Télécharger l’application
80.55% Army of True Salvation (TagLish) / Chapter 172: Silence Sure is Deafening

Chapitre 172: Silence Sure is Deafening

>Sheloah's POV<

Nandito kami ngayon sa labas. Kakatapos lang namin ni Veon kumain ng dinner kasama si Tyler, Isobel, Geof at Shannara but there was still awkward silence dahil kasi sa nangyari kagabi.

Si Dannie at Kreiss hindi namin nakkita. Kasama rin namin ang iba naming kaklase pero nandoon sila sa kabilang table with the parents. Nasa pangalawang lamesa kami. Occasionnally idadaldal nila kami pero we would just nod and smile. Pansin din nila na awkward kami sa isa't-isa so they would just ignore us and shut up dahil hindi na nila alam ang gagawin nila para mag ingay rin kami.

Shannara and I would sometimes catch each oterh looking pero pag nag tititigan kami ni Shannara, siya ang unang umiiwas. Parang naiinis parin siya sa akin. Ewan ko kung kakausapin ko ba talaga siya o hindi.

Si Geof at Tyler naman nag uusap, pero hindi sila makatingin sa amin ni Veon. Siguro they also find things awkward and for Isobel, hindi rin siya nagsasalita. Nakatitig lang siya sa pagkain niya habang kumakain siya. As for me and Veon, tahimik din kaming dalawa.

Silence sure is deafening.

The awkward silence broke when Isobel spoke. "Ano na kaya ang nangyayari kay Dannie at Kreiss? Wala sila… pati ang papa niya," tanong at sabi niya and we shrugged our shoulders at her.

"Siguro may pinaguusapan pa," sabi na lang ni Geof and we stared at our food while eating.

Nagluto ang parents ng omelet. Minsan pag marami ang resrources na natitira, gagawa sila ng masarap na pagkain once in a while no matter how simple it is.

Tapos na ako kumain and I put my spoon and fork together. "Umm… doon muna ako sa garden," pagpapaalam ko at agad akong tumayo at naglakad papunta sa garden.

Sabi nila nakakabingin ang sobrang maingay pero para sa akin, mas nabibingi ako sa katahimikan. Parang gusto kong sumigaw ng napakalakas. Parang hindi na kasi normal pag tahimik na lang biglaan ang mga taong maiingay.

Nandito ako sa garden at agad akong umupo sa bench. "Damn…" Sinipa ko yung maliit na bato na nasa harapan ko kahit nakaupo ako at napatingin ako sa sahig.

I want things to go back to normal. Ayaw ko ng awkwardness. Hindi na ba muling maibalik ang closeness naming lahat?

Nakatingin lang ako sa baba at nagulat ako nang makita ko ang paa ni Shannara pero hindi ko tinaas ang ulo ko para makita siya.

"Hey," bati niya at agad naman ako napatingin sa kanya dahil ngayon, pinansin niya ako. "Can I sit beside you," dagdag tanong niya at agad naman ako umurong para makaupo siya. Tumabi siya sa akin at nginitian niya ako.

May katabi nga ako… pero ang tahimik parin.

"Sorry," nagsalita bigla si Shannara at nagulat ako dahil she apologized to me. "Sa totoo lang kasi nagselos ako sa reaction ni Veon kahapon nung hinalikan ka ni Kreiss. Parang galit siya so I thought he likes you," dagdag sabi pa niya at nag stretch siya ng kamay niya.

"Apology accepted," sabi ko sa kanya at napatawa siya.

"Alam mo talaga na ako ang may kasalanan," sabi niya at tiningnan ko siya and I slightly smiled at her.

"Well, I couldn't help it kung nagustuhan ako ni Kreiss and parang nagalit si Veon. Pero sa tingin ko may kasalanan ako kasi hindi ko napigilan si Kreiss. Ang unexpected kasi ng pag halik niya sa akin so I don't know how to stop him," sabi ko naman sa kanya at sumandal siya sa rest ng bench.

"Well, let's just say we both have faults and forgive each other," sabi niya at nginitian niya ako and she let out her hand towards me. "Friends," sabi niya at nginitian ko siya and I shook my hand with hers.

Buti naman at nagbati kaming dalawang ngayon. Kahit hindi maganda ang eksena ngayon dahil sa zombie apocalypse, good things really do happen to make you feel happy.

"Hoy, mukhang nag e-enjooy kayo diyan, ah," sabi ni Isobel habang naglalakad siya papunta sa amin at nginitian niya kami. "Join naman ako," dagdag sabi pa niya at umupo siya sa gitna namin at tumawa kaming dalawa ni Shannara.

"Buti naman bati na kayo," sabi ni Isobel at tumawa kaming dalawa ni Shannara. "Alam mob a na kagabi si Shannara gustong makipagbati sa'yo kaso nga lang, ma-pride pala itong gagang 'to," dagdag sabi pa niya at napatingin ako kay Shannara. Si Shannara naman parang nahiya dahil sa sinabi ni Isobel.

"Uy, hindi naman ako ma-pride," depensang sabi ni Shannara at tumawa kaming dalawa ni Isobel.

"Hayaan mo na, Shannara… at lease bati na tayong dalawa," sabi ko sa kanya at nginitian niya ako.


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C172
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous