Télécharger l’application
13.4% SOON TO BE DELETED 3 / Chapter 13: ♥♡ CHAPTER 12 ♡♥

Chapitre 13: ♥♡ CHAPTER 12 ♡♥

♡ Leigh's POV ♡

"Are you okay, Gwendolyn?" napatingin na lang ako sa isang kasama namin ng marinig ko ang boses niya. Nakatayo siya ngayon sa harapan ko habang nakaupo naman ako.

Napatingin rin ako sa paligid at napansin ang buong Redblades na nakatingin sa akin, "H-ha? May sinasabi ka ba?" tanong ko sa kasama ko.

"Seriously? Kanina pa ako nagsasalita dito at tinatanong kita kung magla-lunch na ba tayo but you were just so absent-minded all along. Ano bang iniisip mo?" nagtatakang tanong nito at the same naiinis na.

"P-pasensya na. Sige, mauna na kayo. Wala akong ganang kumain" saad ko bago ulit napatingin sa may bintana. Sabay-sabay kasi kaming kumakain pero wala akong ganang kumain ngayon.

"Fine, if you say so" saad nito na tinalikuran na ako kaya sumunod na rin silang lahat sa kanya, "You know what Gwen..." muli akong napatingin sa kanya lalo na't bago siya lumabas ay muli niya akong tinignan.

"I don't care kung gaano kalalim ang iniisip mo, pero huwag kang gumanyan kapag nandito si Roxy. Baka ano pang gawin non sa'yo" pahayag niya bago umalis.

Tinignan ko lang ang paglabas nilang lahat hanggang sa mawala sila sa paningin ko. Napayuko na lang ako at napa-buntong hininga.

Magmula kasi kaninang paggising ko, hindi na ako makapag-focus sa mga bagay sa paligid ko at sa lahat ng nangyayari. Naalala ko lahat ng nangyari kahapon, lalo na noong gusto akong kausapin ni Sean Raven. Nag-uusap lang kami ni Roxanne kahapon sa hallway pero bigla siyang lumitaw out of nowhere na sadyang ikinabigla ko. May sasabihin daw siya sa akin pero hindi niya rin naman nasabi dahil sa pagdating ni Kevin. Feeling ko nga, biglang nagbago ang ekspresyon ni Sean ng makita niyang nakaakbay si Kevin sa akin.

Hindi ko alam pero magmula ng matulog ako hanggang sa paggising ko ngayon, sinusubukan ko pa ring isipin kung anong gusto niyang sabihin sa akin. Feeling ko kasi importante 'yon dahil iba ang pakiramdam ko ng sinabi niya na may sasabihin siya sa akin.

Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at naglakad papalabas. Mas maganda sigurong puntahan ko siya ngayon at tanungin ko siya kung anong sasabihin niya. Hindi kasi ako mapakali. Basta ang gusto ko lang, magkausap kami para mapanatag ang loob ko. After all, magkaibigan kami.

Nag-umpisa na akong maglakad at nakakailang pa rin sa pakiramdam na sa tuwing dumadaan ako at may nakakasalubong na mga lalaki, tinitignan nila ako mula ulo hanggang paa at nakakatakot ang mga tingin nila pero hindi ko pwedeng ipahalata ang takot na 'to dahil isa ako sa Redblades. Students should respect us, not because of power but because we are ladies at 'yon ang palaging sinasabi ni Roxanne sa amin.

Itinuloy ko ang paglalakad at pinabayaan na lang ang mga tingin nila sa akin. As usual sa mga babae, tumatabi naman kapag dumadaan ako.

Pagkaliko ko ay nagtaka na lang ako dahil nakita ko sina Syden at Dave na naglalakad papunta sa kwarto ni Sean at mukhang nagmamadali sila. Kitang-kita ko rin ang pag-aalala sa mukha ni Syden kaya nakaramdam ako ng hindi maganda. Mas binilisan ko pa ang paglalakad para lapitan sila pero nabigla ako sa biglaang pagsulpot ni Kevin sa harapan ko.

"Saan ka pupunta?" tanong nito sa akin at seryoso siya pero hindi ko maiwasang kabahan dahil sa itsura nito na parang galit.

"A-anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya at napapahakbang na lang ako paatras dahil unti-unti siyang lumalapit sa akin habang seryoso pa rin siya.

Bigla na lang siyang naglabas ng kutsilyo kaya't mas kinabahan ako, "K-kevin, ibaba mo 'yan. A-ano bang...ginagawa mo?"

"Ano sa tingin mo ang ginagawa ko, Gwen?" tanong naman niya na ipinagtaka ko.

"Hindi kita maintindihan" sagot ko sa kanya at pinigilan kong sumigaw ng hawakan niya ng mahigpit ang kamay ko, "Huwag mo 'kong gawing tanga! Sumama ka sa akin!" galit na sabi nito sabay hila sa akin sa hallway palayo kina Syden.

"Ano ba?! Nasasaktan ako?!" sigaw ko dito ngunit patuloy pa rin siya sa paghila sa akin. Bago kami tuluyang makalayo ay tinignan ko ulit sina Syden na pumasok naman sa kwarto ni Sean.

Mabilis na binuksan ni Kevin ang pintuan ng kwarto ko at malakas akong itinulak sa kama, "Nasasaktan ako!" sigaw ko sa kanya kaya't isinara niya ang pinto.

"Talagang malilintikan ka sa akin! Sabihin mo nga sa akin kung sino yung lalaki mo?!" galit niyang sabi na ipinagtaka ko.

"Ano bang sinasabi mo?!" pagkatapos kong sabihin 'yon ay bigla niya akong sinampal ng malakas kaya't natahimik ako dahil sa pagkabigla. He never did this to me except now. Napahawak na lang ako sa pisngi ko at napatingin sa kanya ng hindi makapaniwala.

May kinuha siya sa lamesa ko at pinakita 'yon sa akin, "Pumunta ako dito sa kwarto mo para surpresahin ka pero ako pala yung masusurpresa! Pagdating ko dito, eto ang makikita ko?! Sinong pinagbibigyan mo nito?!" sigaw nito sa akin kaya naiyak na ako habang nakahawak pa rin sa pisngi ko.

Wala akong nagawa kundi tignan ang box ng chocolate na hawak niya kaya hindi ako nakasagot dahil sa takot, "Alam ko may pinagbibigyan ka nito! Sino ha?! Huwag na huwag mong proprotektahan 'yang lalaki mo dahil kapag nalaman ko kung sinong kalandian mo!! Papatayin ko kayong dalawa!"

"Wala akong pinagbibigyan! Sakin yan!" sigaw ko sa kanya.

"Wag mo kong lokohin Gwen! Sagutin mo ko! Kanino mo pinapadala to?! Even once, sweets and chocolates were never your favorites tapos sasabihin mo sa'yo to?!!"

"Wala nga! Sakin lahat yan!" pagkatapos kong isigaw 'yon sa kanya ay mahigpit nitong hinawakan ang buhok ko kaya napasigaw na ako at napahawak sa kamay niya para pigilan siya, "Nasasaktan ako, Kevin!!"

"Wala akong pakielam! Kapag nalaman ko kung sino yan, humanda kayong dalawa sa akin!" saad nito sabay bitaw sa buhok ko.

"Pwede ba?! Tumigil ka na! Nagkakaganyan ka dahil sa mga maling akala mo!" sigaw ko sa kanya.

"Hindi kita titigilan hanggat hindi ko nalalaman kung sino yang kalandian mo!" saad nito ng pisilin niya ng mahigpit ang magkabilang pisngi ko gamit ang isa niyang kamay pero pagkatapos niyang magsalita ay binitawan rin naman ako.

"Wala nga! Alam mo mas mabuti pa, maghiwalay na tayo kung ganyan ka palagi!" nakakasawa na ang ganitong sitwasyon. Palagi niyang iniisip na may iba ako pero ang totoo, hinala niya lang 'yon.

Hinala niya lang ang lahat! Ang akala ng lahat, masaya ako para sa aming dalawa pero ayaw ko na. Nasasakal na ako sa kanya! Palagi niya akong sinasaktan at ngayon binubugbog na niya ako. Hindi siya ganito dati pero dahil sa mga hinala niya ay nagagawa na niya akong saktan.

Muli akong napahawak sa pisngi ko ng sampalin niya ako ng malakas, "Breaking up with me?! No! I won't and would never! Bakit takot ka bang malaman ko kung sino ang lalaki mo dahil papatayin ko kayong dalawa?!"

"Hindi! Kasi nasasakal na'ko sayo! Ayaw ko na! Itigil na natin to!" saad ko na parang nakikiusap habang umiiyak.

"Bakit?! Ha?!" tanong nito kaya agad ko siyang sinagot lalo na't mahigpit niyang hinawakan ang braso ko.

"Ayan! Yan ang dahilan! Palagi mo na lang akong sinasaktan!" sigaw ko dito kaya napatingin siya sa kamay niyang nakahawak sa braso ko at tila natahimik siya.

"Hayaan mo na ako. Ayaw ko na" pakiusap ko sa kanya habang tulala itong nakatingin sa akin na parang hindi makapaniwala sa lahat ng ginawa niya.

"Bakit, Gwen? Kaya mo ba ng wala ako? Kasi hindi ko kaya ng wala ka. Mahal kita" saad nito pero hindi pa rin magiging rason 'yon para tumigil ang pagluha ko.

"Kung talagang mahal mo ako, papakawalan at papalayain muna ako kasi hindi na ako masaya sa relasyon natin. Kung talagang mahal mo ako, hahayaan mo akong maging masaya- "

"At ano?! Maging masaya sa piling ng bago mo?!" galit na sigaw nito kaya muli akong natahimik.

"H-hindi na kita maintindihan. Hindi ka naman ganyan dati, iba ka na ngayon" mahina kong sabi habang nakatingin sa kanya.

"Nagkakaganito ako dahil sa'yo!"

"Ano bang problema mo sa akin?!" sigaw ko na napatayo na mula sa kinauupuan ko kaya nagkatapat kami.

"Kasi nasasaktan ako na makitang wala ka ng gana sa akin habang nararamdaman ko na may gusto ka ng iba kaya hindi ka na masaya sa akin!" pahayag nito na lubusang nakapag-patigil sa akin. Tila natamaan ako kaya hindi ako nakakibo habang nakatingin pa rin sa kanya.

"W-wala naman akong ibang gusto" mahina kong sabi.

"Wala kang gusto? Pero may pinagdadalhan ka nito?" saad niya na muling kinuha yung box ng chocolates at ipinakita sa akin.

"Don't deny it. Hindi sa'yo to dahil ipinapadala mo ito sa taong gusto mo secretly...habang wala ako" dagdag pa niya. Nanatili na lang akong nakayuko habang nakikita ko pa rin yung hawak niya at lumipas ang ilang minuto na walang nagsasalita sa aming dalawa.

Unti-unti nitong inilapag ang hawak niya sa lamesa at tinalikuran ako. Binuksan niya ang pintuan ng kwarto habang nakayuko pa rin ako pero alam kong tinignan niya ako,

"Magmula ngayon, hindi ka na pwedeng lumabas at makipagkita kahit kanino" nang marinig ko 'yon ay napatingin ako sa kanya at nagmadali akong habulin siya.

"Kevin, ano ba?!!! Palabasin mo ako dito!!" saad ko na sakto namang pagsara ng pintuan. Hinawakan ko ang door knob para buksan ang pintuan pero hindi ko na mabuksan ito kaya sigurado akong ni-lock niya ang pintuan ng kwarto ko.

"Buksan mo 'tong pinto!! Itigil muna 'to!" sigaw ko habang pilit na binubuksan ang pintuan.

"I'm sorry Gwen, pero hindi ko kayang mawala ka" mahinang saad nito kaya't lalo pa akong naiyak, "Masisisi mo ba ako? Nakakasawa kang mahalin kung wala ka namang tiwala sa akin" pahayag ko hanggang sa marinig ko na naglakad siya papalayo kaya alam kong hindi na ako makakalabas lalo na't nasa dulo ang kwarto ko. Paniguradong mamaya pa babalik ang mga kagrupo ko na katabing kwarto ko lang, minsan naman hindi sila bumabalik sa mga kwarto nila dahil nandoon lahat sila sa kwarto kung nasaan palagi si Roxanne.

Gusto ko ng lumabas dito pero wala akong mahingian ng tulong. Kahit pa sumigaw ako ay walang makakarinig sa akin. Napasandal na lang ako sa pintuan dahil sa sobrang kalungkutan.

Masaya kami ni Kevin. Sobrang saya, pero simula noong nakita niya na may mga kasama akong lalaki sa kadahilanang kaibigan ko ang mga 'yon ay doon na siya nag-umpisang maghinala. Mga maling hinala. Palagi niya akong sinasaktan at ngayon niya lang ako sinampal at mas pinagbuhatan ng kamay. Dahil doon ay unti-unti na rin akong nawawalan ng gana sa kanya. Oo mahal ko siya, pero hindi na tama. If I could just call for someone's help, gagawin ko na para lang makatakas na ako sa poder ni Kevin.

Mas napaiyak ako dahil ayaw kong sayangin lahat ng magagandang alaala naming dalawa pero ayaw ko na. Pagod na 'ko. Hindi maling magmahal pero nagmahal ako sa isang taong mali.

Napatingin ako sa lamesa at nakita ko ang pinagmulan ng away namin ngayon. That d*mn box of chocolate na nakita niya. Kinuha ko 'yon at maigi itong tinignan. I denied it many times and lied, saying na akin yung mga chocolates. I didn't want to tell my boyfriend the truth dahil ayaw kong masaktan siya kahit na sinasaktan niya ako.

"Ang daling mahulog sa isang tao, pero bakit ang hirap niyang kalimutan. We were just supposed to be friends, right? Boyfriend ko hindi ko nagawang padalhan ng ganito, pero ikaw...iba ka kasi eh" saad ko habang lumuluha at bahagyang napangiti habang tinitignan yung box.

Mali mang sabihin na mahal kita pero para sa akin...

Loving you will never be a sin, Sean Raven.

I am your secret lover.

To be continued...

Just like before, sorry po sa mga errors.


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C13
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous