Télécharger l’application
26.74% Monster Invasion (Tagalog) / Chapter 23: [Rank D] base camp ng mga halimaw!

Chapitre 23: [Rank D] base camp ng mga halimaw!

"Magandang ideya ang magtayo ng sariling bayan ngunit hindi ito simple, kailangan natin ng magandang lokasyon na may mataas na likas na yaman upang hindi magutom ang mga tao. kailangan din natin ng mataas na seguridad para ang mga residente ay makaramdam ng ligtas at katiwasayan habang nakatira doon" sinabi ni Ye Song habang nakakunot ang kanyang noo.

"Hindi mo kailangang magalala tungkol sa lokasyon master dahil kami ay mga dalubhasa sa larangang ito. marami kaming alam na lugar na may mataas na likas yaman na mapagkukunan at tungkol naman sa seguridad ay kailangan lang natin ubusin ang mga halimaw sa paligid nito upang hindi magkaroon ng problema" sagot ni Kuchi.

Patuloy na nag usap si Ye Song at ang kanyang mga tagasunod para italakay ang pagbuo niya ng sariling bayan. pinag usapan nila ang mga posibilidad na pwedeng mangyari kapag nakatayo o habang tinatayo ang bayan at tiningnan niya kung magiging mapanganib ba ito para sa kanyang pamilya.

Sa bandang huli ay nagdesisyon si Ye Song na ipagpatuloy ang planong pagtayo ng sariling bayan. tinimbang niya ang mga posibilidad at nakita niyang walang magiging problema sa proseso at ang tanging iisipin niya lang ay ang pagsalakay ng mga halimaw.

"Malayo ba yung sinasabi mong lugar na sagana sa likas na yaman?"

"Hindi master, pwede tayong pumunta ngayon kung gusto mo"

Matapos mag-atubili ng kaunti ay pumunta sila sa lokasyon na inirekomenda ng Penguin Commandos upang itayo ang bayan.

Sa pangunguna ng mga penguin gamit ang kanilang skill na [Glide] ay mabilis na nakapag lakbay ang mga ito sa masukal na kagubatan. gamit ang kanilang katawan ay nagpadulas-dulas sila sa lupa habang pumapalakpak ang kanilang mga pakpak.

Sa kabilang banda naman ay si Ahoka na ginawang mount ni Ye Song.

"Maaari mo bang bilisan pa?"

"Sorry master.."

"Kalimutan mo na, wala ka pa ring silbi"

Si Ahoka ay umungol na para bang gusto niyang umiyak.

"Ang kasalanan ko lang ay nakilala ko ang maling master kaya nagdurusa ako ngayon!" sinabi ni Ahoka sa kanyang sarili.

Naglakbay sila ng hindi kalayuan sa bundok ng Kokoro at maya-maya lang ay nakarating na sila sa kabilang panig ng bundok at nakita ang malawak na lupain dito. walang masabi si Ye Song nang makita niya kung gaano kasagana ang likas na mapagkukunan dito. ang malalaking bukirin kung saan ka maaaring magtanim ng bigas, ang mga puno na may mga prutas na nakasabit sa mga sanga at marami pang iba.

Habang nagmamasid sila ay napansin nila ang isang base camp na puno ng mga halimaw malapit sa bukirin.

Sinuri nila ito at tinanong ni Ye Song si Kuchi dahil sila ang eksperto sa mga pagsalakay kung ano ang kanyang masasabi tungkol dito.

"Ano sa tingin mo?"

"Mukhang isang Rank D base camp ng mga halimaw ito. mayroong daan-daang halimaw na may average rank na E at F"

Sumali si Richi sa kanilang usapan at sinabi.

"Ito ay tiyak na isang Rank D base camp, tingnan niyo ang Minotaur na may korona sa gitna at ang kasama niyang dalawa sa tabi nito. Ito ay isang pahiwatig na ito ang boss at ang kanyang dalawang heneral"

"Ahh, sige. magiging madali lang pala ito. iiwan ko na sa inyo ang mga mahihinang halimaw at ako na ang bahala sa matitira" tiwalang sinabi ni Ye Song.

Ngunit bago sila magsimula ay narinig nila na bumuntong hininga si Ye Song.

"Anong problema master?" tanong ni Ahoka.

Tumingin si Ye Song sa kanyang malaking tiyan at sinabi.

"Wala, nalulungkot lang ako"

"Bakit?"

"Gusto kong salakayin ang base camp pero masyadong overpower ang stats ko baka masira ko ang buong lugar"

Kinilabutan si Ahoka nang maalala niya ang nangyari sa kanila noong una niyang makita si Ye Song.

"Hindi mo mapigilan ang lakas mo?" tanong ni Kuchi.

Nang marinig ito ni Ye Song ay may sumagi sa kanyang kaisipan at agarang tinanong ang system.

"System, meron ka bang solusyon para dito?"

*DING*

*Dahil updating pa ang iyong status ay hindi mo makontrol ang iyong lakas at nagbabago-bago ito. maaari mong paganahin ang [Limit Stats Restriction] sa option menu upang pwersahang kontrolin ang iyong status.

"Ano yung limit stats restriction?"

*Pwede nitong baguhin ang iyong mga stats. lilimitahan at magkakaroon ka lamang ng lakas base sa kaya ng iyong pisikal na pangangatawan*

"Mawawala ba ang stats ko kung babaguhin ko ito?"

*Hindi. kapag pinagana mo ang limit stats restriction ay lilimitahan lamang nito ang iyong stats at pwede mo pa ring ibalik sa dati*

Napangiti si Ye Song sa sinabi ng system at tumawa sa galak.

Ang mga penguin at si Ahoka ay nagtataka kung bakit tumahimik si Ye Song. tatanungin na sana nila si Ye Song ng makita nila itong biglang tumawa ng walang dahilan.

Nang makita nila ito ay natigilan sila sa kanilang gagawin.

Hindi nila maintindihan kung ano ang nangyayari sa kanilang master. habang sila ay nakatigil ay narinig nilang magsalita si Kuchi.

"Kunwari wala kayong nakita ha. wala kayong nakita"

Tumango silang lahat nang magkakasabay dahil sa palagay nila ay baliw si Ye Song.

Pagkaraan ng ilang sandali, sinabi ni Ye Song, "Kain muna tayo at magpahinga muna"

Ang mga Penguin ay naglakbay hanggang sa makalabas sila ng kagubatan. si Ye Song naman ay inutusan si Ahoka na ibaba na siya kaya naman tuwang-tuwa ang malaking tiyan na hamster dahil makakapag relax na siya at makakain.

"Kailangan kong kumain ng higit sa dalawang beses na kinakain ko para mabawi ko ang pagod ko" sinabi ni Ahoka sa kanyang sarili habang iniisip ang pagkain.

Naghanda si Ye Song ng kanilang makakain bago nila salakayin ang base camp ng mga halimaw.

"Handa na ang pagkain!" Sigaw ni Ye Song.

Nagluto siya para sa kanyang mga alaga upang makapagtrabaho sila nang husto kapag sinalakay nila ang base camp.

"Tingnan mo ang kulay ng karne, napakaganda!"

Ang mga penguin at si Ahoka ay natutuwa dahil pinagluto sila ng kanilang master. hindi sila makapaniwala na ang kanilang master ang gumawa ng pagkain para sa kanila.

"Ang bait talaga ng aming master!" ang nasa kanilang isipan.

Inalis ng pagkain ang lahat ng poot na mayroon sila kay Ye Song. mas naramdaman nilang mas malapit sila sa kanya at nagpapasalamat dahil sa paggawa ng pagkain para sa kanila.

Ngunit ang katotohanan ay iba sa kanilang iniisip.

"Hehe, kailangan kong masigurado na ang lahat ay magsusumikap mamaya"

Para sila ay sumunod sa kanya nang walang anumang reklamo, kailangan niyang palayawin sila. para pagdating ng oras na kahit pagod sila, gagawin pa rin nila ang trabahong itinalaga niya nang maayos.


L’AVIS DES CRÉATEURS
yamcee yamcee

Palayawin = pamper

Like it ? Add to library!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C23
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous