Télécharger l’application
8.79% Army of True Salvation (TagLish) / Chapter 17: This Is It

Chapitre 17: This Is It

>Sheoah's POV<

Napagod kami sa kakatakbo kaya napaupo kami sa sahig. Tiningnan ko yung baril at saktong wala na itong bala.

Tiningnan ko yung mga kasama ko. "Okay lang kayo," tanong ko sa kanila at nag-thumbs up sila sa akin kahit napapagod na sila.

"Kumuha na kayo ng mga baril. Kami ni tito mo ang magbabantay dito. Bilisan niyo, para makalabas na tayo agad," sabi ni Sir Jim at tumango kami sa instruction niya.

Pumunta si Josh at Tyler sa left part ng gunshop at kami ni Veon doon sa right part ng gunshop.

Ang daming klase ng baril ang nandito. Military guns, machine guns, hand guns, auto-cannon guns, artillery guns, tank guns, hunting guns, rescue equipment guns, training and equipment guns, at iba pa. May fictional guns pa.

Tumigil ako sa harap ng mga selection of guns at hinawakan ko yung glass nila. "Ano ang mga magaganda rito," tanong ko kay Veon at pumunta siya sa mga section ng machine guns.

"Itong gatling guns. Maganda 'yan," sabi niya at nilapitan ko siya. Tiningnan ko ang gatling gun.

"Masyadong malaki," sabi ko sa kanya at tumango siya.

"One of the best-known early rapid-fire weapons. Kaso, masyado itong malaki kaya 'wag na natin ito dalhin. Sayang nga lang. Kaya, pagbukas na lang ng pinto, doon na lang natin gagamitin," sabi ni Veon at pumunta siya sa hand gun section. Sinundan ko rin siya.

"Itong revolver," sabi ko sa kanya at hinawakan ko yung revolver. "Kaso nga lang, six ang chambers nito. Meaning, six ang bullets nito," sabi ko sa kanya at nilagay ko ito sa pouch na nakatali sa thigh ko.

"Ito maganda 'to. Machine pistol," sabi sa akin ni Veon at binigay niya sa akin. "Parang yung baril na ginagamit ni Leon sa Resident Evil," dagdag sabi pa niya at nginitian ko siya.

"Kuha ka ng madami. Guess we also have to teach some of our classmates to combat para hindi lang tayo ang umaatake," sabi ko sa kanya at kumuha pa siya ng pistol at nilagay niya sa bag na dala niya.

Pumunta ako sa part ng hunting guns at nakuha yung pansin ko nang nakita ko ang malaking baril.

"Veon…" Tinawag ko si Veon at nilapitan niya ako. "Tingnan mo yung shot gun na 'yan," sabi ko at nginitian namin ang isa't-isa.

Nilapitan kami ni Josh at Tyler. "Guys! AK-47, oh," sabi ni Josh sa amin at nginitian namin siya.

"Wait… Sheloah palit tayo. Mas gusto ko yung shot gun," sabi ni Tyler sa akin at nagpalit kami ng baril. And yeah, mas prefer ko ang AK-47.

"Kuha rin ako ng AK-47," sabi ni Veon at kumuha siya ng isa sa lugar kung saan kinuha ni Josh at Tyler.

"Mayro'n na ba si tito at si Sir Jim," tanong ko sa kanila at tumango si Tyler.

"Not to worry! Binigyan ko na sila," sabi ni Tyler at nginitian ko siya.

"Guys," tinawag ni Sir Jim yung attention namin. "Madami na ang zombies na nakaabang sa labas. Kailangan na natin umalis," dagdag sabi niya at tumingin kami sa pinto.

Paano na kami makakalabas niyan?

Bumalik si Veon sa amin. "Yung gatling gun gamitin natin," sabi ni Veon at inayos niya sa harap ng glass door.

"At 'yan ba alam mong gamitin, Veon," tanong ni tito sa kanya at tumango lang si Veon.

"Subukan lang natin," sagot niya sa tito ko at tumawa ng tito ko ng onti.

"Sige… bubuksan ko ito at once na nabuksan na, fire ka na agad, ha," sabi ni tito at tumango si Veon bilang sagot.

"Pero, pwede po ba na mauna ako at mauna na lang kayo sa Supermart," tanong ni Veon at tiningnan siya ni tito.

"Hindi mo kayang mag isa," sabi ni tito sa kanya and he just shook his head.

"Sorry po, tito pero wala pa akong pakealam. Basta mapuntahan ko yung pamilya ko, okay na po sa akin," sabi ni Veon sa kanya at tumango na lang yung tito ko.

"Ibibigay ko sa'yo yung susi ng kotse na ginamit ko at ibigay mo sa akin yung susi ng kotse na ginamit mo. Para mas marami kaming madadala na resources galing sa Supermart," sabi ni tito at nag swap sila ni Veon.

Tiningnan ko si tito. "Tito… sasamahan ko si Veon," sabi ko sa kanya at lahat sila napatingin sa akin.

"Ha?!" Napasigaw silang lahat sa sinabi ko.

"Loah… pamangkin kita. Hindi kita papayagang umalis," sabi ni tito sa akin at tiningnan ako ni Veon.

"Tama ang tito mo. Ayaw din kita idamay sa plano ko. Kaibigan kita, Sheloah. Ayaw kitang madamay," sabi ni Veon and I just shook my head.

"Hindi pwede na iiwan kita roon mag isa. Promise ko sa'yo, 'di ba," sabi ko sa kanya at nilapitan ko si Veon.

Binalik ko yung tingin ko sa tito ko. "Please, tito… payagan mo na ako," sabi ko sa kanya at huminga ng malalim si tito.

"Fine! Pero gusto ko na bumalik din kayo sa rooftop. Safe," sabi ni tito at nginitian ko siya. He emphasized the word "safe."

Pinuntahan ko si tito at binigyan ko siya ng isang mahigpit na hug. "Thank you," sabi ko sa kanya at hinalikan ko yung pisngi niya. Nginitian niya ako.

Tiningnan ni tito si Veon. "Alagaan mo si Loah," sabi niya sa akin at tumango si Veon.

"Opo," sabi niya at tumingin lahat kami sa glass door kasi ang daming zombies na ang nagdadabog sa labas.

Onti na lang at mababasag na ito. Tumabi lahat kami kay Veon na naka ready na gamitin ang gatliing gun na nasa harapan niya.

This is it.


L’AVIS DES CRÉATEURS
MysticAmy MysticAmy

Salamat sa pagbabasa! ^^

Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C17
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous