Télécharger l’application
4.76% Two Face by pinkyjhewelii / Chapter 2: Chapter 2

Chapitre 2: Chapter 2

PARA akong tuliro. Akalain ko bang may makikilala akong lalaking katulad ni Kenshin Sarmiento! Minsan talaga, hindi natin aakalaing may makikilala tayong hindi nating inaasahan sa hindi inaasahang pagkakataon. Is this destiny?

Noong gabing naging rude siya sa akin hanggang naging okay kami, hindi ko na keri kumalma, bess! Grabe siya. Ang hot kaya niya. Though, nakaka-confuse siya kasi may times na para siyang good boy and innocent tapos mamaya biglang parang ang bad boy at ang cool niya. But whatever! Ang mahalaga, close na kami.

Nitong mga nakaraan, lagi kaming nagkaka-chat. Syempre, friends na kami sa facebook. Tapos habang tumatagal na nagkakausap kami, lumalabas iyong kulit niya.. to the point na lagi niya akong binabara. Badtrip 'di ba? Peo okay lang kasi ,my gosh, na-fall yata ako sa kaniya. Siya na yata ang icing sa ibabaw ng cupcake ko!

Narito kami sa bar at nae-excite ako dahil makikita ko na naman si Kenshin. Hindi ko pa naman siya kinu-kwento kay biatch kasi tsismosa siya e. Baka mag-freak out siya kapag nalaman niyang may bumihag na ng puso ko sa loob ng isang gabi lang--noong mga panahong iniwan niya ako sa ere.

Chinat ako ni Cherrypink kanina at sinabi niyang nagyayaya daw mag-bar iyong si Palermo at syempre niyayaya na naman niya ako. Ayoko nga dapat sumama dahil sa ginawa niyang pang-iiwan sa akin pero tumawag pa siya para sabihing ipapakilala ni Duke ang friends niya kay biatch. So syempre ako naman, na-excite! Speaking of friends nung Palermo, I'm sure, isa doon si Kenshin. And yes, pagkakataon na naman na makita at makasama ko siya. Kahit naman kasi nagkaka-chat kami, I don't have the guts to asked him out. Nakakahiya kaya! May delikadesa pa din kaya ako pero kapag inaya niya ako sa hotel, go ako. Hihi.

So ayun nga, sinabi ko kay Kenshin ang tungkol sa pagpunta dito sa bar ngayon and he confirmed na niyaya sila ni Palermo so I asked him to pretend na hindi pa kami magkakilala kasi syempre... my gosh! Baka silihan sa puwet si biatch sa pagtatanong sa akin e. Para kunwari sobrang ganda ko kaya magiging close agad kami ni Kenshin.

"Mag-e-enjoy tayo! Ang daming gwapo!" sabi ko kay Cherrypink habang tumitingin sa paligid. Actually, hinahanap ko si Kenshin!

Inirapan lang ako ng bruha. "Huwag mo akong irapan, Cherrrrryyyy! I might give you a banana!" sabi ko.

"You're hyper tonight, biatch."

Hehe. Wala siyang kaalam-alam na hyper ako kasi excited na akong makita ulit si Kenshin!

Kung napapansin niyo, biatch or bitch talaga ang tawagan namin ni Cherrypink. Wala lang, magaganda kasi kami, inosente pero bitch din minsan.

"Lagi naman akong hyper. Oh my, look at the entrance. Is that Duke Palermo? Omo! I need to get ready! Selfie and fansign will do." Sabi ko. Ang gwapo at hot talaga niya. Pero may Kenshin na ako. Yeee!

"Fansign? Fangirl lang? Buti sana kung BIGBANG 'yan. But no, si Duke Palermo lang 'yan." Sabi ni biatch. Ang taray! Kumi-KPOP ang bruha.

"Si Duke Palermo na matigas ang banana! Alright, girl. May kasama yata siyang guys. Omona! Ang ga-gwapo din. Hindi ka man lang ba na-excite na makita ang lalaking nilalandi mo?" Ako kasi excited na talaga sa kasama niyang boys dahil isa doon si Kenshin!

Letse, ang panty ko, baka mauna pang malaglag kesa sa puso ko!

Nang makalapit sa amin sina Palermo ay muntik ng matanggal ang strap ng bra ko tulad nang una ko siyang makita. Mas hot at gwapo pala siya sa malapitan. Hay, ano kayang size ng banana niya?

But, on other side, sumulyap ako sa kasama niya—si Kenshin. Ang panty ko! I mean, ang puso ko!

"Hi ladies," bati ni Palermo.

Napanganga ako—hindi kay Palermo kung hindi kay Kenshin dahil ang hot niya ngayon.

"Frey!" tinapik ako ni Cherrypink sa braso ko. nakanganga pala talaga ako, literal! Nakakahiya.

"Uh, hi." Bati ko sa kanila. Hindi ko pa kilala itong isa pang lalaki na aksama nila pero ang hot at gwapo din.

Ano ba ang mga 'to? Mga greek Gods?

"Kenshin and Drake. My friends." sabi ni Palermo sa amin ni Cherrypink.

Ngumiti si biatch saka binate sila. "Hi."

Pabebe din itong si biatch e. Pa-virgin ang bruha!

"Cherrypink. My... girl." Duke introduced my bestfriend to his friends. "And her friend..?"

"Frey! I'm Frey." Mabilis na sagot ko.

"Yeah, Frey. Nice to meet you." Sabi sa akin ni Palermo.

Naupo sila. Sa tabi ni biatch syempre si Palermo tapos itong dalawang guy—sina Kesnhin at Drake tumabi sa akin. Ang egg cell ko nagwawala! I like Kenshin agad pero nakakakilig din na may isa pang gwapo sa tabi ko!

"So, you're the unlucky girl." Sabi ni Drake kay Cherrypink. He looked like a bad boy.

"Fuck you." Singhal ni Duke.

Drake laughed. Natawa din ako. Kahit hindi ko talaga alam kung anong nakakatawa. Syempre makikisabay lang. Dagdag ganda points. Baka kasi nakamasid sa akin si Kesnhin ko.

"We've been dating. And, you know I am so lucky to meet her." Duke said. Taray! Kung alam niya lang na ine-echos lang siya ng bestfriend ko, hay.

"Paano kayo nagkakilala?" Tanong ni Kenshin ko. At last, nagsalita na siya! Ang tahimik niya yata ngayon e.

Nag-order si Palermo ng sandamakmak na alak. Mayaman!

"What do you want?" He asked my bestfriend.

Umiling ang bestfriend kong pa-virgin. Uy, kunwari good girl. "Shake lang." Sagot niya.

"Oh, good girl. I never thought you preferred good girl now, brad?" Drake asked.

Biatch looked at him. "I'm not a good girl. Don't judge me. We're not close."

Yes, hindi niyo alam kung gaano kami ka-bad ni Cherrypink. Super bad.

"Whoa! Easy. Ang sungit pala nito, brad." Sabi agad ni Drake.

Umirap naman ang bestfriend kong nagtataray na. Hay, bahala nga kayo diyan. Ang gusto ko lang naman ay makausap ang aking Kenshin.

Grabe, tinamaan yata talaga ako sa lalaking ito ng gano'n gano'n lang.

"Hi, Kenshin." Bati ko sa kaniya sa tabi ko. Pa-cute girl kunwari.

"Frey." Aniya.

"Okay ka lang? Tahimik ka yata?"

"Yes, I'm okay, Frey. I just don't feel like talking." Aniya saka uminom ng beer.

Whoah! I find it sexy, tho!

"I see..."

Para akong napipi naman. Ang tahimik naman kasi niya. Ano bang dapat kong i-topic para magsalita siya?

"Kenshin, do you like messi?"

Kumunot ang noo niya. "Sino si messi?"

Hehe. Wrong move. Nakita ko lang kasi iyon sa facebook e, galing yata iyon sa isang scene sa isang Korean drama. My gosh! Fail.

"Wala, wala."

"Sino nga si messi? Paano ko siya magugustuhan, e hindi ko naman siya kilala, Frey."

Sabi ko nga e, "Hehe wala, nagkamali lang ako ng banggit. Sabi ko, do you like yosi. Hehe."

"Ah, yosi. Hindi, Frey. Masama sa kalusugan 'yon kaya hindi ako gumagamit nun kahit may bad influence akong kaibigan tulad ni Drake."

Natawa ako sa sinabi niya. He's so cute! Lalo akong napo-fall, kainis!

"That's good to know. Hehe."

"Ikaw, Frey. Naninigarilyo ka ba?"

Umiling agad ako. "Of course not, good girl kaya ako saka it's bad for the health talaga." Pa-ganda points.

"Good." Aniya. "Let's have a cheers!"

Ngumiti ako saka hinawakan ang beer ko. "Cheers!"

"This will be a long night. Kwentuhan mo nga ako ng buhay mo, Frey. Makikinig lang ako."

Napalunok ako. Omo! He's interested with me? Kaya siyempre aalamin niya ang buhay ko. Okay, fine! This is it.

"Let's start with my full name. Freya Cybel Guevarra. My father and my brother called me Cybel and the rest, gusto kogn tawagin nila akong Frey. Hindi ko lang talaga feel na Freya ang itawag sa akin. The—"

Naputol ang pagku-kwento ko nang napatingin ako sa lalaking ito. He's sleeping. Seriously? Napansin kong wala na rin pala sina Biatch at Palermo. Itong Drake naman, busy sa paninigarilyo niya habang umiinom. What a good boy, he fell asleep sa ganda ng boses ko.

Dahan dahan kong isinandal ang ulo niya sa balikat ko.

"Frey, huwag."

Nagulat ako kay Kesnhin. "Akala ko natutulog ka na."

"Frey naman. Nakapikit lang ako pero hindi ako natutulog. Hindi lahat ng nakapikit, natutulog." Inosente niyang paliwanag. "Ituloy mo kwento mo. I'm listening."

My gosh! Nakakahiya. Bakit kasi ang lakas ng trip ng lalaking 'to? Ang weird niya. Hindi ko siya ma-gets! Pasalamat talaga siya type ko siya at na-fall na ako sa kanya dahil kung hindi? Baka naghanap na ko ng pwede kong landing lalaki. Hay, ka-stress!


L’AVIS DES CRÉATEURS
pinkyjhewelii pinkyjhewelii

Enjoying? Thank you! xoxo

Load failed, please RETRY

Cadeaux

Cadeau -- Cadeau reçu

    État de l’alimentation hebdomadaire

    Rank -- Classement Power Stone
    Stone -- Power stone

    Chapitres de déverrouillage par lots

    Table des matières

    Options d'affichage

    Arrière-plan

    Police

    Taille

    Commentaires sur les chapitres

    Écrire un avis État de lecture: C2
    Échec de la publication. Veuillez réessayer
    • Qualité de l’écriture
    • Stabilité des mises à jour
    • Développement de l’histoire
    • Conception des personnages
    • Contexte du monde

    Le score total 0.0

    Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
    Votez avec Power Stone
    Rank NO.-- Classement de puissance
    Stone -- Pierre de Pouvoir
    signaler du contenu inapproprié
    Astuce d’erreur

    Signaler un abus

    Commentaires de paragraphe

    Connectez-vous