Télécharger l’application
24.61% The More You Hate, The More You Love / Chapter 16: Chapter 16

Chapitre 16: Chapter 16

"You are the first thing I think about when I wake up,

and the last thing I think about before I fall asleep."

"I would travel thousands of miles to be with you."

"You complete me."

"You make me a better person just knowing you."

"If I had to do it all over again, I would always choose you."

"I love that I can be myself with you."

"You are my source of strenght."

"Whenever I'm with you I feel like I am home."

"I'm the luckiest person alive knowing that you're mine forever."

"You always know exactly what to do to make me laugh even when I'm upset."

"Ha'ay..." Buntong hininga ni Hayley. "Isa pa!" Inis na sabi ni Ashley. Nasa condo na sila at kumakain ng dinner. Nagtake-out na lang sila ng pagkain dahil sinabi ni Hayley na wala siya sa mood magluto.

"Ano ba'ng problema? Kanina ka pa buntong-hininga ng buntong-hininga." Sabi ni Lily. "Wala." Matamlay na sagot ni Hayley. "Ako nga ay tigil-tigilan mo lang Hayley! Ano'ng nangyari kanina?" Inis na tanong ni Ashley. Walang nagawa si Hayley kungdi sabihin sa dalawang kaibigan ang nagpag-usapan nila ni Nico. Hindi siya titigilan ng dalawa hanggang hindi niya sinasabi ang dahilan kung bakit siya wala sa mood.

"Actually, hindi naman problema 'yan." Sabi ni Lily. "Korek, kaya mo naman i-manage ang time mo." Sabi ni Ashley. "Akala ko naman makakakita ako ng kakampi sa inyo." Kunyaring pagtatampo ni Hayley. "Look girl, come out from your shell. I mean being a designer is, well your forte but trying something new is not bad." Sabi ni Lily. "Besides, sa Kleid ka pa din naman mag-work and under the new President pa who's really hot and sexy." Malanding sabi ni Ashley na ikinaikot ng mata ni Hayley. "Try mo lang then, kapag nahirapan ka, tell him." Sabi ni Lily. Magsasalita pa sana si Hayley pero hindi niya naituloy dahil may kumatok na sa pinto. Si Ashley ang tumayo para buksan ito.

"Hi!" Bati ni Quinn pagkabukas ng pinto ni Ashley. "Hey, what brings you here?" Tanong ni Ashley. "Well, the boys are over there at na-out of place ako sa kanila so I decided to join you guys that's if it's okay with you." Sabi ni Quinn. "Yes, it is. Come in." Sabi ni Ashley at niluwangan ang pagkakabukas ng pinto para makapasok si Quinn.

"Hello, mind if I join your dinner? I brought your favorite." Nakangiting sabi ni Quinn pagkakita kila Hayley at Lily. "Tara, and thank you." Sabi ni Hayley na agad kinuha ang box ng sylvannas bago pa maabot ni Lily. "Hey! Magshare ka naman!" Sabi ni Ashley na inaagaw ang box kay Hayley. "This is mine and only mine." Sabi ni Hayley. "Ganoon ha?" Sabi ni Lily sabay hawak sa dalawang braso ni Hayley. "Ash!" Sabi ni Lily at kinuha ni Ashley ang box.

"Wow! This is yummy, Quinn." Sabi ni Ashley. "Thanks!" Nakangiting sabi ni Quinn. "Yeah, turo mo naman sa akin paano gumawa nito." Sabi ni Lily. "As if my time ka pa para mag-aral n'yan." Sabi ni Hayley. "Yeah, after ng fashion show." Sagot naman ni Lily. "Sure, basta wala akong shoot." Sagot naman ni Quinn.

"Talagang siya ang gusto mo'ng maging PA, Bro?" Tanong ni Dashiell kay Nico ng ikwento nito ang napag-usapan nila ni Hayley. Tumango naman ang binata. "Why? Ah, sabagay, no need to question that." Nakangising sabi ni Landon. "Paano kung mahirapan siya na pagsabayin ang pagiging designer ng Kleid and ang pagiging PA mo?" Tanong ni Dashiell. "I'll still hire a secretary." Sagot ni Nico. "So, ano pa ang gagawin ni Hayley if you have your secretary?" Tanong ni Landon. "Stay inside my office, have a chitchat with me, eat with me, anything under the sun." Sagot ni Nico. "Wow, Bro, girlfriend ang hinahanap mo at hindi PA." Sabi ni Dashiell. "Maybe." Maikling sagot ni Nico. "Eh bakit hindi mo na lang ligawan?" Tanong ni Landon. "You knew that I don't believe in courtship." Sagot ni Nico. "Yeah o baka natatakot ka lang na ma-basted agad." Sabi ni Dashiell. "If you like the girl and the girl likes you, what's the use of courting? It's just a waste of time." Sabi ni Nico. "Well, you had a point but, what if naniniwala si Hayley sa courtship?" Tanong ni Landon. "I like her." Sagot ni Nico. "Does she likes you?" Tanong ni Dashiell. "That's for me to find out." Sabi ni Nico.

"Girls, thanks for tonight. I really enjoyed talking with you." Sabi ni Quinn. "Your always welcome here." Sabi ni Hayley. "Yeah basta laging may sylvannas." Sabi ni Ashley at nagkatawanan sila. Binuksan ni Lily ang pinto sabay ng pagbubukas din ni Landon ng pinto ng condo ni Nico. "Hello, ladies." Bati ni Landon. "Hi!" Sabay na sabi ni Ashley at Lily. Nagtama ang mata nila Hayley at Nico pero umiwas ng tingin ang dalaga kaya hindi niya nakita ang ngiti ng binata.

"Bye!" Sabi ni Quinn at magkahawak sila ni Dashiell na naglakad kasabay si Landon. Pumasok na din si Ashley at Lily matapos ngitian si Nico. Papasok na sana si Hayley pero nagsalita ang binata.

"What's your decision on my proposition?" Tanong ni Nico. "You've given them one week so I have a week to decide saka hindi ka pa naman sure kung after one week ay makakakita ka pa ng mali sa kanila. I trust my models and I know they can do it." Sabi ni Hayley. "Really? What if may mali pa din after a week?" Tanong ni Nico. "Look, Mr. President, I..." Hindi natapos ni Hayley ang sasabihin dahil biglang lumapit sa kanya si Nico. "I told you, isa pang Mr. President and you will be punish." Sabi ni Nico na halos isang dangkal na lang ang layo ng mukha nito sa mukha ng dalaga. Kumabog ang dibdib ni Hayley, Naamoy niya ang alak sa bibig ni Nico pero imbis na mainis siya ay para siyang hinihele ng amoy na 'yun. Ayaw na ayaw niya ng amoy ng sigarilyo at alak pero bakit gusto niya ang naamoy sa binata.

"Nico..." Sabi ni Hayley. "Too late." Sabi ni Nico at nabigla si Hayley sa sumunod na ginawa ng binata. Ang isang kamay nito ay humawak sa kanyang bewang at ang isa ay sa kanyang leeg pagkatapos ay hinalikan siya nito. Pinilit niyang kumawala pero lalo lang hinigpitan ni Nico ang pagkakayakap sa kanya. Naisandal din siya nito sa pader kaya halos hindi din siya makagalaw. Ang dalawang kamay niya ay nakaipit sa pagitan nila. Noong una ay halos mamaga ang labi ni Hayley dahil sa diin ng mga halik ni Nico pero habang tumatagal ay tinutukso na siya ni Nico na bigyan ng tugon ang mga halik niya.

Hindi ito ang unang halik niya pero malaki ang pagkakaiba ng mga halik ni Nico sa halik ng ex niyang si Toby. Parang dinadala siya sa ibang lugar ng mga halik ni Nico. Nawawala siya sa wisyo, nanghihina siya, kailangan niya ng makakapitan dahil parang bibigay ang mga binti niya sa sensation na binibigay sa kanya ng mga halik ng binata. Naramdaman ni Nico na nilagay na ni Hayley ang mga kamay nito sa leeg niya kaya mas lalo niya pang nilaliman ang mga halik niya sa dalaga. Napakalambot ng labi ni Hayley at pakiramdam ni Nico ay ayaw niyang tumigil sa paghalik dito. Nag-umpisa ng gumalawa ang kamay ni Nico at ng maramdaman ni Hayley na pumailalim ang kamay ng binata sa damit niya ay para siyang nagising mula sa malalim na pagkakatulog. Dahil lumuwang ang pagkakayakap ng binata sa kanya ay madali niyang naitulak ito. Tumingin sa kanya si Nico ng may pagtataka.

"Sorry, this was a mistake." Sabi ni Hayley at pumasok na sa loob ng condo. Naiwan si Nico na nakatingin lang sa pintong pinasukan ni Hayley. "This was a mistake?" Ulit ni Nico sa sinabi ng dalaga. Naihilamos ni Nico ang kamay sa mukha pagkatapos ay pumasok na din sa sariling unit.


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C16
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous