero,tanda ko pa. Nang nagchat sa kanya ang lalaki. Hindi niya na maalala noon na nagrandom chat pala siya dati dun sa dati niyang crush. Nag 'hi' sa kanya yung lalaki. Pinansin din naman agad niya iyon, tapos sumagot ng bahagya sa chat ng binata pero makalipas ng ilang minuto hindi niya na pinansin.

Pero makulit yung lalaki, sinabi sa kanya na gusto siya nito. Nung una akala niya nakikipagbiruan pa ang lalaki sa kanya. Yun pala seryoso na. May balak talagang pumunta ang lalaki sa bahay nila at manligaw sa personal.

Magtatapos na ang taon kung kaya't abala sila sa kanya-kanya nilang thesis. Biglaan ang nangyari, ito kasing kaibigan ko hindi maiwasan tumulong. Basta sabihin mo lang na kailangan mo nang tulong, tutulong talaga siya kapag alam niyang kaya niya o kapag nasa mood siya. Nasa isang computer shop sila noon kasama ang isa sa mga ka-grupo niya sa Thesis. Ka-chat niya din yung lalaki na dati niyang gusto o crush kung tawagin. Medyo sumakit ang ulo niya sa thesis title at sa nilalaman na nakalahad sa unang chapter nito.

Siya na mismo ang nagkusa na tumulong sa thesis ng lalaki. Itong  isang ka-grupo niya, alam naman ang bahay ng lalaki kaya pumunta sila agad doon. Unang pagkakataon, nakilala niya ang magulang ng lalaki. Pinakilala siya bilang kaibigan. May spark na agad sa pagkikita nilang iyon.

Out-of-place pa siya dun sa ka-grupo niya sa thesis at sa lalaki, kasi dati na pala silang naging mag ka-eskwela at matagal ng magkakilala kaya tahimik lang siya.

Mga ilang araw din ang nakalipas, saktong kaarawan ng nanay ng lalaki, pormal siyang pinakilala bilang nililigawan. Syempre may dala siyang cake tapos sinundo siya nung lalaki sa kanila para ipakilala na rin sa pamila niya. Masaya sila pareho.

Siguro wala pang isang buwan sinagot niya na ang lalaki. Hindi naging maganda ang takbo nang dalawang buwan ng relasyon nila. Masungit pa ang kaibigan ko sa kanya. Madalas nilang pag awayan yung password ng isa't-isa. Ayaw kasi nang kaibigan ko na in-invade ang privacy niya pati ang pagiging indibidwal niya bilang tao. Ganoon siya kalalim. Pero itong ka-relasyon niya, hindi yun maintindihan kaya sa huli nagpalitan na lamang sila nang Facebook accounts.

Alam niyang hindi magiging maganda iyon, syempre alam niyo na. Karamihan nang babae imbestigador. Hindi selosa ang kaibigan ko sa mga babaeng nagch-chat sa boyfriend niya o kahit sa mga nagpapacute sa kanya. Ganon kataas ang confidence niya sa sarili na hindi siya ipagpapalit pero selosa siya pagdating sa ex. Ang paniniwala niya kasi, mahirap kalaban yung taong minahal nang taong minamahal niya. Natatakot siya na baka bumalik yung feelings. Pero hindi naman iyon nangyari.

Naging maalaga sa kanya ang lalaki. Halos lahat dinudulot sa kanya. Pinaramdam ng lalaki kung gaano siya ka-importante. Pinaramdam ng lalaki na siya ang lahat sa kaibigan ko. Masayang-masaya ang kaibigan ko. Alam na alam ko yun at ramdam ko kahit niya sabihin. Masaya kasing kasama ang lalaki. Kahit na sobrang magkaiba sila. Inuunawa nila ang pagkakaiba nang bawat isa.

Ramdam niya iyong may pamilya siya, kaibigan pati kaaway at the same time. Akala ko talaga magtatagal sila pero unti-unti nang nagbago ang lalaki.

Masyado na  siyang nasakal sa relasyon nila. Daig pa nang lalaki ang magulang ng kaibigan ko kung magbawal. Palala na nang palala ang ugali nito habang natagal. Pangiti-ngiti lang ang kaibigan ko kapag nagawa siya nang kalokohan. Yung kalokohan na hindi siya magpapaalam na may pupuntahaj kaming magkakaibigan o kaming magkaklase. Tinatawanan niya lang yung boyfriend niya kapag sa ganong argumento o di kaya naman ang kwento niya iniiyakan niya daw. Para madali siyang mapatawad nito.

Kaakibat ng pagbabago nang lalaki kabaligtaran ang nangyari sa kaibigan ko, nagiging mas maunawain na siya, hindi na siya gaanong masungit sa kanyang boyfriend. Alam niya na kung paano i-handle ang sitwasyon. Kung meron man na kasalanan ang lalaki, kinakausap niya muna iyon sa personal ng mahinahon. Tatanungin niya kung bakit nagawa yon. Hindi na siya katulad ng dati na puro sigaw nang sigaw. Pinangaralan din kasi siya nang mga kaibigan namin na pangit sa magkarelasyon puro sigawan.

Masaya din ako para sa kanya noon kahit na nasasakal na siya sa relasyon.  Naramdaman niya kasi yung tanggap siya sa pamilya nito. Tinuturing na siyang parang anak ng mga magulang ng lalaki. Simple ang buhay ng binata. Masaya sila kahit minsan kinakapos. Ang alam ko talagang dream date nang kaibigan kong yun, dalhin siya sa café. Pero nabago ang lahat, kahit tusok-tusok ayos na sa kanya. Librehan sila nang boyfriend niya. Pinupuntahan din siya sa bahay.

Kahit sakal siya sa relasyon. Naghahabol naman ang lalaki sa kanya kapag sinasabi niyang gusto niya muna magpahinga.

Hindi na siya sa masaya. Iyon ang nasa isip niya. Masaya na lamang siya kapag kasama niya yung boyfriend niya. Naiisip niya, nalilimitahan na siya. Kinokontrol na siya nang lalaki. Madalas pa, puro pag d-dota na lang inaatupag nito. Dati suportado niya ang boyfriend niya sa ganong bagay.

Binibigyan niya nang pangpusta o kaya ich-cheer niya. Chill lang din siya humawak ng relasyon. Hindi niya masyadong fine-flex ang lalaki sa social media. Ayaw niya nang ganon. Napag awayan nga din nila yung simpleng profile picture lang. Ayaw niyang i-profile picture niya yung boyfriend niya kasi gusto niya na yung mga nakakasalamuha niya lang sa personal ang makaalam ng tungkol sa relasyon nila. Pero yung lalaki ang mapilit.

Dumating pa yung punto na madalas silang mag away. Nagpapatama yung lalaki sa mga posts niya o shared posts. Samantalang siya, chill lang. Puro share nang tungkol sa wattpad o mga k-idols. Hanggang sa naputol na ang pisi niya. Pumapatol na siya sa mga pagpapatama nang lalaki. Nabasa niya kasi sa group chat ng boyfriend niya na parang kasalanan niya ang lahat.

Sa pagkakaalam niya, hindi nila dapat sabihin sa mga kaibigan nila kung anong problema nila. Kailangan sila mismo ang tumugon non para hindi maging bias. Sa lalaki pa mismo galing yon. Nagtaka siya kaya ayun naging immature na sila pareho.

Hanggang sa nagbago na ang lalaki nang husto. Kung sinu-sino nang babae ang chinachat nito. Bumalik na naman siya sa pagiging babaero niya. Babaero na talaga ang lalaki bago pa siya makilala nang kaibigan ko. Ang kaibigan ko kasi naniniwala yan sa pangalawang pagkakataon at sa pagbabago. Akala niya magbabago ang lalaki pero panandalian lamang pala.

Dumating sa punto na pinagdasal niya na sana kahit anong habol niya sa lalaki, hindi na ito magpapahabol. Sana makahanap ang lalaki nang kapalit niya dahil pagod na siya.

Buwan ng Agosto, masaya silang magkasama. Tinanong niya ang lalaki, kung masaya pa siya sa relasyon nila. Ang nasa isip ng kaibigan ko non, kapag siya masaya pa. Aalisin ko lahat ng nasa isip ko. Lalabanan ko ito. Iisipin ko kung paano kami nagsimula. Iisipin ko kung paano namin nalampasan ang mga problema.

Sinagot ng lalaki, "Oo. Masaya ko sayo", nakangiti pa. Niyakap niya yung boyfriend niya sa pag aakalang totoong masaya pa pala ang lalaki.

One time, sinearch niya sa Facebook yung pangalan ng boyfriend niya. Trip niya lang i-istalk. Nagtaka siya bakit may pangalawang account yung lalaki. Pero hindi naman siya naghinala. Hindi sinabi nang lalaki kung anong dahilan ng pangalawang Facebook account nito.

Nung panahon na yan, sweet pa rin sa kanya ang lalaki. May explosion box tuwing monthsary nila. Siya naman nililibre niya nang pagkain yung lalaki o kaya dadalhan niya nang pagkain sa bahay. Bigayan sila.

Nung nag away din sila. Binago na nila ang password ng isa't-isa. Smooth sailing na ang relasyon nila pagkatapos non. Akala niya unti-unti na silang nagmamatured. Hindi na kasi siya ganong sinasakal ng lalaki. Pero yun pa rin, madalas siyang hindi maintindihan nito. Pinagtataasan ng boses. Para bang ang lalaki na ang mas superior. Naging alipin siya nang pagmamahal. Nakangiti na nga lang siya kapag sinisigawan siya tuwing may away sila.

Ang sabi niya, kahit ano pang ugali niya. Sabi ko sa kanya titiisin ko kasi mahal ko siya. Nangako ako di ko siya iiwan. Ramdam ko yung sakit sa ngiti niya. Nasa simbahan kami non. Parang nung dati lang iniisip niya nang bumitaw pero ngayon hindi na. Yun ang nasa isip ko.

Dumating ang Setyembre. Tumawag sa kanya ang nanay nung lalaki. May nalaman siya. Hindi niya alam na may pinupuntahan pala ang lalaki tuwing gabi na may research daw silang ginagawa o thesis. Tapos, hindi rin pala totoo na hindi siya binibigyan ng baon ng kanyang mga magulang. Halos mapaiyak na siya sa sinasakyan niyang jeep nung oras na yun papasok ng eskwelehan. Ang daming kasinungalingan sa kanya na hindi na  niya napaglampas. Agad niyang tinawagan ang lalaki, tama nga ang tinuran ng magulang nito.

Isipin niyo ba naman may oras na nangungutang siya sa mga kaibigan namin para lang magkaroon ng pang meryenda ang boyfriend niya. Hinahati niya ang baon niya para sa kanilang dalawa. Wala na siyang ipon para sa sarili niya.

Nag away sila nang araw na din iyon. Isang linggo silang walang pansinan. Naging palagay pa ang loob niya na napagdaanan na nila iyon na isang linggong hindi nag usap. Umasa pa siyang magiging maayos pa sila pero hindi na.

Meron siyang instinct na baka may iba na ang lalaki pero pinagsawalang bahala niya iyon.

Sabi niya din sa sarili niya, kung sinuman ang mapakilala niya sa pamilya nang personal. Yun na ang makakasama niya habang buhay. Yun yung akala niyang siya na pero hindi pa pala. Naglaho lahat ng plano nila dahil sa isang babae.

Nakahide sa kanya lahat ng pwedeng makita niya na naglalandian sila sa Facebook.

Ang relasyon niya na akala niya chill na at naayos na. Eh hindi pala. Kaya pala hindi na siya nasasakal dahil may iba nang kalaguyo ang lalaki na ka-department nito.

Ilang buwan din na walang ganang kumain ang kaibigan ko. Wala siyang gana sa lahat ng bagay pagkatapos ng break up nila. Nangyari din iyong hiniling niya na kahit anong habol niya sa lalaki, hindi na siya babalikan nito. Hindi na siya binalikan, tinaboy pa siya sa harap ng pamilya nito.

Nagpaikli din siyang buhok matapos iyon na mangyari. Kung anu-ano nang kalokohan ang pumasok sa isip niya. Kung kani-kanino siya nakipagdate matapos non. Feeling niya wala siyang kwenta. Ang inakala niyang siya na eh iba pala ang gusto makasama sa habang buhay.

Sinabi niya sa professor namin, "Bakit po hindi siya nagkaroon ng tapang na sabihin sa akin noon na hindi na pala siya masaya? Bakit kailangan niya pa kong paltan?", iyak siya nang iyak ng panahon na iyon. Hindi ko alam paano siya papatahanin o kahit manlang pagaanin ang loob niya.

Pero ang sabi nang prof namin, [non verbatim], "Siya mismo ang nakipagbreak. Ang sabi niya di ba, hindi mo siya deserve? Ibig sabihin, binigyan ka pa niya nang chance na makahanap o may dumating na mas better para sayo dahil nakikita na niya na mess na siya. Hindi na siya siguro mababago. Be thankful. Gawin mong positibo ang break up niyo."

Maluwag na tinanggap iyon ng kaibigan ko kahit na alam ko hanggang ngayon hindi niya pa rin naayos ang trust issue niya.

Hindi naman palaging lalaki ang nagch-cheat. Kahit babae rin syempre.

Sa mga nagbabasa nito, sana kung hindi gusto niyo nang bumitaw. Kung hindi niyo na mahal sabihin niyo nang harapan. Huwag kayong duwag. Huwag ninyong ipagpalit ang karelasyon niyo. Makipagbreak kayo nang ayos. Unti-unti niyong pinapatay ang mga taong lubos kayong minahal pero pinagpalit niyo pa rin sa iba.

Ito yung, "Akala ko siya na. Pero pinagpalit ako sa iba".

Kapag kasi pinagpalit mo sa iba yung isang tao may tendency talaga na kwestyunin nila yung self worth nila. Kaya kung di na kayo masaya, be honest. Kung hindi niyo na mahal, be honest. Kung hindi niyo na kayang ipaglaban, be honest.

Sa mga martir dyan kung alam niyong niloloko kayo nang partner niyo. Kayo na mismo ang magtanong kung masaya pa ba sila dahil kung hindi na mas maiging makipagbreak na lang kaysa nagpapanggap na ikaw lang para sa kanya pero may iba na pala siya.


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C4
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous