Télécharger l’application
75.11% Never Talk Back to a Gangster / Chapter 159: Chapter One Hundred Fifty-Nine

Chapitre 159: Chapter One Hundred Fifty-Nine

Halos naikot na ni Audrey ang buong campus mahanap lang ang dalawang lalaki. Saan ba sila nagsususuot sa mga ganitong oras? Lumiko sya sa isang kanto sa pasilyo nang makita nya ang isang babae. Nag-iisa ito at pinapanuod ang bawat patak ng ulan mula sa langit.

Naglakad sya palapit dito. "Samantha!" tawag ni Audrey.

Nilingon sya nito. Natigil sa paghakbang si Audrey nang makita ang mukha ng kaibigan nya. May dumadaloy na luha sa mga mata nito ngunit nananatiling patay sa emosyon ang mga mata nito. Tila sumalpok sa kanya ang lahat ng paghihinagpis na nararamdaman ng kaibigan nya. Napahawak sya sa dibdib nya dahil sa sakit.

"Bakit Audrey?" nakangiting tanong nito. Ganon parin ang boses nito. Nananatiling malamig. Parang isang katawan na walang kaluluwa.

"Bakit nakangiti ka parin?" di maiwasang tanong nya.

"May dahilan ba para hindi ako ngumiti?" nakangiti paring tanong nito sa kabila ng pagtulo ng luha sa mga mata nito. Tila hindi nito alam ang pag-iyak ng mga mata nito.

Hindi natiis ni Audrey ang nakikita nya sa kaibigan. Mabilis nya itong nilapitan at pinunasan ang magkabilang pisngi.

"Nakakapagod kang kalaban Samantha."

Tumawa ito. "Iiwan mo na rin ba ako?"

Hindi alam ni Audrey kung saan nanggaling ang sakit na tumama sa puso nya. "Hindi." Mahigpit nyang niyakap si Samantha. "Mananatili akong karibal mo Samantha."

***

Ilang araw ang lumipas at walang pagbabagong nakikita ang Crazy Trios sa kaibigan nilang si Samantha. Malamig parin ang pakikitungo nito sa kanila maging sa ibang tao. Nagpasya silang yayain ito sa Sweety's Sweets House para makausap nang masinsinan.

"Sam," tawag ni Maggie.

"Yes?" Tumingin ito sa kanya sandali bago ibinalik ang atensyon sa binabasang magazine.

"Buti naman nakasama ka sa amin, akala namin iniiwasan mo kami," sabi ni Maggie na agad nakaramdam ng pagka-ilang.

Pinandilatan ni Maggie sina Michie at China para magsalita na at umpisahang tanungin ang kaibigan nila kung bakit ito biglang nagbago. Hindi parin malinaw sa kanila ang dahilan ng pagkakalunod nito. Isa ba iyong aksidente o sinadya?

"Sorry, I've been busy," tipid na sagot ni Samantha na hindi inaalis ang tingin sa magazine.

"Sam," alanganin na tawag ni China.

"Yes?" Inilipat ni Samantha ang pahina ng binabasa.

"Uh. Ano…" Tumingin muna si China kina Maggie at Michie bago muling tumingin kay Samantha. "Parang ang busy mo these past few days. Ano'ng mga pinagkakaabalahan mo?"

Siniko ni Maggie ang kapatid at pinandilatan. Hindi kasi iyon ang dapat nitong itanong. Pero walang magawa si China dahil natatakot siya. Ibang Samantha kasi ang kaharap nila ngayon. At sa tuwing lumalapit sila dito, hindi nila maiwasan ang kabahan.

"Nothing much, just hanging out with Audrey," tipid nitong sagot at muling inilipat ang pahina ng magazine.

Napansin nga nila na madalas ay si Audrey ang kasama nito. Unti-unti ay nararamdaman nilang parang lumalayo ang loob sa kanila ni Samantha.

"Si Audrey na ba ang bago mong bestfriend Sammy?! Hindi na ako?" malungkot na tanong ni Michie habang nakatingin sa kaibigan.

Natahimik silang tatlo nang ibinato ni Samantha sa sahig ang magazine na binabasa.

"Sammy!" gulat na sabi nilang tatlo tatlo

"Sorry, I just saw something I didn't like," paliwanag ni Samantha bago sila ngitian nang malamig.

Hindi nakapagsalita ang tatlo. Nakangiti nga si Samantha sa kanila pero hindi naman iyon umaabot sa mata nito. Tumunog ang maliit na bell sa pinto ng Sweets Shop, hudyat na may bagong customer na pumasok.

Lumapit sa mesa nila si Audrey at humalik sa pisngi ni Samantha.

"Samantha," bati ni Audrey sa dalaga.

"Hi, Audrey." Ngumiti si Samantha sa bagong dating na babae.

"Let's go. Tinext na ako ni Lucy to remind me about our reservation sa nail salon na sinasabi ko sa'yo kahapon," sabi ni Audrey.

Gulat na tumingin ang Crazy Trios mula kay Audrey papunta kay Samantha. Hindi nila inaasahan na iiwan sila nito ngayong araw. Wala itong sinabi.

"Aalis ka na Sammy?" tanong ni China na halatang nagulat.

"Pero bonding time natin ngayon!" reklamo ni Maggie.

"Di ka pwedeng umalis Sammy!" pigil ni Michie.

"Pwede naman kayong sumama," sagot ni Samantha sa tatlo.

"Dalawa lang ang napa-reserve ko, masyado silang maraming clients. And besides, hindi naman sila interesado sa mga swarovski crystals," sabi ni Audrey kay Samantha.

Tumayo na si Samantha at kinuha ang grey purse nito. Tumabi sya kay Audrey. Nakita nina Maggie, China at Michie kung gaano ito kalapit sa bagong kaibigan nito. Parang dalawang Audrey na ang nakikita nila.

"Swarovski?" tanong ni Maggie. 'Kailan pa siya naging interesado sa mga ganon?'

"It's exciting! You should try it too," sabi ni Samantha sa tatlo.

"Sige, aalis na kami," paalam ni Audrey na humawak sa braso ni Samantha.

Pinanood ng tatlo sina Samantha at Audrey na lumabas ng shop. Muli, katulad ng mga naunang araw, naiwan silang tatlo na magkakasama. Pinulot ni Maggie ang magazine na itinapon ni Samantha sa sahig.

"Crystals sa kuko?" tanong ni Michie na halatang naguguluhan.

"Siguro nakita na naman nila sa Instagram," di siguradong sagot ni China sa pinsan.

"Pano 'yun? Ang hirap gumalaw nang may crystal sa kuko. Pano kapag humaba na?" dagdag na tanong ni Michie.

"Di ko alam." Ininom ni China ang iced tea nya. Napansin niya ang kapatid na may hawak na magazine. "Bakla, ano yang tinitignan mo?"

"Yung binabasa kanina ni Sammy bago nya tinapon," sagot ni Maggie habang inaayos ang nalukot na pahina.

"Ano'ng meron dyan?" tanong ni China.

Lahat sila ay nakatitig sa lukot na pahina. Isang grandiyosong wedding gown ang suot ng isang modelo. Masaya itong nakahawak sa braso ng isang modelong lalaki.

"Wedding gown?" sambit ni China na nakatingin sa picture.

"Hmm. Baka mali tayo ng page," saad ni Maggie.

Binuklat buklat pa nila ang magazine at hinanap ang bagay na sinasabi ni Samantha.


L’AVIS DES CRÉATEURS
AlesanaMarie AlesanaMarie

Vote~ (uwu)

Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C159
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous