Télécharger l’application
76.28% SOON TO BE DELETED 3 / Chapter 74: ♥♡ CHAPTER 68 ♡♥

Chapitre 74: ♥♡ CHAPTER 68 ♡♥

♡ Author's POV ♡

He couldn't bear the pain anymore knowing that he might die. Tuluy-tuloy sa paglalakad ng mabilis si Julez at kitang-kita ang sobrang galit sa itsura nito. Mabilis siyang bumaba sa ground floor at nagtago sa isang sulok, sumilip siya sa bandang dulo kung nasaan ang clinic. Mayroong mga nakabantay na lalaki at alam niyang sila ang pinag-uusapan ng grupo na ikalawang grupo ng dark eagle. Alam din niya kung sino ang namumuno sa kanila pero hindi siya nagsalita at piniling itago ang nalalaman niya. He knew everything from the start dahil kasama siya sa plano and he was the first one who didn't agree about the plan.

Nang masiguro niyang wala si Savannah at ang mga pinamumunuan nitong grupo ng dark eagle, aktong tatayo ito ng matanaw niya ang isang babae na lumabas mula sa clinic. Nagsalubong ang kilay nito ng mamukhaan niya ang babae. Duguan rin ang kamay nito at seryoso ang itsura niya habang naglalakad paakyat. Dinaanan niya ang mga lalaking nakaitim at nakamaskara na hindi naman siya pinansin kaya mas lalo pang nasiguro ni Julez na sila nga ang ikalawang grupo at hindi siya mahihirapan na makapasok sa clinic.

Pagkaakyat ng babae, tumayo na rin siya ngunit may takot pa rin itong nararamdaman nang dumaan siya sa gitna ng grupong 'yon, natigilan ito sa paglalakad nang tutukan siya ng kutsilyo ng isa kaya lahat sila ay napatingin sa gawi niya. Nakita ni Julez na may isa pang lalaki na pinakatitigan siya hanggang sa hawakan ng lalaking 'yon ang kamay ng lalaking nakatutok ang kutsilyo kay Julez. Umiling siya para pigilan ito kaya ibinaba ng lalaking 'yon ang kamay niya na sinasabing maaari ng makadaan si Julez dahil hindi nagtagal ay namukhaan nila siya.

Nagmadali siyang pumasok sa clinic at kagaya ng inaasahan niya, nadatnan niyang nag-iisa si Dean. Nakatalikod ito sa kanya habang umiinom ng gamot hanggang sa mapatingin siya sa gawi ni Julez na ikinagulat nito. Mabilis niyang hinila si Julez at isinara ang pinto, "What the hell are you doing here?!" galit na tanong nito.

"I want to talk to you about the plan." seryosong saad ni Julez, "Are you crazy?! G*ddamn Julez! Paano kung sundan ka nila at makita nila tayo dito?! Nag-iisip ka ba?!" galit na tanong ni Dean.

"The hell I care about the plan, Dean! Pinaplano na ng grupo mo na patayin ka! Tingin mo ba kaya kong makinig na lang at hayaan silang gawin 'yon?!" sigaw naman ni Julez at pareho ng galit ang dalawa.

"That's exactly the plan, right?!"

"Paano ka nakakasigurado na hindi ka nila mapapatay?! We should tell them the truth!"

"Shut up, Julez! Pwede ba?! Itikom mo 'yang bibig mo!" pagpipigil sa kanya ni Dean ngunit hinihinaan nila ang boses nila upang walang makarinig.

"Kapag hindi natin sinabi sa kanila ngayon, hindi na sila maniniwala sa atin sa susunod! Do you even know what they're capable of?! Kinuha na ni Syden ang posisyon niya sa grupo at ngayon galit na galit na siya sa'yo! Gusto ka na niyang patayin!!"

"At sa tingin mo ba ginusto kong magalit siya sa akin?!"

"I knew everything, Dean! Yung sinabi mo sa kanya sa club?! Yung paghahalikan niyo ni Savannah sa harap niya?! Yung pagpatay mo sa kanya?!" diin ni Julez.

"Tingin mo ba ginusto kong gawin lahat ng 'yon?! Every single word that I said to her, mas nasasaktan ako! But I had no choice because Savannah was watching me the whole time that's why I needed to pretend all the time!" and a single tear escaped his eyes na may halong galit, lungkot at hirap sa mga mata nito. Siya ang pinakaunang nahihirapan dahil sa planong 'yon at siya rin ang pinakanasasaktan dahil kinailangan niyang gawin ang lahat ng 'yon kahit taliwas sa gusto niya.

"But that was too much and that's enough! We need to tell them the truth, Dean! Believe me that they are going to kill you! Hindi na sila maniniwala kapag hindi pa natin sinabi ngayon!" pagpupumilit ni Julez.

"What the hell are you two doing here?! Baka may makakita sa inyo?!" gulat na tanong ni Finn pagpasok niya na mabilis ring isinara ang pintuan kaya napatingin sila sa kanya. Bigla namang tinapatan ni Julez si Finn pagkalapit niya sa kanila kaya mababakas ang galit sa mga mata ni Julez, "I'm backing out!" saad nito na ikinagulat ni Finn, "What?!"

"I can't stand it anymore! That's why I told you na huwag na tayong bumalik sa building na 'to because I knew that this would happen!" sabay tingin ni Julez kay Dean.

"Julez, it's already happening. Huwag mong sirain ang plano." seryosong saad ni Dean.

"Why?! Do you want me to tell them na hindi totoong hinabol tayo ng kung sinong grupo sa kabilang building?! Na kasinungalingan lahat ng 'to?!" sarkastikong saad nito kaya mahigpit siyang hinawakan ni Dean sa damit nito dahilan upang magkatapatan ang dalawa, "Shut your f*cking mouth!" pagpupumigil ni Dean sa galit nito na binitawan si Julez kaya napaatras ito at masama silang nagkatinginan.

"Julez, umalis ka na dito. Walang pwedeng makakita sa atin." pakiusap ni Finn kaya tinignan siya ni Julez, "Anong ginagawa ni Icah dito? Kasama rin ba siya sa plano?" tanong nito dahil sa nakita niyang lumabas si Icah mula sa clinic habang duguan ang kamay nito. Nagkatinginan naman sina Dean at Phoenix bago sinagot ang tanong ni Julez, "All three of them. Iilan lang tayong nakakaalam sa plano kaya kung ayaw mong masayang ang sakripisyo nating lahat, manahimik ka at itikom 'yang bibig mo." pagbabanta ni Dean.

"So speak up and tell me what's their plan?" tanong ni Finn kay Julez na sandaling natigilan. Umpisa pa lang, ayaw na niya sa planong 'to dahil pwedeng buhay nilang lahat ang mawala. Napapikit muna ito habang iniisip kung magsasalita ba siya o hindi hanggang sa muli niyang iminulat ang mata niya habang nananatiling nakayuko, "Vipers are planning to kill Savannah's group...and the leaders will be the last target. Savannah and Dean." sagot nito na ikinatango ni Dean, "As expected. So it only means that the plan is working."

Napatingin si Dean kay Finn at nagsalita, "Please take care of her, Finn. I want to know what she's doing everytime. I-i just want to know everything kahit wala ako sa tabi niya." kitang-kita ni Finn sa mga mata nito ang lungkot habang nakikiusap si Dean sa kanya kaya tumango siya, "Malaki na ang pinagbago ni Syden." sagot ni Julez, "I was the reason, right?" malungkot na tanong nito na hindi na sinagot ni Julez kaya napayuko na lang si Dean at napatango. Alam niyang mangyayari 'to ngunit masakit pa rin para sa kanya na isiping galit na si Syden.

"She has control of the group now. Pwede bang kahit ngayon lang, isipin mo muna ang sarili mo-- " bigla siyang hinawakan ng mahigpit ni Dean sa damit nito habang galit na galit, "I don't f*cking care kung ano ang mangyari sa akin. I want the group to be saved-- " ngunit siya naman ang hindi pinatapos ni Julez, "Dean Carson, you're sacrificing too much! You already lost everything! Your loved one and your own group, even their trust. Syden has the group to protect her pero ikaw?! Sino ang kasama mo?! Wala dba?! Kami na lang ang kasama mo pero pilit mo kaming itinataboy para protektahan si Syden! Can't you be selfish this time?! Isipin mo din ang sarili mo! You might die!" pahayag nito kaya galit siyang binitawan ni Dean, "I am doing this in order to save all of you." saad nito, "By means of sacrificing your own life?!" hindi makapaniwalang tanong ni Julez.

"If it's the only way then I'm willing to do it." mahinang sagot niya. Kitang-kita ng dalawa ang lungkot sa mga mata niya, "Kung wala ka ng kailangang sabihin, umalis ka na." dagdag pa nito kaya napatingin sa ibang direksyon si Julez at natawa na parang hindi makapaniwala.

"Ginusto mo 'to kaya tiisin mo, Dean." saad niya na sinamaan ng tingin si Dean at ganon din ang ginawa niya kay Finn.

Sabay-sabay silang napatingin sa saradong pintuan nang marinig nila na may nangyayaring kaguluhan sa labas kaya mabilis na lumabas si Finn na sinundan nina Dean at Julez. Nagulat na lang ang mga ito nang makita nila si Syden na nakikipaglaban sa mga taong nakabantay sa ground floor. Kitang-kita ni Dean ang laki ng pinagbago niya katulad ng sinabi ni Julez at tila nakita niya ang sarili niya kay Syden. He also saw her using his knife at tila gumaan ang loob nito ng makita niya ang taong pinakamamahal niya na ginagamit 'yon. He somehow felt relieved.

Nilagpasan niya sina Julez at Finn para bahagyang lumapit sa gawi nila Syden, "Everyone, stop." saad nito na narinig ng lahat kaya tumigil sila at napatingin sa gawi niya. Napatingin na rin si Syden sa kanya at sinamaan ng tingin si Dean habang hinihingal ito at pinagpapawisan, "Leave at once." dagdag pa niya kaya't umalis ang mga kasama niyang binabantayan ang ground floor at naiwan silang apat.

Nang makita ni Syden si Julez sa bandang likuran ni Dean ay mabilis niya itong nilapitan at hinila papunta sa likuran niya kaya tumalikod si Dean para harapan si Syden. He could clearly see anger in her eyes, "What did you do?" seryoso at galit nitong tanong kaya masamang ngumiti si Dean to start the act again.

"Why don't you ask him?" sarkastikong tanong nito kaya tinignan ni Syden si Julez na ngayon ay masamang nakatingin kay Dean, "I came here to ask him." sagot ni Julez na ipinagtaka ni Syden ngunit hindi pa rin nagbago ang itsura nito. Napansin rin ni Finn na tila nag-uusap ang mata nina Dean at Julez habang masama ang tingin sa isa't isa. Don't you dare speak, Julez. Pagbabanta ni Dean dahil sa inaasal ni Julez. Anumang oras, pwede niyang sabihin ang totoo.

"Pero mukhang malabo ng mangyari ang lahat ng 'yon." saad ni Julez na diretso pa ring nakatingin kay Dean. Nagbuntong-hininga na lang si Finn dahil sa pag-aakalang magsasalita si Julez. Alam nila na pwede niyang ibunyag ang sikreto kung kailan niya man gustuhin.

"Finn? A-anong ginagawa mo dito?" nagtatakang tanong ni Syden nang mapansin niya ito sa gilid ni Dean kaya't nagkatinginan ng masama sina Dean at Phoenix, "N-nothing." saad ni Finn na umiling at biglang yumuko kaya sinamaan ng tingin ni Syden si Dean, "Did he force you to come here?" tanong niya kay Phoenix na hindi naman sinagot nito.

Niapitan ni Syden si Dean kaya nagkatapatan ang dalawa habang masama ang tingin sa isa't isa, "Don't worry. I won't let this man kill you or even threaten you..." saad nito habang diretso pa rin ang tingin kay Dean, "Ilayo mo si Julez dito." dagdag pa nito na tinignan si Finn, "But Sy-- "

"Do as I say." saad ni Syden kaya walang nagawa si Finn kundi sundin ang gusto nito. Napatingin muna siya kay Dean na diretso ang tingin kay Syden bago niya sapilitang hinila si Julez papalayo sa lugar na 'yon. Bago pa man malagpasan ni Julez si Dean ay nagkatinginan pa ng masama ang dalawa, "Pagkatapos mong patayin si Leigh, ako, sina Stephen at Caleb, si Oliver...ngayon si Finn at Julez naman? Ano ba talagang gusto mong mangyari at inuubos mo kami?" hindi makapaniwalang tanong ni Syden.

Hindi sinagot ni Dean ang tanong nito bagkus ay pabalik na nagtanong, "Why are you still alive?" tanong nito kaya natawa si Syden, "And why would I need to answer that? Now tell me..." mas nilapitan niya pa si Dean kaya ramdam na ramdam nila ang paghinga ng bawat isa,

"Anong sinabi mo kay Finn?" may pagbabantang tanong ni Syden.

"I told him to stay away from you." saad nito na ngumiti ng masama, "Or else I'll kill him...just like how I killed...my own members. I could still remember how Stephen and Caleb begged infront of me. It gave me satisfaction." mas nakaramdam pa si Syden ng galit nang sabihin 'yon ni Dean, "I just want to give Phoenix a warning. Don't worry cause I won't kill him now, maybe sooner or later...when Savannah asks for it."

"I'm warning you, Dean Carson. Stay away from them. Ang lakas ng loob mong tawagin silang members mo, pagkatapos ng lahat ng ginawa mo? Hindi ka man lang ba nakokonsensya? They were loyal to you and this is how you would pay them?"

"Loyal?" natawang tanong ni Dean kaya't sandaling nagtaka si Syden, "I too was loyal to you, right? That's why your members could also do the same to you, Bliss Syden. There's a lion among the pack." pahayag nito. She felt hurt pero nangibabaw pa rin ang galit na nararamdaman niya dahil sa sinabi ni Dean. She knew that it has a meaning.

"And do you think I would still believe you?" tanong naman ni Syden na pinagtaasan ng kilay si Dean.

"I believed you many times...pero ngayon kahit ano pang sabihin mo, hinding-hindi na ako maniniwala sa'yo at sa isang katulad mo." saad nito na itinuro ang dibdib ni Dean at bahagyang itinulak papalayo sa kanya kaya napangiti ng masama si Dean.

"I'm warning you, Dean Carson. Stay away from my group. Tigilan mo sila." may pagbabantang saad nito. Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay nilagpasan na niya si Dean...ngunit bago niya pa man magawa 'yon ay naramdaman niya na may humawak ng mahigpit sa braso niya kaya't sapilitan siyang napaharap dito. Marahas ang pagtulak sa kanya sa pader hanggang sa nanlaki ang mata nito ng makita niya si Dean sa mismong harapan niya. She felt his lips...slowly kissing hers. Tila nanigas ito sa kinatatayuan niya habang marahas ang paghalik ni Dean sa kanya.

Her body was contradicting her mind. Gusto niyang tumugon sa halik nito. For some reason, she wanted to hug him and he wanted to tell her the truth...but they were both trying to stop dahil alam nilang mali at hindi dapat. Until she realized all that he did. Nangingibabaw ang galit kay Syden kaya't itinulak niya si Dean papalayo at malakas itong sinampal, "What do you think you're doing?! Tigilan mo na ako pwede ba?!" galit na sigaw nito habang nakahawak ang isang kamay ni Dean sa pader at nakayuko. Kahit siya, naguguluhan sa ginawa niya. He knew that it was a mistake.

Unti-unti siyang tumingala kaya't muling nagtama ang mata nilang dalawa at kitang-kita niya ang pagkamuhi sa kanya ni Syden. He knows that this is his only chance to ask her, "If I would ask you this time...would you still trust me?" mahinang tanong nito at hindi na niya kinayang itago pa ang lungkot, sakit at pagtitiis na nararamdaman niya...na hindi napansin ni Syden dahil galit pa rin ang nangingibabaw sa kanya.

"Trust you? Why would I do that? Sa dami ng ginawa mong kasalanan, sa tingin mo ba magagawa ko pa ring magtiwala sa'yo? Bakit hindi si Savannah ang tanungin mo tungkol dyan? You love her, right?" hindi makapaniwalang tanong ni Syden.

I knew I would hear this. Saad ni Dean sa sarili niya. He wanted to cry infront of her pero alam niyang hindi dapat. He can't lose her now or forever but he had to sacrifice everything just for her...even his own happiness. He wanted to ask for forgiveness but he can't. This might be the last time that he would be able to talk to her. His life is at risk and he might die anytime kaya ganon na lang ang galit ni Julez sa kanya at sa plano nila.

"You've changed a lot...sweetie." bulong nito habang magkalapit ang mukha nilang dalawa. Syden felt something but her hatred and madness was still there kaya hindi niya napapansin ang inaasal ni Dean, "Sweetie? You told me that you were never mine that's why I was never yours, Dean Carson. I'm starting to regret everything about you and me...about us." inilapit niya pa ang mukha niya kay Dean habang galit na galit ito, "Ikaw ang dahilan kung bakit nangyari sa akin 'to." muli niyang ipinapaalala lahat kay Dean ang mga masasakit na salitang sinabi nito sa kanya. Both of them were suffering at the same time. Their feelings really have a connection.

"What do I need to do para mawala ang galit mo sa akin?" tanong ni Dean.

"I want to kill you." diretsong sagot ni Syden kaya tumango si Dean habang pinipigilan ang mga luha nito, "Then kill me." sagot naman niya habang nagkakatitigan silang dalawa, "You may be right that loving you was the biggest mistake that I've ever did..." saad ni Syden na unti-unting inaabot ang kutsilyo sa bulsa nito habang nakatingin pa rin siya kay Dean, "Hindi mo alam kung gaano kasakit dahil wala ka sa posisyon ko. I did everything to make you come back to me. Sa akin ka nangako pero siya pa rin ang pinili mo. You even killed me, ganong klasing pagmamahal ba ang kaya mong ibigay? It is not love if it only gives pain." bigla niyang pinagpalit ang posisyon nilang dalawa kaya si Dean ang nakasandal sa pader. Tinutukan niya ito ng kutsilyo kaya napatingala si Dean, "But you know what..." nakita na lang ni Dean na gustung-gusto siyang patayin ni Syden na hindi nito magawa lalo na't may tumulong luha mula sa isa nitong mata, "Kahit gaano kasakit, nandito pa rin!" sabay turo ni Syden sa dibdib nito, "Nandito pa rin yung nararamdaman ko para sa'yo! Ikaw pa rin kahit sobrang sakit na! Mahal pa rin kita kahit hindi ko na kaya!!" pahayag nito na mas itinutok pa sa leeg ni Dean ang kutsilyo.

"Ikaw na rin ang nagsabi, it is not love if it only gives pain. Then we should just forget one another. I know you can't trust me anymore at hindi ka na maniniwala sa lahat ng sasabihin ko...everything was just a lie and I promise that I'm going to put an end to all of this, to all of your sufferings. Kung nasasaktan na kita ng sobra, I will end your pain. I am your pain and I want you to end it now." pahayag ni Dean habang pareho silang nasasaktan. A single tear escaped his eyes. Dahil doon, mas lalo pang nadiin ni Syden ang kutsilyo hanggang sa may tumulong dugo mula sa leeg ni Dean but he didn't try to resist.

Dahil sa sobrang galit, biglang lumayo si Syden kay Dean at masamang tinignan ito, "Don't you ever lay your filthy hands on me." pahayag niya na tuluyan na itong tinalikuran, "As you wish, my queen." mahinang saad ni Dean na napayuko habang nasasaktan, "If you can't end your pain, I'll do it myself. Farewell, sweetie." and with that he left...with a heavy heart...with no one beside him.

To be continued...

Hi guys, thank you po sa support lalo na sa mga loyal na silent readers. Our CA3 is recommended in trending filipino stories. Thank you thank you po talaga! Lavvyu all! (*≧▽≦)


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C74
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous