Télécharger l’application
48.57% The Coldest Heart / Chapter 17: Chapter 16. "The Resemblance"

Chapitre 17: Chapter 16. "The Resemblance"

Chapter 16. "The Resemblance"

Laarni's POV

Magkasabay na dumating 'yung dalawa. Si Abrylle may dalang tray ng juice at box ng cake. Habang si Lexter naman nakapamulsa lang at nakangiti ng nakakaloko saken. Inismiran ko na lang siya. At binaling ang tingin kay Abrylle.

"Tulungan na kita Abrylle." Kinuha ko kay Abrylle ang box ng cake at ipinatong sa table dito sa terrace. Nilapag na rin niya ang tray ng juice at naupo sa sofa na narito sa terrace. Naupo na rin kaming tatlo.

Magkatabi kami ni Leicy sa kabilang sofa habang magkahiwalay naman silang nakaupo sa tig-isang sofa. Tahimik ang lahat. Maging si Lexter nagbago hilatsa ng mukha. Ang kanina at nakangiti niyang mukha, ngayon ay seryoso na. Napatingin naman ako kay Abrylle. Ganun din siya nakaiwas ang tingin at nakakunot ang noo. Ano namang meron sa dalawang 'to?

"Leicy anong kakantahin niyo ni Lexter?" tanong ko kay Leicy at paguumpisa ng conversation.

"Ah, "Superstar" by Taylor Swift." Sagot ni Leicy sa tanong ko. Napansin ko naman ang pagaliwalas ng mukha nito sabay tingin kay Lexter. Tama nga talaga ako ng hinala.

"Wow! I heard that song, maganda siya. Ikaw kakanta?"

"Oo, eh di naman kasi kumakanta si Lexter eh, sabi ko nga kahit bridge lang ng kanta."

"Leicy baka bumagsak lang tayo sa presentation pag kumanta ako. Ano ka ba." Sabat ni Lexter. Napansin kong may inis sa tono ng boses nito kaya naman napatingin ako rito.

"Oh? Bakit parang pikon ka?" may halong pang-aasar kong sabi rito. Iniwas naman niya ang tingin sa akin. "Eh? Sintunado ka Lexter?" pang-aasar ko rito.

"B-Bakit ba? Natural lang naman sa lalaki ang hindi kumankanta. And loving a music is really sounds gay."

"GAY KA DIYAN!" Sabay namin singhal sa kanya ni Leicy. Nagkatinginan kami ni Leicy tapos binalik ko ang tingin kay Lexter na gulat sa inasal namin.

"Hindi gay 'yun ah! Ang cool kaya para sa isang babae na makitang kumakanta ang isang lalaki. Lalo na kapag para sa kanya. Di ba Leicy?"

"Oo nga! Palibhasa kasi sintunado ka lang talaga." Ani Leicy.

"Hay ano ba! Big deal?" inis na sabi nito tsaka lumabas ng terrace.

"Oh? San ka pupunta Lexter?!" sigaw sa kanya ni Leicy.

"Aalis na! Tara na sa school na lang tayo mag-practice!" yaya niya kay Leicy habang naglalakad palayo. Narinig ko namang ngumisi si Abrylle. Kaya napatingin ako rito.

"Lexter, hintay!" kinuha naman ni Leicy ang bag niya at sumunod na kay Lexter. "Bye guys! Abrylle thank you sa cake. Bye see you on Monday.!"

"Leicy bilis!"

"Oo nandiyan na!"

Natatawa na lang ako habang pinagmamasdan silang paalis. Bagay na bagay silang dalawa. Nabalik naman ang tingin ko kay Abrylle at nahuli ko siyang nakatingin sakin sabay iwas nito.

"Tara na, practice na tayo." Excited ko siyang niyaya.

May lumapit naman na matandang babae sa amin.

"Master, ayos na po ang music room." Sabi nito kay Abrylle. Nakatingin lang ako sa kanila nang mapatingin sa akin ang babae, bakas sa mukha nito ang gulat at pagkalito. Nginitian ko lang ito at ganun din siya.

"Salamat Manang Amy, pakidala na lang 'to sa music room" utos ni Abrylle sa babae at lumabas nan g terrace. Niligpit naman ng babae ang box ng cake sa mesa.

"Ah, tulungan ko na po kayo Nay." Sabi ko rito ng kunin ko ang box ng cake.

"Ay hija, wag na. Gawain ko talaga 'to." Tanggi nito sabay kuha ng box. "Sumunod ka na kay Master." Magandang sabi nito sa akin.

"Sige na po. I insist. Tsaka nakalayo na si Abrylle, di ko alam ang way sa music room. Sabay na lang po tayo."

"Ah—eh. Sige hija." Tinulungan ko si Manang Amy na magdala ng tray ng juice at mga baso habang siya naman ang sa cake.

Pumasok na kami sa maindoor ng bahay nila Abrylle. Tahimik ang loob ng bahay nila at ang laki ng loob nito. Ang ganda ng interior design ng bahay nila. Mula sa furniture hanggang sa mga paintings nan aka-display sa wall.

Nililibot ko ang mata ko sa buong bahay nila. Nang hindi napansing na-willy na ako sa kakatingin kaya naman bigla akong natalisod. Natumba ako sa sahig at nabasag din ang dala kong pitcher pati na rin ang mga baso.

"Pasensya na po." Sabi ko kay Manang Amy at pulot sa isang bubog para linisin 'to pero bigla akong nasugatan.

Dumating naman si Abrylle at hingal na hingal na tumakbo patungo sa akin.

"What happened?" he asked in his worried voice. Kitang kita ko rin ang pag-aala na nakaguhit sa mukha nito.

"Ah, wala natalisod kasi ako. Sorry kung nabasag ko." Sabi ko rito at akmang pupulot muli ng bubog ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

"You're bleeding." Sabi nito. Kinuha ko naman ang kamay ko na hawak niya.

"Ah, wala ito. Maliit na sugat lang." sagot ko.

"Manang Amy! Bakit mo siya pinagbuhat ng tray? Di ba sabi ko ikaw ang magdala!" sigaw nito kay Manang Amy. Galit na galit.

"Ah—eh, Master—" nakita ko namang natataranta at kinakabahan si Manang Amy.

"I don't need your explanation. Call the driver! Pupunta kaming ospital! Bilis!" utos nito.

"Wag!" pigil ko kay Manang Amy. Napatingin sa akin si Abrylle. "Wag na, kaya ko na 'to. Tsaka Abrylle—"

"Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Look, nagdudugo ka!" sigaw nito sa akin. Kitang kita kong nag-aalala talaga siya sa akin.

Tinignan ko ang daliri kong nagdurugo. "Ito ba?" sabi ko rito sabay pakita ng daliri ko sa kanya. "Ganito lang gamutin 'yan."

Bigla kong sinipsip ang daliri ko ng aking bibig. Nagulat naman si Abrylle sa ginawa ko.

"Are you a vampire?"

Hindi pa nakuntento si Abrylle sa ginawa ko kaya naman, ginamot pa niya ang sugat ko. Nilagyan niya lang ng betadine at bandage. Siya ang gumagamot sa sugat ko. Habang ginagamot niya ito. Nakatingin lang ako sa kanya. Hawak niya ang kamay ko habang nilalagyan ng benda. Nang matapos niya lagyan ng benda, binitawan na niya ang kamay ko.

"Masakit pa ba?" tanong nito.

"Hindi na. Salamat." Sabi ko rito. Tahimik na naman ito. "Uhm, Abrylle, pasensya na sa nabasag ko. Babayaran ko na lang 'yun."

"Nope. Wag na. Ayo slang 'yon. The important is, you're okay." He said seriously. Tumango tango naman ako sa sinabi nito.

"Salamat. Pero Abrylle," I paused. "Hindi mo dapat sinigawan si Manang Amy ng ganon." Sabi ko rito.

"What? Why? She so careless! She let you—"

"Ako ang nag-insist na tulungan siya. So kung may dapat kang sigawan. Ako 'yon." Natahimik naman siya sa sinabi ko. At iniwas ang tingin sa akin.

"So? What do you want me to do?" he asked in a low tone.

"You should apologize to her." Sabi ko rito nabigla naman akong nilingon nito.

"What? Me? She's just a maid, so why am I gonna do that?"

"Kahit na Abrylle, ikaw ang nagkamali."

"Nagkamali rin siya. She let you lift that tray."

"Hay, bahala ka nga. Kung di ka hihingi ng sorry. Edi ako na lang." tumayo na ako sa upuan at akmang aalis na ng bigla niya akong pigilan. Napalingon ako rito.

"Wag. Ako na" sabi nito habang iwas pa rin ang tingin sa akin. Bahagya akong napangiti sa sinabi niya.

Pinuntahan namin si Manang Amy sa kusina. Mukhang malungkot siya dahil sa nangyari. Tumingin muna sa akin si Abrylle.

"Sige na." sabi ko rito. Nilapitan naman niya si Manang Amy.

"Oh, Master? May kailangan pa po ba—"

"Sorry Manang." Walang buhay na sabi nito. Nasapo ko ang noo ko sa ginawa niya.

"Ah? Ano po Master?" tanong ulit ni Manang. Halata naman sa mukha ni Abrylle na naiinis na.

"I said, sorry. Wag mo na ulitin 'yon, okay?" pag-uulit ni Abrylle. Para namang nagulat si Manang sa ginawa ni Abrylle.

"O-Opo Master."

Lumabas na si Abrylle ng kusina at hinarap ako.

"Happy now?" he asked with his pissed face. Ngumiti ako rito.

"Opo Master." Pang-aasar ko rito. Hindi naman ako nito pinansin at nauna ng maglakad sa akin.

"Tara na sa music room!" sigaw nito.

"Okay." Masaya kong tugon dito.

Leicy's POV

"Hay! Ayos lang naman di magaling kumanta ah? Bakit required ba sa isang lalaki na kumanta? Di naman di ba?"

Papunta kaming school ngayon. Habang nasa byahe. Kanina pa maktol ng maktol tong si Lexter dahil sa kanina. Halatang inis na inis siya sa pang-aasar namin ni Arni.

"Hay nako, if I know. Gusto lang ni Arni marinig kumanta ako. Hahaha."

"Bakit kakantahan mo siya?" tanong ko. Napatingin naman 'to sa akin with his poker face.

"You're teasing me?"

"Ito naman biro lang. Eh kasi naman Lexter, sa aming mga babae, romantic kapag kinantahan kami ng isang lalaki." Sabi ko rito. Nakita ko namang kumunot ang noo nito at may pagtataka sa mukha.

"What's romantic with that? You mean uso pa ang serenade sa panahon ngayon?" he asked. Tumango tango naman ako sa sinabi nito. "Psh, I really don't know why God didn't gave me a little bit talent of singing."

"Hahaha, ayos lang 'yon. Lahat naman tayo may kanya kanya at unique na kakayahan."

"At ang sa akin ay pagiging gwapo?" mayabang na sabi nito habang nakangisi sa akin. Napatingin naman ako sa kanya. Ang lapit kasi ng mukha niya sa akin. Magkatabi kami sa backseat ng sasakyan niya. "Hahaha sabi ko na nga eh, look you're drooling."

Nabalik naman ang isip ko sa realidad sa sinabi niya. "What?" agad kong pinunasan ang labi ko.

"Hahaha, joke lang. Oh, nandito na pala tayo" sabi nito sabay bukas ng sasakyan.

Oo, ang gwapo mo nga, and that's you're way of lifting me off the ground.

Bumaba na rin ako sasakyan at sumunod sa kanya. Dumiretso na kami sa theater club para mag-practice. Pagdating namin 'don, walang tao. Sabado nga pala. Umakyat na siya sa stage at kinuha ang gitara na ginamit naming kahapon.

"Tara na Leicy!" yaya nito sa akin na umakyat ng stage.

Tahimik ang buong theater club, unlike kahapon na may mga taong nanunuod sa aming mag-practice. Parang ang awkward lang para sa aming dalawa. Pero parang ako lang naman ang nakakaramdam 'non. Dahil he's acting right naman.

Naupo na ako at ganun din siya. Inumpisahan na niya i-strum ang guitar. Ang galing niya talagang mag-gitara. Kahit na di siya kumanta, pakiramdam ko tuwing maririnig ko ang tunog mula sa gitara. Parang kumakanta na rin siya.

After two hours of practice. Lunch na rin pala. Niyaya ko siyang kumain pero he refused.

"Sorry Leicy, let's continue this on Monday, I really have to go. May appointment ako sa hotel today." Paalam nito sa akin.

"Sige, sa Monday na lang. Mukhang okay na nga 'yung kanta natin eh. Hehehe."

"Hahaha naman, ang galing mo kayang kumanta! Haha. Osya, I have to go. Take care! Palagay na lang 'yung gitara diyan sa tabi."

"Sige."

Lumabas na siya ng theater club, naiwan akong nakangiti sa taas ng stage.

"Sinabi niyang magaling akong kumanta. Nakakatuwa naman." Sabi ko sa sarili ko sabay lingon sa likod ko. Nakita ko naman ang gitara na ginamit niya. Pinagmasdan ko ito at kinuha. Naupo ako sa silya at isinabit ang gitara sa katawan ko. Pakiramdam ko, kayakap ko si Lexter habang yakap ko rin ang gitarang ginamit niya. Sinimulan kong i-strum ang gitara.

"This is wrong but, I can't help my but feel like there ain't nothing more right babe."

Lexter is like a superstar for me. He's too high for me to reach him. Sa status pa lang ng buhay namin. Kaya naman, ramdam na ramdam ko ang kantang ito. Maraming babae rin ang nagkakagusto sa kanya. Maraming tinitilian siya. At ako, hindi ko man lang maipakita na gusto ko rin siya.

Ipagtatapat ko ba?


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C17
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous