Télécharger l’application
6.48% Army of True Salvation (TagLish) / Chapter 12: Paano Na Kami Makakalabas

Chapitre 12: Paano Na Kami Makakalabas

>Sheloah's POV<

No'ng nando'n na kami sa harap ng pinto, tiningnan ko yung groupmates ko. "First-Aid Kit," sabi ko at hinawakan ni Tyler yung bag na nasa likod niya. Which means, nandoon na yung first-aid kit. "Substitute weapons," sabi ko at pinakita nila yung knives na nakasabit sa mga belt nila.

Actually, hindi namin masyado gagamitin ang knives since mas maganda gamitin yung stick. Siguro pang long-range na lang, ibabato namin yung knife. Pero sana accurate ang aim namin para straight sa ulo.

"Phones in silent mode," sabi ko sa kanila at tiningnan nila yung phones nila kung naka-silent mode.

"Last resort," sabi ko kay Veon at pinakita niya yung baril niya sa tabi ng knife. Nginitian ko siya and I tapped my thigh where I tied my gun. It's hidden under my skirt. I looked at my groupmates one more time.

"Kung may nakalimutan kayo, kunin o gawin niyo na," sabi ko sa kanila and Tyler suddenly reacted.

"I need to speak to Alice," sabi niya sa akin at tumakbo siya papunta kay Alice. Nginitian namin siya. Tyler is deeply in love with Alice. Alice is smart, nice and friendly.

Na-curious ako bigla kaya hinila ko si Veon. "Panoorin natin sila," sabi ko at nagulat si Veon.

"H-ha?!" Ayaw ko! It's eavesdropping, you know," sabi niya sa akin pero hindi ko binigyan ng pansin.

"Sige na! Para kiligin ako," sabi ko sa kanya at tinawanan niya ako.

"Baliw," sabi niya at nagtago kami sa likod ng drum. Naki-join si Josh sa aming dalawa.

"Alice… aalis na kami. Hindi ko alam kung… makakabalik pa ako," sabi ni Tyler sa kanya at sumilip kaming tatlo sa drum pero hindi kami nagpapahalata.

"Tyler… mag-iingat kayo, ha? Mas lalo ka na. May pagka-clumsy ka," sabi ni Alice sa kanya at pinipigilan namin yung tawa namin dahil sa sinabi niya. Totoo kasi na medyo clumsy si Tyler, eh!

"Babalikan kita. Hindi na safe ngayon. I promise… I will protect you no matter what," sabi ni Tyler sa kanya at kinilig ako. Kinurot ko si Veon at napa-"aray" siya pero pinapanood pa rin namin silang dalawa.

"Thank you, pero---" Hindi pinatapos ni Tyler yung sinasabi ni Alice.

"I don't care if you have a boyfriend. I love you and I swear. I'm gonna protect you," sabi niya at niyakap ni Tyler si Alice.

Mas kinilig ako at sinuntok ko naman yung braso ni Veon. "Aray! Ang violent mo naman kiligin," bulong na pasigaw ni Veon sa akin pero tumatawa pa rin ako sa kilig.

"Guys, balik na tayo sa may pinto at malapit nang pumunta si Tyler doon," sabi ni Josh at nagmadali kaming pumunta sa pinto. No'ng nandoon na si Tyler sa may pinto, we acted as if nothing happened.

"Ah… are we ready na," tanong ko sa mga groupmates ko at nag-oo naman silang lahat.

Hinawakan ko yung doorknob at biglang pumasok sa isip ko na pag bukas ko ng pintong ito, wala na munang babalik sa rooftop. Pupunta sa guard's house, kukunin yung susi at tatakbo sa canteen kung saan naka park ang service car. And once na nakalabas na kami ng school…

Hindi na muna kami makakabalik dito.

"Guys… no panicking. Walang iwanan, ha," sabi ko and for a while there, I sounded girly kaya medyo tinawanan nila ako. Bumaba kami ng hagdan, then we are at the last stair na papunta sa clinic, may nakita kaming number of zombies.

Nagtago kami sa likod ng pader. "Paano na 'to," tanong ni Josh at sumilip ako ng konti.

Naglalakad sila ng mabagal. Yung iba nakatayo lang tapos malayo pa sila sa kabilang hagdan papunta sa main building na malapit sa covered court. The only way to get there, is to…

"Hit and run," sabi ko sa kanila at tiningnan nila ako. "Hindi natin mapapatay lahat ng zombies na 'yan. Apat lang tayo. All we have to do, is run. Tapos tamaan natin sa ulo yung mga zombies na nakaharang sa daan natin at tatakbo na tayo. Thud lang naman maririnig nilang sound so I guess… hindi tayo mapapansin ng ibang zombies," sabi ko sa kanila at sumilip rin sila.

"Bilisan natin sa pagtakbo," sabi ni Veon at tumango kami.

Lumabas kami ng dahan-dahan, at tsaka kami tumakbo. Nakakuha kami ng atensyon ng ibang zombie at naglalakad na sila ng mabilis papunta sa amin. Tinamaan namin sila nang malakas sa ulo gamit ang aming stick. Hindi kami masyado nagre-react para yung mga ibang zombies, 'di kami mapansin. They react to sound kasi.

Nung tumaas kami sa isang hagdan, we need to go up two stairs more para makapunta sa main building. Nandito na kami sa taas at sa isang aisle, we saw eight zombies. Tiningnan ko ang mga kasama ko at nagets nila yung ibig kong sabihin.

Tumakbo na naman kami, at tinamaan namin sila. Hindi sila namatay agad, pero natumba sila. We have no time to kill them kaya mas maganda na takbuhan namin para hindi kami mahabol agad. Binilisan namin ang pagtakbo. Two staircases up, nandito kami sa main building. Nagtago kami sa isang corner ng wall and we were in it for a big surprise.

Maraming zombies ang nakakalat. Tiningnan ko yung mga classrooms at ang daming nakabukas na pinto. Ang daming dugo na nakakalat. We even saw one of our teachers, turned into a zombie. Tapos yung classroom namin na 4A, nakabukas na. So meaning may mga zombies na nakasira ng pinto. Buti nalang at umalis kami.

Huminga ako ng malalim. "What now," tanong ko sa mga groupmates ko at sumilip si Veon.

"Ang dami nila. Hindi natin 'to kaya," sabi niya at sumilip na naman ako.

Ang dami talaga. More than 50 zombies ito. Meron pa sa quadrangle. Buti nalampasan namin 'yan dahil may hagdan. Sa sobrang dami, really, four people can't handle it. Ano na ang gagawin namin? We can't be trapped here.

Tumingin ako sa taas at nakita ko yung pipe malapit sa roof. I had another idea. Dadaan na naman siguro kami sa roof pagkataas namin ng pipe at tatalon kami pababa para maka-land kami sa playground. Siguro magmumukha kaming character sa isang RPG game.

Tiningnan ko yung mga kasama ko. "Let's use the pipe again. Akyatin natin tapos lakad sa roof. Tatalon tayo pababa para maka-land sa playground then tatakbo tayo papunta sa guard's house," sabi ko at tumango naman sila.

Hinawakan ko yung pipe at nakatingin sila sa akin. "Tataas ako… no peeking," sabi ko sa kanila at nabigla sila sa sinabi ko kasi naalala nila na naka skirt ako dahil sa uniform ko. I'm wearing shorts inside pero nahihiya pa rin ako. I don't want people looking under my skirt! Well, who likes it anyway? No one does, right?

No'ng nasa taas na ako, tinulungan ko si Veon tumaas para mas mabilis. Tinulungan din niya ibang kasama namin at naglakad kami quietly sa roof. Binilisan namin para makapunta kami agad sa playground.

Habang naglalakad kami sa rooftop, tumitigil kami kasi yung mga zombies na iba tumitingin sa taas. Ayaw namin magpahalata kasi ayaw namin magpahuli. Grabe talaga mga pandinig ng mga zombies. Konting tunog lang, maririnig na nila kaya kailangan na talaga namin mag ingat.

Nakarating na kami sa may bandang dulo ng roof. Isang talon, at makaka-land na kami sa playground. Pero nagulat talaga kami nung nakita namin ang kalagayan ng playground.

Ang daming zombies na nakakalat. Mas madami kaysa sa mga zombies sa isa pang building. Yung tunog kasi na nasa phone ni Ace, tumutugtog pa sa covered court. Kaya siguro nandito pa sila. Hindi ba malo-lowbat ang phone na 'yon?

Nakabukas pa yung school gate. Siguro, pumasok yung ibang zombies dahil sa naririning nilang tunog at siguro lumabas na yung mga naging zombies sa school. In and out na siguro yung mga zombies dito. Nakabukas kasi yung school gate.

Paano na kami makakalabas niyan?


L’AVIS DES CRÉATEURS
MysticAmy MysticAmy

Long release. Salamat sa pagbabasa! :D Comment naman po kayo. :3 Hehehe. ^^

Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C12
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous