Télécharger l’application
23.07% One More Night (MayWard) / Chapter 9: Chapter 8

Chapitre 9: Chapter 8

Flashback

"Hanggang ngayon ba hindi mo pa rin nagiging girlfriend si Dale? Aba kumilos-kilos ka naman Edward kung ayaw mong mawalan ng mamanahin! Sayang ang perang maipapasok ng pakikipagmerge ng business natin sa pamilya ni Dale!"

"Yun na nga lang ang gagawin mo hindi mo pa kaya?"

"Arrggh! Why can't you just let me do things my way?" sigaw ni Edward sa isip pagkatapos makausap ang ama.

Nakita nya si Dale at Lexie na magkasama.

Malapit na ang Grad Ball nila at yayayain nya sana si Dale.

Lumapit sya sa magkaibigan.

Nakatingin sya kay Dale.

Habang nakatingin kay Dale...

"Will you be my date for the Grad Ball....

Lexie?" sabay baling nya kay Lexie at abot ng isang white rose.

Halatang nagulat si Lexie sa ginawa nya.

Umiwas ng tingin si Dale sa kanya.

Tumingin si Lexie kay Dale.

"Bes..."

Tumango si Dale.

Aware si Lexie sa feelings ni Dale para kay Edward.

Kaya nag-alangan syang tanggapin ang alok ng binata.

Hawak-hawak nya ang rose na bigay ni Edward.

Naglalakad na silang dalawa ni Dale papunta sa mga kotse nila.

"I can't accept this Dale! Ikaw dapat ang kasama nya."

Hinarap ni Dale si Lexie.

Kahit mahirap pinilit nyang ngumiti.

"Okay lang talaga sa akin Lex! At least alam kong mabuting babae ang kasama nya."

"And besides may kadate na rin naman ako sa ball." sabay kindat nya pa kay Lexie.

"OMG! Sino? Bakit hindi ko alam yan?"

Grad Ball

Escort ni Dale si Marco na bff nya na kararating lang galing Italy.

Kinailangan nya pang suhulan ang mokong para lang pumayag.

At si Edward....

Ayun kasama ang bff nya na si Lexie.

In fairness bagay sila!

"Pwe! Plastik mo Dale!" bulong ng isip nya.

Lumapit si Edward at Lexie sa pwesto nila Dale at kung sino man yung pangit na escort nito.

"Hindi mo man lang ba kami ipapakilala sa kadate mo Dale?" nakangisi na sabi ni Edward.

Hinapit ni Marco sa bewang si Dale.

"Marco, bro!" sabay lahad ng kamay nya kay Edward.

Hindi nakaligtas sa paningin ni Edward ang kamay ni Marco sa bewang ni Dale.

Edward gripped Marco's hand.

"Edward. And you're not my bro dahil only child ako."

Nang magbitaw sila ay tinanong nya si Dale.

"BF mo?"

Bago magsalita si Dale sumagot si Marco.

"Oo!"

Buong gabi na walang ginawa si Edward kung hindi ang tingnan lang si Dale at ang BF nito habang umiinom sya ng punch.

Malamang may naglagay ng hard drink sa punch kaya medyo tinatamaan na sya.

Sinusubukan syang kausapin ni Lexie pero hindi nya ito pinapansin.

"Selos ka?" tanong ni Lexie sa kanya.

Hindi sya kumibo.

"Bakit ba kasi ako ang niyaya mo eh obvious naman na si Dale ang gusto mo makasama?"

Lumagok sya ulit ng punch bago nagsalita.

Nakita nyang lumapit si Marco sa mukha ni Dale.

Is he going to kiss her?!?

"I like you!"

Saktong hinto ng music kaya rinig na rinig nila Dale ang sinabi ni Edward.

Napalingon sila ni Marco kay Edward.

"You like her?" tanong ni Marco na nakaturo kay Dale.

Nakatingin kasi ito kay Dale.

Umiling si Edward.

"No...her!" sabay hawak sa kamay ni Lexie.

"Kami na!"


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C9
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous