NAKABUKAS ang libro sa lamesa ni Joelle habang nakatuon naman ang pansin niya sa professor nilang abala sa pagtuturo sa harapan ngunit wala naman siyang naiintindihan sa sinasabi nito. Kagaya nang araw-araw na drama niya, lumilipad na naman ang isip niya. At sa ayaw niya at sa hindi, iisang tao lamang ang kinapupuntahan noon.
Ridge...
When was the last time that she saw him? A few weeks ago? Iyon ay noon pang magkasagutan sila nito pagkatapos siyang i-rescue nito sa ka-date niyang manyak at kalahati. I-rescue pagkatapos ay saktan din siya pagkatapos, emotionally.
At buong pag-aakala niya, pagkatapos niyang masabi ang nais niyang sabihin dito ay magiging okay na siya ngunit nagkamali siya. Oo nga at kahit papaano ay napagpursigihan niyang ibalik sa normal ang routine niya araw-araw ngunit gaya nang araw na iyon, lagi na lamang wala sa present time ang isip niya. She was able to restrain the tears, alright, but she was still hurting.
Hindi pa nakatulong ang patuloy na paghahanap ni Ridge sa kanya. Hindi niya alam kung ano pang plano nito gayong alam na niya ang buong katotohanan ngunit wala na siyang balak na alamin pa iyon mula rito. Seeing him would cause her more pain, she was sure.
Kaya naman sa nakalipas na Linggo ay inabala niya ang sarili sa pag-iwas dito. And everyday, dodging him seems to get harder. He was getting eager to see her. Minsan nga ay sa mismong harap na ng classroom nila ito nakatambay. Ngunit sa tulong ng bestfriend niya ay nagagawa niya itong malusutan. She was successful these past few weeks. Siguro naman ay susuko na ito. Mapapagod din ito eventually. Besides, he has Rhea, his ex-girlfriend.
Nang sa wakas ay matapos ang huling klase niya ay agad niyang dinampot ang mga gamit niya. Ready for another day of sneaking out of the room and out of Ridge's sight. Kaagapay naman si Madeline na ready siyang itago at patakbuhin kung mamamataan nito ang lalaki ngunit nakalabas na sila at tuluyang nakalayo sa classroom ay walang anino ng binata. Nakahinga siya ng maluwag. Mukhang sumuko na nga ito. Hindi man niya gusto ay naramdaman niya ang bahagyang sakit na bumadha sa puso niya. Sumuko na ito. Why was the thought even hurting her?
Malapit na sila sa parking lot nang huminto siya. Suddenly, she does not feel like going home, atleast not at the moment. Lalo na at ang uuwian niya ay ang mga kapatid niyang botong boto pa rin sa manok ng mga ito.
"Mauna ka na pala muna, Maddy."
"Saan ka pupunta?" kunot ang noong tanong nito.
"Sa gymnasium. I feel like playing a few before going home."sagot niya.
"Gusto mo samahan kita?" tanong nito.
"Ano namang alam mo sa basketball?"
"Pwede akong mag-cheer." She suggested.
"Wag na lang please." Nakangiting tanggi niya. "I'm fine, Maddy. Don't worry."
"Alright. But if you need me, just give me a call, okay?" sabi nito. Alam na iyon ni Madeline. Na kailangan niyang mag-basketball kapag gusto niyang mag-isa at makapag-isip. She was her bestfriend, afterall.
"Ingat!" sabi niya rito.
Sakto namang wala nang tao sa gymnasium nang mga oras na iyon. Agad siyang kumuha ng bola mula sa storage at nagsimulang maglaro. Na-miss niyang maglaro nang mag-isa doon. Kailan pa nang huli niyang ginawa iyon? Tama, noong makalaro niya si Ridge. And she has been so happy for a while that she has not needed to play here alone.
Hindi na niya alam kung ilang oras na siyang naglalaro basta pakiramdam niya ay hindi siya napapagod kahit pa nagsisimula na ring tumagaktak ang pawis niya. She was enjoying this alone time and she does not care about anything else anymore.
"I knew I would find you here."
Napatigil ang pagsu-shoot niya sanang muli ng bola nang marinig niya ang pamilyar na boses na iyon. What the hell was he doing at the school when it was already passed class hours?
Huminga siya ng malalim upang kalmahin ang sistema niya bago nagmartsang papunta sa storage area. Ngunit sa pagdaan niya rito ay tinapik nito ang bolang hawak niya dahilan upang maagaw nito ang bola mula sa kanya.
"Hi Joelle, long time no see." Nakangising sabi nito habang idini-dribble ang bolang naagaw nito mula sa kanya.
Saglit siyang natigilan nang matitigan ang mukha nito. Ilang linggo niya ring hindi nakita ang mukha nito dahil sa tuwina ay si Madeline ang nakakasilip rito at pinapatakas na siyang agad upang hindi na siya ma-corner pa nang binata. And seeing him again made her realized how she missed this man. At kasabay niyon ay ang pagkirot ng dibdib niya.
He has that Rhea, remember?
Sa pagpapaala ng isang bahagi ng isip niya ay bumalik siya sa reyalidad. Walang imik na tinalikuran niya ito at dumiretso sa pinto. But when she tried opening the door, it did not even budge. Kumunot ang noo niya at muling sinubukang buksan iyon ngunit bigo pa rin siya.
"It's locked." Wika ni Ridge mula sa likod niya.
"I know, genius! All I want to know is why the hell it's locked!" iritadong sabi niya kahit hindi pa rin ito nililingon. She tried to open the door a few times more but failed. "Argh!"
"It's useless. Ini-lock na ni Mang Boy ang pinto mula sa labas. You're stucked here with me." Balewalang sabi nito.
Nang marinig iyon ay agad niya itong binalingan. He was still smiling. Naningkit ang mga mata niya.
"Kagagawan mo ito 'no?" She accused him. And just like a confirmation from him, his smile grew wider. Ngali-ngaling ibato niya rito ang sapatos niya kung hindi nga lang siya nag-aalalang mapingasan ang gwapong mukha nito.
Ay, concerned?
Pinatahimik niya ang bahaging iyon nang utak niya at hinanap ang bag niya.
"You left your bag at the locker room when you changed clothes before playing here." Waring na-realize ang ginagawa niya na sabi nito.
"Were you following me?" nagdududang sabi niya rito.
"No? I just figured it out." Kibit-balikat na sabi nito.
Napabuga siya ng hangin. Why was she even talking to this man? Ngunit no choice siya. Ni wala siyang cellphone para makatawag ng tulong mula sa labas. Ayaw man niya ay lumapit siya rito at inilahad ang palad.
"What?"
"Your phone!" she demanded.
"What for?" great! Mukhang balik na naman sila sa pagbabangayan ng lalaking ito!
"Aba malamang para makatawag ng magbubukas ng pinto."
"And why would I give it to you when I was the one who planned this in the first place?"
"Kung ganoon ikaw nga! You---!" pinalipad niya ang kamao dito ngunit mas mabilis ding nasangga nito iyon. Ngunit hindi pa ito nakuntento sa simpleng pagsangga lang dahil nang tangkain niyang bawiin ang braso ay hindi nito iyon binitawan. "A-ano ba! Bitawan mo nga ako!"
"No."
"Sinabing bitaw!" ginamit niya ang kabilang kamay upang tanggalin ang mala-bakal na pagkakahawak nito sa braso niya ngunit binitawan lamang nito ang hawak na bola pagkatapos ay hinawakan naman ang kabilang kamay niya. Now he was holding both her hands. Nanlaki ang mga mata niya. "Ridge Daniel Eliseo!"
"It's nice to hear you say my full name." Balewalang sabi nito na parang hindi nito ramdam na sasakalin na niya ito anumang oras.
"L-let go of me!" nagpumiglas siya ngunit sa halip na bitawan siya nito ay hinila pa siya nitong palapit rito.
"No." Mahina ngunit mariing sabi nito. Unti-unting sumeryoso ang anyo nito. "This is the only way you'll listen."
"A-ano ba ang kailangan mo sakin?" kulang sa puwersang sabi niya. Hindi niya alam ngunit ngayong napakalapit ng mukha nito sa kanya ay tila nagliparan lahat ng lakas niyang itulak itong palayo.
"I need you to stop shutting me out of your life."seryosong sabi nito.
"W-wow ha! At sino ka para mag-demand nang ganyan?"
"The guy you fell in love with."
"And you're also the guy who crushed me. Kaya bakit kita papapasukin ulit sa buhay ko?" sagot niya rito.
Nakita niya nang matigilan ito pagkatapos ay mariing pumikit bago muli siya tinitigan.
"Fine. Just listen to what I have to say first."maya-maya ay sabi nito.
"No way!"
"Then we'll stay here until you listen." Determinadong sabi nito.
"What? You're crazy! Hahanapin ako nina Daddy. And they'll kill you for even holding me up here!" banta niya.
"They won't. Nanggaling na ako sa inyo at alam nilang bumalik ako rito para hanapin at kausapin ka." Maikling paliwanag nito.
"You---!" napabuga siya ng hangin. Wala na siyang maisip na maisagot pa rito. Bakit ba lahat na lang ng naiisip niyang ipambara rito ay nasasagot nito?
"So it's either you listen to me or we stay here 'til morning. You take a pick." kibit-balikat na sabi nito.
Tinignan niya ito. He saw the determination on what he said. Iniiwas niya ang tingin mula rito nang mailang sa pagkakatingin nito.
"Fine! Talk! But that does not mean I will believe you." Sabi niya.
Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito ngunit hindi niya ito nilingon.
"Won't you even look at me?" tanong nito.
"No."
"Fine." Bumuntong-hininga itong muli. "Where would you want me to start?"
"Aba malay ko! Ikaw ang magpapaliwanag, bakit ako ang tinatanong mo?"
"Okay." Pagsuko naman nito. "'Yong kasunduan naming ng Daddy at mga kapatid mo, inaamin ko naman iyon. Nag-aalala raw kasi sila sa kalagayan mo dahil baka matuluyan na raw ang pagiging pusong lalaki mo. Pero sa simula pa lang nang kasunduang iyon ay alam ko na sa sarili kong may nararamdaman na ako para sa'yo. In fact, kahit noon pang pagkatapos kitang halikan, I knew back then that you were different from the girls I dated before. For one thing, ikaw lang ang babaeng nakasuntok sa akin." He smiled while remembering their first meeting. Ito lang rin ang lalaking nakita niya na nasuntok na nga ng babae ay mukhang masaya pa. "At ang kasunduan na iyon ang naging daan para makasama pa kita ng madalas and to know you better. I'm sorry pero aaminin kong wala akong pinagsisisihan sa pagpayag kong makipaglapit sa'yo. That's because I love being around you at sa lahat ng pagkakataong kinulit kita ay kasiyahan lang ang naramdaman ko. Alam kong sa pagkukunwari nagsimula ang lahat pero lahat ng ipinakita ko sa'yo at mga sinabi ko ay totoo. You were the best thing that has ever happened to my life, Joelle."
Saglit na napalingon siya rito. Wala siyang mabasa sa mukha kung hindi purong sinseridad. But it was so good to be true.
"Kaya ba nagkakausap pa rin kayo ni Rhea sa phone noong mga panahong ni hindi mo man lang maisip na alamin kung humihinga pa ko?" akusa niya rito. There! She has no plans of listening to what lies he might like to say before, ngunit ngayon ay natagpuan na lamang niya ang sariling nagdi-demand ng paliwanag mula rito.
"Isang beses ko lang siyang tinawagan. Iyon ay noong tinawagan ko siya dahil sa Daddy niya. Kasosyo ang kompanya nila sa business project na inasikaso ko and he was giving me a hard time. Hindi siya um-attend sa mga meeting at ang dahilan ay si Rhea na rin. Nagsumbong kasi si Rhea sa Dad niya na break na daw kami at nagalit ang Dad niya. And he intentionally ditched every meeting with us. Si Rhea ang last option ko para makumbinsi ang Dad niya na makisama sa amin pero hiningi niyang kondisyon ang maging kami ulit and I declined. Matatanggap ko na sigurong mawalan ako ng ilang milyon wag lang ikaw. You're a lot more important than that."
"Ah talaga? Kaya ba nang pumunta ako sa pad mo, siya ang bumungad sakin wearing your T-shirt and I'm not even sure if she was wearing anything underneath that?"
Nakita niya ang pagpikit nito tanda ng frustration nito.
"The night before that was the night I came back from Canada. Alam mo bang papunta na ako sa inyo para makita ka nang mapagbuksan ko siya ng pinto? She was drunk that night. Hindi ko naman siya pwedeng pabayaan na lang. Sinabi kong ihahatid ko siya sa kanila pero ayaw niya. She said she fought with her Dad and she was crying so much. I just let her sleep on my pad. But I swear we did not sleep together, not even in the same roof! That night when she finally fell asleep I left the pad and went to my parents' home and slept there. Kahit itanong mo pa sa Daddy ko." Mahabang paliwanag nito. Ayaw man niyang agad na maniwala rito ay wala siyang makita sa mukha nitong nagsisinungaling ito. And he even involved his Dad. Hindi naman siguro magsisinungaling iyon sa kanya kung tatanungin niya ito kahit pa anak nito ang involved hindi ba? "Or you can check the subdivision's CCTV. I'm sure it captured my car, leaving."
Naramdaman niya ang unti-unting paggaan ng loob niya. At iyon ay dahil alam niyang naniniwala siya sa mga paliwanag nito. Dapat pala ay hiningi na niya ang paliwanag nito noong huling makausap niya ito. Ngunit anong magagawa niya, kung hindi pa siya makukulong sa isang lugar kasama ito, hindi niya ito bibigyan ng pagkakataong magpaliwanag.
"I'm sorry for hurting you regardless it being unintentional. Hindi ko rin maipipilit sa'yo na paniwalaan ako. But please just consider---"
Hindi na nito natapos pa ang sinasabi dahil tumingkayad na siya at ginawaran ito ng halik sa mga labi. Saglit na natigilan ito bago dahan-dahang lumapat ang palad sa likod niya at pinalalim ang halik na iyon. God, how she missed him!
"Does that mean you believe me?" hopeful na sabi nito nang sa wakas ay humiwalay siya rito bagaman nakaalalay pa rin ito sa likod niya at hindi pa rin nito tuluyang makalayo siya.
"At hindi mo pa pala na-gets 'yon? Sayang naman pala ang kiss na 'yon? Tsk! Pakibalik na nga lang." Biro niya rito kasabay ng isa na ring matamis na ngiti. Of course she believes him. She loves this man at sinabi na rin nito ang nararamdaman nito para sa kanya, magpapakipot pa ba siya?
"Gladly." Nakangiti na ring sabi nito bago siya hinalikang muli. Hindi niya alam kung gaano katagal na silang nasa ganoong ayos ngunit nang muli silang maghiwalay ay narinig niya mula sa mga labi nito ang pinakamatamis na yatang salitang maririnig niya. "I love you, Joelle."