Télécharger l’application
46% Teach Me (Sexy Monster Series #2) / Chapter 23: No first base

Chapitre 23: No first base

ISANG romantic comedy film starring Maine Mendoza at Carlo Aquino ang pinapanood namin ni Kyle. Nakakakilig at kakaiba ang story dahil binge ang bidang lalaki at na-inlove siya sa isang 'hearing' o walang dissability sa tenga.

Nakakakalahati na kami sa movie ni Kyle pero tahimik lang siyang nakatingin sa screen. Paminsan-minsan ay tumatawa kapag may comedy act ang mga artista at minsan napapangiti kapag nakakakilig na ang eksena. Panaka-naka ang sulyap ko sa kanya at mas kinikilig akong pagmasdan ang mga cute niyang reaction kaysa sa pinapanood.

Nasa pagitan namin nakapatong ang popcorn. Nang dumampot ako, hindi sinasadyang nagkasabay ang kamay namin kaya pumatong ang palad niya sa kamay ko.

"Ah, sorry," agad inalis ni Kyle ang kamay niya, "You go first."

Nahihiya akong ngumiti at dumampot ng popcorn. After fifteen minutes at engrossed na ako sa pinapanood. Nandun na sa part na nagtatalo na ang bidang babae at lalaki. Sobrang nakakaiyak at 'di ko napigilan mapasinghot-singhot dahil dalang-dala ako sa eksena.

Biglang may lumitaw na panyo sa harapan ko, pagtingin ko sa tabi ko inaabot na pala ni Kyle ang panyo niya. Kinuha ko naman iyon at pinunasan ang luha.

Medyo nag-mellow na ang drama kaya tumigil na ako sa pag-iyak. Ilang sandali pa at naramdaman kong umusog papalapit si Kyle sa akin saka dahan-dahan inangat ang braso at pasimpleng umakbay sa balikat ko. Ramdam ko ang init na dulot nang pagkakadikit ng mga katawan namin at ang puso ko na parang gusto nang sumayaw at mag-break dancing.

Pasimpleng sumulyap ako kay Kyle pero nakatingin siya sa screen at kahit madilim nakikita ko ang pamumula ng pisngi niya. Pinilit kong tumingin sa unahan pero ang labi ko automatic na ngumingiti. Kumain na lang ako ng popcorn para hindi niya mahalata.

Juice ko lord! When puberty hits you hard! Nagdadalaga na nga ako! Kyaaah! Kyaaah! To the highest level! Todo na ituuuu!

Nagpatuloy kami sa ganung posisyon nang marinig kong bumulong si Kyle, "Are you thirsty? Do you want water?"

Napatingin ako sa kanya at dahil nakayuko siya sa akin sobrang lapit na pala ng mukha namin. Nahigit ko ang hininga at nanigas sa kinauupuan na para bang naging estawa ako.

Nabigla rin si Kyle kaya tumaas-baba ang adams apple niya. Nagkatitigan kami at wala akong ibang naririnig kundi…

Tug.tug! Tug.tug! Tug.tug!

Bumaba ang tingin niya sa labi ko at pakiramdam ko unti-unti akong nalulusaw na parang ice cream sa init ng mga titig niya.

Tug.tug! Tug.tug! Tug.tug!

Nakalimutan ko na kung ano ang pinapanood namin, nawala na sa isip ko kung nasaan kami. Katulad ng bidang lalaki, parang naging binge na rin ako at tumahimik ang buong mundo ko. Dahan-dahang bumaba ang mukha ni Kyle.

Holy mother of God!?! Ito ba yun? Is he going to kiss me?

Napalunok ako nang madiin at mabagal. Hinaplos ng malumanay ni Kyle ang pisngi ko at tinitigan ako sa mata na tila nagtatanong ng permiso.

Hindi ako kumibo, hindi ako tumutol. Tinangap niya yun bilang sagot ko. Tinuloy niya ang pagbaba ng kanyang mukha. Napapikit ako at ramdam ko ang init ng hininga niya sa tapat ng bibig ko. Di ko namalayang napapahigpit na ang kapit ko sa sling ng bag ko dahil sa kabang nararamdaman ng mga sandaling ito.

Our lips were about to touch. I can hear his heartbeat together with mine. Our first ever kiss—

BLAG!

"BWAHAHAHAHAHAHA!"

Sabay kaming nagulat ni Kyle nang biglang may sumipa sa upuan namin kasabay ng napaka-ingay na halakhak. Pagtingin naman sa likuran nakita ko si Levi na nakaupo doon at pumapalakpak pa sa sobrang tuwa at kulang na lang ay magpagulong-gulong siya sa sahig.

"The scene is so funny! BWAHAHAHA!" Tinapik niya pa yung katabi niyang matabang lalaki.

Pero nakabusangot ang mukha nito, "Paano nakakatawa, eh ang seryoso nga ng eksena?"

Nakatingin na rin ang lahat ng nanonood sa kanya.

"Where's your humor dude? Natatawa ako sa pagmumukha ni Maine Mendoza kasi naalala ko yung pag-dubsmash niya."

Di makapaniwalang tumingin ako kay Levi na nag-smirk lang sa akin at nagpangap na tila wala itong ginawang mali.

Nagkatinginan kami ni Kyle pero nagkahiyaan na kami at tahimik na tinuon ulit ang tingin sa screen. Nangigigil na nilingon ko si Levi sa likod.

"I told you! NO FIRST BASE!!!" nabasa ko ang buka ng bibig niya.

Umusok ang ilong ko at inis na inirapan ang bwiset na demonyo! Iyon na eh! Panira ng moment!

Urghhhhhh!!!


L’AVIS DES CRÉATEURS
AnjGee AnjGee

LEVI panira ka ng moment! May team Kyle ba dito? Nakakilig rin itong si Kyle eh. Haha!

Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C23
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous