"Tiiiiingggggg! Tinggggggg! Tingggggg!"
Tunog iyon ng kampana na parang paulit-ulit kong naririnig sa sobrang kaba. I look at myself in the mirror, napangiti ako. Ibang-iba ito sa babaeng nakikita ko sa salamin araw-araw.
"Pak! Tapos!" Anas ng baklang nagkolorete sa mukha ko, nasa Golden Palace ako ng mga oras na iyon.
"Ayy Eva ang beauty ni ate pang beauty queen!" Sabad nmn ng assistant nito.
Hindi naman sa pagmamayabang pero pagdating sa mukha at katawan may maipagmamalaki rin ako. Sumali narin ako sa iba't ibang pageant no'ng nag-aaral pa ako.
"Ang suwerte naman ng boylet mo sa'yo dzam! Sigurado akong magmamadali 'yong tapusin ang seremonya ng kasal!" Pagbibiro nito kasabay ang malakas na tawa.
"Kayo talaga kung anu-anong kapilyuhan yang iniisip niyo." Saway ko sa mga ito.
"Ayy naku! Papunta rin naman kayo dyan, ano. O siya maiwan ka na muna namin ha?"
"Babalik lang kami kapag andyan na ang sundo mo para mag-retouch." Sabad naman ng assistant.
"Okay" sabay tango, mayamaya pa'y nawala na ang dalawa sa paningin ko.
Natigilan ako sa pag-iisip ng marinig ang bahagyang pagpihit ng pinto. Nang tingnan ko sa repleksyon ng salamin ay bumungad sa akin ang mukha ng kaibigan ko, si Mary Jean.
"Wow! Ganda-ganda naman ng bride!" Aniya habang palapit sa'kin, bahagya pang namilog ang dalawang mata nito.
"Magpapahuli ba naman ang Maid of honor ko?" Sabay kaming kumawala ng malakas na tawa. "Totoo ba 'to, Mj?"Anas ko na hindi parin makapaniwalang ikakasal na.
"Oo naman loka ka!" Aniya na bahagyang lumapit.
"Aray! Masakit 'yon ah!" Angal ko ng tampalin ako sa kanang balikat.
"O ayan naniniwala ka na ha? You're gown, you're make up at ang babaeng nakikita mo sa salamin, totoo 'yang lahat!"
"Hmm..hindi parin kasi ako makapaniwala eh."
"Hey! Huwag mong sabihin na aatras ka na?"
"I didn't say that! I'm just overwhelmed, that's it!"
"Ang sabihin mo kinakabahan ka lang!"
Aniya at natawa na. She's right, hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako ng husto. "Ipapasundo na kita kay Mang Rick, mauuna na kami sa simbahan nila Tita Mara."
"Sige, Mj, salamat"
"Congrats in advance, Sandy!" Pagkasabi no'n ay nagmamadali na itong lumabas. Ilang sandali pa'y narinig ko na naman ang pagpihit ng pinto.
"May nakalimutan ka M----!" Bahagya akong natigilan ng makilala ang papalapit na lalaki.
*"What is he doing here?!!"* Anas sa isipan ko.
"Liam?!!" Naibulalas ko, pero ngumiti lang ito at mahigpit akong niyakap. "Anong ginagawa mo rito? Alam mo namang bawal magkita ang bride at groom ng hindi pa nagsisimula ang kasal, dba?" Kumalas ito mula sa pagkayakap.
"I can't wait to see you!" Pagkasabi no'n ay hinalikan ako nito sa noo. "No wonder kung bakit marami akong kaagaw sa panliligaw sa'yo no'ng college pa tayo." Patuloy niya habang pinagmamasdan ang mukha ko. "I love you so much, Dy!" Anito at muli akong niyakap.
"I love you too, Boo. Sige na baka maabutan pa tayo ng dalawang bakla dito" Muli niya akong tinitigan, sinubukan kong basahin ang nasa likod ng mga titig na 'yon. His eyes was trying to say something dahilan para mas lalo akong kabahan.
"You're so beautiful!" Pagkasabi no'n ay tumalikod na ito. Ilang sandali akong napatitig sa kawalan kung hindi pa dumating ang dalawang bakla hindi pa yata ako nabalik sa huwesiyo.
"O ayan tapos na! Let's go! Kanina ka pa hinihintay ng sundo mo." Anas ng bakla habang inaayos naman ng assistant nito ang pagkakasuot ng bridal gown. Hindi rin nagtagal ay nasa labas na ako ng hotel, agad akong nilapitan ng isang lalaking naka black coat pinapailaliman yon ng long sleeve na kulay puti at ang pang ibaba ay slacks.
"Kuya! Mag-ingat ka sa pagda-drive ha, baka masira ang beauty ng bride!" Anas ng baklang assistant, napangiti ako sa sinabi nito at dahan-dahang inalalayan akong makasakay sa bridal car. Nagtaka ako kung bakit hindi si Mang Rick ang sumundo sa'kin, inisip ko nalang na baka nasiraan.
"Salamat!" Nangigiting kumakaway ako sa dalawang bakla gano'n rin naman ang naging tugon nila. Mayamaya pay pinaandar na ng lalaki ang sasakyan at pinatakbo iyon. Naging tahimik ako habang nasa daan na kami. Ni hindi ako nagtanong kung bakit sa may terminal kami dumaan hindi sa national highway.
Habang patuloy sa pagmamaneho ang lalaki ay pilit ko namang pinapakalma ang sarili. Napaisip ako sa nangyari kani-kanina lang ng nasa hotel pa ako. Napapikit ako habang pilit binabalik ang ginawa ni Liam. Hindi ko alam kung dapat ba akong masayahan o mangamba ng husto. Hanggang sa 'di ko na namalayan nasa harapan na pala kami ng malaking simbahan, ang New Cathedral. Agad akong sinalubong ng dalawang babae na palagay ko ay tagapangasiwa ng kasal.
Bago sa'kin ang mga mukhang 'yon, tahimik lang akong umibis ng sasakyan.
*"Yes, mahilig sa surprises si Liam*"
Anas ko sa isipan habang inaayos nila ang aking gown. Natakpan ang mukha ko ng belo kaya hindi masyadong klaro.
I was walking towards the altar, there I saw a man wearing a white tuxedo and a plain white slacks, his handsome look can capture any woman's heart . He was staring at me while giving a wide smile. His white teeth, thick and black eyebrows and nose are almost perfect! Para bang hinulma ng maayos ang mukha. Matangkad, matikas ang tindig at malalapad na dibdib na kaya kang protektahan ng mga 'yon. Ilang sandali pa bago ko naiintindihan ang lahat.
It is not the place I should be in, the unfamiliar faces of the people around me, and especially the man who's waiting for me... No! Not me, the real bride of this event. Natigilan ako sa paglalakad, mula sa kinatatayuan ko ay pansin ko ang biglaang pagkadismaya ng mga mukhang nakapaligid sa'kin lalo na sa lalaking nakatayo malapit s altar.
"Was she trying to ruin the wedding?" Sarkastikong bulalas ng isang babaeng sopistikada.
"Shut up, Madelyn, let her do what she want." Saway ng lalaking katabi nito.
Nagsimula na akong mapaluha, unti-unting napapaatras.
"Annika, no! Please stop!"
*"So, Annika is her name, but I'm not her!"*
Sigaw ng utak ko, agad akong napatalikod ngunit bago paman ako nakalayo maagap na nitong napigilan ang braso ko.
"Annika! Please... Don't do this to me!"
Bahagya ng nagtaas ito ng boses kabaliktaran sa sinasabi ng mga mata nitong nagsusumamo... nagmamakaawa.
Para akong pinukpok ng martilyo sa kinatatayuan ko, takot na takot at parang gusto ko ng magpalamon sa lupa. Huli ng mapansin kong hinahawi niya na pala ang belo na nakatakip sa mukha ko.
"You're not Annika! Where is she, ha?!! Who are you?!!" Anito na panay ang yogyog sa magkabila kong braso dahilan para napahagulgol na ako ng iyak. "Damn, find her!" Napahawak ito sa sentido.
"Ares! Report it to the Police,magpapadala narin ako ng ibang tauhan sa Agency." Utos ni Paris sa nakababatang kapatid, pangatlo siya sa sampung magkakapatid pero halos magkasing-edad lang ang mga ito dahil narin sa kanilang kultura.
"Kuya, sama ako!" Pagri-representa ng isa pang binata.
"Okay, Zai, follow me!" Ani Ares na nagmamadaling lumabas ng simbahan sumunod naman ito.
"I couldn't reach her! Naka-off ang phone niya." Anas ni Athena, the eldest daughter of Alexander Lee-Montevilla sa kanyang unang asawa.
"Sino ka ba ha?!! Bakit suot-suot mo ang gown ni Annika?!!" Pasinghal na sabi ng groom, ewan ko ba kung bakit hindi ko maibuka ang bibig ko para bang nilagyan iyon ng glue, nanatili lang akong walang imik habang nagkakagulo na sa loob. Mas nataranta pa ako ng mapansing kinukuhanan na ako ng mga litrato.
"Hey! Hey! Stop it!" Saway ng isang lalaki na kabilang sa grooms men. Sumenyas ito sa mga tauhan na palabasin ang kumukuha ng litrato.
"I'm asking you! Pepe ka ba ha o sadyang nagbibingi-bingihan ka lang?!!" Panay ang yogyog nito sa balikat ko. "Damn this woman! Magsalita k----!"
"Stop it, Achi! She's also a victim here!" Anas ni Paris.
"What do you mean?"
"Tumawag na sa'kin si Ares, napag-alaman nilang may nawawala ring bride na ikakasal sana sa Old Cathedral ngayon, at siya 'yon" Anito na napatingin sa'kin.
"So, what's this? Switch bride?"
"I don't think so, wala din doon ang groom..."
"Wait... wait... Can you please straight it to the point, Paris?" Anas ng nagngangalang Achi.
"She's not been kidnapped...she ran away together with this woman's groom."
"What?!!" Bulalas ng isang Ginang na nasa may bandang likuran. Napayakap ito sa katabi.
"I'm gonna kill that man!" Pagkuwan ay nag-walk-out na ito.
"Sunsundan namin si Kuya Achi, Paris."
"Okay, Blake... Keep your eyes on him, baka anong gawin no'n."
"Let's go, Drake!"
"My God, Gerardo! Our daughter!" Anas ng Ginang na nagsalita kanina, bakas sa mukha nito ang pag-aalala.
"Sshh...she'll be fine, let's go home ok?" Anas ng Ginoo. "Paris, balitaan niyo nalang kami please..."
"Opo, Tito"
"Sandy!" Boses iyon ni Mj, patakbo itong lumapit sa'kin. Nang makalapit ito'y agad akong napayakap para kasing nawawalan na ako ng lakas sa mga narinig ko.
"Sshhh... Tahan na, okay? Nandito na kami." Aniya habang hinahagod ang aking likod.
"T-Totoo ba, Mj? Tinakbuhan nga ba ako ni Liam?" Garalgal ang boses na sabi ko.
Hinigpitan nito ang yakap bago nagsalita.
"Tiyaka na lang natin 'yan pag-usapan, ha? Baka ano pa'ng mangyari sa'yo dito."
"No...no! I-I j-just want to know the t-truth!" Bahagya yata akong napiyok sa huling katagang binigkas ko. 'Truth' Ano nga ba ang katotohanan? Bakit nangyayari 'yon sa'kin? Tinakbuhan nga ba ako?
"I'm sorry, we will fix this as soon as possible." Sabad ng lalaking nagpatigil kanina sa mga kumukuha ng litrato.
"Tama si, Finn...ang mabuti pa'y iuwi mo na muna ang kaibigan mo. Ikokontak nalang namin kayo for further investigation." -Paris
"Okay, salamat" -Mj
Lumabas ako ng simbahan dala-dala ang mga katanungang hindi ko alam kung saan hahagilapin ang mga sagot. Takot na takot akong malaman ang totoo pero gusto ko parin malaman.
"Dad, umuwi na kayo kami na ang bahala dito." Anas ng lalaking isa rin sa groom's men. "Adraine, kayo ng bahala kina Dad at sa iba pang elders."
"Okay, Blue..." Anito na hinawakan na ang may bandang likuran ng wheelchair kung saan nakaupo si Alexander Lee-Montevilla.
"Sandali" ani Alexander pagkuwan ay hinarap ang mga anak na lalaki. "Paris, Finn, Blue... Do everything you can, this issue would ruin our company even our family." Bahagyang dumiin ang pananalita nito.
"We won't let it happen Dad." Ani Finn
"Just take a rest, Dad." -Blue
"It'll be fine soon." -Paris
"Aasahan ko 'yan" Nagsimula ng itinulak ni Adraine ang wheelchair, nagsilabasan narin sa simbahan ang iba pang bisita lahat nadismaya sa nangyari.