Habang naalala ko lahat ng nangyari, hindi ko maiwasan na malungkot at masaktan. Pagkatapos niya akong talikuran, gusto ko siyang habulin. Marami akong gustong sabihin sa kanya na alam kong hindi ko na magagawa. If she only had given me another chance, without a second tatalikuran ko ang lahat ng 'to kahit pa masayang ang lahat ng sakripisyo na ginawa namin. I may be selfish for thinking something like that, pero ayaw kong mawala siya sa akin.
Kasalukuyan akong nakaupo sa isang pahabang upuan na nasa pinakasulok. Muli kong kinuha ang bote ng alak na nakapatong sa gilid ko at uminom mula doon. Nasa isang kwarto ako kung saan kami nakakapagtago at nakakapag-usap ng malaya nina Phoenix at ng iba pa naming kasama. Wala na akong ibang mapuntahan ngayon at alam kong hinahanap na rin ako ni Savannah pero wala akong pakielam dahil sa sakit na nararamdaman ko. Sobrang init na rin ng pakiramdam ko pero gusto ko lang talagang makalimot kahit sandali. For a second, can we forget the pain?
Nagkalat na rin ang mga bote sa sahig pero tuluy-tuloy pa rin ako sa pag-inom hanggang sa makita kong pumasok si Finn na nagulat naman sa nadatnan niya. Maliit lang ang kwartong 'to at sakto lang para sa iilang tao, "What happened here?" tanong nito na nag-aalalang nakatingin sa akin bago niya isinara ang pinto. Tuloy pa rin ako sa pag-inom ng alak habang diretso ang tingin at hindi siya pinapansin.
Aktong kukunin niya ang hawak kong bote ay nailayo ko naman agad ang kamay ko, "Itigil mo na 'to." saad nito, "Shut the f*ck up and leave!" galit kong saad sa kanya, "What the hell are you doing here?!" dagdag ko pa na muling uminom hanggang sa umupo siya sa harapan ko dahil sa katapat kong bakanteng upuan. Nag-aalala siyang nakatingin sa akin, "What? Hindi ba ito naman ang gusto niyo?! Yung magalit silang lahat sa akin?!" sigaw ko sa kanya until I felt that I was already crying.
Napayuko ito at hindi ako sinagot. Why the hell am I blaming them? Pumayag din naman ako sa gusto nila. It's my responsibility now.
Napasandal ako sa pader at tumingala, "She doesn't love me anymore." malungkot kong sabi na muling uminom habang nakatingin pa rin sa gawi ko si Phoenix, "She still loves you." mahinang sambit niya kaya natawa ako at tinignan siya, "Then why did she leave me?" tanong ko na tuluy-tuloy pa rin sa pagluha kaya pinunasan ko ang mukha ko. Matagal kong itinago ang hirap at sakit na nararamdaman ko. All this time I had to pretend.
"She doesn't know what you've been through. Hindi niya alam ang totoo kaya hindi natin siya masisisi kung bakit iba na ang tingin niya sa'yo ngayon, Dean." paliwanag nito.
"You know what, I wanted to tell her the truth dahil hindi ko kayang mawala siya sa akin. The moment she turned her back against me, I died."
"Sorry if we had to put you into this situation..." saad ni Finn na napayuko, "But if you really want to end all of this..." tumingala siya kaya muling nagtama ang mata naming dalawa, "You should kill Savannah as fast as you can. 'Yon lang ang tanging paraan para matapos ang lahat ng 'to."
Dahil sa sinabi niya, napaisip na lang ako. Ang babaeng 'yon naman talaga ang dahilan kung bakit namin ginagawa 'to. Kaya kahit mahirap para sa akin, pinili kong dikitan siya at kunin ang tiwala niya...even if it means hurting the one I really loved.
"Don't ever think that you're useless now dahil nawala lahat sa'yo. Remember that we asked you to do this dahil alam naming ikaw lang ang may kakayahan na gawin 'to, Dean. You accepted it because you want to save everyone." dagdag pa ni Finn. Natawa na lang ulit ako at muling uminom ng alak dahilan para maubos ko na ang laman ng bote. Napatingin kami sa pintuan ng muling bumukas ito at katulad ni Finn ay nagulat din si Icah sa nakita niya, "Anong nangyari dito?" nagtatakang tanong niya na isinara ang pintuan at napatingin sa gawi ko.
"May nangyari bang hindi maganda?" nag-aalalang tanong niya nang makita nito ang sitwasyon ko. Muli akong kumuha ng isa pang bote ngunit hinawakan ni Icah ang kamay ko kaya natigilan ako at napatingin sa kanya, "Alam kong nahihirapan ka na but drinking won't do any good. Itigil muna 'to, Dean." seryosong saad nito kaya napangiti ako ng masama, "If you say so. And what brings you here?" tanong ko kaya't unti-unti niyang binitawan ang kamay ko at hindi na ako kumuha pa ng bote dahil alam kong pipigilan niya ulit ako.
Nakita ko rin na may hawak siyang isang maliit na bote na inilahad niya sa akin kaya napatingin ako dito, "Lahat ng binibigay na gamot sayo ni Savannah, huwag mong inumin. This would be the last then everything you're asking for would be solved." pahayag nito kaya kinuha ko 'yon mula sa kamay niya at maayos na tinignan bago ko muling inilipat ang tingin kay Icah, "Where's Fortune?" tanong ko dahil hindi na rin nagpapakita ang presidente.
"Hindi ko alam. May inutusan siyang isang miyembro niya para ipabigay sa'yo 'yan." sagot niya na ikinatango ko naman.
"Yung tungkol pala kay Leigh?" tanong nito na sandaling nakapagpatigil sa akin, "Totoo ba lahat ng 'yon?" kulang na lang maiyak na rin siya dahil lahat kami, hindi ginusto ang nangyari.
"Tingin mo ba kaya kong gawin 'yon?" tanong ko sa kanya pabalik para makuha niya ang sagot na gusto niya. Nakita ko na lang ang unti-unting pagkuyom ng mga kamay nito sa galit, "So it's true, na siya ang traydor sa grupo?" sambit pa nito na nakatingin sa kung saan. Lahat kami hindi makapaniwala na magagawa niya 'yon sa mga kaibigan niya. Tinanggap ko siya ng buo sa grupo at eto ang isusukli niya!? I will surely kill him.
"It makes me want to vomit everytime I see them accusing you, when in fact hindi nila alam na isa sa mga kasama nila ang taong dapat nilang kamuhian." galit na saad pa nito habang nakatayo pa rin.
"Sabihan mo lang ako.." sabay tingin nito sa akin, "And I will surely kill him."
"That's what I think too...at sana lang nakuha ni Syden ang ibig kong sabihin bago pa man sila ubusin ng taong 'yon." sagot ko, "But I want to talk to him first. I want to know the reason kung bakit niya nagawang pagtaksilan ang grupo at kung bakit niya nagawang patayin sina Stephen at Caleb katulad ng ginawa niya kay Leigh." dagdag ko pa na mukha namang nakuha ni Icah, "Sisiguraduhin kong hindi na niya magagawa 'yon ulit sa grupo mo, Dean. Aside from that, I also came here para sabihin na hindi muna kami makakapunta dito for the mean time. Baka mahirapan na rin kaming tatlo na makausap kayo." sambit nito na ipinagtaka ni Finn, "Bakit?" humarap din si Icah kay Finn kaya nakikita ko rin ang pagkabahala sa itsura niya, "Napapansin na ni Syden na may kakaiba sa akin." pahayag niya.
"Bakit naman? Nakita ka ba niya kung saan?" tanong pa ni Finn na ikinatango nito, "Last time, when I was looking at the group habang nasa tapat sila ng kwarto nina Stephen at Caleb, hindi ko maiwasang magalit dahil nakikita ko ang traydor sa grupo nila na hindi nila nakikita. Syden saw me...at duguan rin ako noong oras na 'yon because of what I did in Death building." ani niya na ikinagulat namin ni Finn.
"What?! Nagpakita ka sa kanya?!" tanong ni Finn na napatayo kaya nagkatapatan silang dalawa.
"Hindi ako nagpakita. Nakita niya ako."
"Hindi ka man lang nag-ingat?!" hindi makapaniwalang tanong ni Finn.
"Hindi ko naiwasan na magalit. Pinatay niya ang isa sa mga kaibigan ko!"
"Paano kung maghinala si Syden sa'yo?" tanong pa ni Finn kaya pinatigil ko sila, "Both of you, stop it." tinignan nila ako kaya pareho ko silang tinignan, "It's better kung huwag ka muna ngang pumunta dito para hindi nila tayo mahuli but I know, soon they will find out about our plan kaya bago pa man mangyari 'yon, kailangan na nating matapos ang planong 'to."
"Paano kung umatake ang traydor sa grupo mo?" tanong ni Icah at dahil nakakaramdam na ako ng hilo, sumandal ako sa pader at pumikit, "That's what you're going to do now...to watch him everytime and watch his every move. Stop him if he plans to attack at hayaan mong ako ang humarap sa kanya." pahayag ko habang nararamdaman ko ang pagod. Narinig ko na lang ang pintuan ng lumabas si Icah.
To be continued...