Buong buhay ni Paola ay ginugol niya sa ilang palapag at kanto ng pag-aari niyang cafe at art gallery. Gabi kung lumabas kaya madalas mapagkamalang multo at kung ano ano pang maaring ibansag. Ang dahilan noo'y isang pangyayari na magpasahanggang ngayon ay nakasunod sa kanya. Isang pangyayari na lubos na nagpababa sa self esteem niya at nagdulot sa kanya ng anxiety. Isang gabi naisipan niya lumabas at magtungo sa isang bar kung saan niya nakilala si Joaq.
Dahil sa curiousity, nilapitan niya ito, kinausap, nakapalagayan ng loob hanggang sa mauwi sila sa penthouse nito. Ang kalimutan lahat ng nangyari ang unang sumagi sa isipan niya pagkabalik sa tirahan niya. Ngunit tila siya'y napaglaruan ng tadhana dahil nahanap siya nito at nanatili na sa tabi na parang super glue. Lahat ginawa niya para palayuin ito ngunit sa bawat hakbang niya palayo ay siyang hakbang naman nito palapit. Unti unti natagpuan na lang niya ang sarili na nahuhulog dito.
Kung kailan masaya na siya at ayos na ang lahat lahat sa buhay saka naman bumalik ang isang taong mula sa kanyang nakaraan. Dala ang isang rebelasyon na muling nagpadilim sa kanyang mundo. Rebelasyong nagtulak din para palayuin niya si Joaq sa kanya. Kaibigan ito ng ex-boyfriend niyang nagpakamatay dahil sa obsession sa kanya. Tuluyan niyang sinara ang pintuan sa bawat chance na maaring magpasaya sa kanya.
May pag-asa pa kayang lumiwanag ang mundong pinadilim ng nakaraan ayaw lumubay kay Paola?
This story has gone through a lot of plot revisions until I found what fits for my Joaquin Jacob Dominguez. Hope that each and everyone of you will take a chance to read this.