Télécharger l’application
95.49% My Beautiful ... Me / Chapter 424: Nanigas Si Mel

Chapitre 424: Nanigas Si Mel

"WAAAAAAAAAAHHH!!!!"

Nagulat ang lahat sa malakas na tiling iyon kaya lahat sila ay napasugod kung saan nagmula ang tili.

Si Matt na katutuntong pa lang ng mansyon, hindi alam ang gagawin, susunod ba sya o manananatili sa pwesto nya.

Pero sa huli sumunod din, curious kasi sya.

Si Nadine ang unang nakarating sa taas ng hagdan.

"Mel, anong nangyari?"

Agad tanong ni Nadine ng makita si Mel.

Pero hindi sya sinagot ni Mel. Nakatulala ito, nanlalaki ang mga mata at parang naninigas.

"Anong nangyari?"

Sunod, sunod silang dumating kaya sunod sunod din ang tanong na, 'Anong nangyari?'

Pero pare pareho silang nagulat ng madatnan nilang ganun si Mel.

'Jusmiyo, anong nangyari sa kanya bakit naninigas sya ng ganyan? May kapre ba sa loob?'

Tanong ng isip ni Matt.

Maingat nilang nilapitan si Mel para malaman kung bakit ganito ang naging reaksyon nito.

At ng malapit na sila mas lalo silang na shock kung saan ito nakatingin.

"Omeeegad!"

Juskupo!"

"Oh, Juskolord! Eunice ... "

Nanikip ang dibdib ni Nichole hindi ito makahinga ng makita ang anak.

"Kate...."

Nabalutan din ng takot si Nadine ng makita ang anak.

At pare pareho silang hindi alam ang gagawin kung papaano lalapitan ang magpinsan.

Nanginginig ang mga kamay ni Eunice, takot na takot, habang hawak sa kamay ang isang bomba!

Samantslang si Kate, nasa tabi ng pinsan nya, hawak ang kamay nito dahil baka maibagsak ni Eunice ang bomba.

Ayaw nya itong iwan, kahit takot na takot na sya.

At si Mel.... naninigas pa rin parang hindi namamalayan na may dumating.

Pati ang lahat ay naalarma din at baka mapahamak ang dalawang magpinsan kapag lumapit agad sila.

Si Gene ang unang humakbang papalapit sa mag pinsan at kinuha ang bomba sa kamay ni Eunice.

Pareho silang dalawa na nanghina ang tuhod at muntik ng bumagsak, buti na lang at nasalo sila ng mga mommy nila na agad sumugod para akapin sila.

"Mommy ... Mommy ... Huhuhu!"

Nanginginig pa rin sa takot si Eunice.

Inakap naman ng mahigpit ni Kate ang mommy nya.

Saka naman lumapit si Dong kay Gene para tingnan ang bomba. May alam kasi sya sa bomba, hindi lang agad ito nakalapit dahil sya ang unang dumating.

Pero si Mel .... naninigas pa rin, marahil ay sa sobrang shock.

At si Matt ....

'Juskolord, ayaw ko na po dito!'

Tumalikod ito para tumakbo pababa pero...

"Ops, ops, ops! Matt saan ka pupunta?"

Tanong ni Dong ng mapansing pumupuslit ito.

"Eh, Sir Dong, gusto ko na pong umuwi, quota na po ako sa death-defying thingy sa araw na ito, di na po kaya ng heart ko! Please po, utang na loob, pauwiin nyo na po ako!"

Pakiusap ni Matt.

"Uuwi ka? Hindi ka pwedeng umuwi, may shoot to kill order ako sa mga lalabas ng mansyon!"

Sabi ni Fidel.

'Juskolord!'

"Huwag kayong magalala, hindi naman delikado ang bombang ito.

Isa itong time bomb pero hindi naman gumagana kaya hindi ito basta basta puputok!"

Sabi ni Dong.

"Si-Sigurado ka?"

Tanong ni Fidel na hindi maikakailang natakot din ng makita ang bomba.

"Oo, pero saan nyo ito nakuha?"

Tanong ni Dong sa magpinsan.

Hindi pa rin makapagsalita si Eunice kaya si Kate ang nagsalita.

"Duon po sa may likod ng aparador, nakita ni Eunie. Hindi po nya alam kung ano yan kasi nakabalot po nung tela!"

"Sino naman ang magiiwan nito dito?"

Galit na sabi ni Edmund.

"Paano ito nakalusot sa higpit ng security?"

Tanong ni Fidel.

Tiningnan ni Dong ang pinanggalingan ng bomba.

"Mukhang matagal na ito dito, may alikabok na ang telang pinantakip, pati ang tape na ginamit na pandikit. Sa tingin ko may sampung taon na ang ito dito o higit pa!"

Sabi ni Dong.

Nagkatinginan si Fidel at si AJ.

"Si Leon..."

"Ano yun, Fidel?"

"Si Leon ang huling tumira dito, hindi kaya, sya din ang may gawa nyan?"

"Bakit naman sya magtatanim ng bomba dito kung dito sya nakatira?"

Natahimik ang lahat nagiisip habang si Matt ay nilapitan si Mel at pilit inaalam kung bakit hindi pa rin ito kumikilos.

'Nanigas na ba sya ng tuluyan?'

Sinundan nito ang isang paa ni Mel na nakapasok sa loob ng isang butas at sinilip nya kung ano ang tinatapakan nito.

"O. M. G.! AAAAAHHH! AAAAAHHH!!!"

Tili ni Matt na patakbong lumayo kay Mel pero hindi alam kung saan pupunta dahil nakaharang ang lahat sa kanya

"Bakit ka ba tumitili dyan?"

"Duon, s-sa paa nya! Duon, tingnan nyo!"

Melabs...!"

Nagaalalang sigaw ni Kate.

Umiling si Mel ng makitang gusto sya lapitan ni Kate.

"H-Hwag, please, Kate MyLabs, dyan ka lang!"

Pinigilan ni Nadine ang anak.

Si AJ at Edmund ang lumapit kay Mel at tiningnan ang tinatapakan ng paa nito.

"Bomba! May isa pa dito!"

Sabi ni Edmund.

Agad na lumapit si Dong para matingnan.

"Mel, kailangan mong alisin ang paa mo para makita ko ang kabuuan ng bomba!"

Nagaalinlangan si Mel.

Dahan dahan inalis ni Dong ang mga paa nito sa butas, tapos ay inalalayan naman sya ni AJ palayo sa bomba.

"Tama ang kutob ko, magkapareho lang sila nung nauna!"

Sabi ni Dong.

"Pero ang nakapagtataka bakit may mga bomba dito? Alangan naman dahil may gustong sumabotahe sa party, eh puros alikabok na itong bomba?"

Sabi ni Edmund.

"Obviously matagal ng nakalagay ang mga ito dito sa bahay at malakas ang pakiramdam kong hindi lang ito dalawa, tyak meron pang iba!"

Sabi ni Gene.

"Mukha pong kailangan na natin lumikas at ilipat ang venue ng party!"

Sabi ni AJ.

Bakit iho?"

Tinuro nya ang bomba, gumagana na ang timer nito.

*****

Samantala.

Paluwas na ng Maynila si Cong. Mendes pero nagtataka sya bakit hindi sila umuusad.

"Sendong, kanina pa tayo dito, bakit ba ang tagal mo naman?"

"Boss, may checkpoint po!"

"Pwes, iwasan mo! Duon ka dumaan sa walang checkpoint! Walang dapat makaalam na andito ako, kaya kailangan kong makarating ng Maynila agad!"

'Jusko naman itong si amo ko, pahihirapan pa ako, pwede naman nyang gamitin ang pagiging congressman nya para madali kaming makalusot!'

'Paano kami kaagad makakarating ng Maynila nito kung sa looban kami dadaan?'

Pero ang tanong, makarating nga kaya ng Maynila si Cong. Mendes kung sya ang dahilan kaya may checkpoint?


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C424
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous