ARAW ng Linggo kung kaya mayroong misa na ginaganap sa main hall ng Love and Hope Rehabilitation Center. Lahat ng residents ay nagpulong-pulong upang makinig sa homily ni Father Joselito Herrera na siyang regular na nagmimisa sa LHRC. Naka-arrange ang mga mono block chair na kanilang inuupuan habang sa unahan nagsasalita si father hawak ang isang microphone.
"As the bible said in Corinthian chapter ten, verse thirteen to fourteen: no temptation has overtaken you except what is common to mankind. And God is faithful; he will not let you be tempted beyond what you can bear. But when you are tempted, he will also provide a way out so that you can endure it. Therefore, my dear friends, flee from idolatry."
Kanina pa panakanaka nang sulyap si Jace kay Nadia. Nakatingin lang si Nadia kay father habang nakikinig sa mga sinasabi nito. Sa pangatlong row mula sa unahan ito nakaupo habang sampung upuan papuntang kanan sa kaparehong row naman nakaupo si Jace.
Nung isang araw ay pinagtanong-tanong ni Jace sa mga nurse kung anu ang pangalan nito. `Di niya napigilang mapangiti. Mula nung nakita niya kasi ang dalaga sa garden ay palagi na niya itong pinagmamasdan sa malayo. Kaya naman alam niya na palagi rin itong tulala.
Isang linggo na rin siyang nanatili rito sa loob ng center. Kung `di siya nagkakamali ay halos magkasabay lang sila ni Nadia. Mas lalo itong gumaganda sa paningin niya habang tumatagal. Kahit pa hindi ito nag-aayos at mukhang ilang araw nang nakalimutan magsuklay ay hindi pa rin `yun nakabawas sa mala anghel nitong mukha.
Madalas ay nate-temp si Jace na lapitan si Nadia lalo na at lagi itong mag-isa. Iyon nga lang sa tuwing lalapit na siya ay palaging natataon na aalis si Nadia upang pumunta kung saan, o lalapitan ng nurse para sa kanilang weekly counselling, o kaya naman ay mawawala na lang ito sa paningin niya sa sandaling nalingat siya.
Jace can't help but wonder kung anu kaya ang dahilan ng dalaga sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot? Base sa pagwawala nito nung isang araw ay mukhang katulad niya, sapilitan din itong pinasok sa loob ng center. Mas kalmado nga lang ang kilos niya since sumama naman siya nang maayos dahil sa pakiusap ng kanyang Mamita. Pero mukhang mas mabigat ang pinagdadaanan ni Nadia.
Sa gulat ni Jace ay biglang lumingon si Nadia sa gawi niya. Tulala pa rin ito kung kaya tumingin muna siya sa kanyang likuran. May tinitignan ba itong ibang tao? Ngunit paglingon niya ay wala naman ibang kapansin-pansin sa direksyon na iyon. Pagbalik ng mata ni Jace kay Nadia ay nakatingin pa rin ito sa kanya. Hanggang sa unti-unting nagsalubong ang kilay ng dalaga. Matapos ang limang segundo, naningkit at biglang bumilog ang mga mata nito na para bang nakakita ng multo.
***
HINDI makapaniwala si Nadia sa nakikita. Nananaginip ba siya o baka may hallucination effects ang mga pinapainum sa kanilang gamot? Bakit natatanaw ng mga mata niya si Jace Devenacia? Hinding-hindi niya makalilimutan ang gwapong mukha nito na nakita niya noon sa Revel. Tila ba tumatak `yun sa isipan niya. Lalong-lalo na kung gaano kalaki, kahaba at katigas ang alaga nitong—anaconda.
Holy Mother Queen!
Mabilis siyang yumuko at nagtago sa upuan. `Di niya mawari kung anung klaseng posisyon ang gagawin niya. Pihit sa kanan, pihit sa kaliwa. Para na siyang turumpo sa pag-ikot-ikot niya.
Naku naman! Bakit nandito ang lalaking `yun? Don't tell me na resident din siya?
Napakunot ang noo ng matabang lalaki na may ari ng pinagtataguang binti ni Nadia. Pagtingala niya ay nakanganga ang bibig nito sa kanya. Alanganin siyang ngumisi at binigyan ito ng peace sign.
Unti-unting sumilip si Nadia sa kinaroroonan ni Jace. Nakatago ang kalahati ng mukha niya sa binti ng matabang lalaki. Natanaw niya si Jace na nakatingin sa kanya habang malaki ang pagkakangisi nito. Bigla itong kumindat.
Shit! Shit! Shit!
Agad siyang napapikit sa labis na hiya. Tinakpan niya ang mukha gamit ang buhaghag niyang buhok na puwede ng maging bird nest sa sobrang kapal. Nanatili siyang ganun hanggang sa matapos ang misa.
***
TAPOS na'ng mass ni Father Joselito at isa-isa nang naglakad ang lahat paalis ng main hall. Hindi malaman ni Nadia kung anung klaseng pagtago ang gagawin niya sa likuran ng mga kapwa resident para lang makaiwas kay Jace. Sa dinami-dami ba naman ng lugar na puwedeng mag-krus ulit ang landas nila ay talaga pang dito sa loob ng center. Baka isipin nito na adik talaga siya!
Teka! Eh, ano naman ang paki niya sa iisipin nito? Isa pa, kung resident din si Jace, ibig sabihin ay may addiction ito. Kung `di `man sa drugs ay malamang sa casino o alcohol. Alin lang sa tatlo ang dahilan para ipasok sa rehab ang isang tao.
Naglakad si Nadia palabas ng main hall habang halos magkandahaba ang leeg niya katatanaw sa paligid at hinahanap kung nasaan na si Jace.
"Sino'ng hinahanap mo, ako ba?"
"Ay-kabayo-mo-malaki-oo-ikaw-nga-este... hindi. Hindi `no! Bakit naman kita hahanapin?"
Sapo-sapo ni Nadia ang dibdib dahil muntik nang tumalon ang puso niya palabas sa biglang paglitaw ni Jace sa kanyang likuran. Malaki ang ngisi nito at nakakainis dahil kahit simpleng white t-shirt, basketball shorts, at tsinelas lang ang suot nito ay nagsusumigaw pa rin ang kagwapuhan at sex appeal ng gunggong. Pambahay lang naman ang suot nito pero para itong runway model sa haba ng legs nito.
Kunot-noong tumaas ang isang kilay ni Jace. "Kabayo…? Malaki...?" Yumuko ito at siya naman din itong si bruha na sumunod ng tingin nito kaya tuloy dumapo ang mata niya sa maumbok nitong…
Mabagal at madiin siyang napalunok.
Jace smirked. "Ang sinasabi mo ba ay kasing laki ng kabayo ang… ko?"
Mabilis na bumalik sa isipan ni Nadia ang image ng malaki, mahaba at matigas nitong…
Eksaherada siyang suminghap habang nanlalaki nang husto ang mga mata. "Anu ba'ng pinagsasabi mo?! Ang bastos mo!" Nag-ekis ang dalawa niyang braso sa dibdib habang nag-iinit ang kanyang mukha na mas mapula pa sa kamatis.
"Sabi mo kasi malaki ang kabayo ko." Hindi maalis-alis ang ngiti sa labi ni Jace na kulang na lang ay umabot na hanggang sa batok nito.
"Bakit? Kabayo ba tawag diyan?"
"Hindi, Raffy."
Anu raw, Raffy? Aba! At may pangalan pa talaga ang alaga nitong anaconda? Susmaryosep! Gwapo nga napakabastos at manyakis naman! Mabilis na kumulo ang dugo ni Nadia. Literal na umuusok na parang tambutso ang dalawang butas ng ilong niya. Sa inis niya ay inirapan niya ito at nagmamadaling naglakad palayo.
Pero sinundan pa rin siya ni Jace. "We're not able to formally introduced ourselves last time sa Revel. Ako nga pala si Jace. You're Nadia, right?" Humarang ito sa dadaanan niya at nilahad ang isang kamay nito.
Matalim na tinignan ni Nadia ang nag-aantay nitong palad at bumalik sa mukha nitong kasing tigas ng bato sa sobrang kapal. Pinapaalala pa talaga nito sa kanya ang pinakanakahihiyang gabi ng buhay niya. At mukhang tuwang-tuwa pa ito for the fact na nakita niya itong live na gumagawa ng milagro.
"Pa'no mo nalaman ang pangalan ko?" tanong ni Nadia.
"Pinagtanung ko sa mga nurse. Sikat ka kaya rito."
Sa buwisit ni Nadia ay katakot-takot na irap ang binigay niya kay Jace. Ngayon pa lang kumpirmado na niyang katulad lang ito ng mga lalaking gwapo, mayaman pero hambog. Hindi niya pinansin ang pakikipagkamay ni Jace at diretsong naglakad at nilagpasan ang binata. Pero ang gunggong ay ayaw siyang tantanan at parang batang susunod-sunod sa kanya. "How old are you? You look young, so I'm guessing that you're still in college?" Hindi siya sumagot at lumiko pakaliwa sa susunod na hallway.
"Bakit ka nandito? Pinadala ka rin ba ng parents mo? Daddy ko ang nagpasok sa `kin dito. Pinakiusapan lang ako ng lola ko kaya pinagbigyan ko na sila para wala na silang masabe. Pero hindi ko naman talaga kailangan magpa-rehab. My dad was just over reacting."
No reaction pa rin si Nadia at nakatingin lang nang diretso sa daan. She doesn't care and she doesn't give even a single fvck! #IDGAF
Nakapamulsa si Jace habang sumasabay sa paglalakad niya. "Hay, sobrang boring dito `no? Buti na lang nakita kita kasi may rason na `ko para gumising tuwing umaga."
Aba at bumabanat pa! Hmp! Nakagat ni Nadia ang labi para pigilan ang kumakawalang ngiti. Nadia umayos ka! Hindi ka dapat nagpapadala sa pambobola niya! Nagpatuloy lang siya sa mabilis na paghakbang ng mga paa.
"Wala ka bang suklay? Gusto mo pahiramin kita?"
Doon siya napahinto at nahihiyang tumingin kay Jace sabay hawak sa kanyang buhok. Alam niyang sobrang buhaghag na ng buhok niya dahil isang linggo na siyang hindi nakakapag-conditioner. At dahil nade-depress siya sa sitwasyon niya kaya nakalimutan na rin niyang mag-suklay.
"Hindi ko kailangan ng suklay." Inirapan niya ulit ito at nagpatuloy sa paglalakad.
"May boyfriend ka na ba? Asawa? Anak?"
Napahinto siya ulit at tinignan ito nang matalim. Aba! At ang kapal talaga ng mukha! Feeling close masyado!
Napangisi si Jace at mahirap man aminin ay mas lalo itong gumagwapo sa tuwing lumalabas ang maputi at pantay-pantay nitong ngipin. "Hmm. So, I'll assume na single ka."
Inirapan niya ulit ito. "It's none of your business."
"Masyado kang maganda para maging single lang."
"Wala kang pake! Puwede ba! Huwag mo nga akong sundan!"
"Sungit naman! Kaya ka siguro single kasi ang suplada mo. Ikaw rin, baka tumanda kang dalaga niyan."
Lumiko ulit si Nadia pakaliwa sa susunud na hallway at ilang lakad pa nang marating niya ang dining area. Pero mabilis na humarang si Jace sa pintuan. Pumamewang siya at pinagtaasan ito ng kilay. "Tabi."
"Ngiti ka muna." Nagpa-cute si Jace sabay gumuhit ng smile sa labi gamit ang dalawang hintuturo na akala mo nasa commercial ng Happy toothpaste. "Sige na, isang smile lang."
"Anu ba? Nanadya ka ba? Sabi ng tumabi ka at papasok ako!" Sinubukan ni Nadia na pumasok sa pinto pero humarang ulit ni Jace at tila naglalaro sila ng patintero.
"Isang ngiti lang naman, ang damot mo. Sige, kung ayaw mo talagang ngumiti, kahit isang kiss na lang sa cheeks." Tinuro nito ang pisngi sabay ngumuso.
Nauubos na talaga ang pasensya ni Nadia. Pakiramdam niya isa siyang electric kettle na malapit ng mag-ingay. Nakakainit talaga ng ulo ang lalaking ito. At ang lakas pa ng loob nitong landiin siya?
"Ilang beses ka bang inire ng nanay mo at ang kulit mo? Gawa ba sa kalyo `yang mukha mo dahil sobrang kapal? Saka tigil-tigilan mo nga `ko sa pagiging flirt mo! `Di uubra sa 'kin `yan! Pinaglihi ka siguro sa higad kaya ang kati-kati mo! Hindi ka ba nakakaramdam na ayaw kitang kausap at wala akong planong makipagkaibigan sa `yo? So, please lang, hangga't may pasensya pa `ko, lumayas ka sa harapan ko dahil kung hindi..."
Humalukipkip si Jace habang naglalaro ang amusement sa mga mata nito. Imbis na mainis sa mga pinagsasabi niya ay mas lalo lang itong naaaliw. "Dahil kung hindi ano? Ano'ng gagawin mo sa `kin?"
Natigilan si Nadia at napaisip kung ano nga ba ang puwede niyang ipanakot sa lalaki. Pinagmasdan niya ito mula ulo hanggang paa. Dahil pu-mi-flex ang muscles ni Jace kaya kitang-kita niya ang magandang hubog ng biceps nito. Bakat din sa suot nitong t-shirt ang katamtamang umbok ng chest nito. Napalunok siya dahil nadi-distract siya sa kaseksihan ng binata.
Binalik niya ang tingin sa mukha nito at nagtaas ng kilay. "`Pag hindi ka umalis diyan. Malalagot sa `kin `yang si Raffy!" Umakto siyang sisipain ang pagitan ng hita ni Jace. Pero mabilis nitong tinakpan ng dalawang kamay nito ang iniingatang kinabukasan ng bayan.
Sinamantala ni Nadia na nawala ito sa focus at mabilis siyang kumaripas ng takbo papasok ng dining area na parang si The Flash.
Swoooooooshhhh!
Naiwan si Jace at amused na sinundan ng tingin si Nadia. Ang bilis nitong tumakbo at nakarating na agad ito sa kabilang dulo ng dining area. Naisahan siya ro'n, ah!
Napailing na lang si Jace habang `di maalis ang ngiti sa labi. He didn't expect her to be so cute like this. Mas lalo tuloy itong naging maganda sa paningin niya lalo na sa tuwing nagsasalubong ang dalawang kilay nito.
Pa-vote po ng powerstones para magkaroon tayo ng ranking.
Salamuch!
Join our FB Group: Cupcake Family PH