"I love you more than yesterday but less than tomorrow."
"You are the greatest, greatest woman I know."
"You make me the happiest person alive."
"There isn't anyone else who could do a better job
of raising our children than you."
"I love everything there is to love about you."
Pagpasok na pagpasok ni Hayley sa loob ng unit ay napasandal siya sa likod ng pintuan. "My gosh, I loved his kisses." Bulong ni Hayley sa sarili at alam niyang namumula ang kanyang mukha. "Hayley!" Sabi ng dalaga at tinapik tapik ang mukha pagkatapos ay nagbuntong-hininga. "Don't mix business with pleasure, okay?" Kausap ni Hayley sa sarili. Huminga ng malalim ang dalaga saka naglakad papunta sa sariling kwarto. "Tomorrow is a new day. Madami kang gagawin so focus." Muling paalala ni Hayley sa sarili habang nakaharap sa salamin.
Sa kabilang unit...
"Damn! Halik lang 'yun, dude. Bakit ganyan ka makareact?" Sabi ni Nico na nakatingin sa ibabang bahagi ng kanyang katawan. "And worst, she thought it was a mistake. Why?" Muling bulong ni Nico na hinilamos ang kamay sa kanyang mukha. Kailangan niya ng mahaba-habang cold shower as in literal na malamig na tubig. Hindi niya alam kung saan nanggagaling ang init na nararamdaman niya, kung sa alak ba na ininom nila Dashiell at Landon o ang nangyaring halikan sa pagitan nila ni Hayley kani-kanilang lang.
Kinabukasan...
"Morning!" Bati ni Hayley sa bagong gising na sila Ashley at Lily. "Morning, aga mo naman yata." Ganting bati ni Ashley. Maaga talagang bumangon si Hayley dahil hindi naman siya nakatulog talaga ng maayos. Kaysa pilitin pa niya ang sarili na umidlip ay mas minabuti na lang niya na bumangon na para hindi din sumakit ang kanyang ulo. "Sa dami ng iniisip ko ngayon, hindi agad ako dinalaw ng antok kagabi." Pagsisinungaling ni Hayley dahil isa lang naman talaga ang gumulo sa isipan niya sa nagdaang gabi. "Huwag mo ng alalahanin ang mga models at si Leandra. Just finish your designs for Dashiell and Quinn's wedding." Sabi ni Lily. "Yeah, kami ng bahala sa runway." Sabi ni Ashley. "Thanks, girls. Tapos naman na ako sa buong entourage, 'yung sa Maid of Honor na lang. Sabi kasi ni Quinn manggagaling pa daw sa States 'yung friend niya." Sabi ni Hayley. "So, ano pa'ng gumugulo sa isip mo eh almost done naman pala lahat." Takang tanong ni Lily. "Ha? Ah, eh, alam n'yo na, fashion show, wedding tapos PA thing." Paliwanag ni Hayley na iniwasang mautal para hindi makahalata ang dalawang kaibigan. "Matatapos din lahat 'yan and after, let's have a vacation." Sabi ni Ashley. "Oo nga, last year pa 'yung last gala natin." Sabi ni Lily. "Okay, mukhang kailangan ko nga ng bakasyon." Sabi ni Hayley.
"Hello, girls." Bungad ni Nico paglabas ng tatlong dalaga mula sa unit nila. "Hello, handsome." Bati ni Ashley pero siniko siya ni Lily. "Sorry, Mr. President." Bawi agad ni Ashley. "It's okay, wala naman tayo sa Kleid." Nakangiting sabi ni Nico na tumingin kay Hayley na umiwas naman ng tingin sa kanya. "I'm wondering if it's okay with you kung makikisabay ako sa inyo going to Kleid. Coding kasi yung sasakyan ko." Tanong ni Nico. "Sure, sure, no problem." Sagot agad ni Ashley. "Okay lang ba, Ley?" Baling ni Nico kay Hayley na pilit na itinatago ang sarili sa dalawang kaibigan. "Ha? Ah, eh." Gustong batukan ni Hayley ang sarili dahil sa hindi niya alam kung ano'ng sasabihin. Gusto niya'ng tanggihan si Nico pero paano niya sasabihin. "Okay lang 'yan kay Ley, 'di ba girl?" Si Lily na ang sumaagot. Walang nagawa si Hayley kungdi ang tumango.
Habang pababa sila sa building ay hindi maiwasan ni Hayley ang mag-isip. "Parang walang nangyari sa amin kagabi kung makaasta 'tong lalaking 'to ah." Sabi ni Hayley sa sarili. "Ako lang ba talaga ang apektado? Bakit? Kasi usual na sa kanya ang makipaghalikan sa iba't ibang babae?" Muling kausap ni Hayley sa sarili. "Ley!" Hindi namalayan ng dalaga na nasa ibabang floor na pala sila kaya nagulat siya ng tawagin siya ni Lily na nasa labas na ng elevator at iniintay na siyang lumabas mula dito.
"Mabuti pa Nico ikaw na ang magdrive, wala sa sarili itong babaeng 'to. Gusto ko pang maglakad sa runway ng matagal-tagal pa." Nakangiting sabi ni Ashley. "Sure, no problem." Sagot ni Nico at inilahad ang kamay para hingin ang susi sa dalaga. "Kaya ko namang magdrive, may iniisip lang ako kanina." Sabi ni Hayley pero hindi na nadinig ng dalawa niyang kaibigan ang sinabi dahil naglakad na ang mga ito papunta sa FJ Cruiser niya. "Iniisip gaya ng?" Nakangising tanong ni Nico. "None of your business." Mataray na sagot ni Hayley. Lumapit si Nico kay Hayley kaya napaatras ang dalaga. Natawa si Nico ng makitang tinakpan ni Hayley ang bibig niya. "I won't kiss you here but I really enjoyed your lips last night." Bulong ni Nico sabay kuha ng susi sa kamay ng dalaga. Namula ng husto si Hayley sa nadinig mula sa binata. "And I don't think it was a mistake because we both enjoyed it." Sabi ni Nico sabay kindat sa dalaga "Pervert!" Sabi ni Hayley. "Thank you." Sagot ni Nico na nakatalikod na sa kanya. Gustong ibato ni Hayley ang sapatos niya sa binata pero nagsimula ng dumami ang mga tao sa parking lot kaya inis siyang sumunod sa binata papunta sa kanyang sasakyan.
Gaya ng gusto ni Nico, ang opisina niya ay katabi ng opisina ni Hayley. Inikot ni Nico ang mata sa loob ng kwarto at nakita naman ni Hayley na satisfied ang binata sa designs nito. Umupo na ito sa kanyang swivel chair at pagkatapos ay hinarap si Hayley. "Hire a male secretary for me." Biglang umaliwalas ang mukha ni Hayley dahilan para ngumisi ang binata. "Huwag ka munang magsaya, you're still my PA." Sabi ni Nico na nagpakunot sa noo ng dalaga. "Bakit kailangan mo pa ng PA kung magkakaroon ka naman ng secretary?" Tanong ni Hayley. "He'll be on paper works, you'll accompany to my meetings out of town and out of the country." Sagot ni Nico. "Mr... Nico." Tinama agad ni Hayley ang tawag niya sa binata dahil tumingin agad sa kanya si Nico na nakataas ang kilay. "I don't think na papayag si Tito Leo pati ang Board sa gusto mo. Yes, financially stable ang Kleid but it's not enough reason para mag-hire ka ng Secretary at PA at the same time." Sabi ni Hayley. Tumayo si Nico dahilan para maalarma si Hayley pero nakahinga siya ng maluwag ng hindi naman ito umalis sa kanyang lamesa. "Kleid will pay my secretary and I will be the one to pay you." Sabi ni Nico. "But, Nico..." Hindi natapos ni Hayley ang sasabihin ng magsalita si Nico. "I'm the President of this company and I'm your Boss. You will obey me or you wanna try my punishment for not obeying me?" Sabi ni Nico na may makahulugang ngiti sa kanyang gwapong mukha. "Fine!" Inis na sagot ni Hayley. "Good girl." Sabi ni Nico.
Inis na lumabas si Hayley sa opisina ni Nico at dumiretso sa kanyang sariling opisina. Iniangat ang intercom at pinindot ang number ng HR Department. "Sarah, Ley here." Sabi ni Hayley. "Yes Ley, what can I do for you?" Tanong ni Sarah. "May mga applicants tayo for secretarial position, right?" Tanong ni Hayley. "Yeah. Why?" Tanong ni Sarah. "Please give me their resumes particularly the male applicants, I need it asap." Sabi ni Hayley. "Okay, give me ten minutes to retrieve them. Hope you don't mind me asking pero para kanino ang bagong secretary? Don't tell me it's yours because you've asked for males." Nakatawang tanong ni Sarah. "Loka, it's not mine. It's for our new President." Sagot ni Hayley. "For him? Bakit? Balita is ikaw ang PA niya, why need for a secretary eh tiyak namang magiging magaling kang PA." Sabi ni Sarah. "Thanks for the compliment, girl, pero hindi ko din alam kung ano'ng dahilan niya. Baka wala siyang mapagdalhan ng pera niya kaya gustong gastusin sa walang kwentang bagay." Ramdam ni Sarah ang inis sa boses ni Hayley. "Hayaan mo na siya sa gusto niya. Tiyak namang valid ang reason niya to hire you and another one. Anyways, dadalin ko na lang diyan ang mga resumes. Gusto ko din naman masilayan ulit ang gwapo nating President." Sabi ni Sarah pagkatapos ay binaba na ang intercom.
Habang inaantay si Sarah ay naisipang ayusin ni Hayley ang gamit niya. Ihahanda na niya ang sarili kung sakali at talagang siya na ang magiging PA ng binata. Mahirap makipagsapalaran lalo at trabaho ng mga models ng Kleid at ni Leandra ang nakakasalalay. 'Di baleng siya na lang ang magsakrispisyo kesa sa kanila. Inuna niya munang ayusin ang lamesa niya, itinapon ang hindi na kailangan at itinabi ang mahahalaga. Isusunod na dapat niya ang mahabang lamesa kung saan siya gumagawa ng designs pero kumatok na si Sarah sa pinto niya.
"Here it is." Sabi ni Sarah. "Salamat ng madami." Nakangiting sabi ni Hayley. "Well, baka naman, alam mo na." Nakangising sabi ni Sarah. Natawa si Hayley sa dalaga dahil naintindihan niya ang ibig ipahiwatig nito. Kinatok niya ang connecting door at ng magsalita si Nico ng, "Yes, Ley?" at pumasok na silang dalawa sa opisina ng binata.
"Here are the male applicants fitted for the secretarial position. Sarah retrieved them for you." Sabi ni Hayley. "Thank you, Sarah." Nakangiting sabi ni Nico. Kulang na lang ay himatayin si Sarah sa kilig. "You're always welcome, Mr. President." Sabi ni Sarah na may malawak na ngiti sa kanyang mukha. "I'll inform you kapag nakapili na ako sa kanila. You may go back to your work." Sabi ni Nico. "Okay, Mr. President." Sagot ni Sarah at lumabas na ng opisina ng binata na masayang-masaya.
"Just call me if you need something." Sabi ni Hayley at naglakad na pabalik sa opisina niya. "I need you." Sabi ni Nico na dahilan para biglang lumingon ang dalaga at nakita niya ang makahulugang ngisi ni Nico. "What!?" Inis na tanong ng dalaga. "I need you to help me decide kung sino sa mga ito ang i-hire ko. What are you thinking, Ley?" Nakangising tanong ni Nico na nagpaikot sa mata ni Hayley. Lumakad pabalik sa table ni Nico ang dalaga. "Give me that." Hingi ni Hayley sa mga resumes na hawak ni Nico. Umupo si Hayley at binasa ng mabuti ang bawat details ng mga applicants.
"I think these two are suitable for the position." Sabi ni Hayley sabay angat ng paningin sa binata pero wala ito sa upuan nito. Lumingon siya sa gilid niya at nagulat siya ng halos isang dangkal na lang ang pagitan ng mga mukha nila. Para na namang gustong lumabas ng puso ni Hayley sa dibdib niya kagaya kagabi. "You're saying?" Sabi ni Nico na nakatingin sa mga mata ng dalaga. "Ahm, ah, t...these t...two ah... will you move away!" Sabi ni Hayley sabay tulak sa binata. Natawa si Nico. "I like it when you're blushing." Sabi ni Nico. "Nico, please be serious." Sabi ni Hayley. "I'm serious, Ley." Sabi ni Nico at bumalik na sa kanyang swivel chair kaya nakahinga ng maluwag si Hayley.
"Just infrom Sarah kung sino ang choice mo sa dalawang 'yan and she will do the rest." Sabi ni Hayley sabay tayo mula sa upuan. Bago niya mabuksan ang connecting door ay nagsalita si Nico. "Let's have lunch together." Sabi nito. Tatangi sana si Hayley pero nagsalita muli ang binata. "And I would not take a NO for an answer." Sabi ng binata. "Fine!" Sagot ni Hayley sabay sarado ng connecting door.