Télécharger l’application
38.46% Wedding Ring (Original) / Chapter 5: Chapter II: S.O.S

Chapitre 5: Chapter II: S.O.S

My cheek was wet and… sticky.

"Oi Bryan! Okay ka lang? Bakit parang inaalalayan ka na ni San Pedro sa langit? Naglalakbay na ba kaluluwa mo ah?" She snaps her fingers infront of my face a couple of times bago ko napagtanto yung mga sinabi nya.

Umiiyak ba ako?

Althea chuckled sweetly while Aimee was trying to restrain her laugh.

Hinawakan ko ang aking pisngi, malagkit, hindi naman basa ang mga mata ko at walang bahid ng mga luha, napadako ang aking tingin sa basang hand gloves ni Althea.

Ahh, kumuha ako ng bimpo.

"Baby, hindi na ba gwapo si daddy at nililinisan mo na ang mukha ko?" Pa-cute kong simangot habang pinupunasan ko ang kanyang hand gloves at nilinisan ko rin ang aking pisngi.

"Ehem. She's too smart for a baby." Oh, I forgot about her.

"Ang cute nyong dalawa, nakakainggit tuloy. Having a kid isn't that bad. Hindi na ko magtataka kung talagang father and daughter kayo." She smiles genuinely.

"Thank you. She's my world." I said to her but my eyes were on Althea.

Gusto ko mang makipagkwentuhan sa kanya lalo na't parehas o magiging parehas na rin kami ng estado kaya lang ay hindi na rin maganda sa katawan ni Althea ang sobrang exposure sa sikat ng araw. Isa pa, kanina ko pa nakikita na nakatingin sina Wally sa mga duma-dumaan na naglalako ng pagkain.

I can't ignore that.

"Kailangan ko ng umuwi, limang minuto na lang bago mag-alas syete. Hinihintay na ko ng asawa ko." I almost tremble in my words and put Althea back to her stroller na mukha namang kalmado na.

Balak ko sanang dito na rin kami mag-piknik nina Wally tutal naman ay may iginayak akong umagahan para sa kanila ngunit kung matutunghayan yun ni Aimee ay baka mas lalo pang lumawak sa usaping pangpamilya ang kwentuhan namin, at ako ang maaaring maging centro ng usapin na yun.

"Ay ganun ba? Naku naman, kung kailan wala akong dala na invitation saka kita nakita. Anyway, just give me your number para may contact naman ako sayo or how about facebook?"

"Facebook?�� Mariin kong tanong.

"Tsk, as expected of you." She clinks. "Saang panahon ka pa rin ba, Bryan? Don't tell me na-istuck ka pa rin nung mga kapanahunan ni Lola Basyang."

Nilabas ko na lang ang cellphone ko.

"Wow ha, yung pinakalatest na iPhone. Yayamin ka na ngayon ah? Balita ko isa ka ng chef at may-ari ng restaurant. Totoo ba yun?" Nasamid naman ako sa sinabi nya.

Buti na lang sa tagal-tagal ng usapan namin, hindi man lang nya nabanggit ang mga yun.

"Here's my number, 09#########. Kuha mo?"

"Teka lang, bilis mo naman Mr. Josephine Tey, isa pa nga." Tinago ko na ang cellphone sa bulsa ko.

"I'm leaving, salamat sa oras Aimee." At tinulak ko na yung stroller at naglakad na rin ako.

"Ui, isa pa nga sa number mo! Sus naman 'to o, parang ayaw magbigay."

"09#########, kailangan ko na talagang umuwi. Pasensya na, baka naiinip na asawa ko." Napatango na lang sya.

"Salamat Bryan ah, marami ka pang utang sa susunod na magkikita tayo. Isa pa, pakilala mo na samin yung asawa mo ah."

Tumango ako sa kanya at nag-thumbs up, that last part is quite impossible.

Hindi ko na kayang sagutin pa ang mga tanong nya dahil tama nga sya, marami ng pagbabago sa buhay ko pero hindi ako papayag sa ganitong paraan.

Hindi ko alam kung paano ko uumpisahan ang kwento ng 'lovelife' ko kung meron man na nauwi sa kasalan, parang isa kasi akong genius na estudyante sa elementary school na tumuntong agad ng kolehiyo, walang kaalam-alam sa pinasukan as I missed the progress.

Nang nadaanan ko yung mga gwardya ay yumuko sila sakin bilang pagkilala. They wear normal clothes dahil syempre ayokong may makahalata sa status ko lalo na't walang nakakaalam kung sino ang asawa ko. Kaya naman syempre 7 meters away na rin ang layo nila sakin.

"I guess my baby is starving." I looked at her and she's sleeping peacefully now, I pinch her plump cheek lightly and caresses it. "My squishy squash."

"Siiirrrr." One of the bodyguards interrupted me at halatang hindi mapakali, kaya naman tiningnan ko sya.

"Kuya Wally, I told you stop to calling me 'Sir' lalo na pag nasa labas, baka may makarinig." I whispered enough for him to hear.

"Sino ba yun, paps?" He drops his formal self and switched to his normal one. "Nag-exchange ba kayo ng number? Kaibigan o ka-ibigan?" Pang-aasar nya.

I shake my head and wink on him. "Secret~"

Then he's silent and looks at me with straight face, he puts his hand on my shoulder and pats me. "Okay lang yan, Paps. Alam kong nalulungkot ka at may mga pangangailangan kaya naman-"

Binatukan ko sya sa ulo. "Hindi mo ko katulad."

Ngumisi sya habang natawa na lang ako.

Hayyy.

"Ay oo nga pala paps, kailangan ko pala tulong nyo." Bulong nya.

Here we go again.

Tinulak ko ng muli yung stroller ngunit pinigilan nya ko.

"Last na talaga Sir-paps, promise. After nito, papuntahin nyo na ko sa isang lupalop na lugar na walang nakakakilala sakin kundi ang mga hayop na handa akong gawing hapunan." Pagmamakaawa nya.

Napabuntong-hininga na lang ako.

"Alam mo talaga kung ano ang kahinaan ko." Balik ko sa kanya, ngumiti naman sya habang nagkakamot ng ulo. "What kind of help?"

"Yo-you wo-wouldn't like it, Sir." Nanginginig na sinabi nya habang umiiling.

"Ilang beses ko nang narinig yan sayo, hindi pa ba ko masasanay?"

"O sige na nga, Paps. Pinipilit nyo ko eh." Pagpapakipot nya at yung mga ibang babae na nanonood samin ay nakasimangot na at nagbubulungan.

Are they mistaking us for something?

"Wally get to the point, pinagtitinginan tayo na parang badaspki." I slanted my head pointing to the girls' direction which he easily understands.

"Hi girls!" He waves at them at napangiwi sila na parang nandiri sa kanya.

"Gwapo ng brother ko noh?" Wally placed his hand on my shoulder. "Alam nyo bang kambal kami? Noong bata ako, ganitong-ganito itsura ko." Pinisil nya ang pisngi ko at sinubukan kong pigilan ang aking tawa.

"Kaya lang, nung lumaki kami ay napariwara ng landas ang mukha ko." Sigaw nya sapat lang upang marinig ng mga strollers at napangiti na lang ako.

"O sya, di na nila iisipin na badapsing tayo." Kindat nyang muli at napatawa na lang ako.

"So mild, moderate or severe?" Usisa ko sa kanya, may dumampi na tuyong dahon sa mukha ni Althea, bago pa man makasagot si Wally ay pinigilan ko sya ng aking mga kamay para tumahimik at madali naman nyang nakuha iyon.

Gumalaw ng kaunti yung eyelids ni Althea at sumunod naman ang kanyang kamay, ayoko syang magising lalo na't kakatulog lang nya. Maingat kong dinampot yung dahon sa kanyang mukha, malutong at madaling magpira-piraso ito at tinapon ko sa aking gilid.

Very fragile, just like her.

Tinaas nya ang kamay at sinabing maliit na bagay lang. "Maliit na butas, Paps ngunit lumalaki."

Magsasalitang muli sana ako kaya lang ay pinigilan ito ng isa ko pang gwardya na humihingal pa.

"Sir Bryan, mawalang galang na po pero mukhang mamaya pa po kayo makakauwi sa mansion." Pagpapaliwanag nya.

"Pambihira, nag-effort ako mag-isip ng pangalan tapos sinira lang ng kasama ko." Narinig kong sinambit ni Wally.

Mamaya pa? Bakit naman kaya?

"Kuya Jose, sa anong dahilan? Tulog na si Althea and getting too much sunlight is not good for her health. Isa pa, hindi pa kayo nag-uumagahan, hindi pa ba kayo nagugutom?" Usisa ko.

Tumunog ng malakas ang tiyan ni Wally bilang pagsang-ayon at ganun rin si Jose.

"Hindi naman ako yung nagrereklamo Paps, yung tiyan ko." Sabay palo ng kanyang tiyan na pawang pinapagalitan.

Jose hesitates as he glanced at Wally. "May unknown identities po kasi sa harap ng mansion----"

"Bisita?!" Nasasabik kong sabi. "Mga bisita? O tara na, uwi na tayo!"

Isa sa mga paborito kong okasyon sa bahay na yun ay kapag may bisita sa kadahilanan na maipagluluto ko sila ng masarap na mga putahe.

I can't wait!

Ngunit bago pa man ako maka-abante ay hinarangan akong muli ni Jose.

"Sir Bryan naman, hindi po sila bisita datapwat ay mga dayo, dalawang babae. Kaya bago po sana kayo umuwi ay nais po muna naming alamin ang kanilang pagkakakilanlan para po sa kaligtasan nyo."

Babae?

Napadako ang aking tingin kay Wally at kapansin-pansin sa kanya na mukhang may kinalaman sya rito.

Hindi ako sigurado ngunit masama ang kutob ko sa salitang binitawan nya.

"Patay."


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C5
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous