Télécharger l’application
59.72% Army of True Salvation (TagLish) / Chapter 127: A Foolish Thing

Chapitre 127: A Foolish Thing

>Veon's POV<

"Tumigil ka, Veon." Madiin niyang sabi at napatingin lang ako sa kanya at hinawakan ko ang mukha ko. Malakas ang pagkasampal niya sa akin. Hindi ko maintindihan. Masyado siguro siyang na-intimidate sa sinabi ko. Hindi ko naman sinasadya na sabihin sa kanya ito.

"Sorry." Sinabi ko na lang sa kanya dhail sa sinabi ko, nagalit siya. Although hindi ko gets kung bakit siya nagagalit dahil sa sinabi ko, nag sorry na lang ako sa kanya para hindi ito lumala. Mamaya, mag aaway naman kami.

"Oo, nga… mahal kita. Pero ayaw kong magmukhang tanga na para akong hopeless romantic na umaasa pa sa'yo." Sabi sa akin ni Shannara at napatingin lang ako sa kanya. "I don't want to be stupid. Ayaw kong masaktan ko pa ang sarili ko dahil sa nararamdaman kong ito." Dagdag sabi pa niya at halata sa mukha niya na pinipigilan niya ang kanyang mga luha. Ayaw niyang umiyak.

"Shann." Sinabi ko ang pangalan niya at nung hahawakan ko sana ang mukha niya para punasan ang mga luha niya, agad niya itong inalis.

"'Wag mo akong hawakan." Sabi niya at ginawa ko na lang ginawa ko na lang ang sinabi niya. "Sinaktan ko na nga ang sarili ko, papaya pa baa ko na masaktan ako uli?" dagdag sabi pa niya at hindi ko siya maintindihan.

"Ano ba ang sinasabi mo?" tanong ko sa kanya at pinilit niyang ngumiti.

"Dahil sa katangahan ko na mahalin ka, sinaktan ko ang sarili ko kasi 'di mo naman ako mahal. Kahit hindi mo inaamin, si Sheloah naman ang gusto mo." Sagot ni Shannara sa tanong ko at hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. "Hindi naman ako bobo na magpapaka-engot sa magpapansin pa sa'yo para magustuhan moa ko. Mas Mabuti na umiwas na lang ako na parang walang nangyari tapos tinanggap ko naman na magkaibigan lang tayo." Dagdag sabi pa niya at medyo tumawa siya.

Hinawakan ko ang shoulder niya. "Hindi ko naman sinasadya na saktan ka, Shan." Sabi ko sa kanya at tiningnan niya ako.

"Alam ko, Veon…" sagot naman niya at napabuntong-hininga siya. "Mahal kita, oo pero it's better if I would just forget it and hide away these feelings. I've hurt myself so much by loving you. I shouldn't be stupid enough to let it continue this way kasi kung hindi ko ito ititigil…" sabi niya at nginitian niya ako. "Hindi ako lalakas. Ayaw kong maging weak." Dagdag sabi pa niya at tumingin siya sa harapan namin. Nakita niya si Dannie at si Tyler na pabalik na. May hawak na tubig pero mabagal silang maglalakad papunta sa amin.

"Sorry." Hindi ko na alam ang sasabihin ko kaya nag sorry ulit ako. "Pero tama ka. Mas maganda kung friends lang tayo. Wala naman talaga kong balak sa love, eh." Sabi ko pa sa kanya at tumawa siya.

"Kaya kalimutan mo na lang ang pinag usapan natin." Sabi niya at ngumiti siya. "Masaya na ako sa desisyon ko at ngayon na pinag usapan natin ito, mas nakahinga ako ng mabuti." Sabi pa niya at naag stretch siya. "Although I admit. I hate myself for falling in love." Dagdag sabi pa niya at bigla akong nagtaka.

"Bakit?" tanong ko naman at sinagot niya ako pero hindi man lang niya ako harapin.

"Because…" sinimulan niya at tumayo siya [ero hindi niya ako tiningnan. "Falling in love… is a foolish thing to do." Patapos niyang sabi at tinulungan niya silang buhatin ang ibang tubig na dala nila. Kumuha sila ng container sa bag na dala ni Tyler.

"Falling in love is a foolish thing to do?" bakit naman niya sinabi 'yon? Ayaw niya na bang mag mahal ulit? Hindi ko naman sinasabi na gudto ko na mahalin niya ako pero parang hate niya na ang pag ibig mismo. Ang lakas ng ani Shannara dahil napag isipan niya pang pag desisyonan ito na maging friends lang kami at isipin na lang na walang nangyari dahil kung tulad siya ng ibang girls, edi hanggang ngayon, umiiyak parin si Shannara.

Tumatapang si Shannara. Nakaka-hanga.

Napabuntong-hininga ako at biglang napa upo si Isobel at medyo tumawa siya. "Grabe. Ang ganda ng mini-movie na napanood ko, ah! Ayos ng eksena niyo ni Shannara!" mapangasar niyang sabi at agad ko siyang tiningnan.

"Akala ko ba matutulog ka?" tanong ko at mas tumawa pa siya.

"Paano ba naman ako matutulog, eh parang eksena sa movie ang pinapanuod ko? Ang lakas kaya ng boses niyo!" sagot niya at tumawa siya ng malakas.

Hindi ko na lang siya pinansin. Dumating na sina Dannie, Tyler at Shannara at binigay niya sa amin ang mga tubig namin at ininom namin. Tapos na ang aming pagpapahinga at sabay kaming lahat tumayo.

"Go na ba?" tanong ni Dannie habang naka thumbs up tapos tumango ako sa kanya.

Sheloah, parating na ako.


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C127
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous