Blood XIV: Drops
Zedrick's Point of View
Tulala akong nakatingin sa malaking portal. May kung anong fusion ang makikita at medyo nakakasilaw kung titingnan ng matagal.
Umabante ng isang hakbang si Savannah. "This is the fusion gate that leads to Prison of Atlante, it was invented last 5 years ago at medyo mabago bago pa lang. Hindi pa 'to nagkaro'n ng problema before so it's safe to go and use this. Patungo 'to sa mismong area ng mga Class-A at may mismong checkpoint." Paliwanag ni Savannah. Nag-alanganin ako, dahil pa'no kung okay siya ngayon pero sa susunod, hindi?
Inilipat niya ang tingin sa akin at bumuntong-hininga. "Masyado kang nag-aalala, just take it easy." Ang kalmado niya masyado.
Kahit alam niyang napakalaki rin ng risk na 'to, arat siya.
"Pa'no kung pumalpak ang portal na 'to? Sa'n ka pwedeng dalhin nito?" I asked just to make sure.
"Basta hindi lalabas sa mundong 'to." Sagot naman niya.
"Edi pwede kang dalhin ng portal na 'to sa ibang bansa?" Tanong ko pa na ikinahalukipkip niya.
"Depende. Wala pang nakakaalam." Mas natatakot tuloy ako rito, eh!
"Don't worry about it. Kahit na pumalpak itong portal, matatagpuan ka pa rin ng na sa unit at made-detect nila 'yung naging problema." Aniya at ipinasok na ang dalawang baril sa pouch gun na nakakapit sa mga hita niya, "What? Gusto mo ng mag back out?" she told me that without wearing any emotions on her face.
"Are you scared?" I asked her.
"Back at you, you scared?" She asked me back, not answering my first question.
Umismid ako. "Of course, I could die there, you know?" I honestly answered while shaking my head.
"I see..." Sabi lang nito at humarap na sa portal na iyon. "Anyway, the G-force of the Fusion Gate are pretty rough the first time, so be ready." Paalala niya sabay talon papunta sa Fusion Gate. Hindi ko kaagad siya napigilan. Hindi pa ako handang pumasok diyan, eh! Kaso lalaki ako! Dapat ipakita ko sa kanya na po-protektahan ko siya kahit na ano'ng mangyari.
I closed the both of my eyes and jumped in. Laking gulat nang maramdaman ko ang matinding force mula sa gravity. Pakiramdam ko masusuka ako kaya tinakpan ko ang bibig ko. Mayamaya lang nang lumuwa ako mula sa kung saan at naitulak ang naghihintay na si Savannah pababa sa lupa.
Napapatong ako sa kanya samantalang inangat naman ni Savannah ang ulo niya upang makita ako. "Ugh! I already told you about the force, idiot!" Bulyaw niya sa akin.
Inangat ko ang tingin ko sa kanya. "I'm sorry, n-nakalimutan ko dahil hindi nga ako ready." Sagot ko naman pero mas nagsalubong ang kilay niya. Umiinit nanaman 'yong ulo niya sa akin.
"Eh, hanggang kailan ka magiging hand--" Nagtakip ako bigla ng bibig nang sumama ang pakiramdam ko.
"Wait, my grastic juice are coming up..." At pabagsak kong isinubsob ang mukha ko sa dibdib niya.
Sinabunutan niya ako. "What a wimp! Hurry up at umalis ka na sa pagkakapatong--" Napatigil siya't bigla akong itinulak para silipin ang napansin o narinig niya. Hindi ko muna iyon pinansin at inilabas na muna kung ano ang dapat isuka.
Yuck.
Savannah clicked her tongue. "Zedrick!" Mahinang sita niya sa akin.
Pinunasan ko ang bibig ko. "It can't be helped!" at naglagay ako ng lupa sa mismong suka ko para 'di naman nakakadiring tingnan. Narinig namin ang kakaibang ungol mula sa kung saan. Nararamdaman ko sila, at nakakapanindig balahibo.
Tinakpan ko rin ang ilong ko dahil sa tamang nung amoy ng malalansang dugo. Napakabaho, nakakahilo!
Iginala ko ang tingin sa paligid, nasa lumang kabahayan kami, tila parang nagkulay pula ang paligid dahil sa nagkalat na dugo. Ang mga halaman ay tuyong tuyo na tila parang 'di nauulanan ng ilang taon.
Inilipat ko naman ang tingin sa kaliwa ko, gubat na ang makikita kung didiretsyo kami roon, at kahit na malayo iyon mula rito ay makikita kaagad ang sobrang dilim nung lugar.
Iginiya ako ni Savannah papunta sa kanya para magtago sa mga malalaking bushes na nasa harapan namin. Nakaitim kaming pareho bilang camouflage sa mga didikitan namin. "Be gentle, please." Pabebe kong pakiusap pero 'di lang niya ako pinansin at nakatuon lang sa tingin sa harapan.
Ngiwi akong napailing. "Alam mo, hindi na ako magtataka kung makikita tayo ng kung sinong Class-A Vampire rito. Ang lakas ng amoy." Sabi ko. Napatingin siya sa akin at itinaas ang kamay para amuyin ang kanyang kili-kili. Gusto kong matawa.
Sinimangutan niya ako. "Hindi naman amoy putok, ah?"
'Di naman 'yan ang ibig kong sabihin, iyong pabango niya-- Hindi, ito 'yung natural na amoy ni Savannah. Sadyang siya lang ang may ganitong klaseng amoy sa lugar na 'to, isama mo pa na malapit ako sa kanya. Pero kung gano'n, hindi na kataka-taka kung ba't mas malaki ang posibilidad na lapitan siya ng mga bampira rito?
"They're here" Signal niya.
Mula sa pwesto namin ay lumabas na nga ang mga bampira. Ito 'yung mga naramdaman kong presensiya kanina.
Animo'y mga zombie ito kung maglakad, ang iitim na rin ng ilaliman ng mga mata nila at talagang luma na ang mga damit. May mantsa ng dugo sa buong katawan, wala akong ideya kung saan sila nanggagaling pero 'di ko talaga gusto ang amoy.
Savannah keeps on entering to this place with full of danger.
Dapat una pa lang, sumasama na ako sa kanya.
"Pagkabilang ko ng tatlo, aatake tayo." Seryosong pagbibigay ni Savannah ng signal.
"Sandali lang. Hindi pa ako nakikipagpatayan sa mga bampir--"
"Pero may karanasan ka ng makipaglaban, 'di ba?" Pagputol niya sa akin na tinanguan ko naman bilang pagtango. Nag-aral ako ng martial arts sa dati kong eskwelahan. Ginagamit ko iyon kapag nakakantanto ako ng mga masasamang loob sa mga daan-daan. Pero hindi ko inaasahan na magagamit ko rito 'yun ngayon. "Look. Walang ibang gagawa nito kundi tayo lang. Hindi natin sila kontrol." Litanya niya na hindi ko pa rin nagawang imikan. "Pwede kang manatili diyan kung ayaw m--" hinawakan ko ang holder ng Jian sword.
"Fine." Pagpayag ko. Wala na siyang ibang sinabi at pumaharap lang para maghanda. Gumagamit na siya ng daliri bilang pagbilang kaso may natapakan akong tuyong dahon kaya narinig din ng mga bampira at napatingin sa gawi namin.
Napasapo sa mukha si Savannah. "Stupid." Mabilis na lamang siyang bumungad sa mga bampira para simulan itong pagpapatay patayin isa-isa. Sumasabay 'yong buhok niya sa bawat paggalaw niya.
Ngunit hindi ko magawang mamangha. Bawat dugong tumatalsik ay siyang kasabay sa pagbabalik ng mga pangit na alaala ng nakaraan.
Napapikit ako nang mariin. This isn't the right time to be scared of! You have to fight! If you won't. You'll regret it.
"Dammit."
Baril siya nang baril nang lumingon siya sa akin, "Zedrick, back me up!" at tumingin ulit siya sa mga kalaban niya. Lumabas na nga ako sa tinataguan ko at sumugod.
Umikot ako sa ere't mabilis na hiniwa sa kalahati ang katawan ng bampirang balak sanang atakihin si Savannah. Malakas na tumitibok ang puso ko, ang dugo ko'y umaangat-- 'yung Savant Syndrome ko!
Napaatras ang isa sa mga Class-A. "A vampire?" Hindi makapaniwalang sambit ng isa sa kanila na nagpapukaw sa atensiyon ko.
"Boy, help us kill her!"
"Come! You are also one of us."
Nanginginig ang mga mata ko subalit nagawa kong makarating kaagad sa harapan ng isa sa mga nagsalitang bampira saka ko dinukot ang puso nito't malakas na kinuyom. Naging abo ito gayun din ang bampira na nagpasinghap sa mga kasamahan niya.
Malakas na hangin ang tumatama sa balat ko habang nakatitig sa mga kamay kong narumihan ng mga dugo nila. Nakarinig din ako ng kung anu-anong ingay sa utak ko. Sigaw, hikbi, ang paghiyaw sa takot, at kung anu-ano pa.
Putok nanaman ng baril ang aking narinig. "Zedrick! Huwag kang lulutang lutang sa gitna ng laban! Mamamatay ka sa ginagawa mo!"
Nanlaki ang mata ko't laking hakbang ang iniatras para bumalik sa kanina kong puwesto noong inakala kong ako ang titirahin, ngunit laking gulat noong isa-isa silang lumapit ang mga bampira sa isa nilang kasamahan upang kainin ito.
Nagulat ako sa nakita ko. "You've got to be kidding me." Hindi makapaniwalang reaksiyon ko. Patuloy pa rin sila sa pag-inum ng dugo ng kasamahan nila.
Kinuha ni Savannah ang kamay ko at mabilis akong hinila papunta sa kung saan. "Let's go!" Pagmamadali niya para umalis sa lugar na iyon. Huminto lang kami nang makalayo nang kaunti. Binitawan niya ako saka siya humarap sa akin para bigyan ako ng malakas na sampal. Napahawak ako sa aking pisngi habang nakabuka ang bibig. "Ano ba'ng ginagawa mo?!" Bulyaw niya sa akin na hindi ko nasagot. "Ano ba ang dahilan mo kaya ka sumama sa akin?"
Napaawang-bibig ako't napatungo. Oo nga, sumama ako sa kanya dahil ayoko siyang nag-iisa. Kung hindi ko gagawin 'yun ng tama, magiging sagabal ako. Ano ba 'yan, Zedrick! Get a hold of yourself, hindi na sila 'yung dating bampira tulad mo. You have to kill them to protect her.
Huminga ako ng malalim at sinuntok ang sarili. Nagulat si Savannah sa ginawa ko pero tiningnan ko lang siya pagkatapos at ngumisi. "Nagbabalik." Tumitig pa lang siya saglit sa akin nang mapabuntong-hininga siya.
***
PUMUNTA KAMI sa gubat, madilim sa parte na ito kaya halos madapa-dapa ako. "Sigurado ka ba rito? Baka maligaw tayo kung tutuloy pa tayo." Nag-aalanganin kong wika habang pagala-gala ang tingin.
"Kabisado ko 'yong lugar, at isa pa... Hindi lang naman ako ang vampire hunter sa lugar na ito." ani Savannah at kinabit sa tainga ang MCD o ang tinatawag sa Mini Communicator Device.
"Savannah speaking, what area are you at?" Tanong niya sa kabilang linya. "Area 21, 6 o'clock? Malapit lang kami diyan, hintayin mo na kami diyan." pakikipag-usap niya sa kabilang linya at pinindot ito to stop the communication.
"Hurry up" at tumakbo pa ito ng mas mabilis kaysa kanina. Wala namang problema sa akin na bilisan pero 'di ko alam kung saan pupunta.
Takbo lang kami nang takbo na habang tumatagal ay kumakapal ang hamog, tiningnan ko ang sports watch ko at pinindot ang ilaw nito para makita ang oras. Malapit ng mag quarter to 7, hindi na 'ko magtataka kung bakit medyo makapal at malamig na sa lugar na ito lalo na't nasa bundok pa raw talaga ito.
Pumikit ako at in-activate ang vampire instinct ko para luminaw ang sense of sight ko.
"Savannah, okay ka lang?" Check ko sa kanya, "May nakikita ka pa ba?" Dagdag ko. Lumingon siya sa akin at itinuro ang suot-suot niyang X-Ray with Night Vision glasses. Tumango na lang ako at pumaharap na ng tingin.
Narating na namin ang lugar. May isang nakatalikod na lalaki ang nakatayo roon habang hawak-hawak ang isang flash light. Huminto kami sa likuran niya. "Radge." Tawag ni Savannah sa isa pa naming kasamahan dahilan para lingunin niya kami.
Napasinghap si Savannah nang makita ang maraming kalmot sa kanyang mukha. Ibinaling nung lalaki ang tingin sa akin. "You must be Zedrick, right?" Tanong niya sa akin na tinanguan ko naman. What happened to him?
Humakbang ng isa si Savannah. "Radge... Don't tell me..." Nanginginig ang mga mata nito habang nakatingin sa tinukoy na si Radge. Pinapanood ko lang sila, walang ideya sa nangyayari. Tumango lang din si Radge habang 'di naaalis sa kanyang labi 'yong ngiti. "The virus are already spreading... Hindi magtatagal, magiging Class-Z vampire na rin ako."
Kunot-noo kong tiningnan si Savannah na ngayon ay hindi pa rin makapaniwalang nakatingin kay Radge. "Class-Z?" Tukoy ko sa nabanggit.
"It is the other meaning of a fiend. Kumbaga sa zombie... Kapag nakagat ka o kaya'y nakalmot, madaling kumalat ang virus sa katawan ng tao dahilan para maging isang ganap din ito na living dead, gano'n din sa Class-Z.
A human turned into vampire, a fabled fiend which has no control of everything. Which means, Class-Z vampires can't talk and their heart is no longer beating. Mas malakas rin ang mga ito kumpara sa Class-A Vampires." Napanganga ako sa nalaman ko.
Ngayon ko lang 'to nalaman!
"Ibig mong sabihin, kapag nasugatan ka ng Class-A Vampire. Magiging Class-Z ka?" Kinakabahan kong tanong na pikit niyang tinanguan bilang pagsagot. Huh?!
"Radge..." Hirap na hirap na tawag ni Savannah sa pangalan niya.
Inangat ng nagngangalang Radge ang ulo para tingnan ang walang buhay na kalangitan. "Before I will kill myself here." Ibinaba niya ang tingin kay Savannah at nilapitan ito."Take this." Sabay abot ng isang litrato.
Kinuha iyon ni Savannah saka niya ito tiningnan, sinilip ko naman ito para makita. Isang litrato ng babae, pero 'di makikita ang mukha dahil sa nagkaroon na ng gasgas ang photo paper. "I figured out that aside from us, vampire hunters... May iba pang pumapasok sa lugar na ito." Bigay paliwanag niya at umiling, "Kahit 'di ko alam kung paano at sino." Dagdag niya.
Nakita ko ang kaunting paghigpit ni Savannah sa hawak niya at yumuko kaunti. "This is enough information, ipagpapatuloy na lang namin 'yong investigation for tomorrow." Saad niya at inangat ng muli ang tingin. "Radge, thank you." Binigyan lang siya ng thumbs up ni Radge bago ako muling hilahin ni Savannah paalis doon.
Sa paghila niya sa akin ay napalingon ako sa kasamahan namin. Suot pa rin ang ngiti sa kanyang labi kahit makikita rito na hirap siya. Mayamaya lang ay itinutok na niya ang baril sa kanyang ulo't ipinutok ito. Higpit kong hinawakan ang dibdib ko't napapikit.
***
PUMAHARAP AKO ng tingin at tuloy-tuloy pa rin sa pagtakbo papunta sa checkpoint.
Wala kaming imik ni Savannah at tahimik lamang na dumidire-diretsyo sa pupuntahan, pero mayamaya ay pumatak na kung anong basa sa aking pisngi.
Napahawak ako roon at inangat ang tingin sa madilim na kalangitan, "Ambon?" Bulong ko pero wala namang pumapatak na ulan kaya tumingin na lang ulit ako sa harapan. Where I realized that it isn't the rain drops that fell on my cheeks but the tears of a woman in front of me.
Sa pagtakbo namin, napupunta sa 'kin 'yung basa na nanggagaling kay Savannah. Hinayaan ko muna ito sandali dahil kailangan din niya ng oras para sa sarili niya.
Nang makakita na ako ng tamang oras ay nagtanong na ako. "Is he your friend?" Tanong ko sa kanya ngunit hindi niya sinagot.