Télécharger l’application
55.55% The Nerd's Quest / Chapter 5: TNQ 4 : FIRST CLASS

Chapitre 5: TNQ 4 : FIRST CLASS

ATHENA'S POV

"Ihinto mo na dito. I can manage to walk from here to the academy." wika ko.

Hininto naman niya ang kotse nito sa bandang iskinita, limang metro ang layo sa entrance ng AMA.

"Are you sure, you can manage to walk from here to the academy?" tanong na may halong pag-alala nito.

"Yes, I'm sure and I'm fine. Wag kang mag alala sa akin, I can take care of myself." binuksan ko na ang pinto ng kotse. Bago ako nakababa, he grab my hands. Napatingin ako sa kanya at pinukulan ko siya ng masamang tingin.

"Take care my princess." pagkasabi nito hinalikan niya ako sa noo at pinababa na sa kotse

"See you around."

At yon lang pinaharurot na niya ang kanyang kotse.

Tsk, nakita lang niya ang nangyari kahapon,nagkakaganyan na agad. He knows me but...basta ewan ko sa kanya.

Flashback........

Ilang minuto ang nakalipas after sa gulo, umalingawngaw ang speaker ng akademya. Ipinaalam sa mga studyante na suspended muna ang klase, may meeting kasi daw ang lahat ng instructors, kaya napaaga ang uwi ko sa mansion. Boung araw na nagkulong sa kwarto at nagbasa ng libro. Nagpapahatid lang ako ng pagkain sa mga katulong namin sadyang tinatamad akong bumaba.

Ito lang ang gawain ko pag di ko feel na maglakwatsya.

Sa kababasa di ko na namalayan na nakatulog pala ako. May naramdaman akong may humahaplos sa aking buhok kaya't dinilat ko ang aking mga mata at nakita ko ang isang maamo't gwapong nilalang.

" Nagising ba kita?"

"Obvious ba?" balik na tanong ko't sabay irap.

Ngumiti ito ng abot tenga at ginulo ang buhok ko.

"Ano ba kuya?! Mahirap kaya magsuklay ng buhok"

Pinalo palo ko siya ngunit di ito natinag, patuloy parin ito sa pagugulo ng buhok ko hanggang yumakap ito sa akin.

"Hey, ano namang kadramahan ito aber?"

Di ito, magkakaganito kung walang problema. Wala itong ibang tinugon kundi ang paghigpit niya ng yakap sa akin. Bumuo ako ng malakas na pwersa para itulak siya, subalit bigo ako pagkat hinigpitan pa niya ang pagyakap.

"Aissshhh! Nasasakal na po ako prinsipe kaya pwede po bang bumitaw?" nakakakunotnoong sabi ko.

Niluwagan niya ang pagkayakap sa akin at bumuntong huminga. Hinaplos haplos ulit nito ang buhok ko.

"Sorry for what happened awhile ago. Wala akong nagawa kanina. May mga nakita na akong binubully, but when it comes na ang kapatid ko na talaga ang nakikita ko, iba pala. Gusto ko na atang manuntok kanina."

"Yan ba ang pinagdradrama mo?"

Bumitaw siya sa pakayakap at sinalubong ang masama kung tingin.

"Kagagawan mo rin ito eh. Kaya di ko sila masisisi. Baliw ka kasi. Tsk."

"Tsk. Ang drama mo kuya. Di bagay saiyo. Ang pangit mo."

Humagalpak ako ng tawa kaya nakatanggap ako ng sampal ngunit di naman malakas.

"Nagsisinti na ako dito tapos ganyan ka lang? For Pete's sake Athena, I'm fucking worried to that mission that you're in right now!"

Napatawa nalang ulit ako at nagkasalubong na naman ang mga kilay at kumunot ang noo nito.

Naging babae na naman ito sa mga reaction niya. Hayyss.

"Para kang babae kung makareact. Kaya love kita ehh" pagkasabi ko niyon niyakap ko siya ng mahigpit at niyakap din niya ako ng pabalik.

"I can handle myself. Cast your worry about me."

"I know that, but always remember that I'm always at your back. I'm your knight and shining armour. I love you my princess"

"I love you too my prince"

At hinalikan niya ako sa noo.

End of flashback.......

What the heck!

Bat ba nasa fourth floor ang room ko?

Kainis naman oh!

Parang malalagutan ako ng hininga sa pagtakbo ko sa unang class, nagring na kasi ang bell and I hate to be late.

Papasok na sana ako, nang may tumawag sa akin. Isang babae. I think nasa kanyang thirties na ito kung kikilatising mabuti but kung di, mga nasa twenties pa lang ito. And her body figure is perfect to be a model.

"Excuse me Miss, are you one of the students in this classroom?" tanong nito ng makalapit sa akin at hinahabol din nito ang kanyang hininga.

"Yes ma'am, I'm one of the students in this classroom. But I'm a transferee. Bat nyo po naitanong? " magalang kong sagot.

"Just to ensure na tama ang room na papasukan ko. Pareho lang tayo, bago lang din ako dito. I'm Miss Dela Fuente, your Math teacher. Shall we get inside, we're ten minutes late."

Pagpasok namin sa room, bumungad sa amin ang napakaingay na mga estudyante. Daig pa nito ang mga grade one pupils. Di nga nila kami napansin. May mga kanya kanya silang mundo, ang iba nag tsitsismisan, may nagbabasa kahit sobrang ingay, may nag-eearphone, may nagbabatuhan ng papel, may natutulog at iba pa.

Ilang beses tumikhim si Miss Dela Fuente but wala paring nakapansin.

Mga langyang mga studayante, walang mudo't galang!

Kusang kumilos ang paa at kamay ko at ang nakita ang vacant chair na malapit sa akin. Wala sa sariling itinapon ko iyon sa may dingding. Sa lakas ng impact nito napatigil ang lahat sa kani-kanilang mga ginagawa at masamang napatingin sa akin. Bakas sa mga mukha nito ang pagkagulat.

"Ma'am I guess you can start the class now, we're delayed for almost more than 20 minutes already."

Pagkasabi ko niyon, naglakad na agad ako sa nakita kong vacant seat sa may likuran na katabi ang bintana. Di ko na ininda ang mga matang nakatitig sa akin.

Tsk. Ang ganda ko ba para titigan nila ako ng ganyan? Ang epic ng kanilang mga mukha, sobra.

Napangiti na lang ako sa mga bagay bagay na naglalaro sa aking isipan.

"I'm Miss Alliah Dela Fuente, your math teacher. 31 years young. I'm the replacement teacher of Mr. Alcazar. Please to meet you everyone. Since it's my first day and I don't know each one of you. I guess, we should not have first our class instead we should do the so-called getting to know each other. So, let's start from the back."

What the H***?!

Di ko inexpect na ako ang unang magpakilala. Kung alam ko lang di na sana ako dito umupo. Lahat na naman ng mata ay nakatutok sa akin.

"First, I want to say sorry for what I did earlier Miss Dela Fuente." puno ng sinsiredad na paumanhin ko.

Ngumiti lang si Miss Dela Fuente and I think her smile means that she accepted my apology.

"Athena Tyche Perez is my name"

Nakuha ng katabi ko na wala na akong sasabihin kaya tumayo naman ito at umupo na ako.

"Please to meet you, Miss Dela Fuente. Ares Eros Maxwell. 19 years young. Treat me as your ordinary student."

Aish. Loko talaga to kahit kailan. Magkaklase kami sa subject na ito. For sure, ako na naman ang gagawa sa mga projects at assignments ng lokong to.

"Good Morning everyone. Jonathan Torres, 19 years of age, at your service." *smirk*

Kinilig naman ang mga babaeng kaklase ko sa ginawa ni Nathan.

Langya! Ang hangin din ng gunggong na ito.

Sunod na nagpakilala ay ang apat na siga kamo sa akademya.

"Ethan Dave Chavez is my name. Please to meet you Miss Dela Fuente. *smirk*. May pick up line po ako for you ma'am."

"Go ahead Mr. Chavez."

"Ma'am sana halaman ka na lang at photosynthesis ako."

"Bakit?"

"Di kasi maboboo ang process ng buhay ko kung wala po kayo."

Boom! Sigaw ng mga kaklase naming lalaki.

Knilig naman lalo ang aming mga classmates na babae at tila naging hinog na kamatis naman ang mukha ni Miss Dela Fuente.

Tsk. Para yon lang. Mga feelingerong palaka ang mga tao dito, sarap imudmod ang mga mukha sa lupa.

"Enough!" sigaw ni Miss Dela Fuente ng makabawi mula sa pick up lines ni Ethan.

"Next."

"Cinder Cnidel Reyes, the hot and gorgeous of this academy." *puppy eyes*

Binatukan siya ni Ethan at Cloud.

"Tsk. Para kang bakla pre." bulyaw ni Cloud.

"Cloud Yuan Mercado is my name, please to meet you Miss Dela Fuente."

"Kenneth Aizer Smith"

As I expected, yan lang ang sasabihin niya.

Nauwi lahat sa pagpakilala hanggang magring ang bell.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C5
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous