♡ Phoenix's POV ♡
Pagkalabas nina Dean at Savannah, sumunod na rin kami sa kanilang dalawa ngunit sinisigurado namin na hindi nila kami makikita lalo na ng mga tauhan ni Savannah. Pumasok silang dalawa sa library kaya nagtago muna kami sa isang sulok. Naghintay kami ng ilang minuto bago ko sinenyasan ang mga kasama ko para pumasok sa library. Lahat ng kasama ko ay nakaitim at nakamaskara habang ako naman, hindi ko na ginaya ang ayos nila dahil mahihirapan lang ako sa paggalaw.
Pagkapasok namin ay mabilis din kaming nagtago habang naghihintay ng tamang oras para lusubin sila habang magkasama sina Dean at Savannah. Naririnig namin ang mga pagsabog at sigawan na nanggagaling sa labas. Tumingin ako sa suot kong relo habang naghihintay kami.
Dahan-dahan akong lumapit sa pintuan ng records' office dahil nandoon silang lahat. Sumilip ako sa loob kaya nakita ko ang mga miyembro ni Savannah na nakabantay pa rin. Mukhang ginagawa pa ni Dean ang plano kaya kailangan na lang naming maghintay. Natanaw ko rin ang isang tagong pintuan kaya napag-alaman kong doon nga ang kwartong itinatago ni Savannah. So all this time, sa records' office lang pala nakatago ang kwartong 'yon?
Mabilis akong napaatras at nagtago nang biglang bumukas ang pintuan at sumilip ang isa sa mga miyembro ni Savannah sa buong library. Hindi pa ito nakuntento at tuluyan siyang lumabas para ikutin ang buong library habang sinesenyasan ko naman ang mga kasama ko na huwag gagawa ng kahit na anong ingay. Sigurado akong nakita na ngayon ni Dean ang tinatagong kwarto ni Savannah at sa tagal ng panahon, dito lang pala sa loob ng library makikita 'yon.
Bago pa man tuluyang makapasok ang lalaki pabalik sa records' office ay mabilis ko na siyang sinaksak sa leeg bago pa man makalaban. Napatingin ang mga kasama ko at tauhan ni Savannah sa amin at dahil doon, nag-umpisa na rin ang labanan dahil nilusob nila ako. Ngunit kagaya ng sinasabi namin, hindi sila madaling patumbahin dahil kasama namin silang lumaki sa dark eagle. We were all trained to become fighters.
Lahat kami ay nagsilabasan na ng kutsilyo at ilang minuto rin ang lumipas ng pakikipaglaban namin sa kanila. Kumpara sa mga kasama ko, mas marami ang lumulusob sa akin ngunit nakaramdam ako ng kaba dahil habang nakikipaglaban ako at sinusubukan na tulungan ang iba, unti-unting nababawasan at napapahiga sa sahig ang mga kasamahan ko. Habang nakikipaglaban pa rin ang iba, napatingin ako sa records' office. Hindi namin naisip na dito pa talaga pipiliin ni Savannah na itago ang kwartong 'yon. Sarado ang pintuan at panigurado akong ginagawa na rin ni Dean ang plano.
"Sorry if we had to do this, Savannah. Kaibigan kita pero tama na." mahina kong saad habang nakatingin pa rin sa pintuan. We didn't really want to kill her pero kinailangan or else the students will die because of her loyalty kay Mr. Wilford and we can't let it happen.
Sunud-sunod kong narinig na tila isa-isang natutumba ang mga tao sa likuran ko kaya napaharap ako doon ngunit bago ko pa man magawa 'yon ay naramdaman ko na ang malakas na paghampas sa ulo ko kaya natumba ako at napahiga sa sahig. Nanlabo ang paningin ko dahil sa lakas ng pagkakahampas nila kaya kahit naaaninagan ko sila, hindi ko sila makilala. Naramdaman kong itinali nila ang kamay at paa ko, tinakpan ng panyo ang bibig ko at tinakpan ang ulo ko gamit ang itim na tela kaya mas lalo pa akong walang nakita hanggang sa unti-unti akong mawalan ng malay.
What the hell! Si Dean...
........
Naimulat ko na lang ang mga mata ko nang maramdaman kong may nagsaboy ng malamig na tubig sa mukha ko. Tinignan ko sila ng maayos hanggang sa mamukhaan ko sila. Sinubukan kong gumalaw ngunit napatingin ako sa sarili ko nang makita kong nakatali ang mga kamay at paa ko habang nakaupo sa isang upuan, "You're finally awake, Phoenix." napatingin ako sa nagsalita at nakita ko si Clyde na nakatayo sa harapan ko.
"Blood Rebels?" isa-isa ko silang tinignan at tama nga ang hinala ko, "Vipers to be exact." saad naman ni Dave at lahat sila nasa harapan ko, "What the hell! Paalisin niyo ako dito." saad ko na natigilan naman nang makita ko si Syden, "S-sy? K-kasama ka rin dito?" hindi makapaniwalang tanong ko. The f*ck! What did I do?!
"Sorry, Finn." mahinang sambit nito kaya ibinalik ko ang tingin ko sa buong grupo, "What did I do, Vipers? Anong kailangan niyo sa akin?!" tanong ko ulit.
Ipinatong ni Clyde ang dalawang kamay nito sa arm chair ng inuupuan ko kaya nagkatapatan kami, "We want to know the truth that's why we had to take you." saad niya na ipinagtaka ko hanggang sa may maalala ako, "W-wait! For how long have I been unconcious?" tanong ko kaya natawa si Clyde, "Almost two hours."
Sh*t!!! Paano ko tutulungan si Dean?! What the hell!! Ano ng nangyayari sa kanya ngayon?! Ako lang ang kasama niya ayon sa plano dahil lahat may kanya-kanyang ginagawa!!!
"Set me free, Vipers! Hindi ito ang tamang oras para sa kalokohan niyo-- " hindi ko na naituloy ang sinasabi ko ng maramdaman ko ang kamao ni Clyde na dumampi sa pisngi ko kaya muli akong napaharap sa kanya, "Only if you tell us the truth."
"What the hell are you talking about?!" sigaw ko.
"Nakita kayo ni Dave na magkausap ni Dean. Don't tell me na magkaibigan na kayo ni Dean? Or maybe, may pinaplano kayong hindi maganda....kaya ba dinidikitan mo si Syden?" tanong niya nang may pagbabanta kaya tinignan ko si Syden na naghihintay naman sa isasagot ko. Hindi pa ito ang tamang oras para malaman nila ang lahat dahil hindi pa ako sigurado kung napatay na ba ni Dean si Savannah.
Naramdaman ko nanaman ang pagsuntok sa akin ni Clyde, "Wala ka ba talagang balak na magsalita?" tanong pa niya kaya nginitian ko siya ng masama at umiling, "This is not the right time to know the truth." at muli nanaman niya akong sinuntok dahilan para masugatan ang labi ko lalo na't ramdam ko ang pagdugo nito nang malasahan ko ang sarili kong dugo.
Pumunta si Dave sa likuran ko. Hinawakan niya ng mahigpit ang buhok ko para sapilitan kong makita si Clyde, "Kapag tinatanong kita, sumagot ka. Now, I will ask you once again. Bakit kayo magkausap ni Dean?"
"Wala akong alam sa sinasabi niyo-- " at sinuntok niya ulit ako ng mas malakas, "Magsalita ka kung gusto mo pang makalabas ng buhay dito." dagdag pa niya kaya sapilitan nanaman akong pinatingala ni Dave para makita si Clyde. Lumalalim na rin ang paghinga ko dahil sa ginagawa niya.
"Tama na, Clyde." napatingin kami kay Syden nang magsalita siya at lumapit sa akin. Kahit hilung-hilo na ako sa iilang suntok ni Clyde, pinilit ko pa ring imulat ang mata ko. Lumuhod siya sa harap ko para tapatan ako, "Finn, I just want you to tell me the truth para hindi ka na mahirapan...o baka naman pinagbabantaan ka ulit ni Dean kaya ayaw mong magsalita. Tama ba ako?" kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya nang banggitin niya ang pangalan ni Dean kaya umiling ako. You shouldn't feel that way. Walang araw na hindi ka niya kinamusta sa akin. He's doing all of this for your sake.
"P-please, set me free-- I-i really have to leave." bulong ko sa kanya. Ako lang ang kasama ni Dean, wala ng ibang makakatulong sa kanya sa oras na 'to. He might not be able to make it, "Uulitin ko, Phoenix. Kung gusto mo talagang makalabas dito, sasabihin mo sa amin ang totoo. Anong pinag-uusapan ninyong dalawa ni Dean?" tanong ni Clyde habang nakikiusap ang mga mata ko kay Syden pero umiling siya, "I-i can't help you." tumayo siya at lumayo sa akin.
"Kapag hindi niyo pa ako pinakawalan, pagsisisihan niyo ang mangyayari kay-- " at ilang sunud-sunod na suntok ang natamo ko kay Clyde kaya ilang ulit akong napapikit habang nalalasahan ko pa rin ang sarili kong dugo. Sh*t! I might not be able to make it out alive kapag hindi ako nagsalita pero hindi ko alam kung dapat ko na bang sabihin ang totoo lalo na't alam kong kailangan ni Dean ng tulong ko ngayon.
Sh*t! This life is really sh*t!!!
Naglabas si Clyde ng kutsilyo at tinignan ako, "Do we really have to force you or cut off your tounge since wala naman pa lang pakinabang 'yan?" saad nito kaya kusa akong napayuko. I might really regret doing this pero hindi ko pwedeng pabayaan si Dean. Hindi pa maayos ang sitwasyon niya. Soon, his migraine will really attack him so hard for the last time before he completely heals at 'yon ang kinatatakutan ko.
Forgive me, miss president.
"He was asking me about Syden." saad ko habang nakayuko na alam kong nakapagpatigil sa kanila.
"What?" nagtatakang tanong ni Clyde kaya muling hinawakan ng mahigpit ni Dave ang buhok ko para tignan si Clyde. Kahit hilung-hilo na ako, pinipilit ko pa ring imulat ang mata ko, "You were asking me kung ano ang pinag-uusapan namin dba? He was asking me about Syden's situation...k-kung okay lang ba siya-- " at muli nanaman akong natigilan nang mabilis akong sinampal ni Syden.
"Bakit mo kailangang sabihin 'yan?! Hindi mo naman kailangang magsinungaling para makalabas! Dahil ang gusto naming malaman, kung ano ang totoo!!" galit na sigaw nito kaya mapait akong napangiti, "Gusto niyong malaman ang totoo pero bakit pilit kayong nagbubulag-bulagan sa totoo? I'm telling the truth, Vipers. Dean Carson was pretending all this time."
"Anong ibig mong sabihin ha?!" mahigpit na hinawakan ni Dustin ang damit ko habang galit na galit silang lahat, "I know you won't believe me because of all the things na inakala ninyong ginawa niya." natawa na lang ako, "Fine, I'm also done pretending. I will tell you everything."
Please forgive me for doing this, Fortune. Wala na akong choice. Dean needs my help.
Nakita kong hinawakan ni Clyde ang kamay ni Dustin at umiling siya dito, "Let him speak." saad niya kaya binitawan ako ni Dustin habang may galit sa mga mata nila.
"We have a plan to kill Savannah dahil siya ang inutusan na patayin lahat ng estudyante and that's where everything started. Bago namin inilipat si Dean sa Curse building para iligtas si Julez, kinausap na namin siya ng presidente dahil sa ating lahat, siya lang ang makakagawa ng plano ni Fortune...a-and that's to kill Savannah. Pero hindi 'yon naging madali para sa amin. There would be sacrifices that we had to take in order to carry out the plan. Dean had the most sacrifices because he needed to lose all of you para lang walang mapahamak. As long as kasama niya kayo, mahihirapan siyang gumalaw that's why he had to pretend na talagang nalason ni Savannah ang isip niya but that was not all true, he was just pretending para mapaikot si Savannah." pahayag ko.
"At first, hindi siya pumayag sa plano...because he knew that he would lose the girl he loved and he can't lose you because you are his life." tinignan ko si Syden na alam kong unti-unti na ring nakikinig sa mga sinasabi ko, "Hindi totoong may humahabol na grupo sa kanila sa kabilang building. Actually, they could come back earlier pero naging sagabal sa plano si Julez dahil sinabi sa kanya ni Dean ang plano. Julez didn't like it dahil alam niyang pare-pareho kayong mahihirapan at masasaktan, especially Dean...kaya ayaw na niyang bumalik sila ni Dean dito sa building...to tell you honestly, dumating rin ang oras na ayaw ng bumalik ni Dean sa building na 'to dahil alam niyang kailangan ka niyang saktan in order to carry out the plan at 'yon ang kaisa-isang bagay na pumigil sa kanilang bumalik dito. He couldn't do it kaya mas pinili niyang magtagal doon kahit na gustung-gusto ka na niyang balikan. He badly misses you all the time." pahayag ko kay Syden hanggang sa makita ko ang pagtulo ng luha nito habang diretso ang tingin sa akin.
"But the president begged him para magawa na ang plano dahil nauubusan na kami ng oras. Sa huli, pumayag din si Dean kahit alam niyang masasaktan at mawawalan siya dahil para din 'yon sa kapakanan at kaligtasan niyong lahat. Ibinalik namin silang dalawa ni Julez dito, pero dahil nakiusap si Dean kay Julez na huwag magsasalita, pinilit ni Julez na huwag magsalita kahit gustung-gusto niyang sabihin sa inyo ang totoo to the point na hindi na niya kayo kinakausap dahil sa takot na madulas siya at masabi ang totoo sa inyo. He still respected Dean's decision. Noong nakita niyo si Julez na nakamaskara, takot na takot at nanginginig, galit na galit siya sa aming lahat noon but he had to pretend dahil kasama 'yon sa plano."
"W-what about...n-nung pinuntahan ko siya sa clinic? T-totoo bang wala siyang malay noon?" nauutal na tanong ni Syden na napahakbang papalapit sa akin kaya umiling ako, "Pagkadala namin sa kanila dito, mas lalong lumala ang migraine niya kaya dinala namin siya sa clinic para makapagpahinga at makapagpalakas. He was all awake sa tuwing binibisita mo siya, he heard everything that you said but he had to pretend. Sana naiintindihan niyo kung gaano kahirap sa sitwasyon niya na magpanggap sa tuwing kaharap niya kayo at sa tuwing kaharap niya si Savannah. He was doing all of this for everyone's sake kahit siya na mismo ang nasasaktan."
"So it's true?" tanong ni Dustin na nakatingin sa kung saan, "Na hindi nga talaga siya ang pumatay kina Leigh, Stephen at Caleb?"
"Do you think he could do that? He was protecting you all this time so please, set me free. He won't be able to make it kapag nagtagal pa ako dito. We have to help him." pakiusap ko na ikinabigla nila, "What do you mean?" tanong ni Clyde.
Bigla na lang bumukas ang pintuan kaya sabay-sabay kaming napatingin doon na ikinabigla naman nila nang makita ang dalawang lalaki kaya napatakip ng bibig sina Roxanne at Syden, "S-stephen?" gulat na tanong ni Roxanne. Kasama niya rin si Caleb. Hinihingal silang dalawa sa pagtakbo at pinagpapawisan.
Lumapit sila sa harapan ko na animoy hinaharangan ako laban sa kanila, "Please, hindi natin kalaban si Finn." pakiusap ni Caleb, "Y-you're alive?" hindi makapaniwalang tanong ni Roxanne habang tila naputulan ng dila ang iba.
"Yes, we're alive. Dean Carson saved us when the traitor was about to kill us."
"Oliver?" tanong ni Clyde kaya napatingin sila sa kanya at tumango, "Dean took the blame in order to save Oliver against us dahil siya ang traydor sa grupo. Itinago niya kami para hindi malaman ni Savannah ang totoo na buhay pa kami." sagot ni Stephen, "We're telling the truth so please, we need to save Dean." finally, the truth is revealed. Kinalasan nila akong dalawa kaya pinilit kong tumayo.
Ngunit hindi pa doon nagtapos ang lahat nang bigla nanamang may dumating kaya napatingin kami sa pintuan, "Kai?" tanong ni Sean na nilapitan siya.
"She's not Kai..." saad ko kaya napatingin sila sa akin habang diretso ang tingin ko kay Feli, "She's Felicity Voughan...and her brother is your own leader, Dean Carson." alam kong ikimabigla nila ang sinabi ko, "What?!" tanong ni Raven, "This is the reason kaya dinala ka namin sa maling building, to make sure that Felicity could come here safely." pahayag ko na mas ikinatahimik pa nila.
Nakaramdam na lang kami ng kaba nang makita naming duguan ito na tila may nangyaring hindi maganda, "Where is he?" tanong ko sa kanya pero inilipat niya ang tingin kay Syden at tila anumang oras ay maiiyak ito.
Lumapit siya kay Syden at ikinagulat na lang namin ang sumunod niyang ginawa. Biglang lumuhod ito sa harap ni Syden at hinawakan niya ang isang kamay nito. Nakita ko na lang ang pag-iyak niya, "P-please! M-my brother won't be able to make it anymore...h-he really needs you right now! Kailangan ka niya! I-ikaw ang kailangan niya ngayon! Please, save him! I'm begging you!! W-we need to save him-- s-sabihin mo sa kanya na kailangan niya pang lumaban, pleasee Sy!!" pagmamakaawa nito na tuluyang nakapag-paiyak kay Syden.
"I-ikaw lang ang hinihintay niya!" lumuhod si Syden para tapatan siya, "T-tell me where he is." saad niya kaya tumango si Felicity at nagmadaling tumayo.
"What happened?!" tanong ko na nilapitan si Feli. Tinignan niya ako at magang-maga na ang mga mata niya kakaiyak. Hindi ko alam kung bakit mas kinabahan pa ako ng mas lalo siyang umiyak at umiling sa akin. Kitang-kita ko rin ang panginginig niya.
To be continued...