Télécharger l’application
37.16% No Strings Attached / Chapter 42: Rummage

Chapitre 42: Rummage

KYLE

"Good morning, Sir Kyle." Bati saakin ni Kuya Guard. I just smiled at him at pumasok na sa loob ng company.

Yes, after nang nangyari saamin dalawa ni Dad, pumasok pa rin ako nagbabaka-sakaling nandito si Elle.

"Wala pa si Elle?" Tanong ko agad kila Vanessa pagpasok ko ng office. Hindi nila ako sinagot sa halip ay pinagpatuloy nila ang kanilang ginagawa..

"8:45am na ah?! Wala pa rin siya?" Bulong ko sa sarili ko.

Napansin kong tahimik lang sila Patty at Vanessa na nagtattrabaho, dahilan para magtaka ako dahil hindi naman sila ganoon. Mostly, sila ang numero uno sa kaingayan dito sa office.

"Vanessa, hindi ba papasok si Elle?" Tanong ko sa kanya. She looked at me at bumuntong hininga.

"May problema ba?" Tanong ko ulit sa kanya nang mapansin kong parang wala siyang planong sagutin ang tanong ko.

"Wala.." Tugon niya sa tanong ko. "And, hindi papasok si Elle ngayon." Pagtutuloy niya.

"Ahh" Tumango-tango pa ako sa kanya. Pabalik na ako sa table ko nang bigla siyang magsalita ulit.

"And parang hindi na babalik dito sa company si Elle.." bigla akong lumingon dahil sa sinabi niya.

"A-anong ibig mong sabihing hindi na siya babalik dito?" Tanong ko ulit sa kanya. Muli siyang huminga ng malalim at tumingin ng diretsa saakin

"Elle handed her resignation letter to Mr. Albert. No specific reason kung bakit siya magreresign kaya hindi muna prinocess ni Mr. Albert ang pagresign niya.." Malungkot na sabi ni Patty saakin.

Walang anu-ano'y umalis ako sa harap nila para puntahan si Mr. Albert sa kanyang opisina. Pagdating ko doon, kumatok muna ako sa kanyang pinto bago pumasok.

"Oh, Mr. Villafuente, what brings you here?" Formal na tanong niya pagkakita saakin.

"Is it true that Elle handed her resignation letter to you Mr. Albert?" Diretsang tanong ko sa kanya. Bahagya siyang nagulat sa tanong ko at agad na napalitan ng ibang expression.

"Elle is one of our hardworking staffs here. Wala naman akong naging problema sa kanya, sa totoo pa nga, siya ang number 1 recommendation ng mga clients dito eh. Kaya nanghihinayang lang ako kung bakit magreresign siya dito sa company." Sabi naman niya na bakas sa boses niya yung panghihinayang.

"Pero hindi niyo pa naman ina-approved ang resignation letter niya, hindi po ba Mr. Albert?" Kabadong tanong ko sa kanya. Tumingin naman siya saakin at huminga ng malalim.

"I gave Elle a week to decide. Para pag-isipan niya ang kanyang decision, and kung sakaling magbago ang kanyang isip, pwede siyang bumalik dito.." Mr. Albert tried to smile at me.

"Thank you po, Mr. Albert." Sabi ko sa kanya at nagpaalam na para umalis sa kanyang office.

Bumalik na ako sa table ko, pero hindi pa rin ako mapakali.

Tumayo ako at umalis sa office. Sumakay ako sa kotse ko at pinaandar ito..

Huminto ako sa harap ng condo. Tama, pupuntahan ko siya sa unit niya. Nagdoorbell ako pagdating ko doon.

"Oh Kyle? Ikaw pala. Napadaan ka?" Bungad saakin ni Tita Ivanna. "Si Elle po, Tita? Hindi po kasi siya pumasok sa trabaho eh." Sabi ko sa kanya.

"Wala si Elle dito, Kyle." Sabi ni Tita saakin.

"Nasaan po siya, Tita?" Tanong ko. Pansin kong parang problemado si Tita at tumingin saakin.

"Umalis si Elle. Umalis na siya.." Malungkot na tumingin saakin si Tita.

"S-saan po siya pumunta?" Kabadong tanong ko

"I'm sorry, pero bilin ni Elle saakin na huwag na huwag ko raw sasabihin sayo or kahit sa mga kaibigan niya kung saan siya pumunta. I'm sorry, Kyle..." Nanlumo ako dahil sa sinabi ni Tita saakin. Naramdaman kong tinap niya ako sa may braso ko at ngumiti ng malungkot.

"Thank you, Tita. Pasok na po ako sa unit ko.." Tumango lang si Tita saakin at pumasok na ako sa unit ko.

Pagpasok ko sa unit ko, nakita ko si Dad at si Mom kasama ang isang babae.

"Good thing you're already here! Where have you been?!" Bulyaw ni Dad saakin. Hindi ko pinansin ang kanyang tanong sa halip ay dumiretso ako sa kwarto para kumuha ng mga gamit.

"Ano?! Hindi ka sasagot?!!" Sumunod pala siya saakin sa kwarto

"Aalis ako." Simpleng sagot ko sa kanya habang nilalagyan ng mga damit ang hawak kong bag.

"You can't! Dahil may family dinner tayo mamaya!" Napatingin ako sa kanya.

"Family dinner? Himala ata Dad? Basta aalis ako." Sarcastic na sabi ko sa kanya.

"Hindi ka ba nahihiya?! Nandito ang Fiancè mo, tapos ganyan ang inaasta mo dito?!" Hinarap ko siya

"Hindi ko siya fiancè and wala akong fiancè, DAD." Madiing sabi ko sa kanya.

"Wala kang utang na loob!" Galit na sabi niya saakin.

"Ganoon ba, Dad? You know what, mas gugustuhin ko na lang na hindi niyo ako pinag-aral, binuhay o pinaglaanan niyo ng atensyon kasi kung ganito lang naman ang kahahatungan ng buhay ko, mas okay na rin lang siguro yun, Dad. " Sabi ko kay Dad at nilampasan na siya.

"It's that what you want ah?" Biglang pag-iiba nang tono ni Dad.

"You know, siguro nga nagkamali ako! Maling-mali yung naging desisyon ko dati!" Napansin ko namang nilapitan ni Mom si Dad at parang pinipigilan ito sa pagsasalita.

"What are you talking about? Paanong napunta sa nakaraan yung issue mo ngayon, Dad?" Naguguluhan kong tanong sa kanya.

"Nakaraang pilit kong kinakalimutan pero nang dahil sayo! Dahil sayo, hinding-hindi ko magawang kalimutan yung nakaraan! Isa kang malaking kamalian ko!" Galit na galit si Dad habang pinagduduro ako. Lalo naman akong naguluhan kung anong sinasabi niya saakin.

"Andrew please!" Awat sa kanya ni Mom. Napatingin ako kay Mom sa biglang kinikilos niya.

"Naguguluhan ka ano?!" Tanong ni Dad saakin.

"Pwes! Para sabihin ko sayo, Isa kang malaking pagkakamali na dumating sa buhay ko! Pinalaki kita, tinuring na para kong anak, pero ano?! Ito ang mapapala ko sayo?!" Nagulat ako sa sinabi ni Dad. Parang anak? Trinato niya ako na parang anak niya? T-that means...

"Pinaglaban kita sa pamilya ko! I sacrificed everything that I have way back then! The luxuries, comfortable life, the wealth just for what?! Just for you!! Naiintindihan mo ba, Kyle?!! Sinakrispisyo ko ang lahat nang meron ako para sayo! Dahil you deserved to live! " Biglang umiyak si Dad. Never in my life na nakita kong umiyak si Dad.

"T-totoo ba yung sinasabi niya, Mom?!" Nauutal kong tanong kay Mom.

"Anak..." Sabi niya lang at biglang umiyak.

"Ngayong sabihin mo saakin, WALA BA AKONG SILBING TATAY SAYO?!" Sabi ni Dad habang pinandidilatan ako ng mata. Hindi ako makasalita.

Nasasaktan ako sa nalaman ko.

Gulung-gulo yung utak ko..

Tinignan ko sila. Ganoon pa rin ang tingin ni Dad saakin. Galit na galit siya habang si Mom, umiiyak pa rin.

Nilampasan ko sila at naglakad paalis ng Unit ko.

"Anak!" Tawag ni Mom saakin pero hindi ko siya nilingunan.

Tuluyan na akong umalis sa unit ko at sumakay sa kotse ko.

Kailangan kong makapagisip-isip..

Sobra akong nasasaktan ngayon...

Hindi ko matanggap kung anong nalaman ko ngayon..

All these years,... Naging masamang anak ako...

Ang alam ko lang, kailangan ko munang lumayo sa condong yun. Though...

Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon,

Basta ang alam ko lang, I need a place to comfort me...


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C42
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous