One week later...
♡ Syden's POV ♡
Masaya kong binuksan ang pintuan ng marinig kong may kumatok dito. Hindi ko ba alam pero sa tuwing may kumakatok, palagi akong nakakaramdam ng tuwa...umaasang siya yung sasalubong pagbukas ko sa pintuan, pero hanggang imahinasyon na lang lahat 'yon. Nang makita ko kung sino ang nasa harapan ko, nabawasan ang tuwa na nararamdaman ko pero kahit papaano, sinusubukan at pinipilit ko pa ring ngumiti kahit nahihirapang itago mismo ng mga mata ko kung ano talaga ang tunay na nararamdaman ko.
"You don't have to show a fake smile, alam kong malungkot ka pa rin." saad nito na nakapag-pawala sa ngiti ko. He is the only person na nakakaintindi sa totoong nararamdaman ko ngayon. Gustuhin kong mang magalit sa kanya, but he only cares for me kaya niya 'to ginagawa at hindi ko naman siguro siya dapat suklian ng isang hindi magandang ugali dahil lang sa pinagdadaanan ko ngayon. Kahit papaano, napapangiti niya ako at kapag kausap ko naman siya, sandali akong nakakalimot sa mga problema ko.
"Pasok ka" saad ko dito kaya pumasok naman siya at sinara ko ang pinto. Mayroon akong maliit na lamesa sa kwarto ko at may dalawang upuan kaya umupo siya doon at umupo na rin ako sa harapan niya.
"May gusto ka bang kainin or kahit na ano?" alam kong sasagutin niya pa lang ang tanong ko pero ako pa rin ang sumagot sa mismong tanong ko sa kanya at tumayo agad ako, "Wait, titingin ako ng pwede nating kainin" agad akong lumapit sa refrigerator na halos kakahatid lang last week na hindi ko naman alam kung kanino galing, baka padala nina mommy at daddy para sa amin ni Raven pero wala akong ideya kung tama nga ba ang hinala ko.
Binuksan ko 'yon at naghanap ng pagkain hanggang sa magsalita siya, "I still have no idea kung nasaan siya" natigilan ako at napatingin sa kanya ng sabihin niya 'yon, "W-what do you mean?" ito ang dahilan kung bakit palagi kaming magkasama na para sa iba, hindi na maganda ang tingin nila sa amin dahil nga sa relasyon namin ni Dean.
Kulang na lang hindi na siya magsalita kaya seryoso ko siyang tinanong, "Tell me, Finn" nagkatinginan kami at napayuko siya. Bumuntong-hininga muna na tila kumukuha ng lakas ng loob. The way he acts, alam kong pwede akong masaktan sa isasagot niya but I badly want to know the truth. Tinignan niya ako at nagsalita na siya, "He's not there. W-wala siya sa Curse building." sagot nito na mas nakapag-patigil pa sa akin dahil kinabahan ako sa sinabi niya at nagsalubong ang kilay ko.
"A-anong ibig mong sabihin na wala siya doon?"
Sobrang naiinis ako sa kanya date, but I had no choice now kundi tanggapin ang pakikipag-kaibigan niya because I know na kailangan ko siya, kailangan ko ng malalapitan na isa sa mga council para malaman ko kung nasaan siya, kung anong nangyari at kung bakit wala pa rin siya, kung bakit hindi pa siya bumabalik.
"Look, mahirap takasan ang ibang officers but since you asked me and I promised na hahanapin ko siya, pumunta ako sa Curse building pero wala siya doon. I didn't even expect na hindi ko siya makikita dahil I swear, doon siya huling dinala ng council" naguguluhan niyang sabi and since halos one week ko na rin siyang nakakasama, alam kong hindi siya nagsisinungaling but it doesn't mean that I fully trust him.
Sinara ko ang ref at umupo ako ulit sa harapan niya at kahit alam kong marami pa akong beses na masasaktan dahil sa maraming tanong ko at mga isasagot niya, alam kong kailangan kong harapin ang lahat ng 'to. Hindi ako titigil hanggat hindi ko nalalaman ang totoong nangyari sa kanya at kung bakit wala pa siya. Alam ko may nangyari or maybe, may ginawa sila kaya hindi siya nakabalik.
I badly miss him.
"How about Fortune? Nahanap mo na ba siya?" seryoso kong tanong sa kanya kaya umiling siya at nagbuntong-hininga ako, "Fortune is nowhere to be found, even other officers. Kagaya ng date, hindi na kami nagkikita-kita" saad nito.
"Simula ng hindi makabalik si Dean, hindi na rin siya nagpakita. Hindi na rin nagbubukas ang secret room simula noon. T-tingin mo ba, may alam siya sa nangyari?" tanong ko habang nag-iisip pa rin. Masyadong coincidence lahat ng nangyayari, masyadong imposible. Hindi kaya planado ang lahat?
"To be honest, each member of the council has different goals. Hindi iisa ang misyon namin, iba-iba..." this time, napangiti siya ng masama pero wala namang naging epekto sa akin 'yon, "Hindi ko alam kung may alam nga ba sila sa pagkawala ni Dean. Mahirap mambintang without any evidence."
Sandali akong natigilan sa sinabi niya para makapagisip-isip. Maayos akong sumandal sa upuan at nagkibit-balikat. Pumikit muna ako ng ilang segundo bago ko siya ulit tinignan, "Hindi ko na rin alam ang gagawin ko. Nagkakagulo ang grupo lalo na't wala siya but still, umaasa pa rin kami na babalik siya." saad ko at hindi ko maiwasang hindi malungkot.
Lumapit siya ng konti sa akin at naging seryoso nanaman siya pero bakit ganon, nakikita ko ang pag-aalala niya sa akin, "If I were you, kung alam mo naman pa lang babalik siya, then just wait for him to come back. You don't need to think of him every second. If you really trust him, let go all of your pains and sufferings. You need to move on, if you really trust him" saad nito kaya napaisip ako.
"What if hindi na siya bumalik?" pag-aalala ko.
This time, lumapit din ako sa lamesa at ipinatong ang dalawang kamay ko doon. Hinawakan niya ang kamay ko kaya napatingin ako doon at nagsalita siya, "You know what, kailangan mo munang magpahinga at kalimutan ang lahat. I'm sure kung nandito siya, hindi siya matutuwang makita kang ganyan. Don't worry, habang wala siya nandito naman ako." napayuko na lang ako. Nagpumilit akong ngumiti at tumango bago ko siya ulit tinignan.
Maybe, he's right. Kailangan ko lang magtiwala na babalik siya.
"I'll try my best to forget everything until he comes back."
"Don't worry, I'm here Syden. Tutulungan kita. I just need you to trust me this time." dagdag pa niya.
I felt relieved simula ng marinig ko 'yon. I can't promise to trust him fully, but I'll try.
Sabay kaming napatingin sa pintuan ng biglang may kumatok. Agad kong iniiwas ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko at tumayo ako para buksan ang pinto, "D-dave? Anong ginagawa mo dito?" nagtataka kong tanong. Minsan ko na lang din makita ang mga Vipers, kadalasan kung hindi si Finn, sina Roxanne at Clyde lang ang nakikita ko dahil tinitignan nila ako kung maayos ba ang lagay ko.
Nag-sorry na din ako sa kanila lalo na kay Roxanne dahil sa hindi namin pagkakaintindihan noong isang araw. Na kung may nasabi man akong hindi maganda, hindi ko rin sinasadya na masabi ang lahat ng 'yon. Naipakita ko na lang sa kanila ang isang totoong ngiti ng sabihin nilang naiintindihan nila ang sitwasyon ko. Until I asked myself, if I ever did try to understand their situation too. Lately, pansin kong nagkakaproblema si Roxanne, parang masama palagi ang pakiramdaman niya o kaya naman minsan, namumutla siya at pinagpapawisan kaya siguro palagi na ring nakasunod si Clyde sa kanya.
"Buti naman at medyo umaayos na ang lagay mo. I hope maging okay ka na talaga soon until he comes..." nang mapatingin si Dave sa likuran ko, natigilan siya sa pagsasalita.
"At anong ginagawa ng lalaking 'yan sa kwarto mo?" nagtatakang tanong nito kaya napatingin ako kay Finn na buti naman at hindi nakatingin sa direksyon namin at tinignan ko ulit si Dave, "A-ahhhh, don't worry about him"
"You're letting a stranger enter your room?" hindi makapaniwalang tanong nito at base sa tono ng pananalita niya, nagsisimula ng uminit ang dugo niya dahil kay Finn.
"Ahmmm Dave, he is not just a stranger- "
"Paano kung may gawin siyang hindi maganda sa'yo? Syden, do you even know what you're doing?!" alam kong galit na siya but still, he's keeping his voice down dahil baka may ibang makarinig pa sa pinag-uusapan namin.
"Dave, he won't do anything. Hindi na ako magkakamali this time, I know what I am doing, okay? I just need him para- " sasabihin ko sana sa kanya ang plano ko kung bakit nakipag-kaibigan ako kay Finn pero hinarangan niya ako.
"Wala lang si Dean, nagkaganyan ka na? Kung sinu-sino na ang pinapapasok mo sa kwarto mo? What if dumating siya at maabutan ka niya dito na may kasamang iba, lalo na ang lalaking 'yan?" agad akong lumabas at isinara ang pinto, "Dave, pwede ba?! Kung 'yan ang nasa isip mo, wala akong intensyon na gumawa ng gulo, okay?"
Napangiti ito na tila hindi makapaniwala sa akin at nakapamaywang na lang, "Tingin mo ba hindi namin napapansin? Na halos araw-araw kayong magkasama dito pa mismo sa kwarto mo?"
Gustuhin ko mang magalit pero alam kong hindi ito ang tamang oras para magalit pa ako sa sasabihin ng ibang tao lalo na ang buong grupo. Hindi pwedeng magsayang ako ng oras, kailangan ni isa may nakakaalam sa plano ko.
Napabuntong-hininga na lang ako at maayos na tinignan si Dave, "Fine" tinignan ko ang buong paligid at hinarapan siya ng matiyak kong walang tao dahil wala dapat makakita sa amin, "I'll tell you everything, follow me" saad ko dito at hindi ko na hinintay pa ang sagot niya.
Nag-umpisa na akong maglakad at kahit na alam kong naguguluhan siya sa sinabi ko, sumunod na rin naman siya sa akin. Pumunta ako sa may pinakadulo ng hallway kung saan may pintuan doon at paglabas ko, tila isa itong balcony na matatanaw ang tatlo pang building na medyo malayo sa building na kinatatayuan namin. Kaagad namang bumungad sa akin ang napakalakas at malamig na simoy ng hangin. Gabi na rin kasi kaya hindi na ako magtataka.
Nagkibit-balikat ako habang nakatingin sa malayo at paminsay humaharang sa mga mata ko ang paghawi ng buhok ko dahil sa hangin. Narinig kong sinara ni Dave ang pinto at tumapat sa akin, "So, explain everything" saad nito habang nakatingin sa malayo tapos ay nagkatinginan kami.
Napangiti na lang ako ng masama, "Baka may makakita sa atin dito at isiping may relasyon tayo kagaya ng iniisip niyo sa aming dalawa ni Finn" tumingin ako sa malayo at narinig ko ang mahinang pagtawa nito.
"As if I'll do that, baka mapatay pa ako ni Dean pagbalik niya. Mali pala, siguradong papatayin niya ako...ako lang naman ang papatayin niya kasi hindi ka naman niya kayang patayin. Kahit sabihin kong sineduce mo ako, anong laban ko? You're always right sa paningin niya." sagot naman niya habang tinitignan lang namin ang ibang building kaya natawa ako.
"Alam mo namang umpisa pa lang, mainit na ang dugo ko sa council dba? Kailan man hindi ko pinangarap na mapalapit sa kahit na sino sa mga officers because I always have a bad feeling about them...until all of this happened." muli kaming nagkatinginan ni Dave and this time, seryoso kaming pareho.
"Wala kaming relasyon, Dave. Sadyang napalapit lang kami sa isa't isa simula ng mawala si Dean. Don't you think it's coincidence?"
"So, panay ang dikit sa'yo ng lalaking 'yon taking the opportunity habang wala si Dean?" tanong niya kaya ngumiti ako at umiling, "No, I was the one who asked him na palagi akong puntahan sa kwarto ko"
"And why did you do that?" naguguluhang tanong ni Dave kaya tumingin ulit ako sa malayo, "He befriended me at tinanggap ko 'yon without any doubts, I accepted our friendship dahil kailangan ko siya sa mga plano ko" at hinarap ko ulit siya.
"Are you saying...you're going to use him?" hindi makapaniwalang tanong ni Dave habang nakatingin sa akin. Oo, hindi ako ganito but I can be like Dean Carson in any way lalo na kapag siya ang pinag-uusapan, kaya kong maging katulad niya.
"You're putting yourself in danger" nag-aalalang tanong nito kaya masama lang akong ngumiti.
"As we all know, Phoenix Vernon likes me that much at si Dean mismo alam niya 'yon. Bukod sa member siya ng student council...alam kong hindi ako mapapahamak kapag ipinakita kong buo na ang tiwala ko sa kanya. He will protect me if that happens."
"So what do you want me to do? Bakit mo 'to sinasabi sa akin?" tanong ni Dave at ngumiti na rin siya ng masama. Wala nga si Dean pero bakit parang ako ang pumalit? Nevermind, para sa kanya din naman ang ginagawa ko.
"You're the only person I can trust with my plans, Dave. You have to help me and make all of this work." saad ko sa kanya.
Sana nga, lahat ng plano ko hindi masayang.
To be continued...