Télécharger l’application
78.57% The Spirit of Rihana / Chapter 11: Chapter 11

Chapitre 11: Chapter 11

Flashback

Isang gabi... nalaman ni Thea na mag isang nag eensayo sa paglangoy si Trevor tuwing Biyernes ng gabi sa swimming area ng boys school, kaya inabangan nya ito. Sumilip sya sa may bakod at nakita nya si Trevor na masigasig na nag eensayo. Umahon si Trevor sa pool at kitang kita ni Thea ang magandang pangangatawan nito at taglay na kakisigan nito. Napapakagat labi si Thea habang minamasdan ang mapupulang labi ni Trevor at nag aasam na maging kasintahan niya ito.

Di napigilan ni Thea ang sarili sa sobrang pag kaakit kay Trevor at naisip niyang ito na ang pagkakataon na makilala si Trevor, at doon ay nag oberdebakod siya at kaniyang nilapitan si Trevor. At lakas loob niyang binati ito.

"Hi Trevor!"

Napalingon sa kaniya si Trevor.

"Girl? Who are you, how did you het in here?" nagtatakang wika ni Trevor.

Tinuro ni Thea ang bakod at napalingon naman doon si Trevor,

"Ah Okay." Natatawang sabi ni Trevor at nagpunas ng tuwalya sa kaniyang basang buhok at nagbabadya ng umalis.

Ngunit, hinarangan sya ni Thea.

"Trevor wait, I like you!"

"Sorry, I'm taken!" Seryosong sabi ni Trevor.

"Totoo bang si Rihana ang girlfriend mo?" tanong ni Thea ngunit di sya sinagot at nilayuan sya nito. Ngunit hindi sya sumuko at nagbabalak pa rin nyang habulin si Trevor ngunit biglang napalingon sya sa bakod at laking gulat niya nang nakita si Riana na nag-oober de bakod at nang nakita nya ito ay nagtago agad sya.

"Ano ang ginagawa mo dito Rihana? Tingnan nga natin kung talagang boyfriend mo si Trevor?" Bulong ni Thea sa kaniyang loob.

Pagkababa ni Rihana sa bakod ay kaniyang tinawag si Trevor.

"Trevor, nandito na ako!" Masayang wika ni Rihana. At nang napalingon si Trevor ay sabik nitong nilapitan si Rihana. "Rihana!" Masayang wika ni Trevor.

Hinawakan ni Trevor ang kamay ni Rihana at naupo sila sa bench. Sumandal si Rihana sa matitipunong bisig ni Trevor. "Mahal na mahal kita Trevor, nag aalala ako na baka iwan mo ako,"

"I will not do that Rihana, I love you,"

"Marami ang naghahangad sayo Trevor,"

Hinaplos ni Trevor ang mahahabang mga buhok ni Rihana at nagkalapit ang kanilang mga labi at sila ay naghalikan.

Samantala…di makapaniwala si Thea sa kaniyang nasasaksihan. Nakita niyang sabik sila sa isa't isa at puno ito ng pagmamahalan. Binuhat ni Trevor si Rihana at masaya silang naglambingan sa tabi ng pool, nahiga sila at patuloy na naghalikan. Habang nakikita ito ni Thea ay nakaramdam sya ng matinding selos at sobrang insecure. Hindi matanggap ni Thea na nayayakap ni Rihana ang matitipunong bisig ni Trevor at nahahalikan ang mga labi nito, na matagal na niyang inaasam-asam.

Di na nakayanan ni Thea pagmasdan ang dalawa. At umalis siya ng may sama ng loob.

Sumunod na Biyernes ng gabi ay nagtungo muli si Thea sa may bakod at sinilip nya si Trevor, naisip niya kung nagustuhan nito si Rihana ay tiyak na mas magugustuhan sya nito, mas maganda sya kay Rihana at mas mayaman, hindi sya magpapatalo sa isang tulad lang ni Rihana. Habang minamasdan niya si Trevor ay lalo syang nakakaramdam ng matinding akit dito. At nang sasampa na sya sa bakod ay may narinig syang yabag. "Andyan na naman si Rihana, naunahan na naman ako!" Kaniyang sabi sa loob niya at agad syang nagtago sa likuran ng malaking puno. "Di ako makakapayag na mahalikan mo syang muli!" Bulong ni Thea sa loob niya habang nakikita nyang umaakyat ng bakod si Rihana, at dahil sa matinding selos, ay nilapitan nya ito at kaniyang sinaksak sa likuran, nahulog si Rihana mula sa bakod at napasadlak sa lupa. Nakadapa si Riana at di niya nakita kung sino ang sumaksak sa kaniya. At agad namang kinuha ni Thea ang suot nitong kuwintas, at sya ang nagpanggap na si Rihana, nilugay niya ang kaniyang mahahabang mga buhok mula sa pagkakusod ng mga ito at tinakpan ang kalahati ng kaniyang mukha ng kanyang mga buhok, at nag-ober debakod sya.

Medyo madilim sa paligid, isang poste ng ilaw lamang ang nakabukas. Nakita sya ni Trevor na suot ang kuwintas, at napagkamalan na sya si Rihana.

"Sa wakas mahahalikan na kita Trevor!" Nananabik na bulong niya.

"Rihana!" Masayang sambit ni Trevor.

Napangisi si Thea at nang nagkalapit sila ay agad niyang niyakap si Trevor at hinalikan niya agad ito sa labi. Di makapaniwala si Thea na nalalasap niya ang labi ni Trevor sa mga sandaling iyon, na matagal na niyang pinapangarap. Nagiging mapusok sa paghalik si Thea kay Trevor. "Rihana, your so aggressive this time, oh!" sambit ni Trevor ngunit wala pa rin tigil si Thea sa paghalik.

"Claim me Trevor I'm all yours!" Mapang-akit na wika ni Thea at buong puso naman syang niyakap ni Trevor at nahiga sila sa bench, patuloy silang naghahalikan.

Ngunit lingid sa kaalamanan nila ay nakatayo si Rihana sa kabilang bakod at nakita niya ang ginagawa ng dalawa, hindi nakikita ni Rihana kung sino yung kahalikan ni Trevor. "Tre-vor!" Nanghihinang sabi ni Rihana at di na niya naipagpatuloy umakyat dahil bumagsak na sya sa lupa.

Samantala… habang naghahalikan si Thea at Trevor ay biglang nag ring ang cellphone ni Trevor. "I need to go, I 'll see you again next week Rihana!" Wika ni Trevor. Ayaw pang papigil sa paghalik si Thea ngunit nagmadali ng umalis si Trevor. Matapos ang maikling pagtatagpo nilang iyon ni Trevor, ay nakaramdam ng sobrang saya si Thea, at nais nyang gawin ulit ito sa susunod na Biyernes ng gabi, magpapanggap syang muli na si Rihana para makapiling si Trevor. Masayang nagbalik ng bakod si Thea na puno ng saya sa kaniyang dibdib, hindi na niya naisip ang ginawa niya kay Rihana sa sobrang saya na nararamdaman. Pag-kaalpas ni Thea sa kabilang bakod ay nakita nyang gumagalaw pa si Rihana. "Kailangan mo ng mawala para wala ng makakapigil sa akin kay Trevor!" Hiyaw ni Thea at pinagsasaksak niya si Rihana hanggang nawalan na ito ng buhay, at kaniyang inilibing sa pwestong iyon gamit ang 'shovel' na nakita niya sa isang tabi. "Wala ng makakahadlang sa akin! Ako na ang nagmamay ari kay Trevor!" Humahalakhak na sambit ni Thea. Matapos mailibing ay nagmadali na itong umuwi.

Flashback end


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C11
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous