Télécharger l’application
12.69% Talk Back and You're Dead! / Chapter 15: Chapter Fifteen

Chapitre 15: Chapter Fifteen

Matapos kong kumain ay pinalayas na niya ako sa condo unit niya. Napaka-rude talaga ng lalaking 'yon! Pero pinakain naman niya ako nang masarap kaya kahit paano nabawasan ang inis ko sa kanya. Pero rude parin siya!

"We broke up," anunsyo ko habang naglalagay ng nail polish.

Nakauwi na rin ako dito sa bahay at nag-aayos ng kuko kasama ang Crazy Trios.

"ANO?! BAKIT?!" tanong ng 'Crazy Trios'.

"Ginamit lang niya ako. Che! Kainis siya!"

Yes, I remember it now. Nakipag-break siya sa'kin kagabi. That gangster! Ang kapal niya na makipag-break dapat ako ang nakipag-break ah! Inunahan niya pa ako! Dapat pala binalikan ko siya kanina nang maalala ko kung ano ang nangyari kagabi. Mabuti nalang pala saturday ngayon. Akala ko mababawasan na ang perfect attendance ko!

"MAY NANGYARI SA INYO KAGABI?!!" sabay sabay na tanong nila.

"Crazy trios, sa tingin nyo ba hahayaan kong may mangyari? No way am I getting myself into that kind of situation!"

"Bading! Linawin mo kasing mabuti," sabi ni Maggie at nagbasa ng Cosmopolitan. "At bakit ka ba ingles ng ingles?!"

"Kinailangan lang niya ng girlfriend para may maipakilala siya sa mga magulang niya. Pagkatapos kong magpakilala sa parents niya, nag-break na kami." Tinitigan ko ang nails ko. Pink! "As for your second question. Oo nga no? Eh kasi naman, nahawa na ako sa gangster na 'yon! English ng english! Nakakahawa!"

"THAT'S IT?!" sigaw nilang tatlo.

"Yes, that's it," sagot ko.

"What a b*stard!" sabi ni China.

"Sammy, ano na ang plano mo ngayon?" tanong ni Michie.

Nag-smirk ako. "Don't worry, sooner or later pagbabayarin ko rin siya sa ginawa niya. I'll teach that gangster a lesson he will never forget!" Mouhahaha!

"Oooohhhh~~ Scary Sammy," sabi ni China. Gumamit siya ng red nail polish.

Gusto ko sana ng red sa nails ko kaso baka punahin ni Audrey kaya soft colors lang ang ginagamit ko. Haay. Ipinilig ko ang ulo ko, gustong lumabas ng little monster sa loob ko. Kagagawan 'to ni TOP.

"It fascinates me," Maggie said while staring at me. Creepy girl!

"What does?" nakataas ang isang kilay na tanong ko.

"How you handle things so calmly. How you get even with people. You really are crazy, you know that?"

"Hahaha! You have no idea," I smirked.

"Kapag dumating ang araw na napagdesiyunan mo nang iwan ang 'Good Girl' act mo, sumali ka nalang sa grupo namin. Magiging 'Crazy...' uhh... ano kaya? 'Crazy Fours'?" sabi ni China.

"No way! 'Crazy Trios'. Kayong tatlo lang 'yun dahil kayo ang may pinakamalala na idea sa larong 'Truth or Dare'!"

"Speaking of Truth or Dare, pupunta kami sa mall mamaya, wanna come? Maglalaro ulit kami ng Truth or Dare!" excited na sabi ni China.

Pero allergic na ako sa larong 'yan. Baka masali na naman ako. Mabuti nga, ngayon tapos na ang deal namin ni TOP. Pero ako, hindi pa ako tapos sa kanya. Pinagmukha niya akong kakatawanan kagabi.

"Don't worry, hindi ka naman namin isasali sa laro namin eh," sabi ni Maggie.

"Baka gantihan mo pa kami," bulong ni China.

"Fine! Ayoko rin naman maiwan mag-isa dito sa bahay no."

***

"Let's play truth or dare, sino ang una?" China. Inilagay niya ang isa niyang daliri sa chin at nag-isip.

"ME!! ME!! PICK ME!!" sabi ni Michie habang nakataas ang isang kamay.

Crazy Girl! Dito pa talaga kami sa foodcourt tumambay. Napaka-open. Ang daming nakakakita sa'min dito. Sinipsip ko nalang ang pineapple juice gamit ang straw. Papanoorin ko nalang sila. Ayoko na ulit madamay pa. Baka malasin pa ako, mabuti nga natapos na yung sa amin ni TOP eh. Wala na akong problema, pero paano ako makakaganti don?

"Hmm. Sino kaya ang una?" tanong ni China, still thinking.

"ME!! CHINA!! ME!! ME!! ME FIRST!!" winawagayway na ngayon ni Michie ang dalawa niyang kamay.

Dahil sa ingay ni Michie, nakakuha tuloy kami ng atensyon ng maraming tao. Tinakpan ko ang mukha ko, ayokong makita nila ako. Hindi ako kasali sa kabaliwan nila. Sinusumpa ko, kapag na-youtube na naman kami, itatakwil ko sila!

"Fine, Michie. Truth or Dare?" tanong ni China.

"Tinatanong pa ba 'yan?" bulong ni Maggie.

"DARE!! DARE!! DARE!!" excited na sabi ni Michie habang pumapalakpak.

"Okay, I dare you to..." umikot ang tingin ni China sa paligid. "OH MY GOD!! IT'S HIM!!"

"SINO?!" tanong naming tatlo at sinundan ang tinitignan ni China.

Si Kenneth? Nakita namin siya na may kasamang dalawang lalaki at nagtatawanan. Si Kenneth ang EX ni China. Naghiwalay sila three months ago dahil na-weirdohan si Kenneth kay China. Naglaro kasi ang 'Crazy Trios' sa mall noon at kumanta si China ng 'Twinkle Twinkle Little Star' sa tapat ng Jollibee then humingi siya ng abuloy para sa namatay niyang teddy bear na si Twinkle. Of course part iyon ng dare, pero nakita siya ni Kenneth at nakipag-break sa kanya. Akala yata ni Kenneth abnormal ang girlriend niya. Hindi naman masyadong nasaktan si China pero nalaman niya na may iba pa palang girlfriend si Kenneth. Si Hershey na girlfriend din ni TOP na ex-boyfriend ko naman.

Nag-evil smile si China at tumingin kay Michie. "I dare you to kick him 'where it hurts the most' and then..." Lumapit si China kay Michie at bumulong.

Nag-nod si Michie na halatang excited at tumakbo palapit kay Kenneth. Tumigil si Kenneth at ang mga kaibigan niya sa tapat ni Michie. Sinipa siya ni Michie sa 'where it hurts the most' then sumigaw sya ng;

"You killed Twinkle! That's for Twinkle!!" then pointed at him accusingly. "He killed Twinkle!!! He killed Twinkle!!"

HOLY.MOLY!! Tumigil ang mga tao sa paligid at nanuod sa eksena ni Michie.

"Go rest in peace now Twinkle! Iginanti na kita at pinatay ang kanyang... maliit na kaibigan para sa'yo!" Pft! Maliit?

Tumakbo papunta sa amin si Michie nang may matagumpay na ngiti sa labi. Tumayo naman sina Maggie at China at bigla silang tumakbo. Tumayo na rin ako at hinabol sila. Iwan daw ba ako?!

"Hey you!!!" may sumigaw na lalaki pagkatapos ay may biglang humila sa braso ko.

"AAH!" sigaw ko. Huhu! Nahuli ako. Ang bagal ko kasi!

"Where do you think you're going?" tanong ng lalaki at pagkatapos ay hinila niya ako papunta kina Kenneth at sa isa pang guy.

Did I mention na may dirty temper din ang mga ito? Actually, isang dare din ang dahilan kung bakit naging sina China at Kenneth. Stupid Dares! Bakit ba ako palagi ang napapahamak sa mga dares nila? Nasaan ang katarungan?!

"Nakatakas yung tatlo, ito lang ang natira. Ano'ng gagawin natin?" tanong ni guy no.1

"She's hot, let's just play with her for a while," suhestyon ni guy no.2

"Oh God, that little b*tch! OW!" reklamo ni Kenneth habang iniinda ang sakit sa kanyang family jewel. Pft! Maliit hahaha!

Ano daw? Play? Play with me?! NOOO! Kailangan kong makaalis dito. Sinipa ko sa paa si Guy no.1. Nabitawan naman niya ako kaya tumakbo ako. Kaso, naabutan at nahawakan ako ni Guy no.2. Plan A; Mission Failed! Plan B.

"AAHHHHHH!!! HELP MEEEE THEY'RE TRYING TO KIDNAP MEEEE!!!" sigaw ko.

"HOY ANO'NG GINAGAWA NYO SA KANYA?!" may sumita na guard.

"May guard tumakbo na tayo!!" sabi ni Guy no. 2

"Hindi pa tayo tapos!!" sabi sa akin ni Kenneth pagkatapos ay tumakbo kasama ang dalawa niyang kaibigan. Pero dahil sa nangyari sa kanya ay hindi siya makatakbo nang maayos. Mukha siyang bibe. Hahaha!

Plan B: Mission Accomplished Ngayong nakatakas na ako mula sa tatlong iyon, hahanapin ko naman ang 'Crazy Trios' at pagbabayarin sila sa pag-iwan nila sa akin.

"Ikaw?"

Nagulat ako nang may humarang na matangkad, maputi, makisig at gwapong lalaki sa'kin. Nasilaw ako sa aura niyang kumikinang. Para siyang napapaligiran ng mga rosas.

"A-ano'ng ginagawa mo dito?" tanong ko.

Waah! Ano'ng ginagawa ni Red dito? Kasama kaya niya si TOP? Nag-kibit balikat siya at lumapit sa akin. Nakakasilaw ang ka-gwapuhan nya! Hindi pala rosas ang mga nakita ko kanina, buhok pala niyang kulay pula.

Gusto ko talaga ang mukha ni Red. Kaso ayaw ko ng ugali niya. Hindi ko parin nakakalimutan na dinala niya ako kay TOP noon. Hindi na siya naawa sa akin. Huhu.

"May narinig akong sumigaw kaya naman napunta ako dito. Sino ba yung mga kasama mo kanina?" tanong nya.

"Ahh. Wala, hindi ko nga kilala mga 'yon eh. Bigla nalang akong hinawakan."

"Nagsisinungaling ka ba? Alam ba ni TOP na may kasama kang ibang lalaki?" nakangisi niyang tanong.

"Psh! Hwag mo ngang banggitin ang pangalan ng kaibigan mo. Wala na kami nun. Badtrip 'yon."

"Ganoon ba?" mahinahon na sabi niya. Parang hindi naman siya nagulat.

"Oo, ganon na nga," sabi ko at umalis na.

Bigla naman niya akong hinabol at hinila niya ang braso ko. Bakit ba ang daming humihila sa akin ngayon? Napatingin ako sa braso niya. Ang puti niya.

"Teka!" sabi niya.

"Bakit?"

"Pwede ka bang maabala sandali? Kailangan ko lang kasi ng tulong mo," nakangiting sabi niya.

Nakakasilaw ang ngiti niya! Ang gwapo niya talaga! Bakit ba ganito kagwapo ang lalaking ito? Hindi ko magawang tumanggi. Nang-aakit ang ngiti niya. Pati mga mata niya, inaakit ako. Tsk!

"O-Okay," bulong ko. Ang hina ko!!!

Pumunta kami sa Bear Cuddler at pinapili niya ako ng ireregalo sa flavor of the week niya. Playboy. Sinasabi ko na nga ba. Yang mga ganyang titig at ngiti, maraming babae 'yan. Di ko naman sila masisisi. Kahit ako, nagawa niyang pasamahin dito. Nawala ang self control ko kanina!

"Siguro ito nalang," sabi ko at kinuha ang isang napakalaking bear na may ribbon. "Ano ba ang paboritong kulay ng girlfriend mo?"

"Alam mo bang ikaw ang una niya?" biglang tanong ni Red.

"Huh? May sinasabi ka?" Nakatingin parin ako sa bear.

Ang cute pero mas cute yata yung maliit na version. Hmm... Yung isa nalang kaya?

"Ikaw ang unang naging girlfriend ni TOP. Ikaw ang pinili niya dahil sinampal mo siya noon. Tanda mo?" natatawang sabi niya at malayo ang tingin.

"Alam mo, kayo talagang mga lalaki, loko-loko! Ang dami kayang girlfriend non! Si Hershey pati na rin yung ka-schoolmate ko girlfriend niya," sabi ko habang naka-simangot.

Bigla syang tumawa nang malakas.

"Hindi niya girlfriend si Hershey. Malakas lang talaga mangarap ang babaeng 'yon. Imposible na maging sila. And I doubt na girlfriend niya rin ang sinasabi mong schoolmate mo. Hindi mahilig sa babae si TOP," natatawa niyang sabi.

"Huh? Ibig sabihin chismis lang 'yun?!" tanong ko. Kung ganon nagsisinungaling sa'kin si Audrey? "Teka bakit mo alam? Malay mo? May lalaki bang ayaw sa mga babae lalo na kung magaganda sila?"

"Meron, si TOP," mabilis na sagot niya.

"Baka naman kasi bading siya..." bulong ko.

Nagulat siya saglit saka tumawa. "Hindi! May galit lang talaga siya sa mga babae. Alam mo ba 'yon?"

"Huh?! Woman hater siya?"

"Parang ganon na nga. Masyado kasing komplikado kung iku-kwento ko pa sa'yo. Mahabang istorya."

"Alam mo yung curiosity ko, sinindihan mo tapos iiwan mo nalang sa ere. Ikwento mo na!" pangungulit ko.

Napahawak siya sa batok niya.

"Dahil sa isang batang babae na nakilala niya ten years ago. Ang alam ko sobrang nasaktan siya dahil sa taong iyon."

"Ten years ago pa pala eh. Bakit di pa nya mapatawad hanggang ngayon?" nagtatakang tanong ko.

"Dahil di sya ganon kadaling kalimutan, Samantha," tinitigan ako ni Red sa mga mata.

Eh. Napaiwas ako ng tingin. Masyado siyang gwapo, kailangan mag-ingat! Napatingin ako sa nasa paligid namin. Ang daming tao bigla, puro babae. Nakatingin sa direksyon namin ni Red. Err.

"Ito na yung bear." Inabot ko sa kanya yung bear na maliit.

Lumabas na ako ng shop nang di hinihintay ang sagot niya. Phew! Ang dami niyang stalkers. May mga hawak pa silang camera, ayokong mapasama sa picture. Baka malasin na naman ako.


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C15
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous