Télécharger l’application
84.61% One More Night (MayWard) / Chapter 33: B2 Chapter 20

Chapitre 33: B2 Chapter 20

PAST

Dumiretso sila sa kitchen at pinaupo sya ni Edward sa kitchen counter.

Nanlaki ang mga mata nya ng biglang umpisahan ni Edward alisin ang butones ng suot na polo.

"Bushak! Anong ginagawa mo?"

Sa panic nya ay pumikit sya at tinakpan ang mukha nya.

Pigil ni Edward ang sarili nya na matawa.

He gently took off her hands covering her face.

"Look at me love..."

Dahan-dahan naman nagmulat ng mata si Dale.

Bumungad sa kanya ang malapad na dibdid ng asawa este yung wedding ring na iniwan nya.

Pumuwesto si Edward sa pagitan ng mga hita nya at inipit ang sarili nya.

Ang lapit na ng mga katawan nila sa isa't-isa.

"Will you accept this ring and become my wife again?"

Kitang-kita nya ang kaba sa mukha ni Edward.

PRESENT

Hawak ni Dale ang mikropono.

She looked at her husband and kids.

She can't help the tears that are starting to form in the corner of her eyes.

Sino ang mag-aakalang darating ang araw na ito?

PAST

Hindi nagsasalita si Dale.

Palipat-lipat ang tingin nya sa singsing at kay Edward.

Kinakapa nya ang nararamdaman kung talagang handa na nga ba syang isuot muli ang wedding ring nya.

Handa na ba syang maging Mrs. Dale Barber muli?

Sa bawat segundo na lumilipas ay tumitindi ang kaba ni Edward at unti-unting nawawala ang ngiti sa mga labi nya.

Baka dapat lumuhod sya!

Tama!

Dapat lumuhod sya.

Lumuhod nga sya.

Nagulat pa si Dale sa ginawa nya.

"Please say yes?"

PRESENT

"Good evening everyone! We are all gathered here today to celebrate...."

Hindi na natuloy ni Dale ang sasabihin nang makaramdam sya ng pagkahilo.

Napahigpit ang hawak nya sa kamay ng asawa.

Dali-daling ibinaba nito ang anak para maalalayan sya.

Sumenyas naman ito kay Trish para kunin ang mikropono.

"Ikaw na magtuloy Trish!"

Agad naman hinawakan ng mga magulang ni Dale ang kambal.

"Kami na bahala sa kambal! Take care of Dale!"

Binuhat na nya si Dale na maputla na.

Good thing he decided to book a suite for them.

Habang nasa elevator ay kinakabahan na sya.

Tuluyan na kasing hinimatay si Dale at kitang-kita nya ang pamumutla ng asawa.

"What happened love?" bulong nya rito.

Okay naman sya kanina.

PAST

Bago pa sumagot si Dale ay tumunog ang doorbell sa unit ni Edward.

Sunod-sunod.

"F*&k!" napamura na lang si Edward bago tumayo sa pagkakaluhod.

"Don't go anywhere, I'll be right back!"

Tumango lang si Dale.

Inis na tinungo ni Edward ang pinto.

Hindi na nag-abala si Edward na silipin kung sino ang nagdodoorbell basta binuksan na lang nya ang pinto.

Si Marco at Trish.

"Where's Dale?!? Dale!!! Dale!!!" sigaw ni Trish.

Nataranta naman si Dale ng marinig ang boses nito.

Lumapit sya sa pinto.

Agad na sinuri ni Trish si Dale.

"Are you ok? Buti na lang nakita sa cctv kung saan ka dinala! We were so worried!"

"Okay lang ako Trish! Hindi ako sasaktan ni Edward."

Tumingin si Trish kay Dale na para bang sinasabi na hindi sya naniniwala sa sinabi nito.

"Let's go!" yaya ni Trish at Marco sa kanya.

Nakaramdam naman ng lungkot si Edward.

Napabuntong-hininga na lang sya.

Pero hindi nagpatinag si Dale.

Tumabi sya kay Edward at hinawakan ang kamay nito.

Napatingin si Edward kay Dale.

Tumingin si Dale sa kanya.

Nagtatanong ang mga mata ni Edward.

"I'm staying here." mahinahon na sabi ni Dale kay Trish at Marco habang nakatitig sa kanya.

Ibig sabihin....

Bumaling si Dale sa dalawang kaibigan.

"Gagamutin ko muna yung mga sugat nya. Iwan nyo na ako rito."

PRESENT

Dahan-dahan nyang inilapag si Dale sa kama.

Akmang aalis sya ng maramdaman nyang humigpit ang hawak ni Dale sa kamay nya.

"Don't go! Dito ka lang, tabihan mo ako!" malambing na sabi nito habang nakapikit pa rin.

Agad naman umupo sa tabi nya ang asawa.


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C33
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous