Shanaia Aira's Point of View
PAALIS si Gelo papuntang Batanes sa susunod na araw. Doon kukunan ang mga ilang eksena sa movie nila. Mga one week lang naman sila doon tapos balik na sila ulit sa Metro. Kailangan nilang magmadaling mag-shooting doon habang summer pa kasi dalawin ng bagyo ang Batanes.
Sa kasalukuyan, nag-impake na ako ng mga damit nya para sa isang linggo niyang shooting sa Batanes. Nilingon ko sya sa pagkakaupo nya sa kama. Tila may malalim syang iniisip.
Lumapit ako at tinabihan ko sya.
" Bhi, what's wrong?" tumingin sya sa akin saka umiling.
" Wala? Eh kanina ka pa tulala dyan. Parang kasing lalim ng Atlantic Ocean yang iniisip mo. Tell me, baka makatulong ako." pangungumbinse ko pa sa kanya.
Bumuntung-hininga siya tapos seryosong tumingin sa akin.
" Wala baby. Iniisip ko lang yung shooting namin sa Batanes, baka kung ano na naman ang gawing kalokohan ni Gwyneth . " turan nya. Yun nga rin ang inaalala ko, mukhang hindi titigil si Gwyneth hanggat hindi nya nakukuha si Gelo.
" Ganyan ka ba kahina at hindi mo kayang iwasan yang leading lady mo na yan? " nagulat kami sa biglang pagsulpot ni ate Shane. Nakatayo sya sa may pinto ng room ko.
" Besty hindi sa ganon. Hindi ko pwedeng iwasan si Gwyneth sa harap ng mga tao, lalo na sa mga boss. Kailangan ngang umakto sa masa na okay kami di ba? Yun ang gusto ng management at producer namin. Kailangan ko rin na gawin yon para ma-protektahan din si Aira. Sa likod naman ng camera at ng lahat, umiiwas talaga ako sa kanya at yun ang dahilan kaya kung ano-anong paraan ang ginagawa nya para mapalapit sa akin. May balak nga sya na makuha ako kaya naman gumagawa kami ni baby ng paraan para makaiwas. Yung nangyari sa bar, I didn't see that coming. Iniwasan ko sya, hindi ako sumama sa grupo nila at nag-iba kami ng grupo nung mga actor na kasama ko. Pina - iimbestigahan ko na kung paanong nangyari na nahilo at nakatulog kami sa dalawang shot lang nung alak. Kahit hindi pa lumalabas yung resulta ng imbestigasyon, may palagay ako na may inutusan si Gwyneth na gawin sa amin yon. Siya lang naman ang may motibo dahil inabutan nyo nga akong wala na halos malay sa parking lot na siya ang kasama ko. " mahabang pahayag ni Gelo kay ate.
" So, paano yan kapag nasa Batanes na kayo? Sa palagay mo, may niluluto syang plano para matuloy na yang balak nya sayo na naudlot lang dahil dumating kami?" tanong ni ate Shane.
" Yun nga ang iniisip ko ngayon besty. Maliit lang ang Batanes, siguro naman hindi sya magtatangkang gumawa ng hindi maganda sa akin. Maraming makakakita sa kanya kung sakali. " parang hindi siguradong wika nya.
" Kahit na Gelo. Paano kung — kung gawin nya ulit sa inumin mo yung ginawa nya sa bar? What if, you wake up the next morning and you found out Gwyneth by your side, and both naked? Tapos gigising sya na kunwari nagulat sa nasaksihang ayos nyo, of course after that she will cry for help. And you? you will end up being accused of rape and then the next thing you know, her father forcefully obliged you to marry his daughter. " tila nagbabalita lang si ate ng lagay ng panahon. Tila kinilabutan naman ako sa pinagsasabi nya.
What the heck?
" Ate ano ba? Ang creepy naman nyang iniisip mo eh! " sansala ko sa sinasabi ni ate.
" Sinasabi ko lang yung posibleng mangyari bunso. Hindi malayong maisip ni Gwyneth yung ganon dahil madalas nagiging eksena yun sa mga movie. " paliwanag nya.
" Okay, ipagpalagay na natin na ganon. Do you have any suggestions to avoid any incidents like that? " tanong ko kay ate.
" Syempre ako pa! " buong pagmamalaki pang sambit ni ate.
" Ano naman yon ate? " tila panghahamon ko pa sa kanya.
" I have a friend who owns a house in Batanes. Iniwan sa kanya ng mga magulang nya. Since nasa Metro ang trabaho nya, ang tiyahin na lang nya ang pinakiusapan nya na magbantay sa bahay nya. Nakarating na ako minsan dun, nung nagtanan kami ni Gerald. Two days kaming doon nagtago bago kami umuwi ng Batangas. If you want, I can ask my friend to accommodate you, pwedeng doon ka tumuloy baby habang sinasamahan mo yang si Gelo. " nagulat ako sa sinabi ni ate. Akala ko may naiisip syang ibang solusyon, yun pala ako rin yung ipadadala nya dun. Sabagay sino ba ang dapat tumulong kay Gelo? Ako lang talaga dapat.
" You mean, mag-isa akong titira dun for one week? Hindi rin ako mapupuntahan ni Gelo dahil makikita ako ng mga kasama nya." sabi ko.
" Hala baby, kailan pa naging mahina yang utak mo? Of course, pupunta ka doon ng hindi ganyan ang itsura mo. Siguro naman sa ilang beses ka ng inayusan ni Ritz, marami ka ng natutunan mula sa kanya."
" Okay I get it. "
" And you Gelo, pwede kang magpaalam na may bahay kang uuwian para hindi ka na sumama sa kung saan uuwi ang production team nyo. That way, makakaiwas ka kay Gwyneth. "
" Paano kung may sumama sa akin na makipanuluyan din doon? " tanong ni Gelo kay ate.
" Maliit lang yung bahay Gelo. Pang dalawang tao lang talaga. May matandang care taker dun, si manang Oying, tiyahin ni Demi, yung friend ko na may-ari nung bahay. Pwede nyong pakiusapan na kunwari sila ni baby ang magkasama sa bahay, in case na may sasama lang sayo. Kung wala naman, pwede naman umuwi na si manang sa kanila pagdating mo galing shooting . Yung bahay naman nila eh katabi lang nung bahay na uuwian nyo. " tumango-tango si Gelo sa suggestion ni ate Shane.
After ng pag-uusap namin, nagpaalam si ate Shane na pupunta dun sa friend nya na may house sa Batanes. She will ask for permission para sa pansamantala naming pagtuloy doon sa bahay nya. Then nag-impake na rin ako para sa sarili. Sinigurado ko na nandun lahat ng kailangan ko na pang disguise na galing kay ate Ritz.
___________________
NAUNA na akong bumiyahe sa Batanes. After na makapag-paalam si ate Shane kay ate Demi, yung friend nya. Nagpadala din ito ng mga groceries para kila manang Oying at sulat para tulungan ako sa pananatili ko ng ilang araw sa bahay nya.
So far, maayos naman akong nakarating sa bahay ni ate Demi bago mag-tanghalian. Nakausap ko na rin si manang Oying at ibinigay ko sa kanya yung mga padala ni ate Demi at yung sulat.
Magiliw naman nya ayong hinatid sa bahay na nasa katabi lang ng bahay nya.
Maayos naman yung bahay ni ate Demi. Malinis ito kahit napaka-simple lang dahil wala naman itong mga modernong kagamitan.
All Ivatan houses are made of lime, stone, wood and thatch. Hindi tipikal na bahay na makikita mo dito sa bansa. The houses are made of metro thick limestone and coral walls to protect the people against the harsh environmental condition and sturdy enough to withstand strong winds. Pare-pareho ang istilo ng mga bahay at halos malapit lang ang pagitan ng bawat isa.
Ang loob ng bahay ay nahahati lang sa dalawa, living room at kitchen. Malaki ang living room dahil nandoon na pati tulugan na natatabingan lang ng makapal na kurtina bilang partisyon sa sala.
So far, makakaya ko namang tumira dito. Tahimik at presko ang hangin. Medyo mapapahinga ako sa ingay at polusyon ng lunsod.
Dumating si Gelo kasama ang buong team nila nung mga bandang hapon na. Nalaman ko ito sa text message na pinadala nya.
Sinabi nya kung saan sila naka-check in. At ayon naman kay manang Oying, malapit lang daw yun dito sa tinitirhan namin. Pwedeng lakarin.
Suot ang isang simpleng blouse at mahabang palda na hanggang sakong, lumabas ako ng bahay para puntahan si Gelo sa tinutuluyan nila. Sinabi ko sa text na pupuntahan ko sya. Pinasama ni manang Oying yung isang dalaga nyang anak na si Oliba para hindi ako maligaw.
Pinasuotan din ako ni manang Oying ng Vakul. Isa itong headgear na gawa sa palm fiber na ginagamit ng mga Ivatan bilang proteksyon sa init ng araw o sa ulan.
Nung makarating kami ay naroon na si Gelo sa labas ng bakuran nung tinutuluyan nilang bahay. Moderno ang bahay na inookupahan nila, hindi katulad ng mga normal na bahay ng mga tao dito. Gawa rin ito sa bato ngunit moderno ang disenyo.
" Pinayagan ka?" salubong ko kaagad sa kanya.
" Yeah. Medyo masikip din kami dito.Ayaw nga sana. Sinabi ko lang na may kamag-anak sila mommy dito na naghihintay sa akin kaya pinayagan na rin ako." paliwanag nya.
" Si Oliba nga pala, anak ni manang Oying. "
" Hi! Nice meeting you Oliba. I'm Gelo." nilahad ni Gelo yung kamay nya kay Oliba pero natulala ang loka. Kaya siniko ko sya. Saka lang natauhan at nanginginig pa ang kamay na inabot yung kamay ni Gelo. Natawa ako.
" Tao rin yan Oliba kaya wag ka dyan na para kang nakakita ng Diyos. " biro ko kaya natatawa na lang sya na napapakamot pa sa ulo.
" Kasi naman manang ang gwapo pala nya sa personal." nahihiya pang turan ni Oliba. Pulang-pula na ang mukha na parang hindi pa makapaniwala na kaharap nga niya si Gelo Montero.
" Gelo! " napalingon kami sa tumawag. Nakita namin ang tumatakbong si Lester papunta kay Gelo.
" What?"
" Maaga ka raw bumalik bukas sabi ni direk. Ohh sino sila? " biglang nabaling ang atensyon ni Lester sa amin. Ngayon lang siya siguro nakakita ng native Ivatan.
" Ah sila yung sundo ko, mga kamag-anak. Si Oliba at Ai—I mean Shanang." muntik pang mabanggit ni Gelo yung pangalan ko pero gusto kong matawa sa ibinigay nyang pangalan ko. Seriously?!
" Nice meeting you both Oliba and Shanang. I'm Lester." lahad din nya ng kamay nya. Ako na ang unang nag-abot ng kamay ko dahil tulala na naman si Oliba.Nung mahimasmasan ay nahihiyang inabot ang kamay ni Lester na ilang segundo ring nabitin sa ere. Natatawa na lang kami ni Gelo sa kanya.
" Sige pre mauna na kami. Pakisabi na lang kay direk na aagahan ko na lang bukas." sabi ni Gelo sabay tapik sa balikat ni Lester.
" Hindi ba talaga ako pwedeng sumama sayo?" nakalabi pang tanong ni Lester.
" Maliit nga lang yung bahay nila pre."
" Buti pinayagan ka ni Gwyneth? " hirit pa ni Lester.
" Bakit naman hindi? "
" Ewan ko sa inyo. Ang gulo nyo." sumusuko nyang turan.
" Alam mo naman pre di ba? " sabi ni Gelo.
" Oo. Na hindi ka pwede sa relasyon dahil nasa contract mo. Ano landi-landian lang, ganon? " saad ni Lester.
" Haha. ganon nga ba? ! "
" Ewan! Sige na nga alis na kayo, gumagabi na. " taboy ni Lester sa amin saka na siya nagmadaling pumasok sa bahay panuluyan.
Nagkatinginan na lang kami ni Gelo at sabay na naglakad pauwi kila manang Oying. Nauuna sa amin si Oliba.
" Ang galing na naman nyang disguise mo. Mukha ka talagang Ivatan. " bulong nya sa akin.
" Paano mo akong nakilala kung ganon?" tanong ko.
" Syempre pag konektado ka sa isang tao lalo na kung mahal na mahal mo, kahit anong pagtatakip nya sa itsura nya, malalaman mo pa rin na siya yun. Dahil ang hindi nakikita ng mata ay nararamdaman ng puso. "
Pasensya na kung hindi naka pag-update kaagad, very busy si author. Busy rin sa pag-eedit at pag translate dahil magkakaroon ito ng English version. Don't worry may kasunod agad ito na isa pang chapter.
Thank you for reading!