Télécharger l’application
14.28% The Day We Meet Again / Chapter 2: Nice To Meet You

Chapitre 2: Nice To Meet You

Nice To Meet You

Nakabantay ang lahat ng empleyado para sa kanyang pag dating. Nakapila ang mga security sa labas at maging pag pasok sa loob ay nakapila naman ang lahat ng mga babaeng empleyado habang si Justine naman ay nasa tabi lamang ng pinto at hinihintay ang kanyang pag dating.

-Ano na naman kaya ang ginawa nito bakit hanggang ngayon ay wala pa siya. ''bulong ni Justine sa sarili''

Maging ang mga empleyado sa labas at loob ng kumpanya ay tila naiinip na sa tagal ng kanyang pag dating.

-Bakit naman kaya ang taagal niya, ''ang wika ng isang babaeng empleyado''

-Wag ka nga maingay baka madinig ka ng sekretarya niya.. ''ang bulong ng isa sa mga kasamahan nito''

Nakita nila na umilaw ang isa sa red light ng kumpanya na tila isang babala na ang CEO ng kumpanya at paparating na. Sa gate palang ng kumpanya ay malalaman na nila kung sino ang paparating dahil sa higpit ng seguridad nito. red light para sa CEO at green light naman para sa mga investor at iba pang mga VIP na kabilang sa kumpanya nila. Panik ang mga tao.. Handa ang mga empleyadong naka assign sa kung saan saang departamento ng gusali na pag mamay-ari ni Jerome o kilala bilang si Sy. Matapos ang tagpung iyon matapos ang pag bati sa kanya ng mga empleyado ay kanya kanya na itong nag sibalikan sa kani kanilang mga pwesto.

-Ano na naman ang nang yari sa iyo, bakit late ka na naman..''tanong sa kanya ni Justine''

-Alam mo naman diba, wag ngayon Justine masakit ang ulo ko.. ''tugon sa kanya ni Jerome''

Nanahimik nalang si Justine habang nag lalakad sila papuntang opisina nito dahil alam niyang mainit ang ulo ng boss nito. Nang makarating ito sa kanyang opisina ay bahagyang iniwan ni Justine si Jerome para kumuha ng maiinom..

-Ohh, uminom ka muna.. ''alok sa kanya ng kanyang sekretarya.''

-Salamat .'' tanging tugon lang nito''

-Iwan na muna kita, mag pahinga ka at malapit na ang meeting, ''ang sagot ni justine''

-Hmmmm.. ''tugon lang ni Jerome sa kanya.''

Napailing nalang sa kanya si Justine dahil sa reaksyon nito. Matapos noon ay lumabas ng opisina si Justine at bumalik na sa kanyang table. Naiwan si Jerome sa loob ng namamahinga ng biglang tumunog ang kanyang cellphone at nakita niya ang isang Line message na nakapangalan sa taong nag ngangalang Steaven Ong.

-Hmmm... Steaven Ong.. ''bulong nito sa sarili ng makita nito ang pangalan sa sreen ng kanyang cellphone.''

Napaisip ang binata kung sino ang lalaking nag messege sa kanya kaya inaccept niya ang mensahe nito mula sa line.

-salamat sa pag accept. ''bati ng lalake sa kanya''

-Wala yon, ok lang..'' tugon naman ni patrik sa kanya''

-Kumusta ang pakiramdam?, wala kana bang hang over??.. ''tanong nito sa kanya''

Nag isip si Jerome sa sinabing iyon sa kanya ng lalaki kung bakit alam nitong meron siyang hang over.

-Kilala mo ba ako? o kilala ba kita?, '' ang tanong ni Jerome kay Steaven''

-Lasing ka nga.. Hindi mo nga ako kilala..''tugon nito''

-Hmmm...''tanging sagot lang sa kanya ni jerome..''

-Hayaan mo't mag papakilala ako ng personal sayo pag nag karoon na ako ng pag kakataon'' sagot ni Steaven sa kanya''

-Hmmm.. ok, sige iintayin ko nalang ang araw na yan!!

Hindi naman na humaba ang kanilang pag uusap dahilan nadin na bussy sila s isat isa.. Si Jerome ay isang CEO at sa kabilang pag kakataon ay CEO din si Steaven sa isang sikat din na kumpanya.

---------------------------------------------------------------

-Ano nang balita?, nakapag set kana ba ng meeting sa AC? ''tanong ni Steaven sa kanyang sekretarya na si Jusper''

-Yes sir, ok na medyo nahirapan nga lang akong makontak sila masyado silang private at hindi agad makapasok sa kanilang linya lalo na sa sekretarya ni Mr. Sy. ''tugon ni Jusper kay Steaven.''

---------------------------------------------------------------

Habang nag papahinga si Jerome sa opisina nito ay pumasok si Justine at sinabing...

-Siya nga pala Jerome may meeting ka nga palaa bukas afternoon mga 1:00 kay Mr. Ong.. ''ang sabi sa kanya ni Justine''

-Hmmm.., '' nang biglang nagulat at sinabing....'' Mr. Ong?

-Hmmm.. bakit may problema ba?, ''tanong ni Justine sa kanya..''

-You mean! Steaven Ong?? ''tanong nito''

-Oo bakit?, ''balik tanong ng kanyang sekretarya''

-Wala naman...

-Sige babalik na ako. ''wika ni Justine''

-Sige sige.

Napaisip siya kung tama ang kanyang iniisip na ang taong nag bigay sa kanya ng mensahe sa line at ang taong ka meeting niya bukas ay iisang tao lamang..

-Tama, kailangan kong malaman kung sino ang taong ito.. kung iisa lang ba sila..Hmmm siguro ito na yung sinasabi niya na pag may pag kakataon na makipag kita siya ay gagawin niya baka bukas na yong araw na sinasabi niya... ''ang bulong niya sa kanyang sarili''

Niyaya siya ni Justine na mag lunch para naman mawala ang pag ka hang over nito..

-sir tanghali na, Tara't mag lunch, tanghali na mukang may hang over kapa..'' aya ni Justine sa kanyang boss..''

-Sige, masakit nga ang ulo ko,,, masyadong madami ang nainom kong alak kahapon kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari,,''mahabang paliwanag ni Jerome kay Justine.''

Naka ngiti lang ang kanyang sekretarya habang papasok sila sa loob ng elevtor, mukang may nalalaman ang binata na hindi alam ng kanyang boss.. Sa dami ba naman ng nainom niya ay mukang makakalimot nga ito sa kung ano ang nangyari.Kinabukasan, Handa na ang lahat para sa kanilang meeting ng taga ibang company, inaasahan niya na ang ka meeting niya ngyong araw ay ang inaasahan niyang si Steaven Ong na nakapalitan niya ng mensahe nitong nakalipas lang. Alam niyang mahirap mag expect pero iyon parin ang kanyang inaasahan lalo na't may pag kakapareha sa pangalang nabanggit.

-Ok naba ang lahat, ''tanong ni Jerome sa kanyang Sekretarya..''

-Yess boss handa na ang lahat..''tugon nito''

Nag tataka si Justine bakit nitong mga nakaraang meeting ay lagi itong late, ngunit bakit ngayon ay parang mas maaga pa yata ito sa alas kwatro. Hindi na niya inintindi pa ito, inisip nalang niya na sana kahit sa mga susunod pa na araw ay ganito na ito kaagang pumasok para naman maging maganda ang record nito bilang boss dahil may mga pag kakataon na siyang sinisilip ng ibang board member. Isang tao nalang ang iniintay nila, si Steaven, siya kase ang taong kameeting nila ngayon para sa isang alok na hindi naman nila matatanggihan. At dumating na nga ang taong iniintay nila.. Hindi kumukurap ang mata ni Jerome mula sa pag kakatitig nito sa pinto daahil inaabangan niya ang taong papasok dito, nang makita niya ang taong ito, parang may naalala siya na hindi lang malinaw sa kanya dahil lasing siya ng gabing iyon. Matangkad na lalaki ang pumasok sa pintong iyon, maputi, gwapo, at maganda ang pangangatawan. Hindi lang niya alam kung ano ang tinataglay nitong ugali kapag nakasama na niya ito ng matagal. Mabilis ang pangyayari, nakapag meeting na sila at nag pirmahan na ng kontrata. Hindi naging mahirap para sa kanila ang mag kasundo dahil parehong maganda ang offer ng isat isa. Pareho silang makikinabang at walang lamangan o dehado sa kanilang dalawa. Nang matapos na ang kanilang meeting ay si Jerome na mismo ang nag hatid sa kanilang bisita sa pag labaas ng kanilang kumpanya.

-Ako na ang mag hahatid sa kanila.. ''ang wika ni Jerome sa sekretarya nito''

-Sige boss, sasabihan ko nalang sila..'' tugon naman nito''

Lumapit si Justine sa dalawang nag uusap na si Jusper at si Steaven Ong para sabihan na personal silang ihahatid ng kanilang boss sa ibaba ng gusali papuntang entrance.

-Ahh, si Mr. Sy nadaw po ang maghahatid sa inyo sa baba.. '' ang wika ni Justine sa dalawa''

-Ahh, ganun ba.. nakakahiya namana..''tugon naman ni Steaven kay Justine''

Inihatid ni Jerome ang dalawa sa baba ng gusali at pag dating nito sa may door entrance ay...

-Jusper mauna kana sa kotse, kakausapin ko lang si Mr. Sy. ''ang sabi nito sa kanyang sekretarya na si Jusper''

Madali namang naunang lumabas si Jusper at nag tungo sa kotse, naiwan ang dalawa para mag usap.

-Nice to meet you,'' ang wika ni Steaven kay Jerome''

Nag kamayan ang dalawa.

-Hindi ko inaasahan na sa ganitong pag kaakataon tayo mag kikita. Naaalala mo na..'' ang wika ni Steaven kay Jerome''

-Oo nga, hindi ko akalain na may utang na loob pala ako sayo. ''tugon naman ni Jerome kay Steaven''

-masaya akong makilala ka.. ''sabay ngiti ni Steaven sa binata''

Hindi maikakaila na nakaka inlove talaga ang binata dahil sa mga ngiti nito na malalim na dimple sa kanang bahagi ng pisngi nito. Nakangiti lamang din ang isinagot ni Jerome kay Steaven dahil hindi na ito nakaimik pa buhat ng ngitian siya ng binata..

-By the way.. I hope na hindi lang ito ang una nating pag kikita. ''ang wika ni Steaven kay Jerome.''

-Oo naman, ngayong pang buissness partner na tayong dalawa. ''tugon nito''

-Paano, next time na mag kita tayo.. Hindi sa company ha.. ''biro nito kay Jerome''

Ngumiti ang binata at sinabing.....

-Pag may pag kakataon din ako.. ako mismo ang mag aaya sa iyo.. ''wikang nakangiti nito sa binata''

-Mauna na ako..'' paalam ni Steaven kay Jerome''

Nang makaalis na ang binata ay nag tungo naman si Jerome sa kanyang opisina at doon nakita niya si Justine na nakaupo sa kanyang upuan at sabay na humarap sa kanya.

-Bakit parang iba ang datingan mo ngayon ha.. Jerome..'' ang pangaasar nito sa kanyang boss..''

-Umayos ka nga.. nasa company tayo... ''nahihiyang wika nito''

Patuloy parin ang pang aasar ni Justine sa kanyang amo ngayong alam naman niyang nahihiya ito sa kalokohang ginagawa niya. Alam kase niya na Iba ang nasa isip nitong amo niya ngayong nakilala na niya ang taong umalalay sa kanya ng gabing lasing ito. Hanggang sa pag labas at pag uwi ay inuungkat nito kung ano ang pinag usapan nila bakit siya pa ang nag hatid sa kanila sa pag labas gayong pwede namang siya.. Naninibago talaga si justine sa kinikilos ng boss niya ngayon kesa noong una. Sa isip isip ni Justine malalaman din niya kung ano ang sikreto ng kanyang boss at kung ano ang balak nito.


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C2
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous