Shanaia Aira's Point of View
CHRISTMAS EVE. Lahat kami sa bahay ay busy sa paghahanda para sa noche buena. Dalawang oras na lang kaya iniayos na namin sa long table ang lahat ng handa na pinagtulung-tulungan naming lahat na iluto. Si mommy at si ate Shane sa ilang putaheng ulam, ako sa spaghetti at desserts, si Gelo at kuya Andrew sa grilled pork and chicken at si daddy ang namahala sa drinks. Maging si Dindin ay may ambag sa gawain, siya ang nagbalot ng mga chocolates at candies na ipamimigay sa mga batang mamamasko.
Matapos iayos ang long table ay nagpaalam na ako na maliligo saglit. Nagulat na lang ako dahil hindi pa ako nagtatagal sa bathroom ay heto na ang gorgeously handsome na si Gelo, nakikisabay na sa pagligo ko.
" Hoy bhi more than one hour na lang tatawagin na tayo para sa noche buena. Huwag mong sabihin na mag-eexercise pa tayo?" sita ko sa kanya na wala ng hiya na naghubo't hubad sa harap ko.
" Hala! assuming ang magandang ale. Kunwari ka pa baby, gusto mo lang akong mag-exercise talaga. Pagod ako, wag muna ngayon. " naku binaligtad pa ako ng mokong na to.
" Sus Ariel Angelo, mga style mo, bulok na. Pagod daw eh hayan at pinangangalandakan mo yang katipunero mo. Hayan at tulo laway ka na sa akin oh. "
" Hahaha. Hindi talaga ako lulusot sayo. Pero baby, pagkatapos ng noche buena ha?" pa cute pa ang mokong.
" Sige, tutal two days ka ng walang exercise kaya pagbibigyan kita but in one condition? "
" What is it hmm? " tanong nya sabay yakap sa akin mula sa likuran at hinalikan ako sa balikat.
" Behave ka mamaya kay Jaytee ha? He's just a friend kaya hindi mo kailangang magselos. "
" Okay. " tipid nyang tugon.
" Hmp. duda ako dyan sa tono mo. Sige ikaw din, wala kang exercise!" banta ko pa.
" Okay na nga di ba? Ito naman hindi na mabiro." ngising-ngisi pa ang damuho.
Bago mag twelve midnight ay lumipat na sila lolo Franz sa amin. Dito kaming lahat sa amin magno- noche buena. Noong nabubuhay pa kasi si lolo Fabian at lola Elena, dun naman kaming lahat kila lolo Franz lumilipat kaya ngayon sila naman.
Ilan lang silang lumipat. Wala kasi si tito Frank at tito Fred dahil sa Pilipinas sila nag-celebrate ng pasko. Ang kasama lang ni lolo ay yung mga anak niyang babae sa first wife nya tapos si tita Laine at tito Nhel. Wala ang mga anak nila na si ate Aliyah nagtatago daw ito, ewan ko lang kung sinong tinataguan. Baka yung boyfriend nya na taga- Sto. Cristo. Si Neiel naman ay nasa Switzerland kasama si Andrei. Kasama rin yung mga kapatid ni tita Laine na sina tito Rogen, tito Earl at tito Drake. Dito na sila naninirahan. Katuwang sila sa pagma-manage ng mga business ni lolo Franz dito sa US.
Magulo at maingay pero masaya kami dahil halos kumpleto kami. Bibihira ang pagkakataon na ganito. Sa Pilipinas madalang kaming magkasama-sama kung wala lang importanteng okasyon, hindi kami magkikita-kita. Sila na lang talaga ang pamilya ni mommy dahil dalawa lang naman sila ni tita Jellyn na magkapatid. Si lolo Franz na rin ang halos kinagisnan naming lolo dahil bata pa lang kami ng mawala ang mga magulang nila momny.
Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng tumunog ang door bell. Mabilis namang kumilos ang isa sa mga kasambahay para tunguhin ang nasa gate.
" Good evening po. Merry Christmas po sa inyong lahat." tinig ni Jaytee ang nagpalingon sa aming lahat sa may bungad ng dining room. May dala itong isang box ng cake, wine at isang basket ng prutas.
" Uy Jaytee! Family, I invited him here, this is Jaytee Arellano my high school classmate." pakilala ko sa kanila kay Jaytee tapos pinakilala ko sila isa-isa kay Jaytee.
" Come join us here hijo. Arellano ka nga ba?" tanong ni daddy kay Jaytee habang iminuwestra niyang umupo) ito sa tabi ni tito Nhel. Kumilos naman ang mga kasambahay, kinuha mula sa kanya yung mga bitbit nya tapos binigyan sya ng plato at mga kubyertos nung makaupo na sya.
" Opo tito. Arellano from Quezon City po. " magalang na sagot ni Jaytee habang kumukuha ng pagkain sa hapag.
" Oh, are you related to the former vice mayor Jacob Arellano?" tanong naman ni kuya Andrew.
" Opo sir. He's my dad. "
" Really? Kumusta na sya? Hindi na sya ulit tumakbo nung nakaraang election." tanong muli ni kuya.
" Siya na po kasi ang personal na umaasikaso sa pharmaceutical company namin sa Canada. " sagot naman nya at inumpisahan ng kumain.
" What do you mean? Sa inyo rin ba yung pinapasukan mong pharmaceutical company dito ngayon? " nahihiyang tumango si Jaytee sa tanong ko.
" Bago pa lang sya. Ako at ang kuya ko ang nagma-manage dito. " tumango-tango ako. Wow! ang galing naman. Ang bata pa lang nya nagma-manage na siya ng isang malaking company. Swerte naman ng magiging asawa nya.
hoy Aira, hindi ka ba swerte kay Gelo? singit ng isang bahagi ng isip ko.
Hala wala naman akong ibig sabihin dun. Syempre sobrang swerte ko kay Gelo, at wala na akong mahihiling pa.
Matapos kumain ay nagyaya na ang mga kalalakihan na mag-inuman habang ang mga kababaihan naman ay nag-kwentuhan. Tumanggi si Jaytee sa paanyaya ni lolo Franz na sumali sa kanila sa inuman. Bawal daw sa kanya dahil may ulcer sya at kasalukuyang naggagamot.
" Baby sasaluhan ko lang sila saglit ha?" paalam ni Gelo sa akin.
" Sige bhi pero wag kang sumobra ha? Ikaw din." nakangiting sabi ko tapos kumindat ako sa kanya. Alam na nya ang ibig sabihin nun.
" Of course, I know." sabi nya sabay yakap sa akin at hinalikan ako sa ulo.
" Sige na punta ka na kila daddy, kakausapin ko lang si Jaytee dun sa living room, wala syang kausap." sabi ko tapos sinimangutan nya ako.
" Oh sabi ko ng wag magselos eh. I'm already yours and my heart is with you."
" Can't help it baby. Look at the man and I admit that he's something, marami ang babaeng maaaring mahumaling din sa kanya. " turan pa nya. Aminadong hindi lang sya ang ganon. Kaya nga threat si Jaytee sa kanya noon pa.
" Bhi totoo yan pero hindi ako isa sa mga babaeng sinasabi mo. Wag kang kabahan dyan, dahil alam mo na simula noon hanggang ngayon isa lang ang gusto ko at mahal ko. Yung gwapong aktor na tinitilian at mahal ng masa. Yung mahilig mag exercise kahit tanghaling tapat. " humagalpak sya ng tawa sa huling sinabi ko.
" Ikaw talaga baby, hindi mo mapanindigan na puro seryoso ang usapan, lagi na lang tayong nauuwi sa tawanan. "
" Aba kung puro seryoso tayo baka mauwi tayo sa iyakan. Ang pangit ko pa namang umiyak. Ikaw lang naman yung gwapo pa rin kahit umiiyak. Ang unfair lang di ba? "
" Hahaha. Oo na, binola mo na naman ako. "
" Hoy huwag kang tumawa dyan! Baka akala mo nakalimutan ko na wala ka pang regalo sa akin hanggang ngayon. " sabi ko. Nagtataka naman nya akong tiningnan.
" Oh you mean hindi mo pa nakikita? "
" Ang alin? Saan? "
" Yung gift ko sayo. Nilagay ko kanina sa ilalim ng unan mo. "
" Hay bhi alam mong pag bumangon ako hindi ko na binabalikan ulit yung higaan ko. Sige mamaya titingnan ko. Yung gift ko sayo nakita mo? " tanong ko. Ngumiti sya sabay pakita nung braso nya kung saan nakasuot yung gold wrist watch na regalo ko.
" Thank you baby for this. " turan nya tapos hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko at ginawaran ako ng magaang na halik sa labi.
" Thank you din dun sa gift mo sa akin bhi." akmang hahalikan nya ulit ako sa labi pero naudlot dahil biglang nagsalita si kuya Andrew. Naiwan pang nakahawak yung kamay nya sa pisngi ko.
" Ehem! Gelo tawag ka na ni dad. Mamaya nyo na ituloy yan." sumungaw si kuya Andrew na may ngiting nang-aasar. Napatingin si Gelo at namumulang napakamot na lang sa ulo.
Si kuya talaga, wrong timing. Nandun na eh!
Pasensya na, wala akong internet nitong nakaraang araw. Bawi na lang ako sa susunod. Thanks for reading.