CHAPTER 5.2 – Spring Waltz
NO ONE'S POV
Pagkalabas ni Natalie ng clubroom ay isang pigurang lubos niyang kilala ang kaniyang nadatnan. Nagkatama ang kanilang titig at napangiti siya ng makitang muli ang walang ekspresyon nitong mukha. Itinaas ni Natalie ang kaniyang kamay at bahagyang kumaway.
"Long time no see," aniya nang lumapit siya sa isang babae na halos isang pulgada ang liit sa kanya. The girl has her brown hair length cut the same as Natalie. Her pink lips are drawn to compliment her other facial features. She has beautiful doe eyes matched with deep unwavering brown orbs. She doesn't show feelings or thoughts but her gaze is like a spear that scrutinized everything her eyes decided to focus on.
Bukod kay Natalie ay napalingon ang ilan sa babae. Some know her, some don't. Well, it's rare to see her out. Her pale complexion is covered by a white shirt accessorized with a black and yellow striped necktie. This shirt was tucked into a knee-length black skirt. She also wears a black vest that has an emblem of the sun and an eagle – the logo of Eastern Middleton Integrated School.
"Hi Nat," tugon ng babae gamit ang malamig niyang tinig.
Napahawak si Natalie sa kaniyang batok, "The heck Nic, at least show some expression," saad ni Natalie.
The girl in front of Natalie is EMIS student council president Nicholei Madrid. She is known for having a porcelain doll-like beauty but what made her popular is her no-expression look.
"I might not look like it but I'm happy to see you. So happy. Deeply happy," sabi ni Nicholei gamit ang walang emosyon at parang tamad na tamad niyang tinig. Ganoon talaga siya magsalita.
"Shit, you said "happy" thrice."
Hindi tumugon si Nicholei sa halip ay iniiwas nito ang tingin kay Natalie at lumingon sa ibang direksyon.
"Kanina ka pa ba nandito?" uyam na tanong ni Natalie na agad naman tinanguan ni Nicholei.
"We were invited like other schools. Kakatapos ko lang din pumunta ng JFE Committee. Sayang late na kami pumunta lalo na't napag-alaman ko na bida ka pala sa isang play. Too bad, mukhang tapos na yung run niyo ngayong araw."
Siningkitan siya ng mata ni Natalie.
"You don't look like you feel bad you know," Nagnguso si Natalie.
"Of course, I feel bad. So bad. Deepl—"
"Stop. Pinaglololoko mo na ko e," nakasimangot na sabi ni Natalie.
"Oh, you see it through, but I really mean it. My heart felt deeply saddened that's why I will come back here on Friday just to watch you and support you."
Natalie sneered before she sighed, "Okay, thanks, I will expect you then. Don't disappoint me," aniya sabay ngiti.
Natalie and Nicholei were classmates' way back in middle school, together with Arianne. Nicholei was the last one who entered Natalie's circle of friends back then.
"Anyway, I'm surprised that the Stray Catz will perform here," mangha at pabulong na sabi ni Natalie.
"Ah about that, Arianne asked me too and of course, I won't be able to decline such a request from her."
Parang nagpintig bigla ang ugat sa ulo ni Natalie, "Oh, how unfair is it? Nag-request ako noong nakaraan but you declined me."
"You're a different story," diretsong depensa ni Nicholei.
"Wow, tsk, am I that bad? Even my best friend won't do me a favor," nakasimangot na reklamo ni Natalie.
"I'm just joking, hindi ka naman mabiro. Sadyang may importanteng schedule na kami noon kaya di na kita napagbigyan."
Nagsingkit ang mga mata ni Natalie, "Duh, nagbibiro ka pala. At least laugh at your own joke para naman ma-realize ko."
"Ha-ha-ha. Okay na ba? Am I forgiven?" tanong ni Nicholei. Hindi naman mapigilan ni Natalie na matawa sa parang robot na reaksyon ng kaibigan.
"Pffft, oo na. I really can't believe you. Sira ka talaga alam mo ba 'yon?"
Pagkatapos ng kanilang usapan ay nagpaalam na si Nicholei kay Natalie. Matagal ng hindi nagkikita ang dalawa pero katulad ng mga totoong kaibigan, kahit na ilang taon pa man ang lumipas na walang komunikasyon ay hindi naman lumipas ang pinagsamahan nila. Katulad pa rin ng dati kung sila ay mag-usap.
Hapon na at malapit ng matapos ang araw pero nagtaka si Natalie nang hindi mamalayan ang sarili na paakyat siya sa hagdan ng academic building.
"Of course, I'm going to get my bag in our room," sabi niya sa sarili sabay ngisi.
Tinuloy niya ang pag-akyat. Tunay namang kukunin niya talaga ang bag niya pero para bang may-iba pa siyang dahilan.
"Kyaa! Ang cute ni Ate Arianne. I wouldn't mind paying P50 just to have a picture with her," sabi ng estudyante na nakasalubong ni Natalie sa may hallway.
Biglang bumilis ang kilos ni Natalie. Paakyat na siya ng 4th floor nang mapansin niya ang isang pila na napakahaba at umabot na sa hagdan pababang 3rd floor.
"Hey Nat!" bati ni Noreen kasabay ang pag-akbay nito sa kaniya.
"What's happening here? What's with this queueing?" tanong ni Natalie. Bago siya maka-ani ng sagot ay isang flash muna ang nagpapikit sa kaniyang mga mata.
"Oh, Prince Philip! I'm glad that we see each other again! But is this real? Is this real?! Or is this just another dream?"
Natalie narrowed her eyes at Noreen. Nagtinginan naman sa kanila ang mga estudyante't sibilyan.
"Oh, my love! My one true love, have you ever forgotten me? Did your search end up in another lady's reality?" dugtong ni Noreen.
"Hindi ka ba titigil?" mataray na tanong ni Natalie. Pansin niyang agaw atensyon na sila sa ibang tao kaya't minabuti niya ng pigilan na ang exagge na pagre-reenact nito sa linya ni Princess Aurora na partner ng kaniyang karakter sa kanilang play.
"Kasi naman e, ang galing niyo kasi sa play. Nadala tuloy ako ng mga linyahan niyo ni Shane," papuri ni Noreen na ikinapula ng mukha ni Natalie.
Iniba ni Natalie ang direksyon ng kaniyang tingin bago pabulong na nag "Thank You".
Napangiti naman si Noreen sa gesture na ito. Almost everyone in their school sees Natalie as a snobby and proud girl but like everyone else, she also has her soft side.
"Oh, so cute our little ball of sunshine," Noreen said while patting Natalie's blonde hair making her growl.
"Jeez, stop it!" Hinawi niya ang braso ni Noreen, "So ano nga meron dito?" Balik niya.
Iniusli ni Noreen ang tingin niya sa isang direksyon na ipinagtaka naman ni Natalie. Sinundan niya kung saan ito nakalingon at dinala siya ng pinakadulo nito sa classroom ng 3-A. Masyadong malinaw ang kanyang mga mata para agad mabasa ang placard na naka-post doon.
HAVE A PIC WITH THE CUTEST VAMPIRE EVER FOR ONLY P50.
"I thought they were a horror booth?" Iritang tanong ni Natalie.
"Ah yes, pero ayaw nilang magpatalo sa play ng section natin e kaya nag-isip sila nang ibang raket at sakto naka-discover sila ng panlaban which is this."
Binunot ni Noreen ang wallet niya at binuksan ito para ipakita ang larawan na meron siya.
"Gosh, Natty. Ang cute ni Arianne di ba? I'm sorry to our club pero this is a rare chance to have an exclusive picture with her kaya iyon, I spent my P100 for them. P100 kasi nagbigay ako ng tip."
Hindi naalis ang tingin ni Natalie sa larawan na inilabas ni Noreen, "Ah yes, ang cute niya..." sambit niya na may pagkamangha sa kaniyang tono.
Napatitig si Noreen kay Natalie bago ito napangiti. Sinara niya ang kaniyang wallet at kasabay ng pag plak na tunog ay para namang natauhan ang kaniyang kaibigan.
"Gusto mo rin bang magpa-picture?" tanong ni Noreen na biglang ikinasama ng mukha ni Natalie.
"What?"
Matalas na tinig ang tumugon kay Noreen.
Lumapit ang dalawa sa classroom ng 3-A para komprontahin ang mga ito.
"Oh, look who's here! Prince Philip and her lackey... Magpapa-picture ka rin Nat?" tanong ni Bianca. Tinignan siya ni Natalie ng masama bago lumakad ang tingin nito kay Bianca ng maigi. Yung tipong ini-scrutinized siya dahil sa kaniyang suot.
Bianca is wearing a black gothic Lolita dress which is intricately designed with frills, ribbons, and sequences all over. She also matched her outfit with Lolita shoes that has 3 inches of heels, making her almost tall as Natalie. Her chinita face is dolled up with makeup which made her look like a European Doll.
"Nice," papuri ni Natalie. Para siyang judge kung makatango sa isang piece na nais niyang ipapasa.
"Syempre Nat, gawa ko 'to e," pagmamayabang ni Bianca., "Dahil dyan, hindi lang isa kundi tatlong print ang makukuha mo kapag nagpa-picture ka kay Arianne," saad ni Bianca na nakahugot ng inggit na reaksyon sa mga nakapila pati na rin kay Noreen. Aapel asana si Natalie ngunit saktong lumabas si Arianne mula sa loob ng horror booth kaya napatikhim na lang siya.
Nagkatinginan si Arianne at Natalie bago unang bumati si Arianne sa kaniya.
"H—Hi Nat," nahihiyang sabi ni Arianne habang bahagyang nakayuko. Nao-awkward-an siya dahil sa hindi pagpansin ni Natalie sa kaniya nitong mga nakaraang araw.
"Ate Arianne! Kyaa!"
Maririnig ang pag-gush ng mga estudyanteng nakapila nang makita nila si Arianne. Dahil sa hiya ay napayuko na lang siya ng ulo. Tinignan siya ni Natalie at hindi tumugon sa pagbati niya. Binalik nito ang tingin kay Bianca bago nagsalita.
"How desperate, sa tingin niyo ba malalamangan niyo yung section namin by doing something..." tinignan muli ni Natalie si Arianne. Tumikhim siya, "Duh, by bringing a mascot here?" mataray niyang tanong na nagpamilog ng mga mata ni Bianca. Bianca shrugged her shoulders before simply answering a big "NOPE."
"Eh?" naniningkit ang matang reaksyon ni Natalie.
"Ano ka ba Nat? We already accepted our defeat by your section. This is just for fun and exclusive lang 'to just for today. Remembrance sa mga lower years. We are already graduating you know kaya kung ano-ano ng kalokohan ang ginagawa namin." Bianca laughed.
"Whew, akala ko naman Nat kung anong sasabihin mo. Tama si Bianca, this is just for fun. There's no way that they can defeat our club when it comes to donation earnings." Pagkampi naman ni Noreen kay Bianca.
Tinignan ng masama ni Natalie si Noreen, "Pero ikaw kaya yung nagsabi na nakikipag-compete sila!"
Noreen looked sideways then whistled.
Napalunok si Natalie bago siya lumingon kay Arianne, "Anyways, Arianne looks forced and she already looked exhausted."
Nagkatinginan si Noreen at Bianca bago nila parehong nilingon si Arianne.
"Ah, sabagay," sabi ni Bianca. Natawa naman si Noreen.
"Anong sabagay?" Inis na reaksyon ni Natalie.
"Oh, worried lang pala si Prince Philip sa kapakanan ng wicked vampire. How cute, you should have said it Nat, straight to the point," pang-aasar ni Noreen.
Tinignan siya ni Natalie ng masama, "I'm not worried." Malamig niyang sabi, "Like the two of you said, we are already graduating. Ibig sabihin matatanda na tayo kaya dapat tigilan na natin yung mga gan'tong kalokohan."
Napanguso si Bianca, "Ang seryoso mo naman Natty. Saka ah, makamatanda ka tayo dyan. Ikaw lang 'yon uy, 'wag mo nga ako madamay-damay," saad ni Bianca.
Natatawa naman si Noreen na pumindot sa shutter button ng kaniyang camera.
"What the! Noreen, stop it!" Naiiritang bulyaw ni Natalie. Bigla naman ay nakarinig sila ng isang boses.
"Stop what?" Lumabas si Pristine mula sa loob ng horror booth. Mukhang kakagising niya lamang dahil halos papikit-pikit pa siya. Nang madiretso niya ang tingin sa direksyon ni Natalie at madatnan ito ay parang bigla siyang nabuhayan at napa-smirk.
"Heh," Pristine smugged, "Look who's here, a bitch!"
Hindi sumagot si Natalie sa pahayag ng kapatid.
"Bianca, dalhin mo bukas yung mga cosplay outfit mo. Who said that our section can't beat this bitch's class. Horror booth pa nga lang natin 5-star na idagdag mo pa yung gagawin nating photobooth.
"Wait, you're not serious Pristy, right?" tanong ni Bianca.
"When did I joke when it comes to this bitch?" seryosong balik naman ni Pristine. Matagal nagkaroon ng staring contest sa pagitan nila ni Natalie hanggang sa yumuko si Natalie at ngumisi bago tumawa.
"So, are we going to have a bet again?" tanong niya kay Pristine na nginisian naman nito pero bago pa may makasagot ay pareho silang natigilan nang mag-react si Arianne.
"Stop this, please. I don't want to hear any bets. I don't want to see both of you fighting anymore..."
Napatahimik ang mga nakarinig.
"But if you really want to, please don't make me play a part."
Para bang natunugan na ni Arianne kung saan papatungo ang pagpupustahan ng dalawa. Nagulat naman ang apat sa reaksyon niya pero hindi maikakaila na mas na-guilty sina Natalie at Pristine sa pahayag niya.
"Aya..." sambit ni Pristine. Guilty at puno ng pagaalala ang mukha niya.
Parehas napabuntong hininga sina Pristine at Natalie, "Sorry," Pristine and Natalie answered in sync.
"Sorry, Arianne," muling sabi ni Natalie bago pumihit siya para umalis pero natigilan ng banggitin ni Arianne ang pangalan niya.
"Nat, can I take a picture with you? Like Bianca said we are graduating... remembrance lang," suhestyon ni Arianne. Pristine shrugged her head pero hindi siya umimik while Bianca just has this approving look on her face.
Natalie's face looks annoyed pero hindi naman dahil sa ayaw niya. She was just shy to admit that of course, she wanted a pic with her friend. Noreen pushed her butt toward Arianne making her growl.
Lalapit na sana siya sa pinto ng photobooth ng biglang isang kamay ang humarang sa kaniya.
"Anong problema mo?" mataray na tanong ni Natalie kay Pristine.
"Hindi ka ba nahihiya? Nakapila sila tapos ikaw sisingit lang?" sabi ni Pristine habang nakaturo sa mga nakapila.
"Okay, lang Miss Natalie!"
Narinig nila ang sigaw ng ilang estudyante na dahilan para mapangisi si Natalie at tagong mapasimangot si Pristine.
"Narinig mo naman di ba?"
"Meh,"
Papasok na si Natalie pero sa ikalawang pagkakataon ay hinarang nanaman siya ni Pristine.
"Pristy?" Arianne worriedly reacted to pero tinignan lang siya ni Pristine.
"Ano ba't—" Napatigil si Natalie.
"Kupal ka ba? Bayad mo."
"Pfft!" Impit na natawa si Bianca at Noreen dahil sa biglang hirit ni Pristine. Hindi naman makapaniwala si Arianne.
Gigil na dumukot si Natalie sa kaniyang bulsa para kunin ang coin purse niya. Kumuha siya ng P50 dito at mariing nilapag iyon sa lamesa saka lumingon kay Bianca.
"You promised me 3 prints,"
"Yep, sure!" masiglang tugon ni Bianca.
"Bea!" pareklamong reaksyon naman ni Pristine.
♦♦♦