Télécharger l’application

Chapitre 7: Chapter 5

"Ma'am Nica sabay na tayong umuwi!"

Natigilan si Nica sa paglalakad palabas ng building at nilingon ni Nica ang pamilyar na boses ni Dennis sa likuran nya. Kumakaripas ito ng takbo papunta sa kanya habang may bitbit na isang bundle ng libro.

"I'm sorry Dennis. May pupuntahan pa ako ngayong Dinner. Pero kung gusto mo bukas babawi ako sayo. Pupunta tayo sa isang bar. Tutal naman Birthday mo bukas. Magba-bar hopping tayo! Tutal naman ay hindi ka pa nakakapunta sa isang bar diba? Akong bahala sayo." Kinindatan nya si Dennis at kumaripas ng takbo papunta sa sasakyan ni Harvey na naghihintay sa kanya sa gilid ng kalsada.

Nang makarating sa isang restaurant ay kaagad syang iginiya ng waitress papunta sa isang reserved na table na pang-dalawahan. Matiyaga nyang hinintay si Mrs. Villaruiz habang inililibot ang paningin sa kabuuan ng sikat na restaurant. Muntik na syang lumundag sa gulat nang makita ang seryosong mukha ni Leo na papalapit sa direksyon nya.

"Good Evening po, Sir." Tumayo sya at hinarap ito ng maayos. "Bakit po kayo nandito? May meeting po ba kayo sa restaurant na ito by any chance?"

"I'm here because my mother invited me for dinner. Hindi ko alam na nandito ka pala. Are you expecting someone?" Tinitigan sya nito ng seryoso at hinintay ang magiging sagot nya.

"Inimbitahan ako ng Mommy mo na mag dinner. Pero nagtataka ako na kasama ka pala namin. Akala ko hindi ka pumayag? Kaya napilitan akong pumunta."

"Tsss.. She's interfering my dating life again. Tsss..." Humalukipkip ito. "She set us up."

Napangiwi sya. "Akala ko pa naman sya ang makaka-dinner ko. Edi sana hindi na ako nagpaalam kay insan na umuwi ng maaga. Madami pa sana akong natapos na trabaho ngayon." Bulong nya sa isip na hindi nya sinasadyang naisambit sa harap ni Leo. Mabilis nyang tinakpan ang bibig nang ma-realize na narinig sya nito.

"It's okay. Kung ayaw mo mag-dinner with me, hindi kita pipilitin." Seryosong wika nito at tumalikod na sa kanya.

"Sorry sa mga nasabi ko. Okay lang naman na------"

"Nica-chan, is that you?"

Natigilan sya sa pagsasalita nang marinig ang isang pamilyar na boses na tumawag sa kanya. Mabilis nyang nilingon ang may-ari ng boses at nagulat sya nang makitang si Mr. Takashi Hino ang nasa likuran nya.

"I knew it's you! Your face is very familiar from afar. By the way, it's nice to see you again." Ngumiti ito sa kanya.

"Hehehe! Nice to see you too, Mr. Hino." Gumanti rin sya ng ngiti dito.

"You know him?" Biglang tanong ni Leo na ngayon ay nasa tabi ulit nya at seryoso pa rin ang mukha.

"Opo. Nagkakilala kami kanina." Binalingan nya muli ang kausap kanina. "I'm so sorry, Mr. Hino but i have a dinner date with him. It's nice to see you again." Nag-bow sya ng kaunti para magbigay respeto sa lalakeng kaharap.

"Nice to see you again too. Nica-chan." Nag bow na rin ito sa kanya at umalis na ng restaurant. Nakahinga sya ng maluwag.

"Who is he?" Biglaang tanong sa kanya ni Leo na ngayon ay nasa harap na nya.

"Wala lang yun! Aksidente lang kaming nagkakilala nun kanina sa coffee shop. Mauna na po ako. Mukha namang i-indian-in ako ng Mommy mo." Ngumiti sya at nilagpasan ito. Nagulat sya nang bigla sya nitong hatakin pabalik sa harap nito.

"I thought we have a dinner date? Where are you going? Have a seat." Utos nito sa kanya at hinatak ang upuan at inalok ito sa kanya. Hindi na sya nakatanggi at umupo sa upuang inalok nito sa kanya. Umupo na rin ito sa harap nya at binasa ang menu.

"Anong o-orderin mo Sir?" Magalang nyang tanong dito at binasa na rin ang menu na nasa harap.

"Wow! Chocolate Strawberry ice cream!" Bulong nya sa sarili nang makita ang paboritong dessert sa menu.

"Okay, i'll order that for your dessert."

Napatingin sya kay Leo na ngayon ay nakatitig sa kanya. "Narinig mo?"

"Of course. Im not deaf. Ang lakas ng pagkakasabi mo ng Chocolate Strawberry Ice Cream." He gave her a cold look. She gulped when she saw a familiar look in his eyes as he stared not only at her eyes but also her lips.

Nag-iwas sya ng tingin. Baka mali lang ang iniisip ko.

Nagtawag na si Leo ng waiter at nag-order.  Inilibot nya ang paningin sa paligid ng restaurant para maiwasan ang titig ng binata sa kanya.

"Tssss... Just stare at me. I won't bite."

Namula sya nang mahalata ng kaharap na iniiwasan nya ang mga titig nito sa kanya. Sumulyap sya dito at bumilis ang tibok ng puso nya nang makita ang mga mata nito na tinititigan parin ang labi nya. Nag-angat muli ito ng tingin at tinitigan ang mga mata nya.

"I really love your brown, hazelnut eyes."

Bigla syang nakaramdam ng kilig dahil sa sinabi nito sa kanya. "Thank you po." She smiled.

"There you go. You should smile more often. You're cuter when your dimples are showing." Ngumiti na rin ito sa kanya.

Biglang naghuramentado ang buong sistema nya. Naikuyom nya ang kamao dahil sa kilig na nadarama.

"And now you're blushing, honey." Humalakhak ito. Napangiwi sya nang ma-realize na pinaglololoko lang pala sya ni Leo.

"I didn't know that you're shy, Nica. As far as i can remember, you're not even shy when i tasted every part of your body that night. You even asked for more." He smirked. Tuluyan na syang nilamon ng hiya sa mga panunukso nito sa kanya. Pakiramdam nya ay parang na-freeze ang kanyang katawan dahil hindi nya alam kung paano magre-react. She felt humiliated, weak, and defeated.

"But i can tell that you're amazing that night, Nica. You're a fast learner." Panunukso muli nito sa kanya. Napakagat-labi sya sa sobrang hiya. Namumula man ay hinarap nya ito ng maayos at nginitian din ito. She might not be a good liar but she can tell that she's very good at acting and arguing.

Umayos sya ng upo at ginaya ang mapang-asar na mukha ng kaharap. "But i can tell that i woke up the beast inside you, am i right Mr. Villaruiz?" She smirked. "We both asked for more that night. Kaya hindi lang ako yung nag-enjoy nung gabing 'yon, Leo. Pati ikaw. The way you moan when i teased and bit your ear. Napapamura ka rin nung sumayaw ako kasama mo, diba?" Her right brow arched. Nakita nya itong nagseryoso at umayos ng pagkakaupo. Tumikhim din ito na animo'y barado ang lalamunan.

"And oh----! You have a ticklish spot on your nape, Leo." She teased him. "Ang ingay mo nga eh. I even managed to kiss you torridly that night just to shut your mouth from moaning so loud, right Honey?" She tried to sound sexy. She flashed her sweetest smile and stare at him with a dare-to-argue-with-me look.

"You crazy little brat." Seryoso syang tiningnan nito. Napahalakhak sya nang makitang namumula ang magkabilang tenga nito.

"Oh! Look at you honey! You're blushing!" Panggagaya nya sa tono ng pang-aasar nito kanina. Mukha namang naapektuhan ito dahil medyo niluwagan nito ang pagkakatali ng necktie nito sa collar ng long sleeve polo nito.

She continued her tirade. "Oh! And also, you have a very sensitive nipples------"

"Stop. Okay! You won!" Pigil nito sa mga sasabihin pa nya. Napangiti sya at humalukipkip. Naniniwala na sya sa pinsan nya... magaling nga talaga syang makipag-debate.

Nang matapos na silang kumain ay hiningi na ni Leo sa waiter ang bill. Nang ibigay iyon ng waiter sa kanil ay agad nya itong kinuha at inipit ang credit card sa loob ng isang maliit na folder kung nasaan ang bill. Mabilis nya itong inabot sa waiter.

"Let me pay the bill. Ako ang lalake dito. Ako dapat ang nagbabayad." Pag-i-insist nito sa kanya.

"Porque lalake ka ikaw na ang may responsibilidad sa pagbabayad ng bill? May pera din naman ako eh. I can manage. And besides, nag-enjoy din naman ako sa set-up na dinner date kaya okay lang sa akin." She smiled.

"Hindi lang talaga ako sanay na babae ang nagbabayad ng bill sa mga dates na pinupuntahan ko."

Bigla syang nakaramdam ng kirot sa puso nya dahil sa sinabi nito. "Marami ka na palang naka-date na babae maliban sa akin?" She smiled bitterly.

"Of course. I even take them to bed afterwards. But since you're not my fling, ihahatid kita sa inyo."

Tumayo sya at kinuha na ang credit card sa folder na iniwan ng waiter sa table nila. "It's okay, Mr. Villaruiz. Kaya ko ihatid ang sarili ko." Nginitian nya ito at nauna ng lumabas ng restaurant. Nang makasakay sa taxi ay napabuntong-hininga sya.

"Bakit ba ako nasasaktan kapag naiisip kong marami ng nagdaang babae sa kama ng lalakeng yun? Hindi naman kami magkasintahan." Tanong nya sa sarili.


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C7
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous