>Sheloah's POV<
Tiningnan ko yung mga kasama ko. Umupo ako sa roof and I sighed. "This is tough work than I thought it would be," sabi ko at tiningnan lang nila ako. Si Josh sumandal sa wall, at si Tyler pumunta sa isang sulok ng roof at tiningnan ang phone niya.
Tinabihan ako ni Veon. "Ano na ang plano, leader," tanong niya sa akin and he emphasized the word "leader". "Papunta na tito mo and family mo, 'di ba," sabi niya at tumango lang ako. "Since papunta na sila, papunta na rin si Sir Jim dito," dagdag sabi pa ni Veon at may narinig kaming boses.
"Did someone mention my name," sabi niya at lumingon kami. Nakita namin si Sir Jim.
Nung tiningnan namin siya, ningitian niya kami at nag peace sign siya. Medyo bagets itong teacher na ito at nakaka-amaze rin si Sir. Nakarating siya rito without being harmed. Dala niya yung axe niya at medyo bloody na naman ito. Siguro he killed zombies along the way habang papunta siya rito.
"Sir… hindi kami makakababa. Pwede ba na maging bait ka namin para makapunta kami sa guard's house at kunin yung susi ng pick up," tanong ni Veon at tumabi sa amin si Tyler at Josh.
"So ako yung bait," tanong ni Sir at tinitingnan lang namin siya ng seryoso habang ang index finger niya nakaturo sa sarili niya.
You just heard Veon. Why the hell ask him again? Ayaw mo ba kaming tulungan? Ikaw pa mismo ang nag volunteer na sumama sa amin.
"Sige, sige. Ako yung bait. Ano gagawin ko," tanong ni Sir Jim at tiningnan ni Veon yung mga zombies. Pumayag rin pala si Sir, eh. Patanong-tanong pa kasi.
"Attract mo yung mga zombies. Kahit ano'ng tunog gawin mo," sabi ni Veon at tumango si Sir Jim sa sinabi niya.
Tinuro ni Sir yung mas mataas na roof. "Kung diyan ako at mag-ingay ako… okay lang ba," tanong niya at tiningnan ni Veon yung roof na tinuro ni Sir, at tiningnan niya yung guard's house.
"Pwede," sabi ni Veon at tumango si Sir Jim. "Basta i-distract mo, Sir. At sana hindi mangyari yung tulad sa World War Z na movie. Na dahil sa sobrang ingay, magiging tower yung zombie at makakataas sila sa building," dagdag sabi pa ni Veon.
"'Wag ka naman manakot," sabi ni Sir Jim at medyo tumawa kami ni Tyler at Josh.
Tumaas na si Sir sa roof na tinuro niya, at sumigaw siya. "Nakakainis maging Math teacher kasi halos lahat sila hindi nakikinig sa'yo," sigaw niya at tumingin yung mga zombies sa kanya. "Nakakainis rin maging teacher ng subject na 'yon dahil halos lahat sila hindi makaintindi! Ang tatamad nila," dagdag sigaw pa niya at napatingin naman kaming apat sa kanya.
Nagulat kami sinigaw ni Sir. Dahil may zombie apocalypse na at tumigil ang school dahil sa eksenang ito, nilibas na ni Sir yung sama ng loob niya sa trabaho niya. Naiinis siya na Math teacher siya dahil yung ibang estudyante hindi siya maintindihan? Well, I can't deny na isa ako sa mga estudyante niya na hindi masyado maka-gets sa Math. 'Yan ang subject na pinakamababa sa akin, eh.
Naglalakad kami sa isang narrow na roof papunta sa guard's house. Most of the zombies pumupunta kay Sir kasi hanggang ngayon, sinisigaw niya yung sama ng loob niya.
'Yon ba talaga pang-distract niya? Isisigaw yung sama ng loob niya? Weird method, but effective! Basta maingay si Sir. Basta makuha niya ang pansin ng zombies para magawa namin yung mission nang maayos.
Nakarating na kami sa dulo ng roof at isang talon nasa harap na kami ng guard's house. Tiningnan ako ni Veon. "Ako ang bababa," sabi niya at nagulat kaming tatlo.
"Ha?!" Napasigaw kami ni Tyler at Josh.
"What do you mean, ikaw ang bababa? Sa tingin mo iiwan ka namin na mag-isa," tanong ko sa kanya and he shook his head.
"At least, hindi kayo mamamatay. Hindi ko sinasabi na mamamatay ako, pero bababa ako at kukunin ko yung susi sa guard's house. Kailangan niyo ako i-guard. No choice. Gamitin mo yung baril, Sheloah para hindi ako maabutan ng mga zombies na malapit sa akin," sabi ni Veon at nakatitig lang ako sa kanya.
"Tyler, i-back up mo si Sir Jim. Gamitin mo yung mga baril na dala ko," sabi ni Veon at tumango siya. Kinuha ni Veon ang mga kutsilyo niya at binigay niya ang baril kay Tyler. "Tatakbo lang ako papunta doon sa guard's house. Siguro naman may bullets doon at baka may extra na baril," dagdag sabi pa niya at tumango ako.
"Bilisan mo. Iba-back up ka namin," sabi ko kay Veon at tumalon siya.
No'ng tumalon siya, tumakbo siya nang mabilis papunta sa guard's house. May mga zombies na nakapansin sa kanya at papunta na sa kanya. Kinuha ko yung baril ko at agad kong binaril yung mga zombies na lumalapit sa kanya.
"Please… let him be safe," bulong ko sa sarili ko at tinutulungan ako ni Josh.
Short update for now. ^^ Salamat sa pagbabasa! :D