Télécharger l’application
56.01% Army of True Salvation (TagLish) / Chapter 119: Ililigtas Kita

Chapitre 119: Ililigtas Kita

>Veon's POV<

"At isa pa… naalala mob a noong na-hospital si Sheloah?" tanong niya at napatingin ako sa kanya.

"Nung natamaan siya ng water hose sa mata niya at dumugo sa loob?" pasagot na tanong ko at tumango siya.

"Pinuntahan mo siya sa hospital noon, remember? At binigyan mo pa siya ng fruits." Sabi niya at napatango ako ng mabagal. "Hindi ka gan'on noon. Siya yung unang girl na binisita mo, 'di ba? Wala bang meaning ang mga ginagawa mo? Hindi ba halos lahat ng first mo si Sheloah?" sunod-sunod niyang tanong at napabuntong-hininga ako.

"Kaibigan ko lang siya, Isobel." Sagot ko na lang sa kanya at tiningnan niya ako ng seryoso.

"Talaga, Veon? Talaga lang ba na kaibigan mo siya?" tanong niya at hindi na ako makasagot.

Bakit ba? Bakit hindi sila naniniwala na kaibigan lang ang turing ko kay Sheloah? Pero bakit… bakit pag sinasabi ko rin sa sarili ko na kaibigan ko lang si Sheloah, parang hindi rin ako naniniwala sa sarili ko? Ano bang ibig sabihin nito?

"Kaibigan lang ba siya, Veon? Araw-araw kayong nagpupuyat para mag usap lang? Tawagan? Video chat sa FB magdamag? 4AM matutulog kahit pasukan? Palaging magkasama tuwing dismissal? Palaging nag uusap during classes? Siya yung mga first mo sa ibang experiences mo? Tapos binibigyan mo pa siya ng pagkain tuwing recess dahil alam mo hindi siya kumakain ng breakfast? Alam ko lahat, Veon. Kaibigan mo lang ba siya?" sunod-sunod niyang sabi sa akin at hindi ako makasagot.

"Hindi ko alam." Sabi ko na lang sa kanya at napabuntong-hininga siya.

"Mahal mo siya." Sabi niya sa'kin.

"Manahimik ka." Utos ko sa kanya at tumayo siya kaagad.

"Bahala ka sa buhay mo. Kung patuloy mo parin itong dine-deny, mawawalan ka ng pagkakataon. Pagkakataon na umamin sa kanya na mahal mo siya." Sabi ni Isobel at nairita nanaman ako.

"Bakit niyo ba pinipilit na mahal ko si Sheloah, ha? Nakakainis na, eh!" sabat ko sa kanya at sinigawan niya rin ako.

"Hindi ko pinipilit dahil pati rin yung iba, gano'n din ang napapansin sa'yo! Na mahal mo si Sheloah!" pasigaw na sabi niya sa akin at hindi na ako makasagot.

"Don't deny love. It'll only keep hitting you. Tandaan mo 'yan, Veon. Malay mo…" sabi niya at hinawakan niya yung door knob. "Aagawin siya sa'yo." Dagdag sabi pa niya at lumabas na siya ng kwarto.

Nung sinabi niya yung last statement, biglang bumilis tibok ng puso ko pero may kasamang kirot. Kirot na masakit sa pakiramdam. Nakakairita. Hindi naman ako ganito rati pero simula noong nakilala ko si Sheloah, kung ano-ano na ang nararamdaman at nangyayari sa akin. At sabi pa ni Isobel na maraming nakakapansin? Totoo ng aba ang sinasabi nila?

Na mahal ko si Sheloah?

Hindi ko alam. Pati ako hindi ko maintindihan ang sarili ko. Nakakainis. Nakakairita. Kiung ano-ano ang nararamdaman ko. Bakit ganito? Nakakapanibago. Hindi naman ako ganito rati. Pero simula noong Nawala si Sheloah, sumasakit na ang puso ko at hindi ako mapakali.

Maghintay ka lang Sheloah…

Ililigtas kita.


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C119
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous