Télécharger l’application
62.5% GPS Side Story V - Locked / Chapter 15: Chapter 12

Chapitre 15: Chapter 12

SA PANGALAWANG pagkakataon buhat ng maoperahan si Quillon, sa kaparehong oras ay muling pumuslit ng punta si Arvic sa master's bedroom upang masilayan niyang muli si Quillon na kasalukuyang walang malay tao.

          Lumapit siya rito at naupo mismo sa tabi ni Quillon habang pinagmamasdan niya ang mukha nito na kita pa rin ang hirap at hapis.

          "How are you, my alpha?" tanong niya kay Quillon habang pisil pisil niya ang kamay nito.

"Arvic?"

          "Wake up my alpha, i miss you so much. Hanggang ngayon nahihirapan akong makita kang ganyan ang hitsura. H-hindi ko rin maintindihan kung bakit ayaw nila akong papasukin dito sa loob ng room mo pero gayunpaman gumagawa ako ng paraan para makita ka at makasama. Please wake up." at muli'y dumaloy ang masaganang luha sa pisngi ni Arvic.

"Oh my Arvic, my love."

          "Don't worry, i'll do my best para huwag nila akong mabuking and i promise that everytime i'm here with you aalagaan kita hanggang sa makabawi ka kaagad ng lakas. But for now, lilinisan muna kita para maginhawahan ang pakiramdam mo okay?" ngumiti ito ng tipid at pinahid ang mga luha bago ito tumayo at tumungo sa comfort room.

          Ilang minuto lamang ang lumipas lumabas na si Arvic dala ang isang plangganang may lamang maligamgam na tubig at damit na pamalit.

          "Here i am!" sabay lapag niya sa small table ang planggana at bimpo.

          Tumayo si Arvic at tumungo sa may pinto upang i-check kung naka-lock ba ang pinto, nang masiguro niyang lock ito saka siya bumalik sa tabi ni Quillon. "Lilinisan na kita ha. Umpisahan ko muna sa mukha mo at leeg."

          Kinuha niya ang malinis na bimpo at isinawsaw iyon sa tubig at pinatakan ng konting liquid soap. "Sasabunin ko muna mula mukha mo hanggang sa iyong paa atsaka kita ulit bibimpuhan para maalis ang konting sabon na natira." atsaka niya inumpisahang punasan ang mukha patungong leeg ng alpha.

          Muli'y inilubog ni Arvic ang bimpo at kinusot iyon at piniga. Dahan-dahan niyang inialis ang pagkakabutones ng damit ni Quillon at hinubad ng tuluyan "Ngayon naman ay ang dibdib mo pababa sa iyong tiyan."

         Marahan niyang hinagot ang kanang dibdib nito at iniingatan na huwag masanggi ang operadong kaliwang dibdib ni Quillon.

          Nang bumaba na ang hagod niya patungo sa puson ni Quillon biglang gumalaw si Quillon ng dumampi na ang kamay ni Arvic. Tila hindi alintana ni Arvic ang munting pagkibot ni Quillon habang humahagod ang kamay ni Arvic sa kanyang puson.

          Muling binanlawan ni Arvic ang bimpo at piniga iyon at ipinatong sa malinis na tray.

          Kinuha ni Arvic ang isa pang planggana  na may lamang tubig at isa pang bimpo atska niya iyon piniga ulit. "Babanlawanan na kita ha para masuotan ka na kaagad."

          Nang matapos na niyang malinisan ang upper body ni Quillon inumpisahan na niya na tanggalin ang pajama nito at brief.

"Fuck"

          Biglang nagulat si Arvic dahil hindi niya inaasahan na sa kabila ng pagiging unconscious ay tayong tayo ang pagkalalaki ni Quillon.

          Napalunok si Arvic nang masulyapan niya na kikibot-kibot ang sandata nito at tayung-tayo na tila bumabati kay Arvic. Gayunpaman pinilit na lamang ni Arvic na balewalain iyon at ipinagpatuloy ang paglilinis. "Paano ko malilinisan ang private part mo na 'di kinakailangan hawakan iyan?"

          Kahit anumang gawing isip ni Arvic iisa lang talaga ang naiisip niyang paraan para matapos na ang ginagawang paglilinis ay ang hawakan ito. Napalunok muna si Arvic bago niya hawakan ito.

"I'm sorry my alpha but i need to hold your cock." sabay hawak ni Arvic sa ari ni Quillon.

"Fuck, my Arvic."

          Itinuon na lamang ni Arvic ang sarili sa paglilinis upang matapos na kaagad. Nang mapunasan niya pati ang legs ni Quillon ay sinuotan na niya kaagad ito ng underwear at pajama.

          "Now, na-freshen up ka na. Iwan muna kita saglit para mailigpit ko ang mga ito. Babalik ako kaagad, promise."sabay halik niya sa pisngi ng alpha.

          Pagkaraan ng ilang minuto lumabas muli si Arvic at nagtungo sa coffee table upang magtimpla ng kape para sa kanya. Tila ayaw niya pang tulugan si Quillon. "Dito muna ako ha, gusto pa kitang bantayan. Magpahinga ka ng mabuti. Gusto ko bukas maganda na ang pakiramdam mo." at umupo na siya sa tabing upuan at kinuha ang tinimplang kape at inumpisahang inumin ito.

           Nang maubos ni Arvic ang kanyang kape ay inilapit pa ni Arvic ang kanyang upuan upang maabot niya ng maayos ang kamay ni Quillon. Hinihimas himas niya ang braso nito na tila minamasahe. Nang makaramdam ng pamimigat ng talukap ng mata si Arvic humilig ang ulo nito sa gilid ni Quillon habang ang kamay niya ay hindi inaalis sa pagkakahawak sa kamay ng alpha.

          Kasabay ng pagpikit ng mga mata ni Arvic ay ang unti-unting pagbukas ng mga mata ni Quillon. Gumawi ang tingin niya kay Arvic na tila nahihimbing na ito sa pagtulog.

"My love."

         Ilang segundo lamang na pagtitig ni Quillon sa maamong mukha ni Arvic ay pumikit na rin ito at natulog.

           NAGISING si Arvic na ang gwapong mukha ni Quillon ang kanyang nabungaran. Ang awra nito ay hindi na katulad kahapon na iniinda pa rin ang sakit. Unti-unti na ring bumabalik ang dating mamula-mulang pisngi nito. "Good morning my alpha. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog. Kailangan ko na munang umalis ngayon at babalik na lamang ako mamaya kapag tulog na ang lahat." tumayo na ito at humalik sa pisngi ng alpha bago tuluyang lumabas ng kwarto ni Quillon.

          SAKTONG paglabas ni Arvic siya namang dating ni Xyrix, nangunot ang noo nito at hindi maitago ang inis niya kay Arvic.

          Akmang lalagpasan na niya si Xyrix nang pigilan siya nito sa braso at hinila pabalik. "Let's talk"

          "Don't touch me!" sabay hila ni Arvic ng kanyang braso at pinukulan niya si Xyrix ng masamang tingin.

          "Okay, omega!" halata sa tinig nito ang pagtitimpi ng galit. "You are not supposed nor allowed to come inside in Quillon's room. Can't you see na he needs to rest? Now tell me, anong ginawa mo sa loob?" matapang na tanong nito kay Arvic.

          "Kung anuman ang ginawa ko sa loob it's none of your fucking bitch business!" sagot nito sabay talikod nito kay Xyrix.

          "Huwag kang bastos!" sabay hiklat sa braso ni Arvic at binigyan niya ito ng isang malakas na sampal sa pisngi.

          Nasapo ni Arvic ang kanyang pisngi na halatang nasaktan. Sa galit niya kay Xyrix ay bigla niya itong sinakal kasabay ng pagbabago ng kulay ng mga mata ni Arvic.

          "Don't you dare do that again Xyrix kung ayaw mong kalimutan ko ang utang na loob ko saiyo ng mga panahong nasa Casa ako!" banta niya kay Xyrix

          Isang bwelong malakas ang pinakawalan ni Xyrix upang matanggal niya ang pagkakasakal sa kanya ni Arvic. At nang makabitiw ito mabilis itong pumunta sa likuran ni Arvic habang pilipit nito ang kamay sa likod.

          "You're nothing Arvic compare to me. Hindi mo alam kung ano ako dati, kung paano kami naging kami ni Quillon! Kaya kung mayroon mang may karapatan na maglabasmasok sa loob ng kwarto ni Quillon ay ako iyon, hindi ikaw!" sabay subsob niya kay Arvic sa pader.

          "Really? Wala akong pakialam kung ano ka pa noon ng magkita kayo ni Quillon. Isa ka rin sa mga laruan niya kaya huwag kang umasta na pagmamay-ari mo siya!" sabay tadyak nito sa paa ni Xyrix at binigyan ng isang malakas na suntok sa sikmura ito na ikinangiwi ng huli.

          "Magsitigil kayo!" awat ni Gethro kasama ang Salutary na magti-check up kay Quillon.

          Isang matalim na tingin ang ipinukol ni Gethro sa dalawa. "Kung mag-aaway rin lang kayo huwag dito sa tapat ng pintuan ni Alpha Quillon. Nagagambala na ninyo ang kanyang pamamahinga. Mabuti pa Arvic bumalik ka na sa iyong kwarto at ikaw naman Xyrix bukas ka na lamang bumalik. Nandito ang salutary upang tingnan siya ng buong araw. Kaya 'di ka muna kakailanganin dito." sabay talikod nito sa dalawa at niyaya na ang kasama na pumasok sa loob.

          Inirapan lamang ni Arvic si Xyrix bago niya ito lampasan ngunit nakakailang hakbang pa lamang ito ng hablutin ni Xyrix ang buhok ni Arvic at inilapit ang mukha niya sa mukha nito. "Don't act as if you own him, Arvic! You are nothing but a slut!" sabay tulak niya ng malakas kay Arvic.

          Naitulak man siya ni Xyrix pero nanatili pa rin ang kanyang tindig. "Why, are you threaten?" sabay harap niya kay Xyrix.

          Ngumiti si Arvic na parang nakakaloko bago muling magsalita. "Kahit ano pa ang sabihin mo hindi mo ako mauutusan na lumayo kay Quillon dahil alam ko at ramdam ko na akin siya, huwag kang mangarap!"

          "Oh really, acting like a mate huh? Bakit ano ba sa tingin mo ang lamang mo sa akin?" sabay tingin ni Xyrix kay Arvic mula ulo hanggang paa.

          "Sa tingin mo kaya mo akong higitan? Ordinaryong tao ako noon nang makita ako ni Quillon, sinuyo, niligawan at sinamba ngunit may malaking hadlang dahil alam niyang bawal. Sa kagustuhan niyang mapaibig niya ako lahat ng klaseng pagpapaligaya ginawa niya sa akin para mahulog lamang ang loob ko sa kanya. Hanggang siya na mismo ang nagpasya na gawin niya akong gamma. Gamma Arvic, naririnig mo ba? Ginawa niya akong gamma para mapasa kanya. Kaya bukod sa kasarian na alam mong talong talo ka na ano pa ba ang mas iaangat mo sa akin? " nakipagtagisan siya ng tingin kay Arvic bago magsalitang muli.

" Wala, Arvic. Wala! "

          "Kung sa tingin mo ay wala, wait until he wakes up Xyrix at si Quillon mismo ang sasampal saiyo ng katotohanan para tumigil na ang pangangarap mo!  Queen of Bitch!" tumaas ang isang kilay ni Arvic bago ito tuluyang tumalikod at iwan na mag-isa si Xyrix.

           Gigil na pinukulan ng tingin ni Xyrix si Arvic na ngayon ay papalayo na sa kanya.

NAGPASYA na lamang na pumasok sa loob ng Masters bedroom si Xyrix imbes na umuwi. Tila ayaw nito magpatalo kay Arvic.

          "What are you doing here? Di ba sinabi ko na saiyo na umuwi ka na muna dahil hindi ka kailangan dito?" tanong sa kanya ni Gethro.

          Lumapit pa rin si Xyrix na parang nang-uuyam. "And why should i do that? I'm your alpha's mate. He needs me. And besides, hahanapin ako ni Quillon once na nagising na siya."

          "And who told you of that, Xyrix?" boses ni Quillon.

          "Quillon?! You're awake!" at aakma na tatakbo sana si Xyrix papalapit kay Quillon ng harangin siya ng isa sa delta ni Quillon.

         "Get out of here. I need to be alone!" utos ni Quillon kay Xyrix.

         "But honey, i'm here, don't you miss me?" maluha-luhang tanong niya sa kaniyang alpha.

          Biglang tumalim ang tingin ni Quillon kay Xyrix "Anong salita ko ang hindi mo naintindihan Xyrix?!" dumagundong ang boses nito sa kalooban ng masters bedroom.

          "I've told you to leave Xyrix, huwag kang makulit dahil alam mo kung ano ang kahihinatnan mo once na ginalit mo ng husto si Alpha Quillon." saad ni Gethro.

          Tumango lamang si Xyrix at kita sa mukha nito ang sobrang pagkapahiya. "Okay aalis ako but i'll be back tomorrow morning." tumalikod na ito kasama ang isa sa mga delta.

         "Ihatid ninyo siya hanggang sa Casa." utos ni Gethro sa deltang kasama ni Xyrix.

          Nang magsara na ang pintuan pina-lock ni Quillon ito upang masiguro na wala ng gagambala sa kanya.

          "Kamahalan, sigurado po ba kayong maganda na ang pakiramdam po ninyo? Ayon po kasi sa isa mga Salutary bukas pa sana nakatakda na tanggalin ang aparato sa inyo." pag-alalang tanong ni Gethro kay Quillon.

          Bumangon si Quillon sa kanyang pagkakahiga at umupo ito na hawak ang kanyang nasugatang dibdib. "Hindi na kailangan Gethro, i'm okay now. I need to rest at least two to three days to gain my strength and to heal the wound. Just be sure na sa loob ng mga araw na iyon ay walang ibang papasok dito sa loob maliban lang saiyo at sa lotang magdadala sa akin ng pagkain at inumin."

Tumango si Gethro at yumukod. "Masusunod po Kamahalan."

          "Gethro si Arvic nasaan siya?" tanong ni Quillon kay Gethro.

          "Marahil po ay nasa loob po ng kanyang silid. Panigurado po na masama ang loob po niya sa akin dahil sa hindi ko pa siya pinapayagang pumasok dito." tugon niya sa kanyang alpha. "Ipagpaumanhin po ninyo Kamahalan ayoko lamang po kasing magambala ang oras na ginugugol ni Xyrix dito para mabawi po nin---"

          Bumuntong hininga si Quillon bago tumingin ng diretso sa kanyang beta. "Hindi si Xyrix ang nakatakdang mate ko, Gethro kundi si Arvic. Lingid sa kaalaman ninyo pumupunta siya dito sa  oras ng pahinga ninyong lahat. Alam ko iyon dahil ramdam ko siya. Siya ang dahilan kung bakit madali akong naka-recover."

          "Papaano po kayong nakasisiguro na si Arvic ang ang mate po ninyo, kamahalan?" nagtatakang tanong ni Gethro sa kanyang alpha.

          "Dahil nararamdaman ko kung ano ang nararamdaman niya." simpleng sagot nito kay Gethro.

          "Kung si Arvic po ang mate ninyo wala na pong dahilan para papuntahin ko pa po si Xyrix dito. Alam na po ba ni Arvic na kayo po ang mate niya?" tanong niya kay Quillon.

         "Alam niya dahil parehas ko nararamdaman niya rin ako. So for now, i want to rest. Pahatiran mo na lamang ako ng makakain para sa pag gising ko ay kakain ako. Si Arvic huwag ninyong pababayaan." bilin niya kay Gethro.

          "Masusunod po kamahalan, papaalisin ko na po ang mga deltang nagbabantay dito sa kwarto maging ang Salutary na nakaantabay po sa inyo." yumukod ito at tumalikod.

          Gayang ng inutos ni Quillon walang ibang naiwan sa loob ng kwarto kundi siya lamang. Nakaramdam siya ng kapayapaan ngayon na alam niyang malaya nang makakapunta si Arvic sa kanya anumang oras pero sa pagkakataong ito hindi na muna niya ipapaalam na okay na siya ngayon. Kailangan na muna niyang makabawi ng lakas bago niya harapin si Arvic.

          Kinagabihan, pagpasok ni Gethro sa loob ng kwarto ni Quillon upang asikasuhin ang pagkain nito ay tinanong niya si Gethro kung nasa loob pa rin ba ng kanyang kwarto si Arvic.

         "Opo kamahalan, sa katunayan nang hatiran siya kanina ng pagkain ay nakaligo na ito at naghahanda na sana sa kanyang pagtulog. Binilinan ko lamang po na kumain na muna bago matulog dahil kukunin rin kako ng ating lota ang kanyang pinagkainan na kanya namang sinunod."   tugon ni Gethro habang inihahanda niya ang kakainin ng kanyang kamahalan.

          "Good to hear that. Matulog ka na rin Gethro i know how stressful these past few days. You need to energize too." utos ni Quillon matapos niyang umpisahang kainin ang pagkaing inihain sa kanya.

          Nang makatapos sa pagkain si Quillon inalalayan siya ni Gethro na pumunta sa bathroom para makapaglinis ng katawan bago matulog.

          Paglabas ni Quillon sa banyo ay suot na niya ang kanyang malinis na ternong pantulog. Nalinisan na rin ni Gethro ang kanyang sugat at nakainom na rin ng gamot.

          "Lalabas na po ako kamahalan, tawagan ninyo lamang po ako sa phone kapag may kailangan po kayo." paalam ni Gethro sa kanyang kamahalan.

          Tumango si Quillon at tinapik ang balikat ng kanyang beta. "Salamat Gethro, makakapagpahinga ka na. Bukas na lang tayo magkita ng agahan."

ILANG ORAS din ang nakalipas simula ng lumabas si Gethro sa loob ng kwarto ni Quillon ay nanatili pa ring gising ang alpha. Tila hindi ito mapakali sa kanyang higaan at natutulala kung minsan.

          Sa mga sandaling yaon okupado ni Arvic ang isipan ni Quillon lalo na't paulit-ulit niyang naririnig ang sinabi sa kanya ni Arvic.

"I'll be back soon, my alpha. I want you to come in my room to wake me up by your kiss, so please help yourself to gain your strength."

          Walang anu-ano'y marahang tumayo si Quillon mula sa kanyang kama at hinugot ang robang nakasampay sa kanyang upuan at isinuot iyon bago lumabas ng kanyang silid.

          Hirap man ng kaunti sa kanyang paglalakad tinalunton niya ang pasilyo patungong Agony Room kung saan naroon ang silid ni Arvic.

          Dahan-dahang binuksan niya ang pinto at sinigurong hindi iyon maglilikha ng anumang ingay gayundin ang kanyang ginawa nang hawakan niya ang seradura ng pintuan ni Arvic.

          Pagpasok ni Quillon sa loob ng silid ni Arvic. Halos pumutok ang kanyang dibdib. Walang pagsidlan ang kanyang katuwaan at kasabikan ng mapagmasdan ni Quillon ang payapang mukha ni Arvic na kasalukuyang natutulog.

          Lumapit si Quillon sa kama ni Arvic at umupo ng marahan sa tabi nito at hinaplos niya ang pisngi ng omega. "Tila napakahimbing ng iyong pagtulog maging ang aking paghaplos ay 'di mo madama man lang, my love."

          Ngumiti ng pagkatamis si Quillon at dahan-dahang inilapit ang mukha nito kay Arvic. "Wake up my love, i' m here." sabay dampi ng kanyang labi sa labi ni Arvic.

          Ungol lamang ang naging ganti ni Arvic kay Quillon na tila nananaginip pa ito. Muling idiniin ni Quillon ang kanyang labi ng makita niyang umuwang ng bahagya ang labi ng kanyang omega at doon 'di na niya mapigilan na hindi halikan ito ng may halong pananabik.

"Hmm." tugon ni Arvic at dumilat ang mga mata nito.

          Nahagip ng kanyang paningin ang mukha ni Quillon na matamis na nakangiti sa kanya. "Did i wake you up my love?"

"Quillon!"


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C15
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous