Shanaia Aira's Point of View
HINATID ko si mommy at si ate Shane sa bahay namin dahil wala silang dalang sasakyan. Malapit lang naman sa amin yung resto kung saan nag-blow out si Mr. Chan. Kung kaya't wala pang bente minutos ay nasa bahay na kami.
Nasa bahay na si daddy at kuya Andrew nang dumating kami.
" Saan galing ang tatlong magaganda namin? Mukhang ginabi na kayo." tanong ni daddy nung humalik kaming tatlo sa kanya.
" Ngayon yung premiere night nung movie ng mamanugangin natin di ba? Nagpaalam ako kaninang umaga sayo." sabi ni mommy kay daddy.
" Ah ngayon pala yon. Kumusta naman ang movie ni Gelo?" tanong ni daddy.
" Hayan tanungin mo si bunso dad, hanggang ngayon parang lutang pa rin yan. " turan naman ni ate Shane.
" How was it baby? " hinarap ako ni daddy.
" Standing ovation dad. I'm so proud of him. " masayang balita ko.
" Of course. He's really good at his craft. We're all proud of him either. " dad said and it warmed my heart. Masaya ako dahil mahal nila si Gelo gaya ng pagmamahal nila sa akin.
Hindi agad ako nakaalis sa amin dahil nagyaya pa sila daddy na magkape. Na-miss daw kasi nila akong kasama. Sayang at tulog na si Dindin. Miss na miss ko na rin ang batang yon.
Sinamahan pa nila ako sa kotse ko nung pauwi na ako. Kung hindi ko lang sinabi na uuwi si Gelo sa condo, hindi nila ako pauuwiin.
" Ganda ng kotse mo baby ah. Sana pala yan na lang ang hiniram ko kanina." sabi ni kuya Andrew.
" Sus kuya kanina lang yung kotse ko ang maganda sa paningin mo, matapos mong gamitin parang nanghinayang ka pa." naka-simangot na wika ni ate Shane.
" Haha. joke lang sis, ikaw naman di na mabiro. Bukas pahiram ulit ako ha? " pangungulit pa ni kuya.
" Sabi ko na nga ba eh!" naiinis na maktol ni ate.
" Nasaan ba kasi yung kotse mo kuya? " tanong ko.
" Nasira, nasa talyer. Bumili na ako ng bago kaya lang hindi pa ayos yung rehistro. " tumango na lang ako.
" Sige alis na po ako." paalam ko saka humalik sa kanila isa-isa.
" Mag-iingat ka bunso sa pagda-drive. Tumawag ka dito pag nasa condo ka na ha?" bilin pa ni mommy.
" Opo. " sagot ko saka nagmaneho na palabas ng bakuran namin.
Medyo maluwag na ang traffic sa Edsa nang binabaybay ko na ang kahabaan nito. Halos 10pm na kasi kaya medyo maluwag na.
Nasa condo na kaya si Gelo?
Ten thirty nang marating ko ang parking lot ng condo. Medyo inaantok na ako nung sumakay ako sa elevator. May ilan pa rin na naka-sabay ako at yung iba nga taga itaas pa. Halos kilala ko na ang ilan dahil sa dalas na makasabay ko sila. Binati pa nga ako nung pagsakay ko.
Ako lang yung bumaba sa floor namin kaya medyo natakot ako dahil sobrang tahimik.
Nung nasa harap na ako ng pinto ng unit namin ay agad ko ng pinindot ang password para bumukas ang pinto.
Napanga-nga ako sa gulat ng makita ko si Gelo na nakaupo sa couch sa living room.
" Bhi!" napalingon sya at ngumiti agad ng malapad. Inilahad nya ang dalawang braso nya para lumapit ako sa kanya.
Patakbo akong pumunta sa kanya at ng makarating ako ay kumandong agad ako sa lap nya. Iniyakap naman nya kaagad ang mga braso nyang nakalahad kanina.
" I miss you bhi." sabi ko habang hinahalikan ko ang buong mukha nya.
" Obvious nga baby, pinapak mo na ang buong mukha ko eh." natatawang sambit nya.
" Sus ito naman parang ako lang ang naka-miss sa ating dalawa ha?" naka-pout ko pang wika.
" Shanaia Aira Montero walang oras, minuto at segundo na hindi kita na-miss. Kung alam mo lang kanina gusto na kitang iuwi. Tapos pag-uwi ko naman wala ka pa. Saan ka ba galing at nauna pa ako sayo hmm? " tanong nya. Siya naman ang humahalik ngayon sa buong mukha ko.
" Walang kotse si mommy at ate Shane, kaya hinatid ko muna sila. Tapos nung nandun na, niyaya pa nila akong mag-coffee. "
" Bakit hindi ka nag-text? Nag-alala kaya ako sayo. "
" Sorry bhi. Akala ko kasi kasama mo pa ang buong production team kaya hindi na ako nag-text. "
" Okay.Nag-alala lang naman ako sayo. Come on, let's take a hot bath para makapag-pahinga na tayo." untag nya sa akin saka ako kinarga papunta sa room namin. Buti na lang nakabalik na si Linda kila tita Mindy kundi naeskandalo na yon sa itsura namin ni Gelo ngayon.
" Pahinga lang talaga ha? " tudyo ko.
" Hahaha. Ikaw naman baby, hindi ka na nasanay!"
Nilapag nya ako sa kama tapos pumunta sya sa bathroom para lagyan ng tubig yung bath tub. Tapos binalikan nya ako para umpisahang tanggalin unti-unti yung suot kong damit. Hinayaan ko lang siya sa ginagawa nya. Trip-trip lang yan.
Nang matapos sya sa akin ay yung sarili naman nya ang pinagtuonan nya ng pansin. Nakahantad ngayon sa paningin ko ang katawan nya. He was physically fit with the right amount of muscles on his chest and shoulders. Gifted talaga si Gelo.
" Baby laway mo tumutulo." nagulat pa ako ng bahagya nung nagsalita sya. Awtomatikong kinapa ko ang gilid ng labi ko.
" Tse wala naman. Ikaw nga dyan nanlalaki yang mata mo kakatingin sa akin."
" Syempre ang lalaki kasi nila." sambit nya habang nakatingin sa dibdib ko. Hinampas ko sya sa dibdib.
" Puro ka kalokohan bhi. Tara na nga!" hinila ko na sya papunta sa bathroom.
Hindi ko na idedetalye ang mga aktibidades namin ni Gelo sa bath tub. Basta nagtagal kami sa loob. Alam na kapag nagsama ang isang maharot plus isang marupok, equals magdamag na exercise na yan. Saan ka pa?
__________________
FEB. 14, Valentine's day. Showing din ito ng movie ni Gelo. Simula nung harutan namin sa bathroom nung gabi matapos ang premiere night, hanggang ngayon hindi pa kami nag-kikita ni Gelo. Nagpaalam kasi ako na uuwi muna sa amin tutal busy naman sya pero ang totoo sa Tagaytay ako umuwi para asikasuhin ko yung surprise ko sa kanya para sa 6'th year anniv namin.
Simple lang naman ang gagawin ko. Magdi-dinner kami sa mismong garden namin. Aayusan ko ito. Hiningi ko ang tulong ni aling Bebang yung asawa ni Mang Turing pati yung anak nilang dalagita na si Menchu para mag decorate. Nagpalagay ako ng mga ilaw na parang Christmas lights sa bawat puno sa paligid ng bakuran, nagpabili ako ng ibat-ibang klase ng bulaklak para ilagay sa palibot ng garden.
Kagabi lang ako dumating dito sa Tagaytay. Kausap ko nga si Gelo kagabi sa phone. Nasa office daw sila ni Mr. Chan bilang paghahanda sa showing nila. Tapos ngayong umaga tumawag siya para sabihin na paalis na sya ng condo kasi mag-iikot sila sa mga movie theatre ngayong araw. Hinihintay ko na batiin nya ako ng Happy Anniversary o Happy Valentines day kaya, pero wala syang binanggit. Magtatampo na sana ako pero nag I love you naman sya kaya forgiven na.
Paglabas ko ng bakuran ay napangiti ako sa nasilayan ko sa garden. Finishing touch na, inilalagay na lang ni Menchu yung mga red and white baloons sa mga sanga ng puno.
Nakahanda na rin sa gitna yung table for two. Mamayang gabi na lang ilalagay yung pagkain.
" Ma'am paano po kung hindi umuwi dito si sir Gelo dahil hindi nyo naman po sinabi na umuwi kayo dito? " tanong ni Menchu sa akin habang inaayos ko yung mga bulaklak sa palibot ng garden.
" Dati kasi napag-usapan namin na uuwi kami dito kapag may special occasion. Ngayon ko malalaman kung tutupad din sya sa usapan. Kung hindi sya uuwi, eh di tayo ang magse-celebrate dito mamaya, ganon lang kasimple yun."
8pm ng i-set na namin ang table. Maghihintay ako hanggang 10pm sa kanya dahil yun ang oras na sinagot ko sya six years ago on Valentine's day. Pinakain ko na kanina ang pamilya ni Mang Turing para hindi naman sila magutom habang naghihintay kami kay Gelo. Nag juice at sandwich naman ako para may laman din ang tiyan ko kahit paano.
9pm na. There's still no sign of Gelo. Kahit tawag o text wala rin.
9:15 na. Nag-uumpisa na akong kabahan na baka hindi na sya dumating at nakalimutan na nya yung usapan namin noon.
9:30 na. Hindi na ako mapakali. Kahit paano nakakaramdam na ako ng hiya dahil baka naiistorbo ko na ang mag-anak na Mang Turing.
9:40
9:45
9:50...Naiiyak na ako. Hindi na yata talaga uuwi si Gelo. Tumayo na ako at nagsimulang tingnan ang paligid na pinaghirapan naming ayusan. Sayang ang effort.
9:55...Nakalimutan na talaga nya. Hindi nya nga rin ako binati kanina. Simula nung maging kami, never nyang kinalimutan ang araw na ito. Ganon ba talaga sya kaabala para makalimutan nya ang araw na ito?
9:57 ng magsimula akong humakbang para tawagin na sina Mang Turing para magligpit na. Hindi pa ako nakakalayo ng may marinig akong putok ng fireworks kaya napatingala ako sa pinanggalingan.
Wow! Ang ganda!
Maya-maya napatutop na lang ako sa bibig ko ng unti-unting nagkakaroon ng mga hugis yung usok. Mga letra na bumubuo ng mga salita. Naiyak ako ng mabasa ko yung nabuong salita.
HAPPY 6'TH YEAR ANNIVERSARY MY BABY AIRA. I LOVE YOU SO MUCH.
Umiiyak ako habang nakatingin sa langit. Hindi pala nya nakalimutan. Kung ano-ano pa inisip ko kanina.
" Umiiyak ka na naman." agad akong napalingon sa likuran ko. Nandoon si Gelo, nakatayo at may hawak na isang bouquet ng pink and lavender Tulips.
Patakbo akong lumapit sa kanya at ng magpang-abot kami ay bigla ko syang dinaluhong ng yakap.
" Kainis ka bhi, akala ko nakalimutan mo na. Ni hindi mo man lang kasi ako binati kanina." sabi ko habang nakasubsob ako sa dibdib nya.
" Sinadya ko yon kasi may surprise nga ako sayo. Matagal ko ng inutos ito kay Mang Turing bago mo pa naisip yang plano mo. " shock akong napatingin sa kanya.
" You mean alam mo itong plano ko? "
" Nahulaan ko lang. Kasi di ba usapan natin na kapag may special occasion uuwi tayo dito? Kilala kita, mahilig kang gumawa ng mga surprises. " nakangiti nyang turan tapos mabilis nya akong kinintalan ng halik sa labi.
" Hmp. sa susunod hindi na ako magsu-surprise. Nabubuko mo naman ako eh.Ako pa tuloy yung nasusurpresa. " maktol ko.
" Huwag naman. Gusto ko pa rin naman na sinusurpresa mo ako. " sabi nya.
"Okay. Tara kain na tayo kanina pa ako gutom." untag ko sa kanya. Nakatingin lang sya sa akin, I mean nakatitig pala.
" What?" malambing kong tanong.
" Nothing. I just want to stare at my life. You are my life and my home baby. No matter where I go, you will always be the one person I would always go back to. If I don't see you in a day, I feel like I'm incomplete. I love you so much Mrs. Montero, always remember that. " mas hinigpitan ko pa lalo ang yakap ko sa kanya. Mahal na mahal ko ang taong ito kaya lang pakiramdam ko mas mahal nya ako.
" I love you so much too bhi. Alam ko kung kailan nagsimula ito pero ang hindi ko alam kung matatapos pa ito. Wala akong balak tapusin bhi dahil kung magkagayon para ko na ring kinitil ang sarili kong buhay. Mahal kita, walang rason, walang dahilan basta mahal kita. "
He smiled sweetly at me. After that he cupped my face and kiss me passionately.
Oh what a great way to celebrate our anniversary that I thought he forgot.
Ang sweeeetttt.. sana all talaga.
Thank you for reading!