NAKAPAGBIHIS na sila ni Rin matapos ang mainit na kaganapan kanina pero hindi pa rin nila magawang lumabas. Masyado pang malakas ang buhos ng ulan at delikado ang daan pauwi sa bahay ng Nanang Marta niya lalo na't maputik sa kanilang lugar tuwing umuulan.
Nakayakap si Grego sa kaniyang likuran at hinahalikan ang balikat niya. Halata sa mga mukha nila ang labis na kasiyahan at kapaguran.
"Pinagod na naman kita," he whispered in her ear.
Napahagikgik siya. "Kung iyon ang magiging dahilan ng pagod ko araw-araw, I won't mind." Nilingon niya ang binata. Sumilay ang isang pilyong ngiti sa mga labi nito.
"You are insatiable, Rin. Sabihin mo lang kung kulang iyong ginawa natin kanina–"
"No. Hindi kulang iyon. It was perfect." She smiled amd kissed his lips. Malugod namang gumanti ng halik ang asawa sa kanya.
Tumila na ang ulan at magtatakipsilim na kaya nagdesisyon sila na umuwi na sa bahay ng kanyang nanang Marta at kumain ng hapunan. Nagpalitan na lang sila ng mga ngiti habang kumakain sa hapagkainan ng magkasama. Sometimes, Rin would tease her husband just by poking his legs under the table with her toes. She received a flirty glare from him. Naiwang mag-isa ang nanang Marta niya sa reyalidad na nagtataka dahil halos may sariling mundo silang dalawa ni Grego. They were eating lunch, yes… but their eyes are having a conversation—no, scratch that. They were expressing their love for each other. Tanging sila lamang ang nakakabatid at nakakaintindi sa mga kislap ng kanilang mga mata.
Nang araw na iyon ay hiniling niya na sana maging masaya siya kasama si Grego at ang anak nitong Erin. She will completely leave her past behind and start anew with Grego.
NAIBALIBAG NI Eve ang hawak niyang smartphone sa sahig dahil sa nabasang balita. Nanggigigil ang mga kamao'ng tiningnan niya ang basag na screen ng smartphone niya dahil sa balitang nabasa niya sa internet. Grego is a candidate for senator kaya mainit ang mata ng media tungkol dito. Kaya hindi na siya nagulat nang makabasa ng news tungkol sa binata. Ang kanyang ikinagulat ay ang balitang nabasa niya na halos hindi niya paniwalaan kung wala lang pictures na patunay na totoo ang balitang iyon.
#TRUELOVENEVERDIES:
"Mayor Gregorio Perez of Municipality of Poblacion in Cazablanca City, reconciled with his ex wife and socialite Pauline Samonte, the sole heir of a million-dollar chain of hospitals and a music prodigy at a very young age..."
She gritted her teeth when she saw the stolen pictures of Pauline with Mayor Perez. Nasa isang probinsya ang mga ito at magkasama. Nakita niya rin sa mga litrato na nasa isang news site na naghahalikan ang dalawa sa labas ng isang bahay na tipikal na nakikita sa mga probinsya: houses made out of bamboo and all that.
When you look at the two, they look so happy and so in love. Bakas ang pag-ibig sa mga ito sa bawat litratong nakuha.
No! Hindi ka pwedeng mabuhay, Pauline! Not now!
Paano ito muling nabuhay? Nakakasigurado siyang nalaglag na ang katawan nito sa bangin noong pinlano niya ang aksidente nito. She made sure that the police wouldn't search around the area where the accident happened. Napaniwala niya ang lahat na ligtas si Pauline Samonte! Napaniwala niya ang lahat maging si Mayor Perez na ligtas si Pauline sa katauhan niya. She even laughed when that stupid Mayor begged on his knees para lang hindi matuloy ang annulment na inihain niya three years ago.
She was a great actress.
Na-plano na niya ang lahat. She's planning on leaving the Philippines for good and live a comfortable life overseas. Pero paano niya gagawin iyon kung bumalik na ang totoong Pauline Samonte? Paniguradong nasa watchlist na siya ng mga police dahil sa ginawa niyang panloloko, lalo na't asawa ng isang Mayor ang biniktima niya.
She have to get rid of her twin sister for good. She deserves the life she's living right now. Hindi na niya papayagang mapasakamay ulit ng kaniyang kakambal ang marangyang buhay na ipinagkait sa kanya. Kapag napatay na niya ang kakambal, wala nang ku-kwestyon pa sa pagkakakilanlan niya. Pauline was adopted at burado ang lahat ng records ng pamilyang nagpa-ampon dito kaya naman walang maniniwala kay Mayor Perez kung sakali mang maghain ito ng kaso laban sa kanya. She looks like Pauline in every angle... at gagamitin niya iyon para makuha ang mga bagay na gusto niya.
Nothing can stop her from getting the life that she deserves. Ilang taon siyang ikinulong sa maduming mundo na kinasasadlakan ng mga magulang niya… sa maduming mundo kung saan nabibili ang lahat ng bagay. And she has money now, kaya mabibili na niya ang anumang bagay na gugustuhin niya. Hindi na niya kailangang ibenta ang katawan para mabuhay at mabili lahat ng kailangan niya.
Her smile faded when a certain memory flashed in her mind. Nagmadali siyang sumiksik sa sulok ng bahay at tinakpan ang tenga.
Napapikit siya. No! Everything in her mind is not real! Patay na ang taong gumahasa sa kaniya! Namatay na ang gumahasa sa kaniya kaya hindi totoo ang taong nakikita niya ngayon. Namatay na ang lalakeng iyon! Namatay na ang lalakeng nagkulong sa kanya sa isang abandonadong bahay at ginawa siyang parausan sa loob ng ilang taon!
Bigla ay bumaha sa memorya ng dalaga ang mga masalimuot na alaala mula sa kanyang nakaraan. Kung paano siya naging pariwara at naging madumi. Kung paano siya ginamit sa kahayupan. Sa sobrang dumi niya ay halos wakasan na niya ang sariling buhay.
"Evangeline... halika rito. Oras na para paligayahin mo ako," the man said in a creepy, teasing tone. Diring-diri siyang lumayo mula sa lalake na produkto ng kanyang imahinasyon at trauma. Lahat ng iyon ay produkto lamang ng isip niya. Alam niya iyon. Pero hindi maalis sa kanyang isip ang labis na takot at pandidiri sa lalake.
"Lumayo ka! Lumayo ka! Halimaw ka! Hindi ka totoo!" She sobbed. Lumukob na ang matinding takot at kaba sa buo niyang pagkatao.
Nanatili lamang na nakangiti ang isang imahe ng lalake sa harap niya at ang mga mata nito ay puno ng maduming pagnanasa. Nanatiling nakasiksik sa madilim na sulok si Eve at nanginginig sa sobrang takot at pagkamuhi.
______
Hello guys! missbellavanilla speaking! sorry late update hehehhe. Since marami nang nag-aabang ng mga mainit na kaganapan sa buhay nila Pau at Grego, bukas ang susunod na update hehhehehhee. If you wanted to be updated, please follow me on wattpad and booklat.
Here are the deets:
Wattpad:@missbellavanilla
Booklat:@Bella Vanilla
Please huwag po kayong mag-alinlangang mag-comment ng mga feels or predictions niyo. Let me know that you guys are reading hehehehe. I will greet you at the Epilogue on September 13. Why September 13? Coz it's my birthday! and I want to celebrate it with you guys. Hehehhehe!
See you laterz!
-Bella Vanilla