PATTY
"Naku ano ba naman tong si Bakla! Ilang araw nang hindi nagpaparamdam! Nakakastress!!" Frustrated kong sabi nang hindi sumagot si Baklang Elle sa tawag ko sa hindi ko na mabilang na beses!
"Saan naman kaya yun nagpunta at hindi man lang nagsabi?!" Dagdag ko pa. Ngunit tahimik pa rin itong bruha kong kasama na si Vanessa.
"Oy bakla?! Ano hahayaan mo na lang ba ako na magsalita nang magisa dito?!" Inis kong tanong sa kanya.
"Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng kaba, bakla. Kasi knowing Elle, tatawag at tatawag yun siya kung nasaan man yun ngayon or kung saan siya nagpunta nakakapanibago lang na ngayon ay hindi man lang siya tumawag saatin para sabihin kung nasaan siya even kila Tita hindi siya nagsabi which is napaka-rare.." Lalong nanlumo ako sa narinig ko sa kanya.
"Ayoko mang maniwala sa mga sinabi mo pero may tumpak ka Bakla.. Naku, nasaan na kaya talaga yun si Elle?!" Umupo ako sa sofa. Nandito ako ngayon sa condo unit ni Elle.. Lumabas lang saglit sila Tito nagmamadali pa nga eh.. Hindi na namin naitanong kung bakit.
Makaraan ang ilang minuto ay biglang nagbukas ang pinto ng unit ni Elle. Sa pag-aakalang si Elle na ito ay nagmadali kaming tumayo only to find out na sila Tita lang pala. Nakabalik na pala sila.
Pero may kakaiba sa kanila.
"Tita nakabalik na po pala kayo. Saan po kayo galing?" Bungad ni Vanessa.. "May problema po ba?" Dagdag niya nang mapansin niyang tila wala sa kanyang sarili si Tita..
"May hint na kung nasaan si Elle..." Tila nabuhayan ang katawang kabaklaan ko nang marinig ko yun.
"Talaga po?! Saan po at nang mapuntahan na namin ang baklitang yun! Dahil sa kanya sobrang frustrated ako at ---" Hindi na ako pinatapos ni Tita sa pagsasalita nang magsalita siya.
"Wala na siya.." Mahinang sabi niya dahilan para magtinginan kaming dalawa ni Vanessa.
"Ano pong sabi niyo? Hindi ko po narinig eh. Paki-lakasan niyo po ng kaunti, Tita.." Vanessa said. Bumuntong hininga si Tita.
"May tumawag saamin kanina. Pinahanap ko si Elle at kanina nga ay tumawag siya.." Muli siyang tumigil at parang nagiging emosyonal na si Tita. Bigla akong kinabahan..
"Nakita na daw nila si Elle pero..." Biglang umiyak si Tita dahilan para magulat kami. Dali-daling kumuha ng baso ng tubig si Vanessa at tsaka iniabot ito kay Tita. Kita namin tila hinawakan siya ni Tito sa kamay.
"P-pero ano po?" Bakas sa boses ni Vanessa ang kaba..
"Natagpuan ang kanyang cardigan na palutang-lutang sa dagat. Ayaw man naming maniwala pero alam kong kanya yun dahil ako pa mismo ang nagdisenyo nun para sa kanya.." Tila nabingi ako sa sinabi ni Tita. Tila umaalog ang utak ko sa narinig ko. Ayaw maprocess.
"A-ano po ulit sabi niyo, Tita? H-hindi ko po naintindihan masyado eh.." I tried to laugh pero lalo silang naging seryoso.
"Sabi ng pinahanap namin, baka daw nalunod siya at tinangay ng alon sa kung saan man.. Hanggang ngayon ay hindi pa nila mahanap ang katawan ng anak ko.." Biglang humagulgol si Tita. Nakasupport naman si Tito sa kanya.
Biglang tumulo ang mga luha ko.. No, this can't be! Bakit naman pupunta sa Dagat si Elle nang mag-isa?!
"This isn't true.. Hindi, hindi to pwedeng mangyari. No!" Frustrated kong sabi at niyakap ako ni Vanessa. Umiiyak na rin pala siya.
Biglang nagring ang cellphone ni Tito.. May nagtext sa kanya.
"Nahanap na raw ang katawan ni Elle. Tayo na." Mahina niyang sabi. Nagkatinginan kaming dalawa ni Vanessa at kahit na nanginginig ang mga tuhod ko ay nagawa ko pa ring tumayo..
Wala sa wisyo akong sumakay sa kotse nila. Lutang na lutang ako.. Makalipas ang ilang minuto ay narating na namin ang dagat na sinasabi nila. Maraming tao. Ngunit ang una kong hinanap ay si Kyle..
"Bakit wala si Kyle? Nasaan siya?" Tanong ko kila Tita.. "Kahit kami ay nagtataka rin. Ni hindi namin siya macontact. He's out of nowhere." Tito said.
Bumaba na kami sa kotse at taimtim akong nagdadasal na sana hindi ito si Elle..
Nakabalot sa puting tela ang bangkay.. Kahit nakatela ito, ay naamoy ko na medyo masama na ang amoy nito.
"Pakiconfirm na lang po kung ang anak niyo po ito.. " Umpisang sabi ni Officer.
"Babae. Maputi, nasa 5'5 ang tangkad. Mahaba ang buhok at higit sa lahat, buntis.." Tila nawawalan na ako ng pag-asa sa sinabi niya.. Ngunit, umaasa pa rin ako na sana hindi ito si Elle.. Na sana mali ang akala ni Officer.
Nanginginig man ang mga kamay ni Tita, ay ibinaba niya pa rin ang Tela..
Tumalikod ako, at muling nagdasal...
Ngunit biglang humagulgol sila Tita at Vanessa.
"Ang anak ko!!!" Malakas na sigaw ni Tita.. Napaharap ako ng wala sa oras.. Yakap-yakap na ni Tita ang bangkay..
Hindi na makilala ang mukha niya dahil nasa decomposition stage na ito ngunit base sa damit niya at sa singsing nila ni Kyle, ay makukumpirma mong si Elle nga ito..
Nanlumo ako bigla. Nangisay ang mga tuhod ko at napaluhod sa buhanginan..
"Elle.. Bakla, hindi to totoo! Hindi!! Gisingin niyo na ako sa bangungot na ito!!" Sigaw ko. Niyakap ako ni Vanessa na patuloy lang sa hagulgol..
"A-ng kaibigan natin! W-ala na siya!!" Umiiyak na sabi ni Vanessa.
Hinawakan ko ang kamay ni Elle. "Please gumising ka, Elle. Gising na bakla! Hindi ka si Sleeping Beauty para matulog dyan! Gising na!!!" Patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha ko. Wala na akong pakialam kung nasa decomposition stage na ito.
Kinarga na nila si Elle at isinakay sa Ambulance papuntang morge..
Kami naman ay sumakay na sa kotse habang nakasunod kami sa ambulansya na kung nasaan ang katawan ni Elle..
Ngayon ay naiisip ko kung bakit ganoon ang nangyari.
Nagpakamatay ka ba, Elle?
If oo, bakit?