Télécharger l’application
87.69% The More You Hate, The More You Love / Chapter 57: Chapter 57

Chapitre 57: Chapter 57

You are So Beautiful

You're so beautiful to me because

I've seen in you a true kindness

and love held in so few.

I've seen the beautiful woman you are,

inside and out you carry an Angelic heart.

You've always wanted the best and I've

see you reach out to help even those

who didn't deserve a single ounce.

You've brought out the best in me and

helped me want to become a much better man.

With you I want to marry and have a partner

through life and make a family with my special Queen.

A family I can and will love with the woman most supreme.

You're so beautiful because I love you so much,

people have hurt and degraded you

so you don't even see your own beauty

and realize how it's touched.

Your beauty is immense shining above theirs,

let me help you remember and show

the world how precious you are.

You're so beautiful and I mean that so deep,

if it weren't for you I'd be totally lost

and where I'd be I don't have a clue.

So now in your heart that your beauty is true.

Inside and out and that's just one of

the millions of reasons I so deeply love you.

- Michael P. McParland -

Habang pinagmamasdan ni Nico ang natutulog na dalaga ay hindi maalis sa kanyang mukha ang isang napakatamis na ngiti. Hindi siya makapaniwala na ang magandang fashion designer ay girlfriend niya na ngayon. Naunahan lang siya nito pero may balak na talaga siyang magtapat sa dalaga ng kanyang nararamdaman. Blessing in disguise na din dahil kahit papaano ay may naging positive effect ang pagkakasaksak sa dalaga. Naging seryoso ang mukha niya ng maalala ang nangyari kay Hayley. Kailangan sa madaling panahon ay mahuli na nila ang suspect. Ngayon ay alam na nila na babae ang primary suspect nila. Tiyak naman na ginagawa nila Levi ang lahat para malaman kung sino ang sumaksak sa dalaga noong gabi. Muling pinagmasdan ng binata ang mukha ng dalagang katabi at muli ay kusa na naman ngumiti ang kanyang mga labi.

"Baka naman matunaw na si Hayley niyan." Nagulat si Nico sa nagsalita at ng makita niya kung sino ay umikot ang kanyang mga mata. "Napaka-aga niyo namang mambulahaw." Mahinang sabi ni Nico para iwasan na magising ang dalaga. "Siyempre, nasa lobby lang naman kami." Sabi ni Landon. "Hindi kayo umuwi?" Takang tanong ni Nico sa mga kaibigan. "Umuwi pero para sunduin lang sila Quinn. Nasa baba lang sila at bumibili ng breakfast." Sagot ni Dashiell. "Okay naman na siya. Nandiyan naman ang iba kaya pwede na kayong umuwi at makapagpahinga." Sabi ni Nico. "At ng masolo mo na ang girlfriend mo." Nakangising sabi ni Landon.

"Hayley!!!" Nagulat ang tatlong lalaki sa tili ni Quinn. Si Hayley naman ay nagulat din kaya sumiksik siya sa dibdib ng binata. "Sorry, sorry." Biglang sabi ni Quinn ng makitang nagising niya ang kaibigan pero bigla din siyang nangiti sa position ng dalawa. "Ang aga-aga naman niyang PDA n'yong magjowa." Panunuksong sabi ni Ashley. "Oo nga, 'wag naman kayong ganyan, nakakainggit." Dugtong pa ni Lily. Sabay na tumingin si Nico at Hayley kila Dashiell at Landon. Nag-peace sign si Landon kaya alam na ng dalawa na ito ang nagsabi sa iba ng kanilang relasyon.

"Gusto mong mag-CR?" Malambing na tanong ni Nico at tumango naman ang dalaga dahil kailangan din niyang umihi, maghilamos at magtoothbrush. "Okay lang ba sila na lang ang sumama sa akin? Gusto ko din kasing magbihis." Tanong ni Hayley. Gusto mang humindi ni Nico ay tumango na din siya dahil alam niya na mahihiya sa kanya ang dalaga kahit ba sabihin na girlfriend niya na ito. Dali-daling tumayo ang tatlo at tinulungan si Hayley at dumiretso na sila sa CR.

"Start!" Sabi ni Ashley. "Pwede bang mamaya na pagkaayos ko?" Sabi ni Hayley. "Fine, bilisan mo." Sabi ni Lily. "Oo nga, mas nauna pa nalaman ng boys na kayo na bago kami." Kunyaring pagtatampo ni Quinn. "hgikudfkueyfiudgcdjjhg" Sabi ni Hayley habang nagtotoothbrush. "Ano?" Sabay na sabi ng tatlo. "Ang sabi ko sila kasi ang nandito kagabi kaya nalaman nila agad." Sagot ni Hayley. "Wwwhhhaaattt?" Sabay ulit na sabi ng tatlo na dinig ng tatlong lalaki sa labas kaya nangiti ang mga ito dahil alam nila na nasa hot seat si Hayley.

"You mean kagabi lang?" Tanong ni Ashley. Tumango naman si Hayley kahit puno na sabon ang mukha. "Pero tulog na tulog ka kagabi nung umalis kami." Sabi naman ni Lily. "Hindi ko alam kung kagabi o kaninang madaling araw." Sagot naman ni Hayley. "Paano nangyari? Umamin ba siya sa'yo?" Tanong ni Quinn. Namula si Hayley dahil ang totoo ay siya ang umamin sa binata. "Wait, wait, don't tell me ikaw ang nauna!?" Tanong ni Ashley at nanlaki ang mga mata nila ng tumango si Hayley.

"Hayley Acosta!?" Sabay na sabi ng tatlo na nadinig na naman ng mga lalaki sa labas. Tumayo si Nico pero pinigilan siya ni Dashiell. "Hayaan mo lang sila Dre. Baka magalit pa ang mga iyan sa iyo kapag inistorbo mo sila sa kanilang Project Interrogation." Nakangiting sabi ni Dashiell.

"Ganyan ba kita pinalaki?" Sabi ni Ashley. "Tinuruan ka namin ng magandang asal, bakit nagawa mo sa amin 'to?" Natatawa si Hayley at Quinn sa drama ng dalawang dalaga. "Sorry po mga lola pero hindi ko napigilan ang sarili ko dahil ang akala ko ay mamamatay na ako." Biglang nagseryoso ang tatlong babaeng nasa harap ni Hayley. "Don't you ever say that again!" Sabi ni Quinn. "Sorry, akala ko lang talaga..." Hindi naituloy ni Hayley ang sasabihin dahil kinurot siya ni Ashley sa pisngi. "Aray!" Sabi ni Hayley sabay himas sa pisngi. "Ang importante ngayon ay okay ka na." Sabi ni Ashley. "Shit!" Sabi ni Lily na nakatingin sa tagiliran niya. "Dugo!" Sigaw ni Ashley. Bigla naman bumukas ang pinto at maingat na binuhat ni Nico si Hayley pabalik sa kama. Tinawag naman agad ni Landon ang nurse at maya maya lang ay nakasunod na dito ang doctor na tumahi sa sugat ni Hayley.

"Mrs. Bermudez, you need to be careful, wala man tinamaan na vital organs ang saksak pero malalim ito. Kapag nastretch ay maaring magdugo." Sabi ng doctor. "For now, avoid doing things na pwedeng maka-affect sa sugat. Pwede kang tumayo pero try not to move quickly." Walang natandaan si Hayley sa sinabi ng doctor sa kanya. Ang nag-stay lang at paulit-ulit na nag-echo sa utak niya ay ang unang sinabi nito. "Mrs. Bermudez?" Ulit ni Hayley. "Okay Doc, thank you, I'll inform you na lang if we need things from you." Sabi ni Nico. "Okay, Mr. Bermudez, please take good care of your wife." Sabay-sabay na tumingin ang magkakaibigan kay Nico ng makaalis na ang doctor at nurse.

"Hehehe, I can explain everything." Sabi ni Nico. Bigla naman bumukas ang pinto at pumasok sila Levi at Holden. "Well, Levi and I can explain." Sabi ni Nico. Bigla naman tinuro ni Levi ang sarili at nagtaka sa sinabi ng kaibigan.


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C57
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous